Liwayway

Tatak Pilipino

- Boy A. Silverio

33

SI Gob. Hen. Luis Perez Dasmarinas ay humingi ng tulong kay Haring Felipe noong Hunyo 15, 1514 para sa dalawang institusyo­ng pagkawalan­g gawa ang seminaryo para sa mga babae ng Sta. Potenciana at ang samahan ng “La Misericord­ia” at ang pagtatag ng bahay-tirahan ng mga kolonyalis­ta at pagamutan para sa mga utusan ng mga kolonyalis­ta at pagamutan sa mga utusan ng mga Kastila.

IBANG uri ng kabayaniha­n ang ipinamalas ni Donya Teodora Alonzo noong panahon ng mga Kastila. Ang kanyang kabayaniha­n ay ang di paghawak ng baril at pakikidigm­a sa mga makapangya­rihang Kastila. Ang kanyang kabayaniha­n ay ang pagiging ulirang ina ng dakilang bayani ng ating bansa, si Dr. Jose Rizal.

SA tapang na ipinakita sa pakikipagt­unggali ni Candido Tirona, itinanghal siya bilang isang Kalihim Pandigma at sa kanyang balikat naatang ang pagbibigay ng mga pagkain, bala at armas sa mga Katipunero­ng lumalaban.

Nang minsang umikot sa bayan-bayan si Candido ay nakarating sa kanya ang mensaheng sasalakay sa Binakayan, Kawit, Kabite ang mga Kastila. Mabilis na nagtulungt­ulong sina Hen. Emilio Aguinaldo at Hen. Pio del Pilar upang magtayo ng mga trenches upang mahadlanga­n ang pagsalakay ng mga kaaway.

Kahit mayaman ang angkang kinabibila­ngan, inialay pa rin ni Candido Tirona ang buhay alangalang sa ikalalaya ng sambayanan. Isang tunay na rebolusyon­aryo ang Kabitenyon­g ito.

 ??  ?? Candido Tirona
Candido Tirona
 ??  ?? Gob. Hen. Luis Perez
Gob. Hen. Luis Perez
 ??  ?? Donya Teodora Alonzo
Donya Teodora Alonzo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines