Liwayway

Allen Dizon, Sunod-Sunod Ang Mga De-Kalibreng Pelikula

- Maricris V. Nicasio

PATULOY sa paggawa ng mga makabuluha­n at bigating pelikula ang premyadong aktor na si Allen Dizon. Si Allen ang itinuturin­g ngayon bilang most awarded actor sa kanyang henerasyon. Ang kagandahan nito, ang mga parangal na natanggap niya ay hindi lang sa local award giving bodies, kundi maging sa mga prestihiyo­song internatio­nal film festivals.

Last year ay nakapitong Best Actor award si Allen, kabilang dito ang Dhaka Intl Film Festival sa Bangladesh para sa Bomba ni Direk Ralston Jover, 4th Sinag Maynila Internatio­nal Film Festival, 16th Gawad Tanglaw Awards, Famas Awards, 25th Facine Awards sa San Francisco USA, at sa 5th Urduja Heritage Awards, lahat para sa pelikulang Bomba.

Seventh Best Actor niya ang nasungkit last 2018, na napanaluna­n ni Allen sa Internatio­nal Film Festival Manhattan sa New York para naman sa pelikulang Sekyu ni Direk Joel Lamangan.

Katatapos lang niyang mapanood sa Alpha: The Right to Kill na kakaibang Allen ang napanood sa bagong obra ng premyadong Cannes Best Director na si Brillante Mendoza. Ang naturang pelikula ay nanalo ng Special Jury Prize sa 66th San Sebastian Film Festival sa Spain.

Inaasahang muling hahakot si Allen ng awards sa mga nakaline-up niyang pelikula this year. Bukod sa Alpha, kabilang sa mga pelikulang ito ang Persons of Interest na dual role siya, isang bulag na prime suspect sa paglason sa may edad na kinakasama at isang ‘imaginary friend’ ng kanyang kaisa-isang anak. Ang director nito ay isang award winning filmmaker din sa katauhan ni Direk Ralston Jover.

Ang isa pa sa kaabang-abang na pelikula niya ay ang Latay na mula sa BG Production­s Internatio­nal ni Ms. Baby Go. Dito ay gumaganap si Allen bilang isang battered husband ng bayolenten­g misis niya na ginagampan­an ni Lovi Poe. Kasama rin dito sina Mariel de Leon at Snooky Serna.

Plus, ang pelikulang Mindanao, na isang sundalong Muslim naman ang papel ni Allen na habang nakikipagl­aban sa giyera sa Mindanao ay nakikipagl­aban din sa kamatayan ang kanyang anak na may kanser. Tampok din dito si Judy Ann Santos at mula sa pamamahala ni Direk Brillante pa rin.

Kabilang pa sa mga pelikulang ito ang katatapos lang niyang gawin, ang Jesusa na katambal ng aktor ang isa pang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez. Dito’y gumaganap si Allen bilang isang pabaya at babaerong asawa ni Ms. Sylvia.

Mula sa pamamahala ni Direk Ronald Carballo, ang Jesusa ay prodyus ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management) na pag-aari ng magkapatid na sina Jean Rayos-Hidalgo at Junnel Rayos. Kasama rin sa pelikula sina Ynez Veneracion, Mara Lopez, Empress Schuck, Malu Barry, Vince Tañada, Mon Confiado, at introducin­g sa pelikula si Uno Santiago. Planong itaon ang showing ng Jesusa sa Mother’s Day.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines