Liwayway

Astrolohiy­a

- Madame Sharona

HAPPY BIRTHDAY: Isang kaibigan ang mangangail­angan ng tulong na material o payo. Huwag makihalo sa anumang intriga kung ayaw ng gulo o sumakit ang ulo sa problema.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Darami ang kabuhayan mo at ariarian kapag sinakyan mo lang ang utos ng iyong kapalaran na ikaw ay magpayaman. Lucky days: Tuesday & Wednesday. Lucky nos. 33-18 & 28.

ARIES (Mar. 20-Abr. 19) Bigyan ng pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa katuparan ng iyong mga pangarap. Lucky days: Wednesday & Friday Lucky nos. 14-08 & 33.

TAURUS (Abr. 20-Mayo 20) Mas maganda ang resulta ng trabaho kung nagkakaisa ang lahat kaysa umastang amo o sasarilini­n ang paggawa. Huwag ipagkait ang nalalaman sa kapwa. Lucky days: Thursday & Sunday Lucky nos. 25-09 & 33.

GEMINI (Mayo 21-Hun. 21) Itutulak ka ng sarili mo na gawin ang di mo kayang gawin sa nagdaan. Hindi mo magawa, ikaw ay mahina kaya nangangail­angan ng pagtulak mula sa iyong nakatagong sarili. Lucky days: Tuesday & Sunday. Lucky nos. 22-24 & 14.

CANCER (Hun. 21-Hul. 22) Mapapansin ang unti-unting panlalamig ng kaibigan o minamahal. Kung hindi alam ang dahilan, walang masamang tanungin siya upang magkaliwan­agan. Lucky days: Monday & Wednesday. Lucky nos. 35-02 & 31.

LEO (Hul. 23-Agos. 22) Huwag hayaan kung may problema na hindi mareresolb­a dahil lalo itong lalaki kung hindi bibigyan ng pansin. Ang munting apoy kung hindi aagapan ay lilikha ng mas malaking sunog. Lucky days: Thursday & Sunday. Lucky nos. 31-22 & 07.

VIRGO (Agos. 23-Set. 23) Ibalik ang dating inayawan mo. Ito ang hiling mo na marami ang kumokontra dahil akala nila ay naghahanga­d ka lang ng mga material na bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Lucky days: Friday & Monday. Lucky nos. 19-21 & 28.

LIBRA (Set. 24-Okt. 22) Ito ang araw na simulan mo na ang pagiging matipid dahil hindi naman lingid sa iyong kaalaman na sa darating na hinaharap ay marami kang obligasyon. Lucky days: Saturday & Tuesday. Lucky nos. 20-19 & 34.

SCORPIO (Okt. 23-Nob. 22) Ang nararamdam­an mong sakit ay mapapawi. Pagbigyan mo ang sariling makapaglak­bay sa ibang lugar upang maiba ang ihip ng kapalaran o makasagap nang sariwang hangin. Lucky days: Thursday & Sunday. Lucky nos. 34-29 & 07.

SAGITTARIU­S (Nob. 23-Dis. 21) Ang pagpaparay­a at pagiging maalalahan­in ay maliwanag na pagpapakit­a ng pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng iyong tiwala ay kaligayaha­n mula sa kinauukula­n. Lucky days: Monday & Thursday. Lucky nos. 33-41 & 09.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Lingunin mo ang iyong pinanggali­ngan at iwasang maghangad lumipad nang mataas dahil kung bumagsak ay sasambulat ang lahat ng iyong mga pangarap. Lucky days: Sunday and Tuesday. Lucky nos. 16-28 & 34.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Magiging mapusok ka ngayon at kung walang pagpigil sa sarili ay madadala ka sa kapahamaka­n at pagsisisi. Lucky days: Friday and Saturday. Lucky nos. 27-39 & 9.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines