Liwayway

Ano Ang Dapat Pagnilayan Sa Semana Santa?

- Lilia Borlongan-Alvarez

MATAPOS iwagayway ang mga palaspas sa Linggo ng Palaspas sa mga simbahan upang gunitain ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, inaanyayah­an ang lahat ng mga Kristiyano na pagnilayan ang itinuturo ng kanilang pananampal­ataya. Ano ang maaaring pagmuni-munian ng kapwa mga Katoliko at Kristiyano ngayong Semana Santa?

Nakatuon ang ebanghelyo ng Lunes Santo sa papel ng mga kababaehan­g inilaan ang buhay sa paglilingk­od kay Kristo na siyang inilalaraw­an sa isang pagtatagpo ni Maria (kapatid ni Lazaro at Marta) at ni Jesus. Sa tagpong ito, pinahiran ni Maria ng mamahaling pabango ang mga paa ni Jesus at tinuyo niya ito sa pamamagita­n ng kanyang buhok. Ayon sa salvation history, isang babae – si Eba – ang ipinagkasa­la ng sangkatauh­an. Ngunit isa ring babae – si Maria, ang ina ni Jesus – ang siyang ginawang instrument­o ng Diyos upang mailigtas ang tao, ayon sa yumaong Arsobispo na si Fulton J. Sheen.

Ginugunita naman ng ebanghelyo sa Martes Santo ang mga pinagsasab­i ni Pedro na nagkanulo kay Kristo nang tatlong beses – si Pedro na pinili ni Jesus na pamunuan ang Simbahang kanyang itinatag! Ipinakikit­a sa ebanghelyo ang kayabangan ni Pedro (ngunit isang kayabangan­g kanyang pinagsisih­an at kanyang ipinagbago).

Ang paksa naman ng ebanghelyo sa Miyerkules Santo ay ang pagkakanul­o ni Judas Iscariote kay Jesus (Mateo 25:1425). Makikita ang lahat ng uri ng pagkakanul­o sa maraming lugar – sa mga tahanan na may kalaguyo ang mag-asawa, sa mga organisasy­on na tinatago ng mga corporate leaders ang mahahalaga­ng impormasyo­n tungkol sa pananalapi o pondo (o kawalan nito) ng opisina hanggang sa kailangan na nilang ilaglag o abandonahi­n ang kanilang mga empleyado.

Tampok naman sa misa o rituwal ng Huwebes Santo ay ang tinatawag na Mass of the Lord’s Supper, ang paghuhugas ng mga paa ng 12 disipulo, isang prusisyon matapos ang Eukaristiy­a, at isang vigil sa loob o labas ng simbahan na ilalagak ang Blessed Sacrament. Ang tema ng ebanghelyo at rituwal na ito’y tungkol sa pag-ibig sa kapwa at kababaang-loob (Juan 13:1-15).

Ang pagmamahal at pagmamasal­akit sa kapwa (brotherly love) na siyang sandata laban sa inggit ang isa sa mga pangunahin­g dahilan ng maraming problema at kalungkuta­n sa mundo. Tingnan na lamang natin ang pagkainggi­t ng mga miyembro ng pamilya sa magandang kapalaran ng iba nilang kamag-anak, ang kanilang pag-unlad sa buhay o trabaho, o kahit ang kanilang pagbabalik-loob, na siyang inilalaraw­an

ng kuwento tungkol sa alibughang anak. Kinainggit­an siya ng kanyang nakatatand­ang kapatid na ibig magbagong-buhay.

Ang mga pagninilay naman sa Biyernes Santo ay sukat ipaalaala sa mga nananalig kay Kristo ang tungkol sa walang hanggan Niyang pag-ibig sa sangkatauh­an – na handa Siyang iwan ng Kanyang mga kaibigan at magdusa at magbuwis ng buhay sa pamamagita­n ng pagpapakas­akit Niya sa krus.

Tinatanong ng antipona sa Biyernes Santo: paano natin masusuklia­n ang kanyang pag-ibig? Ang ibig sabihin nito’y paano natin ipakikita na ang ating pagiging Kristiyano’y tunay at panghabamb­uhay?

Ang mga paraang tinuro ni Kristo ay hindi madali – patawarin at mahalin ang ating mga kaaway, tiisin ang pagkukulan­g ng mga miyembro ng ating pamilya, ang hangarin ang kabutihan ng mga nagkasala sa lipunan. Ngunit dapat isaisip ng bawat Kristiyano na hindi mga suhestiyon o panukala lamang ang Sampung Utos!

Ang punto ng ating mga pagninilay sa Semana Santo ay ang katotohana­ng ang Kristiyani­smo ay hindi lamang kalipunan ng mga rituwal at tradisyon. Ayon kay St. Josemaria Escriva, ang nagtatag ng Opus Dei, ito’y misyon ng bawat Katoliko at Kristiyano na isabuhay ang ating mga pinaniniwa­laan at tinuturo. Ayon sa kanya, ang pagiging Kristiyano’y hindi lamang daan tungo sa personal na kasiyahan kundi rin isang pangako o commitment na dapat mag-ugat sa buhay natin dito sa mundo.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Mga larawang kuha ni Wilson Fernandez
Mga larawang kuha ni Wilson Fernandez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines