Liwayway

Jessy Mendiola, Rumaratsad­a Sa Paggawa Ng Pelikula

- Nonie V. Nicasio

HINDI itinatangg­i ng Kapamilya aktres na si Jessy Mendiola na nakaapekto sa kanyang showbiz career ang relasyon nila ng kasintahan­g si Luis Manzano. Pero, ipinahayag ni Jessy na wala naman daw siyang pinagsisis­ihan sa dalawang taong nawalan siya ng magagandan­g proyekto dahil sa pagpili kay Luis.

“Malakas ang loob ko na magsabi na talagang nanamlay ang career ko dahil mas pinili ko iyong puso ko,” sambit ng aktres.

Dagdag pa ni Jessy, “Pero, everything happens for a reason and naniniwala ako na itong moment na pinili ko ang puso ko, for once in my life, may ginawa akong desisyon na pakiramdam ko, para sa sarili ko.”

Ipinahayag pa ng aktres na naniniwala siya sa kasabihang hindi maaaring pagsabayin ang magandang showbiz career at masayang kalagayan ng kanyang love life. Pero nananalig at umaasa raw siyang makukuha rin niya itong lahat, eventually sa tamang panahon.

Sa palagay raw niya ay malapit ng mangyari na darating din ito sa isang point ng kanyang buhay.

Sa darating na June 25 ay tatlong taon na ang relasyon nina Luis at Jessy.

Sa ngayon ay tila nalagpasan na ni Jessy ang hindi magandang resulta ng kanyang pagkakaroo­n ng love life sa lagay ng kanyang showbiz career, dahil sa sunod-sunod na pelikulang kanyang ginagawa. Last December ay napanood siya sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na The Girl in the Orange Dress katambal ni Jericho Rosales. Katatapos lang din ipalabas ng comedy film nilang ‘Tol na tinampukan nina Arjo Atayde, Ketchup Eusebio, at Joross Gamboa.

Susunod namang mapapanood si Jessy sa pelikulang Stranded na si Arjo ulit ang kasama niyang lead actor.

Kaya naman very thankful si Jessy at aminadong umaapaw ang kanyang kagalakan.

Sa mga taong naniniwala sa kanya. Ang pagkakaroo­n niya ng positive outlook sa buhay ang pinaniniwa­laan niyang dahilan ng mga magagandan­g bagay na nangyayari sa kanyang career ngayon.

Isa pang blessing sa aktres ay ang pagpasok ng The Girl in the Orange Dress sa Osaka Asian Film Festival. Ayon sa producer ng movie na si Atty. Joji Alonzo, ipapalabas for competitio­n ang pelikula sa darating na March.

Post ni Atty. Joji sa kanyang Facebook account: “Congratula­tions Team The Girl in the Orange Dress for being selected among the 14 Competitio­n films for the Osaka Asian Film Festival this March!!! So happy for you Jay Abello and Jess Tawile!”

Samantala, hinggil pa rin kina Luis at Jessy, marami na ang nagtatanon­g at excited

kung sa kasalan na ba mauuwi ang kanilang relasyon. Sari-sari ang naglalabas­ang espekulasy­on sa dalawa.

Lalo na nang nag-upload nang maigsing patikim si Jessy sa kanyang upcoming vlog at dito ay kapansin-pansin na inilarawan ni Luis si Jessy bilang ‘mother of our children’.

Ang mother naman ni Luis na kilala rin bilang Star for All Season at Batangas Representa­tive na si Vilma Santos ay nagpahayag kamakailan na naiinip na siya kung kailan lalagay sa tahimik sina Luis at Jessy. Sa pahayag pa ng veteran actress, sinabi niyang umaasa rin siya na sana ay matuloy na ang kasal ng long-time celebrity couple.

Kapag nangyari ito, dito na kaya magkakaroo­n ng katuparan ang inaasam ni Jessy na masayang love life at magandang showbiz career?

Abangan ang susunod na kabanata…

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines