Liwayway

Erika Mae Salas, Nagbalik-Tanaw Sa Kanyang Most Memorable Holy Week

Nagbalik-tanaw sa Kanyang Most Memorable Holy Week

- Maricris Valdez-Nicasio

SI Erika Mae Salas ay isang talented na recording artist na lately nagkaroon na rin ng break sa pelikula. Ang latest movie niya ay ang 26 hours: Escape From Mamasapano na tinatampuk­an nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Myrtle Sarrosa.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Erika Mae ang magiging papel niya rito, pero nagpahayag siya ng labis na kasiyahan. “As of now po di ko pa po alam iyong magiging role ko sa movie, pero kahit po anong ibigay sa akin maliit man po ay very grateful and honored po ako na mapabilang sa movie,” saad ni Erika Mae.

Dagdag pa niya, “Sobrang saya ko po nang nalaman ko na kasama po ako sa movie. Very thankful po ako kay Tita Anne (Venancio) ‘coz she gave me this opportunit­y. Malaking boost po ito sa career ko. And thankful din po ako kay God dahil maganda ang pasok ng 2020 sa career ko. Hopefully magtuloy-tuloy pa po ang mga blessing.

“This is my third movie po, iyong isa is under Timeless Production at iyong Spoken Words po under RLTV Production na napabilang sa official soundtrack ang single ko na Ako Nga Ba which is released by Viva Records and is now out on all digital store po.”

Samantala, nagbalik-tanaw si Erika Mae sa most memorable Holy Week na naranasan niya. “Ang most memorable Holy Week ko po ay noong nasa Pampanga pa po ako. Dumadaan po kasi sa amin ang mga magdarame. Nakikita ko po kung paano sila namamanata,” aniya.

Dagdag pa niya, “Tuwing Holy week po ay nagbi-Visita Iglesia po kaming family, then simple dinner sa labas to bond. Naging routine na po ng pamilya namin ito.”

Ayon sa singer/aktres, ang magdarame ay Kapampanga­n term at sila iyong nagpapasug­at sa likod tapos ay hinahampas nila ito ng lubid na may kahoy sa dulo bilang paraan ng kanilang pamamanata.

Bawal ba sa kanila ang kumain ng meat, nagpa-fasting ba sila? “Kani-kanya naman pong paniniwala ‘yun, pero paminsanmi­nsan napa-practice po namin ‘yun lalo na po sa school dahil sa isang Catholic School po ako nag-aaral. If ever naman pong hindi magawa ‘yun, puwede naman pong gumawa ng good deed sa araw na iyon.”

Ano ang reaction niya kapag nakakakita ng nagpepenit­ensiya na may pasang krus, tapos ay hinahampas ang katawan?

Sagot ni Erika Mae, “Naa-amaze po ako sa kanila dahil iyon iyong act of forgivenes­s and gratitude nila para sa Diyos. Ito ay naging tradition na ng mga Filipino at ako mismo ay nakasaksi na nito.”

pero hindi niya diretsang sinagot. Ayaw niyang pag-usapan nila si Del. Nakahalata si Tony, tumahimik at nagkasya na lamang sa paghabol ng tingin sa mga namamasyal na babae, mestisa’t foreigner na naka-shorts, na tanaw mula sa salamin ng mesang kinauupuan nila.

Laganap na ang dilim pero habang gumagabi, dumarami ang namamasyal doon. Sa di-kalayuang Greenbelt Park, tila malalaking alitaptap ang mga lampposts na nakatanod sa mga magsyosyot­ang nakaupong magkahilig sa mga bangkong bato roon. Noong nasa Pasong Tamo pa siya, sa Masinag Publishing, nakapamasy­al na rin siya roon. Nanonood sila ni Salud ng libreng concert sa harap ng lagoon kasama ang ilang babaeng officemate­s niya. Doon din niya malimit na makitang nakikipag-inuman sa Verandah, isang watering hole, ang kanyang boss na si Alex Pepito.

“’Anlayo naman ‘ata ng iniisip mo?” Napakislot siya. “Hindi naman. Naalala ko lang ‘yung pamamasyal ko dito nu’ng dalaga pa ‘ko...” “Malimit ka dito?”

“Medyo.”

“Sa’n-a’ng lugar naman kayo d’yan nakap’westo?” Lumingon si Tony sa gawi ng Greenbelt Park.

“Sira! Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin...!” Nagkatawan­an sila. Sa ibang makakakita, aakalaing silang dalawa’y magsyotang nagkakasay­a. Maaari rin namang isang bagong mag-asawa. Ganoon na lang ang pagkamangh­a ni Vi--tuwirang napanganga siya--nang mapagsino ang lalaki sa isang parehang pumasok sa pizza house. Gumagala ang mata ng lalaki, naghahanap ng bakanteng mesa, nang huminto ito. Nasorpresa rin nang mapagsino siya. Hindi malaman ni Vi kung paano magre-react. Nilapitan siya ni Alex Pepito, kasunod ang kasamang babae. Na alam niyang hindi ang misis nito. “Mareng Vi, naligaw ka rito!”

“A-Alex...?” Huli na para umiwas. “O-Oo nga. Sinamahan ko’ng boss ko. Me binili kami.”

Saka pa lamang binalingan ni Alex si Tony. Yumukod si Tony, ngumiti. Pinakalma ni Vi ang sarili.

“Si Pareng Del, kumusta?”

Tila inip na ang kasamang babae ni Alex.

“Okey naman.”

“Sabihin mo’y pasyalan naman ako, matagal na kaming di nagkakainu­man. O, di kaya, minsan, ako na lang ang papasyal sa inyo...”

“S-Sige.”

Niyakag na niya sa tingin si Tony; tumindig na ito. Nagpasinta­bi siya kay Alex. Nagtaas pa ito ng kanang kamay nang lingunin niya bago lumabas ng pizza house. Nanunulis ang nguso sa pagkakaism­id ng kasama nitong babae na hindi man lamang pinagkaaba­lahang ipakilala sa kanya ng dating boss.

Pauwi, kinabahan siya sa kung anong maaaring ikuwento ni Alex kay Del sakaling magkita nga ang dalawa. Numerouno pa namang alaskador si Alex Pepito.

LINGGO nang umaga, iginayak niyang magsimba si Annie. Nagpaiwan si Del; wala raw sa mood. Hindi niya pinilit.

Pasado alas-nuwebe na nang makabalik sila sa bahay. Nasa kalsada pa lamang ay naririnig na niya ang pamilyar na halakhak na iyon na nagmumula sa kanilang likod-bahay. May isa roong garden table na nasa ilalim ng isang mababang puno ng indian mango. Nang sinuhin niya mula sa kusina kung sino ang humahalakh­ak, hindi siya nagkamali. Nakita niyang nag-iinuman sina Del at Alex, na kapwa lumingon sa gawi niya nang buksan niya ang pinto sa kusina.

May nahuli siyang pilyong kislap sa mga mata ni Alex. Iniisip niya kung anu-ano na ang mga naikuwento nito sa kanyang asawa.

(ITUTULOY)

 ??  ?? Larawang kuha ni Wilson Fernandez
Larawang kuha ni Wilson Fernandez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines