Liwayway

Magluto Tayo

Pitak Ni MARENG LENA

- Mareng Lena

36

HIGIT na nakaka-enjoy ang merienda kung tayo ay magluluto. Tara na sa kusina!

MARUYA SYARAP MGA SANGKAP:

6 na saging na saba, hinog; masahin

1 puswelong arina

1 itlog, batihin ¾ puswelong asukal ½ puswelong gatas evaporada

½ kutsaritan­g asin mantika

PARAAN NG PAGLULUTO:

PAGHALUIN ang mga sangkap (maliban sa asukal), bago isama ang saging. Haluing mabuti. Iprito ang magkabilan­g bahagi (ayon sa nais na laki. Matapos iprito, patiktikin bago pagulungin sa asukal ang magkabilan­g bahagi.

MAJA BLANCA DE FRUTA MGA SANGKAP:

1 medium-size can ng fruit cocktail (patiktikin)

1 puswelong gata (kakang gata)

2/3 puswelong cornstarch 1 ½ puswelong arnibal (syrup)

1 puswelong gatas condensada

PARAAN NG PAGLULUTO:

PAGHALUIN ang mga sangkap, maliban sa kakanggata, fruit cocktail at cornstarch.

Pakuluan ang pinaghalon­g mga sangkap sa loob ng limang minuto. Itabi ito.

Lusawin sa kakanggata ang cornstarch . Haluing mabuti upang hind imaging buo-buo ang cornstarch. Ilahok ito sa unang pinahuluan­g mga sangkap.

Pakuluan ito. Huwag lulubayan ng halo hanggang sa lumapot. Bago hanguin at ilagay sa nais na lalagyan, palamigin muna ito. Mabubuo ito at maihahain ng hiwa-hiwa ayon sa nais na laki.

EGG STICKS MGA SANGKAP:

3 itlog

1 kutsaritan­g durog na paminta

2 kutsarang cornstarch

2 kutsarang bread crumbs ¼ puswelong gatas evaporada

Mantika asin

PARAAN NG PAGLULUTO:

PAGSAMAHIN sa isang bowl ang itlog, paminta, asin. Lagyan ng chili powder kung nais ng medyo maanghang. Batihin ito. Ihalo ang gatas, cornstarch at bread crumbs.

Haluin nang mabuti. Iayos sa isang sangkalan nang pakuwadrad­o. Hiwa-hiwain nang ga-daliri ang laki. Palutungin sa mantika. Sasawan: catsup o mayonnaise.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines