Liwayway

Higit Na Matibay

-

“’Alis na kami, Ron, babalik pa raw sa parlor si Janno.” “Gano’n ba? Sige.” Inubos lang nito ang iniinom na buko pandan, saka tumindig na. Kasunod silang dalawa, nilapitan nila ang nanay ni Ronron na may kausap na dalawa ring misis. “’Nay, aalis na raw sila.” “’Andali n’yo naman…?” “Me trabaho pa ho kasi si Janno,” sabi ni Jonna, “tumakas lang s’ya.” “Sige, kundi kayo mapigil…” Hinanap ng kanilang mga mata ang lolo ni Ronron, magpapaala­m din sana rito, pero wala na ang balikbayan sa paligid. “Baka nagpahinga na,” sabi ni Ronron. “Napagod siguro…” Inihatid sila ni Ronron hanggang sa barangay hall. “Thank you, Ron, ha?” sabi ni Jonna. “Basta kayo!” Tinapik si Janno sa balikat. Bumusina si Jonna kay Ronron nang makasakay sila sa scooter at pabalik na sa kalsada. “Ingat kayo!” Tinanaw sila ni Jonna, saka pumihit para bumalik sa mga kaanak nito sa pulo.

Nasa parlor pa nga si Zeny. May ginugupita­ng babae, na sa suot na uniporme ay nakilala ni Janno na isang teacher. Hindi rin agad sila nakapagsar­a; bukod kasi sa gupit, nagpa-facial din

si Ma’m. Sa uwian, nagprisint­a siyang ihatid si Zeny. “Bakit?” “Wala, gusto ko lang. Me masama ba?” Napangiti. “Wala. ‘Lika na.” At ikinawit pa ang braso sa kanyang braso.

Busog pa man sa mga nakain sa palaisdaan, hindi naman siya nakatanggi nang alukin ni Aling Elsie na roon na maghapunan.

NASA kuwarto na si Janno pasado alas-nuwebe, nang tumunog ang kanyang cellphone. May text message siya, at nang kanyang sinuhin, nakarehist­ro ang pangalan ni Nets. Musta na u? Sinagot niya: OK. Mis ko na kiss mo. Sumagot: He-he-he! Sa’n ka? D2 sa bahay. Sa QC? Sa Tramo. Nasa Zapote na si Nets! Na-excite si Janno. Kita tayo tom…? Natagalan nang kaunti bago mag-reply. Cge. Napangiti si Janno. Naiimadyin niyang mababasa na naman ang mga labi niya.

(ITUTULOY)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines