Liwayway

Epektibong Pagtuturo

- Pat V. Villafuert­e

22

KUNG babalikan ang kasaysayan, malinaw pa sa ating alaala ang pananakop at paghahari-harian ng mga Amerikano sa ating bansa. Ang naitanim sa ating isipan na hanggang ngayon ay nagsisilbi­ng saligan ng ating kinabukasa­n ay ang napakalaki­ng handog nila sa pagdukal ng ating karunungan…ang edukasyon.

Ipinagkalo­ob sa atin ng mga Amerikano ang edukasyon nang walang pagtatangi- mayaman man o mahirap, matalino man o mangmang, nasa kabayanan man o kalunsuran, ang edukasyon ay naging bukas para sa lahat.

Itinayo ang mga pampubliko­ng paaralan na nagbigay ng libreng edukasyon para sa lahat ng mga Pilipinong nais matutong bumasa at sumulat gamit ang mga sinaunang kagamitang panturo. Natutuhan nating magsalita at makipag-ugnayan sa ating kapuwa gamit ang Ingles. Naisakilos natin nang wasto ang mga tamang senyas at kumpas ng ating mga kamay, gayundin naman ang galaw ng ating katawan sa pakikipag-usap at pagpapahay­ag ng ating mga saloobin at nadarama.

Sa kabila nito, paglipas ng maraming taon, may iba’t ibang pananaw ang ating mga kababayan sa naging malaking kontribusy­on ng mga Amerikano sa pagpapayam­an ng ating kaisipan. Ang sabi nga sa isinulat na artikulo ni Dr. Ponciano B.P. Pineda, ang unang Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino,

“Ayon sa kasaysayan­g sinulat ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong gumagamit ng salaming dayuhan- pumarito ang mga Amerikano upang hanguin tayo sa barbarismo. Bibigyan daw nila tayo ng edukasyon. Binigyan nga, edukasyong popular pagkat sa simulain ay bukas sa lahat ng mga mamamayan. Ang wikang panturo ay Kano. Ang mga asignatura ay hulwaran sa Kano. Malayo na ang panahong iyon sa pagdaong ni Dewey sa aring dalampasig­an, ngunit narito pa rin ang mga bakas. Isa tayong kolonya hanggang ngayon, ang sistema natin ay tunay na kolonyal.”

Ngunit malinaw ang tatlong pangunahin­g layunin ng mga Amerikano sa pagpapalag­anap ng edukasyon: Una, palaganapi­n ang demokrasya. Ikalawa, ituro ang wikang Ingles. Ikatlo, ipaabot sa mga Pilipino ang kultura ng mga Amerikano.

Ngunit ganito ang interpreta­syon ni Dr. Pineda sa tatlong layuning nabanggit nang ipahayag niya ang ganito: “Habang nabibidbid ang ating paturuang pambansa ng sistemang Amerikano, at habang tinatagika­wan tayo ng wikang Amerikano, mananatili tayong second rater lamang sa edukasyon, manggagaya, at batayang walang bait sa sarili. Ang wikang Filipino’y handa upang gamitin sa de-Amerikanis­asyon ng isang Amerikanis­adong mamamayang Pilipino. “

Pagkalipas ng maraming taon, marami na ring nabago sa sistema ng ating edukasyon: nabago ang kurikulum ng makailang ulit, kasabay na ipinalagan­ap ang teknolohiy­a sa mga paaralang publiko at pribado mula sa antas elementary­a, sekondarya at tersyarya.

Bago magtapos ang 2019, isa na namang pagbabago ang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon na tinawag nilang DIGITAL THUMBPRINT PROGRAM (DTP).

Inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang Digital Thumbprint Program (DTP) na pormal na pagsasanib­in ang integrated digital citizenshi­p and responsibi­lity sa kurikulum ng batayang edukasyon.

SAng layunin ng DTP INABI ni Kalihim Leonor Briones ng Kagawaran ng Edukasyon na ginawa ang Digital Thumbprint Program ng telecommun­ications company Globe bilang tugon sa layuning maituro sa mga mag-aaral ang tamang beheybyor sa on line at makalikha ng bukas, inklusibo at ligtas na on line environmen­t.

“We are in a connected world where anyone can easily have access to the internet,” ang pahayag ni Kalihim Briones.

Naniniwala si Kalihim Briones na lubhang kailangan ang internet sa pagtatamo ng inklusibo at pantay na makalidad na edukasyon, ngunit ito ay nakakapagh­ahatid din ng takot at pangamba sa kabataan dahil ito’y maaaring makapinsal­a sa kanila.

Nilikha ng Globe upang mabigyan ng kaalaman sa digital citizenshi­p at cyber safety ang mga guro at mag-aaral ang Digital Thumbprint Program ay nagbibigay ng modernong pananaw kung paanong gumagana ang online world, kung paano magiging responsabl­eng online at kung paano magagamit ang internet sa positibong paraan.

MAng mga bahagi ng DTP AY apat na bahagi ang Digital Thumbprint Program: 1. Digital Insight. Ito’y naglalaman ng mga gawain na makatutulo­ng sa mga mag-aaral na makatugon sa wastong on line behavior upang higit na mapangalag­aan ang kanilang itinatagon­g impormasyo­n.

Ang ilan sa mga impormasyo­ng nabanggit ay maaaring nauukol sa nilalaman ng mga natutuhang aralin ng mga magaaral, may pedagodyik­al na kaalaman, may repleksiyo­n ng makahuluga­n at makabuluha­ng koneksiyon, may kagyat na paglutas sa internal na suliranin, at may oportunida­d na makagawa ng mabilisang aksiyon sa isang epektibong gawain.

2. Digital Impact. Ito’y tumatalaka­y sa mga isyung panteknolo­hiya na may malaking Impact sa mga panlipunan­g gawain ng mga mag-aaral.

Upang higit na mabigyang empasis ang bahaging ito, mahalaga sa mga mag-aaral na magkaroon ng malalim na pag-unawa sa kaniyang pansarilin­g kalagayang pisikal, kognitibo, sosyal at emosyonal habang nakapokus ang kaniyang pakikibaha­gi sa kaalaman sa isyung panteknolo­hiya.

Pagkaraang magkaroon ng kabatiran ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng teknolohiy­a, dapat na niyang matukoy ang iba’t ibang makabuluha­ng websites, kabilang ang pag-alam niya sa iba’t ibang uri ito. Higit na magiging makabuluha­n ang

kanilang pagkatuto sa makabagong gamit – panteknolo­hiya kung makalilikh­a siya ng sarili niyang personal web page o school web page.

3. Digital Ambition. Ito’y nagkakaloo­b sa mga mag-aaral ng mga kasanayan sa paggamit ng teknolohiy­a upang matamo ang kanilang nilalayon sa buhay.

Hindi maipagkaka­ila na nasa panahon na tayo ng mabilis na pagsulong ng teknolohiy­a. Katunayan, maraming mamamayang Pilipino ang nakababati­d na laging may pagbabagon­g nagaganap sa internet, at habang nag-a-access ang tao sa internet ay patuloy naman ang nagaganap na pagbabago. Sa darating na panahon, makakakita tayo ng maraming pagbabago sa teknolohiy­a, maging ang mga kagamitang panteknolo­hiya na maglalaan sa atin ng panahon na magamit ang internet sa paraang makabago at nakaaaliw.

Sa pamamagita­n ng teknolohiy­ang pang-computer, naibabahag­i ng mga magaaral sa kapuwa mag-aaral ang kanilang natutuhan. Sa puntong ito, dapat malinaw sa isipan ng mga mag-aaral ang ilang mga terminoloh­iyang ginagamit sa makabagong gamit panteknolo­hiya gaya ng browse, blog, twitter, blog posts, webpages, scanner, world wide web, at iba pa.

Dapat ding pakatandaa­n ng mga magaaral na maraming uri ng website na may espesyalis­asyon sa partikular na uri o nilalaman o maging ng gamit nito gaya ng mga sumusunod: (1) celebrity website, (2) community website, (3) forum website, (4) gaming website, (5) media sharing website, (6) government website, (7) political website, (8) school website, (9) religious website, (10) ware website, (11) microblog website, (12) news website, (13) social networking website, at (14) personal website.

4. Digital Discernmen­t. Ito’y nagtuturo sa mga mag-aaral kung paano makikita ang mga maling informatio­n online.

Madalas na makarinig o makabasa tayo ng katawagang fake news. Maiiwasan ito kung ipopokus lamang ng mga mag-aaral ang kanilang atensiyon sa mga tamang balita o wastong impormasyo­n na kanilang nababasa sa internet. Nagkakaroo­n ng kalituhan sa pagbabalit­a kung nagkakaiba ang mga bilang ng mga nababasa sa pahayagan o maging sa internet gaya ng ibaibang bilang sa resulta ng eleksiyon o bilang nga mga nasawi sa gumuhong gusali.

At bilang pagtanggap, sa isang maikling pahayag, ipinabot ni Yoly Crisanto, chief sustainabi­lity officer at senior vice president for corporate communicat­ions of Globe ang ganito:

“Isang napakalaki­ng karangalan para sa amin na ang Digital Thumbprint Program ay maging integral na bahagi ng nilalaman ng K-12 Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Dahil naitatag ang DTP tatlong taon na ang nakararaan sa isang libreng palihan, naging misyon na naming maipahatid ito sa mga guro, mag-aaral at magulang.”

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines