Showbiz Tribya
SI Joseph Ejercito Estrada ang kauna-unahang artista na naging pangulo ng bansa. Siya rin ang kauna-unahang pangulo na hindi nakatapos ng pag-aaral.
Siya ang ika-9 na Pangulo sa taon ng Sentenaryo at panlabing tatlo sa lahat ng mga naging pangulo ng
Pilipinas.
Isinilang siya noong Abril 19, 1937 sa Hospital and Child Hygience sa Manila. Unang tumuntong sa paaralan sa Ateneo de Manila. Kung saan niya natapos ang elementarya. Nasa pangatlong taon na siya ng mataas na paaralan nang maganap ang isang hindi niya mililimutang pangyayari. Isang kaklase niyang Pilipino ang ipinagtanggol niya sa kaaway nitong batang Amerikano ngunit dahil mas malaki ang Amerikano ay natalo siya. Higit sa roon, pinaratangang lumikha ng gulo. -oOo
NAGSIMULA sa pagpasok sa mundo ng showbiz si KC Concepcion sa pamamagitan ng
pagiging isang mang-aawit, VJ, model at stage play actress.
Una siyang nakitang gumanap sa isang television episode ng “Maaalaala Mo kaya?”.
Nagtambal naman sila ni Richard Gutierrez sa pelikulang “For First Time” na ipinurodyus ng Star Cinema. Ang pangalawang tinatambalan nila ni Richard ay ang “When I Met You” sa ilalim ng Regal Entertainment.
Si KC rin ang napiling makatambal ni Piolo Pascual sa Filipino adaptation ng sikat na Koreanovela na “Lover In Paris”. -oOo
NOONG bago-bago pa lamang si Bentot sa larangan ng show business, noong paekstraekstra pa lamang siya bilang stuntman at mananayaw sa mga stage show ng yumaong Paquito Bolero, binabatokbatukan lamang siya ng mga sikat na artistang kanyang nakakasabay. Malimit siyang magpasensiya at ipinagpatuloy niya ang kanyang layuning magtagumpay sa larangan ng pag-aartista.
Si Dely Atay-Atayan ang nagpangalan sa kanya ng “Ben” nang sila’y lumalabas sa stage shows noon. Subalit sa tuwing siya’y tatawagin ni Dely sa pangalang Ben, kung bakit laging isinusunod na isinigaw ng mga manonood ang “tot”. At nabinyagan siya sa pangalang “Bentot”.