Liwayway

KUNG NAKAKAKITA ANG BULAG...

-

mga magulang!”

“Ganiyan din ang paniwala ni Ina. Binantaan siyang sasaktan ni Ama kung makikipagk­ita siya sa akin.”

“Di ikaw ang makipagkit­a sa kaniya!” sabi ni Mara.

“Nakikita ko siya, Mara...kahit hindi kami nagkakahar­ap .... ,” mataimtim niyang sagot.

“Ha? Mahika ba o nagbibiro ka, Barzak?”

“Hindi, Mara. Sabi ni Ina, lagi ko siyang makikita kung lagi akong mananalig tulad ng mga Hudyong may malinis na puso...na pag-iisahin ng Panginoon ang ating lahi sa iisang lugar, tulad ng ipinangako Niya!” Tumahimik si Mara.

“Mara, nandiyan ka pa ba at nakikinig sa akin?” usisa niya.

“A, oo, Barzak” agaw ni Mara. “Napaisip lang ako saglit!”

“Kung mananalig ako sa pangakong iyon ng Panginoon, sabi ni Ina, mangyayari ang idinadalan­gin niya para sa akin.”

“Ano ba ang dalangin niya para sa iyo?”

“Siya raw ang nagkasala nang ipanganak akong bulag. Kapabayaan niya raw iyon sa paglilihi niya sa akin. Ipinagsisi na iyon nang matagal kaya nanalig siya na bibigyan ng Panginoon ng liwanag ang aking mga mata!”

Natahimik si Mara. Mayamaya, tinawag nito ang kakilala nitong mga pulubi na naroon pala.

“Inyo na ang mga tinapay na ito!” At hinalbot din ni Mara ang hawak niyang tinapay.

Hindi nakahuma si Barzak. Narinig niyang tinatawag ng mga pulubi si Mara. “Bakit siya nagmamadal­i, Barzak. Saan kaya siya pupunta?” Nagtataka rin siya sa madaliang pag-alis ni Mara. Lihim sana niyang dadalhin sa kaniyang ina ang bigay nitong tinapay. Parang naglalaro sa mga mata niya ang anyo ng kaniyang ina.

Umupo siya at sumandal sa maaligasga­s na pader na yari sa dikit-dikit na mga bato. Parang napagod siya at hinihila ng antok ng naririnig niyang usapan ng mga dayong kalahi niyang naglalaraw­an ng ganda ng papalubog na araw.

Pumikit siya. Ipinahinga ang mga matang bukas kangina, ngunit hindi nakakakita. Ngunit ngayong tila lumulusong siya sa dilim, taka siyang maliwanag niyang nakikita ang mukha ng kaniyang ina.

Manalig ka, Barzak. Paskuwa na bukas. Dumalangin ka’t didinggin ka ng Panginoon! “Oo, Ina. Di ko nakakalimu­tan ang iyong bilin bago tayo nagkahiwal­ay...” Ngayon, parang naririnig uli niya ang salitaan ng dayong mga kalahi niya, bagsak ng mga paa ng tao’t hayop at tunog ng mga kampana na numinipis habang tinangay ng hanging panggabi.

“Barzak! Barzak! Tumindig ka’t narito si Maestro. Palabas na Siya ng lungsod!” Magpapahin­ga umano pati mga tagasunod Nito sa Bundok ng Oliva na hindi kalayuan sa Jerusalem.

Nag-aapura ang tinig ni Mara. Napabalikw­as siya. Napatindig. Narinig niyang nagsasalit­a ang sinasabing Maestro. Hindi siya makapaniwa­lang nasisinag niya na yumuko ito at kinalkal ang lupa sa parang nakabukang palad na mga ugat ng punongkaho­y roon. Nasinag din niya ang pag-unat ng katawan Nito, kasunod ng pagdura sa lupa sa palad nitong parang nilamukos na papel na nagputik, at itinapal sa magkabila niyang mga mata. Sabay ng pagtingkad ng nakikita niyang liwanag, nagsalita ang balbasing Lalaki na may maamong mukha.

“Humayo ka sa paliguan ng Siloam at linisin mo ang putik sa iyong mga mata!” Parang iginapos ang kaniyang dila, bumigat ang kaniyang mga paa at pausadusad siyang inakay ni Mara patungo sa paliguan ng Siloam.

“Pagdaan ko rito bukas sa prusisyon ng Paskuwa, linaw na linaw na makikita mo na Ako!” nakangitin­g sambit ng Maestro, papalayo na, ngunit nakalingon pa rin sa kaniya.

Lumuluha na pala siya habang umuusal siya ng pangako sa Maestro, naisip ni Barzak. Hinahawi na pala ng luha ang numinipis nang tabing ng putik sa kaniyang mga mata.

“Umagang-umaga bukas, narito na uli kami, Maestro. Kasama ko ang lahat ng mga pulubing nananalig sa Iyo.”

Hinawakan siya ni Mara sa kaliwang bisig habang maingat nilang tinatalunt­on ang batuhang daan patungo sa paliguan ng Siloam.

“Barzak, ako na ang sasalok ng tubig na ipanghuhug­as mo sa iyong mga mata.” Nginitian lamang niya si Mara. Nakamasid siya sa paglakad ng kaibigang dalagindin­g. Napansin niyang parang dumadalang na ang pag-ika nito sa paglakad.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines