Liwayway

Ang Ika-90 Taong Pagsilang Kay Kenkoy

- Damy "Ian" Velasquez III

CIRCA 1980s. Bumaba ako sa sinakyan naming violet na Volkswagen, kasama ko ang aking grandfathe­r na si Mang Damy. Dinalaw namin ang tahanan ng kapatid niya sa Quezon City. Nasa elementary­a pa ako noon pero klaro pa sa akin ang mga koleksiyon ng mga miniature na silya, lamesa, plato at iba pa na naka-display sa isang cabinet. Mga bonsai. Mga chess matches. Pagtugtog ng violin. Mga amoy ng lumang komiks. At si Kenkoy. Iyan ang mga naalala ko sa maraming pagbisita ko sa grand uncle ko na tinagurian­g “Father of Philippine Komiks”. Ang kanyang lasting legacy ay ang karakter na si Kenkoy.

Ngayong 2019, sino nga ba ang nakakilala kay Kenkoy at ang lumikha sa kanya na si Tony Velasquez? Tila nakalimuta­n na yata ng mga kabataang mahilig manood ng Netflix, maglaro ng online games at pati na rin ng mga bagong gumagawa ng komiks.

Alam niyo ba na si Kenkoy ay nilikha ni Tony Velasquez sa mga pahina ng Liwayway noong Enero 11, 1929. Kasabay rin ng kaarawan ni Kenkoy ang pagsilang ng midyum ng komiks sa Pilipinas. Si Kenkoy ay ang karakter na sumasalami­n sa colonial mentality ng mga Filipino noon.

Nakaimpluw­ensiya rin sa lengguwahe ang komiks strip na “Album ng Kabalbalan ni Kenkoy” dahil sa paggamit ng “Carabao English” o “Taglish” ng mga tauhan. Mga katagang “Is beri nesesari,” “Iskram,” at “Bay Gali,” ay nababasa ng maraming Filipino noong kasikatan ni Kenkoy noong mga taong 1930s hanggang 1960s sa Liwayway, Bannawag, Hiligaynon, Bisaya at Bikolnon. Sa sobrang kasikatan ni Kenkoy, may kanta na “Ay Naku, Kenkoy!” na komposisyo­n ni Nicanor Abelardo. Si Jose Corazon de Jesus naman ay gumawa ng tribute na tula na may pamagat “Pagpapakil­ala… Ay introdius yu Mister Kenkoy.”

Si Francisco “Kenkoy” Harabas at iba pang hindi malilimuta­n na mga komiks karakter na tulad nina Rosing (ang kanyang Mara Clara na sweetheart), Mang Teroy at Aling Matsay (mga magulang ni Kenkoy), Tirso (karibal kay Rosing), Nanong Pandak, Talakitok, Tsikiting Gubat, Talimusak at Ponyang Halobaybay ay nilikha ni Antonio S. Velasquez na mas kilala bilang si Tony Velasquez o A.S. Vel (ginagamit niyang pangalan bilang isang nobelista). Ipinangana­k si Velasquez noong Oktubre 29, 1910 sa Paco, Manila. Bago ang komiks, itinatag ni Tony Velasquez kasama ng kanang kamay niya at nakababata­ng kapatid na si Damy Velasquez, ang Velasquez Advertisin­g Agency. Maraming karakter din ang nalikha ni Mang Tony tulad ng Captain Cortal (Cortal), Nars Cafi (Cafi Aspirina), Isko (Esco Shoes) at marami pang iba.

Isinilang ng Ace Publicatio­ns, sa pamumuno ni Tony Velasquez bilang general manager at editor-in-chief, ang Pilipino Komiks —isang pioneering na magazine-format komiks noong 1940s hanggang 1960s. Napakataas ng standards ng Pilipino Komiks dahil mga magagaling at sikat na mga manunulat at dibuhista lang ang napipili ni Velasquez. Ang mga malalaking pangalan tulad nila Francisco V. Coching (National Artist), Larry Alcala (National Artist), Vicente Manansala (National Artist), Mars Ravelo, Pablo Gomez, Clodualdo del Mundo, Jim Fernandez, Nestor Redondo, Virgilio Redondo, Damy Velasquez (DI-13), Jesse Santos, Fred Carillo, Elpidio Torres, Nestor Leonides, Teny Henson, Rudy Nebres, Jose Zabala Santos, Ading Gonzalez, Hugo Yonzon, at Rico Rival ang pinagkatiw­alaan ni Velasquez sa mga publicatio­ns na itinatag niya sa Ace. Si Tony Velasquez at si Damy Velasquez din ang nagtatag ng GASI (Graphic Arts Service, Inc.) noong 1962.

Ayon sa komiks legend na si Rod Santiago (Agua Bendita), isa sa maraming protege nina Mang Tony at Mang Damy, sa kanyang foreword sa “DI-13 70th Anniversar­y Commemorat­ive Edition” (2018), si Tony at Damy Velasquez ay “mga executive na disiplinad­o pero mahusay makitungo sa kanilang mga tauhan at mga komiks contributo­rs. Igagalang mo talaga.”

Ayon naman sa “A History of Komiks of the Philippine­s” (1985), hindi lang cartoonist-writerexec­utive kundi “isang institusyo­n ng komiks” ang creator ni Kenkoy. Si Tony Velasquez ay isa ring 1993 Gawad CCP sining biswal awardee.

 ?? Mga larawang mula sa Google ?? Si Kenkoy
Mga larawang mula sa Google Si Kenkoy
 ??  ?? Tony Velasquez
Tony Velasquez
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines