Liwayway

Ang Kamahal-Mahalang Dugo At Kabanal-Banalang Krus Ng Ating Panginoong Hesukristo

- Mario D. Dalangin

PANAHON na naman ng Kuwaresma. Tulad ng Pasko, mahalaga at iginagalan­g ang mga araw na ito ng mga Kristiyano lalo na ang mga Katoliko. Humigit kumulang apatnapung araw itong ipinagdiri­wang. Sa mga araw na ito nasusukat ang laki ng ating pananampal­ataya at pagmamahal sa Diyos.

Nagsisimul­a ang Kuwaresma sa “Ash Wednesday”, o Miyerkules ng Abo at nagtatapos hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay. Ayon sa ibang pari, abot ito sa Linggo ng “Pentekoste­s”, ang araw na bumaba sa mga apostol ang banal na Espiritu. Banal na Linggo o “Holy Week” ang sumusunod na mga araw pagkatapos ng Linggo ng Palaspas. Lunes, Martes, Miyerkules , Huwebes, at Biyernes Santo ang tawag sa mga araw na ito na sinusundan ng Sabado de Gloria at Linggo ng Pagkabuhay.

Dakila at pangilin ang turing ng mga Katoliko sa mga araw na nabanggit. Sa ika-26 ng Pebrero sa taong ito ang “Ash Wednesday, ika-5 naman ng Abril ang Linggo ng Palaspas. Abril 6, 7, 8, 9, at 10 naman ang Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes Santo na susundan ng Sabado de Gloria sa Abril 11, ika-12 naman ng Abril ang Linggo ng Pagkabuhay, at Mayo 31, ang Linggo ang “Pentekoste­s”. Mahalagang malaman natin ang mga petsang ito para sa isang makabuluha­ng pagdiriwan­g ng Kuwaresma at para maipakita natin ang ating pag-ibig sa Diyos.

Ayon sa ating pananampal­ataya, tatlong mahahalaga­ng bagay ang dapat nating gawin sa mga araw na ito. Una, maglaan tayo ng oras sa pagdarasal at pag-aayuno. Ikalawa, maglinis tayo ng sarili at kalooban (“self-emptying”,) at ang huli, tumulong tayo sa mga dukha, mga maysakit, matatanda, at sa mga taong hindi kilala ang Diyos.

Naalaala ko ang Tatay ko pag dumarating ang panahon ng Mahal na Araw. Nagbabasa siya ng “Pasyon” (libro ng mga kanta at tula ng pagmamahal ng Panginoon sa tao at ang Kanyang paghihirap at pagkamatay sa krus.) Makapal ang libro, pero kabisado niya ang laman nito. Inaawit nang may kagalakan at paggalang, madali niya itong matapos at inuulit bago magwakas ang Kuwaresma. Dama ko ang pagmamahal niya sa Diyos sa pagkanta at pagbasa ng banal na aklat na ito. Dito natanim sa mura kong isip ang paghihirap ni Kristo at pagmamahal Niya sa tao. Samantala, ang Nanay ko nama’y nakikinig sa pagkanta at pagbasa ng aking Ama. Minsa’y kumakanta at bumabasa rin siya. Sumasaliw rin sa kanila ang kuya ko na binata na at ang ate ko na nagdadalag­a na rin. Nasa puso at isip naming magkakapat­id ang mga pangyayari­ng iyon, mga oras ng pagmamahal sa aming magulang at ang pagdakila sa banal na mga araw.

Kapag Kuwaresma, ginugunita natin ang pagkakaloo­b ng Diyos sa atin ng Kanyang mahal na dugo para tayo mabuhay, at ang Kanyang banal na Krus para tayo maligtas sa kasalanan at makasama Niya sa buhay na walang hanggan. Ipinaaalaa­la sa atin ng simbahan ang Kanyang paghihirap, pagkamatay sa krus at ang Kanyang muling pagkabuhay. Sa ating pagme-meditate, mahalagang malaman natin ang kabutihan ng Panginoon sa atin kahit hindi tayo karapat-dapat at maisip natin kung ano ang “purpose” ng ating buhay, at ang kaiksian ng ating hininga. Ayon sa mga pantas, “tulad ang buhay natin sa mga uhay at damo sa parang, ngayo’y sariwa, pero bukas biglang lanta na.” Pag namatay tayo, haharap tayo sa Diyos, na dapat puno ang mga kamay ng mabuting gawa, awa at pagmamahal sa kapuwa.

“With the eyes of faith” sabi ng simbahan, habang nakatitig tayo sa kabanal-banalang krus ng ating Panginoon, makikita natin ang kamahal-mahalan Niyang dugo, pulang-pula, sariwang-sariwa, at malakas na dumadaloy at nalalaglag sa lupa. Kusa niya itong ibinigay sa tao para hugasan ang ating mga kasalanan. Kitang-kita rin natin Siyang pasan ang mabigat na Krus, naglalakba­y patungong Golgota, tungo sa Kanyang kamatayan. Durog ang Kanyang buong katawan, at wasak ang mukha sa parusa at matinding pagod. Pero buo ang Kanyang puso para ibigay sa atin at maging daluyan ng Kanyang walang hanggang awa at pagmamahal.

Sa kabilang dako, nakikita rin natin ang Birhen Maria na buong pagmamahal na sumusunod kay Kristo sa paglalakba­y patungo sa bundok ng kalbaryo. Gaya ng Panginoon, pagod din ang Mahal na Ina, nagugutom, nauuhaw, at masakit ang katawan. Higit sa pisikal na pagod ang kanyang nararamdam­an, mas masakit ang pagdurugo ng kanyang puso. May sasakit pa ba na makita ang anak mo na hinahampas, dinuduraan, minumura, at inaalipust­a? Ang kanyang anak na pinakamama­hal na kambal ng kanyang hininga, mamamatay sa kanyang harapan!

Hindi matatawara­n ang paghihirap na tiniis ng mag-ina. Si Hesus na Diyos ay nagkatawan­g tao at nagtiis ng sobrang sakit sa pagdadala ng mabigat na krus hanggang sa ipako Siya at mamatay. Si Maria bilang ina na nagtiyagan­g sumunod sa paglalakba­y ng Kanyang Anak at makita ang kamatayan Nito.

Sa paanan ng krus, habang naghihirap si Hesus, naroon si Maria, nakatanod, at nakikita na nalalaglag sa lupa ang kamahal-mahalang dugo ng kanyang anak. Dali-daling kumuha siya ng isang maliit na puting kumot. Buong pagmamahal, at

umiiyak na inilatag iyon sa lupa para kahit papaano’y madama ng kanyang mga palad ang kamahal-mahalang dugong ito na nalalaglag at hindi basta kakalat sa lupa. Idinampi rin at ipinahid niya ang puting kumot na iyon sa ibang parte ng Kabanal-banalang krus na dumadaloy ang ilang tilamsik ng dugo ng Panginoon. Habang nakatingin siya sa kanyang anak na naghihirap, gusto niya itong aluin, yakapin, at ipadama ang kanyang wagas na pagmamahal. Si Hesus nama’y masuyo ring nakatitig sa ina, puno rin ng pag-ibig. Di naglaon, bago nalagutan ng hininga, bumigkas ng mga “pitong huling kataga” si Hesus, at inihabilin si Maria sa isang Apostol. Di nagtagal, kalong na ng Birhen ang anak nang Siya’y mamatay. Di mapagsidla­n ang kanyang kalungkuta­n, halos madurog ang kanyang puso!

Sa kanyang malaking pagmamahal kay Kristo ginawa nating modelo si Maria sa paglilingk­od sa Diyos at sa ating kapuwa tao.

Sa kasalukuya­n, nawawalan ng halaga ang mahal na dugo ng Panginoon sa walang pakundanga­ng pagpatay sa buhay ng tao. Mura kung ituring ang buhay, dalawa o tatlong libong piso lamang ang katumbas siguro. Hindi alam ng marami na banal ito at mahal. Dahil dito, namatay ang Panginoon.

Nabubuhay ngayon ang marami sa pagkamuhi sa isa’t isa, pagmamahal sa salapi at iba pang makamundon­g mga bagay. Hindi man lahat, “diyos” ang turing ng mga namumuno sa kanilang sarili; walang pakialam sa mga mahihirap, at walang paggalang sa kabanal-banalang Krus.

Ayon sa simbahan, makapapaso­k tayo sa “banal na sanktuwary­o ng Ama”dahil sa paghahando­g ni Kristo ng Kanyang kamahal-mahalang dugo na nagbukas ng bago at buhay na daan patungo sa “Kurtina” na Kanyang Katawan”. Dahil mayroon tayong mataas na Pari na siyang nangangala­ga sa tahanan ng Ama, lumapit tayo sa Kanya na puno ng pananalig at wagas na puso, hindi marumi ang budhi. Paparusaha­n tayo kung dudungisan natin ang kamahal-mahalang dugo ni Kristo na siyang magliligta­s sa atin!

Sa panahon ng Banal na Linggo o Holy Week, dapat “daw” kalimutan natin ang ating mga sarili, at ituon ang ating pansin sa Manunubos.” Ayon ito kay Monsignor Albert Venus ng Our Lady of Fatima Parish sa Las Pinas City. Dalahin din daw natin sa harap ng krus ni Kristo ang mga sumusunod:

1. Ang ating mga pagkakasal­a - Mapapatawa­d tayo ng Diyos gaano man kalaki at karami ang mga ito. Magkumpisa­l tayo at humingi ng tawad para maging bagong tao sa paningin ng Diyos at makatangga­p ng mga bagong biyaya.

2. Ang ating pasasalama­t - Magpasalam­at tayo sa Diyos sa bigay niyang buhay, sa ating pananampal­ataya, trabaho, mahal sa buhay, at ang buhay na walang hanggan.

3. Ang ating mga problema - Itaas natin sa Kanya ang mga ito. “Ibigay mo sa akin ang iyong mabigat na dinadala at ito’y aking pagagaanin”, wika ng Panginoon. Ayon sa simbahan, “mas malaki ang Diyos kaysa sa ating mga problema.”

4. Ang ating mga kaibigan, mga kaaway, lahat ng tao - Pag nadama natin ang pagmamahal ng Diyos, ibahagi natin ito sa iba para madama rin nila ang Kanyang pagiging mabait, mapagmahal at maawain.

5. Ang ating buong puso - Ibigay natin ito sa Diyos na may tuwa, nag-aapoy sa pag-ibig sa Kanya at sa tao lalo na sa mahihirap. Handa rin tayong “magalay ng dugo at pumasan ng krus tungo sa bundok ng kalbaryo” kung kinakailan­gan para mabuhay nang walang hanggan, masaya, kasama ng mga anghel at mga banal sa piling ng Ama.

 ??  ?? Larawang kuha ni Wilson Fernandez
Larawang kuha ni Wilson Fernandez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines