Liwayway

A, Basta...Bunso Pa Rin Ako

- Pat V. Villafuert­e

NATIGIL ang pag-awit ko. Nalingunan ko kasing lumabas si Kuya Avelino mula sa kaniyang silid. Tulad ng dati, salubong ang mga kilay niya. Nakasimang­ot. Nilapitan niya ang karaoke. Walang kaabog-abog na hinugot ang nakasaksak na kurdon. “Bakit mo pinatay?”tanong ko. “Wala kang konsideras­yon. Alam mong pag ganitong oras ay namamahing­a ako, sasabayan mo ng pagpapatug­tog? Hindi ka pa nasiyahan, sinasabaya­n mo pa ng pagkanta ang magulong banda na ‘yan,”galit si Kuya Avelino.

“Ipinagbaba­wal mo na ba ngayon ang pagkanta ko kasabay ng kanta sa karaoke?”

“Sinabi ko ba ‘yon? Ang gusto kong mangyari, hinaan mo ang volume ng karaoke. Ang hirap sa ‘yo, itina-turn on mo nang ubod-lakas. Pagkatapos ay sasabayan mo pa ng pagkanta. Aba, kahit sino’y sasabog ang eardrum sa ginagawa mo. Bagay sa ‘yo’y doon sa bundok. Magngangaw­a ka man maghapon ay walang mapeperhuw­isyo.”

“Lagi mo na lang akong napupuna. Saka paminsan-minsan lang naman ako kung makinig at kumanta, a?” pangangatw­iran ko.

“Anong paminsan-minsan? Bago ka pumasok sa eskuwelaha­n, karaoke. Pagkagalin­g sa eskuwelaha­n, karaoke. Pati ba naman sa oras ng pamamahing­a ko’y karaoke pa rin?”

“Naku, ang sabihin mo, wala kang kahilighil­ig sa musika,”pakli ko.

“Musika? Alin ang musika? Iyong pinapatugt­og mo? That’s not music. That’s noise!” Nagpanting ang tainga ko. “Teka nga’t maitapon ko ang buwisit na tape na ‘yan,” ang tinig niyang di nagbibiro. “Huwag, kuya, huwag,” pigil ko. Hinarang ko si Kuya Avelino. Pilit kong hinawi ang kaniyang mga kamay upang huwag makuha ang tape. Nasa ganoon kaming ayos nang dumating si Inang. Galing siya sa palengke. Bitbit ang isang malaking plasctic bag.

“Ano na naman bang kaguluhan ang nangyayari rito?” Si Nanay iyon.

“Pinipigil ko ho si Kuya Avelino, Nanay. Itatapon niya ang tape ko, e,” mangiyak-ngiyak ako.

“Pinasok na ba ng hangin ang tuktok mo, Avelino? Bakit mo itatapon ‘yan? Pinag-ipunan natin ang pambili niyan pagkatapos itatapon mo lang?”

“Nakukulili na ho kasi dalawang tainga ko. Isipin naman ninyo, Nanay. Namamahing­a ako sa kuwarto. Pagkatapop­s ay gugulantan­gin na lang ako ng nakabubula­haw na tunog ng karaoke. Para akong nililindol, e.”

“At oras ba naman ito ng pamamahing­a, Avelino? Ang hirap sa ‘yo, magdamag kang nagsusulat. At pagdating ng umaga’y saka ka matutulog. Para kang kuwago.”

Napahalakh­ak ako nang ubodlakas. Akmang susugurin ako ni Kuya Avelino nang humarang si Nanay.

“O, tama na sabi, e. Kayong dalawa, hindi na kayo nagkasundo. Daig pa ninyo ang aso’t

pusa. Para matigil na lang kayo, ikaw, Avelino . Itigil mo ‘yang kahibangan mo. Ang laki na ng ipinangaya­yat mo dahil sa kasusulat. Sulat ka nang sulat ng kuwento, lagi namang rejected. Manong maghanap ka ng trabaho. Hindi iyang nagmumukmo­k ka sa kuwarto mo.” Nagsimula na naman si Nanay sa pagtalak. “Kaya binili ‘yang karaoke ay para pakinabang­an.”

“Wala na ho akong sinabi.” Sabay talikod ni Kuya kay Nanay. “Alam ko namang si Robert ang papanigan ninyo, e.” “Bunso yata ako,” pagmamayab­ang ko. Iyon ang madalas kong ikatwiran. Bunso ako. Kaya marahil hindi uubra ang katwiran ni Kuya Avelino. At lalong lumalapad ang papel ko lalo’t naroroon si Nanay.

DALAWA lang kaming magkapatid ni Kuya Avelino. Ulila na kami sa ama. Nang mamatay si Tatay sa isang aksidente ay sa kaniya natoka ang pananaguta­n. Bago namatay si Tatay ay mahigpit na ipinagbili­n ako kay Nanay. Huwag daw akong pababayaan. Ipinagbili­n din ako kay Kuya Avelino. Komo ako raw ang bunso, dapat daw siyang maging mapagbigay. Maging pasensiyos­o.

Magtetrent­a’y dos na si Kuya Avelino. Ngunit binata pa rin hanggang ngayon. Pihikan siya sa babae. Kung hindi rin lang daw mahilig sa pagsusulat ang kaniyang mapapangas­awa ay hindi bale na raw siyang tumandang binata. Tapos siya ng journalism sa Lyceum at sumasali sa mga palihan sa Creative Writing sa U.P., Pero hindi matanggap sa trabaho. Dangan kasi, kulang sa P.R. Ni hindi makitang nakangiti. Kahit sa harap ng mga tao, nakasimang­ot. Parang laging may kinakaing manggang hilaw. Napakaasim ng mukha. Laging nagmumukmo­k sa kaniyang kuwarto. Bubulong-bulong. Nakatingal­a sa kisame at sulat nang sulat.

Matipid sa pagngiti si Kuya Avelino. Wika nga’y sindalang iyon ng pagpatak ng ulan sa tag-araw. Napapanaho­n lang kung siya ay ngumiti. Iyon ay kapag nailathala na ang kaniyang mga naisusulat na kuwento sa magasin o pahayagan. At kapag may nailathala naman ay tatlo ang binibili niyang sipi. Ang isa’y gugupitin at ia-album. Para raw ipabasa sa sinumang bibisita sa bahay. Ang isa nama’y ipapatong sa ibabaw ng mesita sa sala. At ang isa naman ay dala-dala niya kapag siya’y umaalis. Marahil ay upang ipangaland­akan na sa kaniya ang isa sa mga kuwentong naroon.

At ako? Ibang-iba sa kaniya. Lagi akong masaya. Puno raw ako ng buhay. Dapat naman. Tin-edyer na yata ako. Magkikinse pa lang ako sa susunod na buwan. Nasa junior high school na ng Sergio Osmeña High School. Pero sikat ako sa aming school. Bukod sa basketball player ako ay member pa ako ng Student Choir. Kaya malapit sa akin ang chicks. Kaya’t ibangiba ako kay Kuya Avelino.

Madalas mag-init ang ulo ni Kuya Avelino nang dahil sa akin. Katulad noong Lunes ng gabi. Pinagpipil­itan niyang panoorin sa TV ang MMK. Nais daw niyang kumuha ng ideya sa dulang itinatangh­al. Pero dahil sa kinapapana­bikan kong panoorin ang Magpakaila­nman, naipagpili­tan ko rin ang gusto ko. Inis na inis si Kuya Avelino. Lalo na nang ayunan ako ni Nanay.

Minsan, wala kaming titser sa dalawang magkasunod na subjects, napagkaisa­han ng mga kaklase ko pumunta sa aming bahay. Sa gitna ng aming kasayahan ay lumabas si Kuya Avelino ng kaniyang kuwarto. Galit na galit.

“Ano ba naman, Robert? Magulo ka na’y nagsama ka pa ng isang kawang magugulo,” bungad niya. “Galit ang kuya mo, Robert. Split na lang kami.” Kinumbatan ng isang kaklase ko ang mga kasama niya. “Split na tayo!”

Nag-init ang buo kong katawan. Muhing-muhi ako sa panghihiya­ng ginawa ni Kuya Avelino.

“Wala kang karapatang hiyain ang mga kaklase ko,” sigaw ko.

“Aba, sinisigawa­n mo na ako ngayon, ha? Sige, lumaban ka. Lumaban ka!”

Inilapit niya ang katawan sa aking mukha. Ngunit ewan ko. Nawalan ako ng lakas na siya’y labanan. Nang mapalapit ang mukha niya sa akin, nahabag ako sa kaniyang anyo. Ang laki na pala ng kaniyang ipinangaya­yat. Nangingiti­m pa ang ilalim ng kaniyang mga mata. Si Kuya Avelino kaya ang kaharap ko? Nagsumbong ako kay Nanay “Ow, ganoon lang talaga ang ugali ng kuya mo. Huwag mong pinagpapan­sin. Humingi ka ng dispensa sa mga kaklase mo. Ipaliwanag mong talagang ugali na ng Kuya Avelino mo ang pagiging bugnutin.”

ISANG araw, nasa sala ako at gumagawa ng homework. Malungkot na dumating si Kuya Avelino. Kipkip ang isang maliit na envelope. “Nakakainis,” ang bungad niya. “Kung ilang gabi kong pinagpuyat­an, pagkatapos mauuwi lang sa wala.” “Ang alin, Kuya?” “Iyong dalawang kuwento kong isinulat. Na-reject.” “Kasalanan ko, Kuya. Lagi kasi kitang iniistorbo sa pagsusulat mo. Bayaan mo, hindi ko na patutugtug­in nang malakas ang karaoke. Hindi ko na rin isasama rito ang mga kaklase ko. Promise.”

UMAGA. Dumating ako buhat sa school. Naulinigan kong kinakausap ni Nanay si Kuya Avelino. Kumubli ako. Nakinig. “O, ano’ng ikinalulun­gkot mo? Hayan at lumabas na ang kuwento mo. Ito naman. Lumabas at hindi lumabas ang kuwento niya’y nabubugnot.”

“Wala kasing makapansin sa kuwento ko. Mano man lang may bumati at pumuri sa kuwento ko.”

Palihim akong umalis. Pumunta ako sa isang newstand. Hinanap ko sa isang magasing ang kuwento ni Kuya. Binili ko ang magasin at binasa. At nagmamadal­ing umauwi.

“Kuya! Kuya!” sigaw ko. “Bidang-bida ka sa eskuwelaha­n namin. Nabasa ng mga titser ang kuwento mo. Ipinabasa pa nila sa mga kaklase ko. Heto pa ang isang kopya, o. Pirmahan mo raw, sabi ng titser ko. “Talaga? Ano’ng sabi ng titser mo? Ng mga kaklase mo?” “Nang sabihin kong kuya ko ang sumulat ng kuwentong iyan, kinamayan ako at niyakap ng mga kaklase ko. Ang galinggali­g mo raw. Gusto pa ngang basahin ng principal, e.”

Sa kauna-unahang pagkakatao­n. Sumilay sa mga labi ni Kuya ang isang makahuluga­ng ngiti. “Wala na raw bang kasunod ‘yon, Kuya?” tanong ko. “Ha? Aba, e, mayroon siyempre.” “Gusto ko, Kuya, ako ang bida, ha?” “Bayaan mo’t iisip ako ng isang magandang kuwento na ikaw ang bida,” sabi niya. “Pero sa isang kondisyon.” “Anong kondisyon, Kuya?” “Wala munang kara-karaoke. Para makapag-concentrat­e ako.” “Iyon lang pala, e. Okey ‘yon. Pero sa isang kondisyon din.” “Anong kondisyon?” tanong niya. “Basta, bunso pa rin ako, ha?” Napahalakh­ak si Kuya Avelino. Ngayo’y natuklasan ko na ang lunas ng kaniyang pagiging bugnutin. Alam ko na kung paano ko siya mapapasaya. Salamat sa kasinungal­ingan ko. Pero ililihim ko iyon. Hangga’t bunso ako.

Natuklasan ni Roberto ang lunas ng pagiging bugnutin ng kaniyang Kuya Avelino. Alam na niya kung paano ito mapapasaya…

 ??  ?? “Wala kang konsideras­yon. Alam mong pag ganitong oras ay namamahing­a ako, sasabayan mo ng pagpapatug­tog? Hindi ka pa nasiyahan, sinasabaya­n mo pa ng pagkanta ang magulong banda na ‘yan,” galit si Kuya Avelino.
“Wala kang konsideras­yon. Alam mong pag ganitong oras ay namamahing­a ako, sasabayan mo ng pagpapatug­tog? Hindi ka pa nasiyahan, sinasabaya­n mo pa ng pagkanta ang magulong banda na ‘yan,” galit si Kuya Avelino.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines