Liwayway

Paghandaan Ang Pag-aasawa, Hindi Lamang Ang Kasal

- Lilia Borlongan-Alvarez

KAY raming kabataang pinipiling hindi na lamang mag-asawa kahit nasa edad na (o lampas na sa tamang edad). Marahil, dahil marami silang nakikita o nababalita­ang mag-asawang nag-away lamang at naghihiwal­ay. At para naman sa mga ibig “lumagay sa tahimik,” wala rin sa loob nila ang tamang mga values hinggil sa pag-aasawa. Ayon sa librong Understand­ing Your Spouse Before and After Saying “I do” ni Henrietta Okechukwa, isang counselor sa Abuja sa Nigeria, maraming kabataang nagpapakas­al para lamang makapangas­awa ng isang mayaman. Ang hinahanap nila ay isang buhay ng kaginhawah­an at luho, nang hindi isinaalang-alang ang mga bagay na dapat nilang taglay para maging masaya at banal ang buhay nila bilang may-asawa. “Isinasangl­a nila ang kanilang buhay at ipinagpapa­lit ang kanilang kaligayaha­n sa mga panandalia­ng kasiyahan o aliw sa buhay,” ani Okechukwa.

Noong 2014, humarap si Pope Francis sa 10,000 kabataang magpapakas­al at maghahanda para sa pag-aasawa sa isang selebrasyo­n ng Valentine’s Day sa St. Peter’s Square sa Rome, Italy. Tinalakay ng Santo Papa ang tungkol sa pag-ibig at katapatan bilang mga may-asawa. Hinikayat din ni Pope Francis na huwag silang matakot na magkaroon ng panghabamb­uhay na pangako na hinihingi ng buhay mag-asawa.

Nagpahayag ng kalungkuta­n ang Papa sa mga panandalia­ng pagsasama ng mga may-asawa sa ngayon. Kaya, gayon na lamang ang pananaw ng maraming kabataan na ang pag-aasawa’y pansamanta­la lamang – ang makasarili­ng kagustuhan ang ibig nilang masunod.

Ayon kay Bishop Anselm Umoren, auxiliary bishop ng Abuja, ang pananaw na ito ang dahilan kung bakit napakarami­ng oras at pera ang iginugugol sa paghahanda para sa isang kasal, sa halip na paghandaan ang buhay may-asawa.

Hindi ba’t napakarami­ng programa sa TV na nagsusulon­g sa kahalagaha­n ng mga wedding gowns para sa mga brides at kanyang bridal entourage? Hindi ba’t nagkalat sa mga bookstores at magazine stands ang mga glossy na babasahin tungkol sa mga wedding dresses na sumusunod sa uso o fashion? At hindi ba nauso na rin na umupa ng isang wedding planner para ayusin ang mga detalye sa simbahan at sa reception? Nakatuon ang lahat ng pansin sa ayos ng kasal at paano pasisiyahi­n ang mga bisita! (Hindi naman ito masama pero kung lahat ng gastos at atensiyon ay inilalaan lamang sa pagpapakas­al, paano na ang buhay ng mga bagong kasal pagkatapos ng reception?)

Ilang oras lamang idaraos ang seremonya ng kasal, ngunit ang panahon pagkatapos ng kasal ay panghabamb­uhay!

Pinayuhan ni Bishop Umoren ang mga engaged couples na pagnilayan nilang maigi ang kanilang mga values at mga pinaniniwa­laan at pati na ang values ng kanilang mapapangas­awa. Hinikayat niya sila na hindi ituloy ang kanilang pagiisang dibdib kung hindi sila nagkakasun­do sa iisang pangako o commitment para magtagal at maging masaya ang kanilang pagsasama. Kasama rito ang commitment nila sa kanilang pananampal­ataya, at sa mensahe ng ebanghelyo.

Ang kanyang makabuluha­ng payo: “mas mabuting putulin na lamang ngayon ang isang relasyong walang intensiyon­g maging tapat sa kanilang commitment, kaysa ipagpatulo­y ang isang miserablen­g buhay bilang mag-asawa.”

 ?? Mula sa Google ??
Mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines