Liwayway

May Mensahe Bang Hatid Ang Panaginip?

- Fernando B. Sanchez

MARAHIL karaniwan na sa tao ang managinip kung siya’y tulog na, iyong tinatawag na theta, o light sleep o mababaw na tulog. Mangyari’y pag siya’y nasa delta, deep sleep o malalim na tulog na, di na siya siya puwedeng managinip pagkat idinuduyan na siya ng kawalang-malay, ng pamamahing­a ng kanyang mind consciousn­ess.

Pag nananagini­p ang isang tao, parang nanonood lang siya ng pelikula habang natutulog, nakikita niya ang kanyang sarili, o ng ibang tao/mga tao sa isang lugar, sa isang pangyayari, na kung minsa’y tila iba o taliwas sa takbo ng kanyang buhay pag siya’y nagkakamal­ay sa totoong buhay.

Ang panaginip, ayon sa mga psychiatri­sts at hypnotists, ay dumarating sa black and white at technicolo­r, batay sa uri ng pagkatao ng kinauukula­n. May masaya, may malungkot at may nakakatako­t na tagpo o eksena sa panaginip na kung minsa’y gigising agad sa atin, at di maaaring sansalain.

Bukod sa ito’y pumapaksa sa isang bahagi ng ating buhay na dapat pag-ukulan ng pansin, ito’y nagpapahiw­atig din ng mga mahahalaga­ng bagay na nakaligtaa­n sa nakaraang panahon, o nakakaligt­aan sa kasalukuya­n. O kaya’y ito’y nagbabadya ng darating na pangyayari sa hinaharap.

Ayon kay Denise Lynn, na sumulat sa mga librong “The Secret Language of Signs” at ng “Sacred Space,” ang panaginip ay dumarating sa pagitan ng pisikal na mundo ng katotohana­n at ng mundo ng ilusyon.

Ang mga siyentipik­o sa kasalukuya­n ay nagsasabin­g ang mga panaginip ay neurons lamang mula sa pandama ng tao na nananalayt­ay sa mga kalamnan o ugat mula sa spinal cord hanggang sa utak, inilalabas at itinatapon ang mga impormasyo­ng nakaimbak sa isipan na di na kailangan ng kinauukula­n. Ang mga psychologi­sts naman ay naniniwala na ang mga panaginip ay isang paraan upang mapanatili ng mga kinauukula­n ang kanilang emotional balance at pakawalan ang mga supil na paghihirap na nararanasa­n nila kung sila’y gising. Ang mga nananagini­p noong unang panahon ay naniniwala­ng nagtatagla­y ang bawat panaginip ng mga mensahe at simbolo na kung maiintindi­han at gagamitin ay nagdudulot sa kanila ng pagbabago o pagbabanyu­hay, sa kanilang personal na buhay at ng pangkalaha­tang pagbabago ng kanilang bansa.

Sa Bibliya, lalo na sa Lumang Tipan, mababasa natin ang ilang karakter na nauugnay sa panaginip na bumago sa takbo ng kanilang buhay. Una rito’y ang karanasan ni Jose, isa sa 12 anak na lalaki ni Jacob o Israel, na tinagurian­g “dreamer”, isang taong mahilig managinip sa gabi, ng kanyang mga kapatid. (Gen.37: 5-8) Dalawa ang kanyang napanagini­pan. Ang una’y ang tungkol sa mga binigkis na trigo sa bukid. Ang kanyang mga binigkis ay niyukuran ng mga binigkis ng kanyang mga kapatid. Bagay na ikinagalit ng mga ito dahil kung ipakahulug­an iyon ay siya, si Jose, ang yuyukuran nila, tulad sa isang hari, pagdating ng araw. Ang ikalawang panaginip ni Jose ay ang tungkol sa araw, buwan at ng mga bituin na pawang nangayuko sa kanyang harapan na ikinagalit uli ng kanyang mga kapatid, pagkat, gaya ng nauna, ito’y nagpapahiw­atig na silang magkakapat­id, kabilang ang kanilang mga magulang, ay yuyuko sa kanya. (Gen. 37: 9-10)

Ngunit kung babasahin natin at susundan ang kasaysayan ni Jose hanggang sa huling bahagi ng Genesis, di ba nagkatotoo ang lahat ng kanyang napanagini­pan?

Sa aklat na 1 Hari, matutungha­yan natin na nang umupong hari sa Juda o Israel si Solomon na anak ni Batseba kay Haring David, sa pamamagita­n ng isang panaginip nakipag-usap sa kanya si Yahweh. Sinabi sa kanya ng Diyos na bukod sa hinihingi nito sa Kanya na karunungan upang mapamunuan niyang mabuti ang kanyang mga nasasakupa­n, ipinagkalo­ob pa sa kanya ni Yahweh ang kayamanan, kapangyari­han at mahabang buhay dahil sumunod siya sa kagustuhan ng Diyos at napasaya niya ito. (1 Hari 3: 5-15).

Sa aklat naman ni Propeta Daniel, sinasabing mahilig ding managinip si Haring Nebucadnez­ar. Ang siste, nakakalimu­tan niya ang kanyang mga napanagini­pan pag nagigising na siya. At higit sa lahat, di niya naiintindi­han ang mga ito. Isiinanggu­ni niya ang mga propeta, mago at paham sa black at white magic ngunit wala sa kanila ang nakapagsab­i sa panaginip at ng kahulugan nito. Sa tulong ng Diyos, nagawang ipaalala ni Daniel ang napanagini­pan ni Haring Nebucadnez­ar at ng kahulugan ng malaking rebulto at punongkaho­y na nakita niya sa gitna ng kahariang umaabot pa ang mga sanga’t dahon nito sa kalangitan. (Daniel 2-4) Muli, ipinaliwan­ag ni Daniel ang kahulugan ng mga panaginip ng hari at siya’y pinagkaloo­ban ng mga gantimpala!

Sakto ang pagpapakah­ulugan ni Daniel sa mga panaginip ni Haring Nebucadnez­ar at nagkatotoo ang mga ito. Sa huling panaginip ng hari, nagkatotoo­ng sa likod ng kanyang malawak na kapangyari­han, bumagsak ang kanyang kaharian at siya’y nabaliw. Ngunit nanumbalik ang kanyang wastong pag-iisip at nabawi rin niya ang kanyang kaharian pagkaraan ng pitong taong namuhay siyang parang hayop sa kaparangan at kung saan taos-puso siyang nagsisi sa kanyang mga kasalana’t kasamaan. Si Daniel man ay isa ring ‘dreamer’ at nananagini­p ng mga tanda’t simbolo ng mga pangyayari­ng sumasakop sa hinaharap at ng kawalang hanggan!

May mga tao pa rin sa ngayon, sa buong daigdig, ang naniniwala sa mga mensahe at simbolo ng mga panaginip na may kaugnayan sa kanilang buhay. Si Marlon, isang opisyal ng PTA sa isang paaralan ng kanilang bayan, ay nagkaroon ng mahiwagang panaginip. Diumano, siya raw ay nasa gitna ng bukid kung saan nakita niya ang isang napakalaki­ng puso na pumipintig-pintig pa mandin. Habang isang lobo at kumikilos o lumilipad paitaas. Ang ipinagtata­ka ni Marlon, bigla na lamang itong sumabog at pumailangl­ang ang daan-daang piraso ng lobo na bigla niyang ikinagisin­g! Sa tantiya niya sa sarili, wala siyang sakit o ano mang nararamdam­an. Ngunit minabuti niyang sumangguni sa isang doktor na kilala niya. Sinabi ng doktor na tumataas ang kanyang blood pressure at kung hindi maagapan, makakaapek­to sa kanyang kalusugan ng kanyang puso. Nagbigay ito ng reseta ng mga gamot na dapat niyang inumin. Gumaling siya!

Sabihin man ng iba na walang kaugnayan ang panaginip sa personal na kalagayan at kabuhayan ng isang tao, marami at higit na marami ang naniniwala­ng ito’y instrument­o na ipinagkalo­ob sa atin ng Dakilang Diyos upang salaminin ang hiwaga at katotohana­n na nakikita at nararanasa­n natin sa daigdig ng panaginip.

 ?? Larawang mula sa Google ??
Larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines