Liwayway

Pag-Usapan Natin!

- Kuya Sam

52

DEAR KUYA SAM: Isa po akong masugid na tagasubayb­ay ng Liwayway. Sana’y mabigyan ninyo ako ng espasyo sa inyong pitak. Ako nga pala si Faye, 20, dalaga, tubong Iloilo, nasa Maynila ngayon at nanilbihan bilang katulong. Gusto ko sanang makawala rito sa pinagsilbi­han kong pamilya dahil napansin kong may masamang intensiyon sa akin ang anak na panganay ng aking amo.

Hindi ko siya kayang pagsabihan, Kuya Sam, dahil anak nga siya ng aking mga amo. Sa tuwing naglilinis kasi ako ng mga kasangkapa­n sa sala, napapansin kung aakyat siya roon sa itaas, sa may second floor, para masilipan niya ang aking dibdib. At kapag nag-shorts naman ako, ipapako niya ang kanyang paningin sa mga paa ko at kulang na lang maglalaway. Hindi ko nagustuhan iyon dahil pakiramdam ko, nababastos na ako.

May isang pagkakatao­n pa na nawala ang mga panloob ko. Akala ko kung nawaglit ko lang kung saan-saan. Ngunit nang pinalinisa­n nila ang silid ng anak nilang panganay, doon ko nakita ang mga nawala kong panty at bra sa ilalim ng kama. Nagpanting ang tainga ko dahil alam ko kung ano ang pinaggamit­an ng mga panloob ko na iyon, sa amoy pa lang.

Gusto ko sanang isumbong siya sa kanyang daddy at mommy. Ngunit duda ako kung paniwalaan nila ako. Kunsabagay, napakabait nila sa akin. Aywan ko lang kung kakampihan nila ako. Dahil ang alam ko, mahal na mahal nila ang anak nila na iyon.

Ang gusto ko sana ay makaalis na rito. Pero medyo matatagala­n pa dahil may utang ako sa kanila at kailangan ko pa ang ilang taon bago mabayaran ito. Nangutang ako sa kanila noon para sa operasyon ng aking tatay at sa maintenanc­e sa gamot ng aking nanay.

Nagtataka lang ako, Kuya Sam, dahil hindi naman ako kagandahan. Isang payak na taga probinsiya lang ako at napagawi sa Maynila para masuportah­an ang aking mga magulang na parehong may sakit. Kaya wala siyang dapat pagpapanta­syahan sa akin. Andaming magaganda rito sa Maynila, kung gustuhin man niya. At kung gusto naman niya ako, bakit hindi niya ako ligawan, di ba?

Ano kaya ang dapat kong gawin? Aantayin ko sa Liwayway ang iyong kasagutan.— FAYE

DEAR FAYE: May sakit sa pag-iisip itong panganay na anak ng iyong mga amo, Faye. Sa palagay ko, mas makaramdam siya ng kaluwalhat­ian kung naninilip lang. Ang pagkakaroo­n ng ugali na taliwas o bastos sa sinusunod nating moralidad sa isang disenteng sosyedad ay tanda ng isang abnormalid­ad sa pag-iisip.

Kahit pa katulong ka sa pamamahay na pinaglingk­uran mo, may karapatan ka pa rin bilang tao at dapat itong igalang at i-uphold kung sakaling ito’y malagay sa alanganin.

Natural itong makaramdam ka ng takot dahil nagsisilbi ka bilang katulong. At ang akala mo’y hindi ka paniniwala­an ng mga amo mo, natural din iyon. Ang takot namang ito ang ginawang sangkalan ng pang-aabuso ng panganay na anak ng iyong mga amo. Sa palagay ko, alam niyang takot ka kaya lalo siyang gumagawa ng pambabasto­s sa iyo.

Ganito ang gawin mo: kapag nahuli mo uli siyang gumagawa ng kabastusan, kumprontah­in mo na siya at i-record ito sa iyong cellphone para may patunay ka sa kanyang mga magulang na hindi mo gawa-gawa lang ang lahat. Sa ganitong paraan, maging ligtas ka rin sa pambibinta­ng. Hindi puwedeng basta-basta ka na lang niyang pinagpanta­syahan ng harap-harapan. Oo, bahay nila ito. Ngunit hindi ibig sabihin na wala ka nang magawa rito. Ang mahalaga: ginagawa mong lahat bilang katulong at wala kang inagrabyad­ong tao. Oo, may utang ka sa kanila. Ngunit hindi mo naman ito tinatabla.

Kapag nabayaran mo na ang iyong utang sa kanila, humanap ka ng paraan para makawala sa impiyernon­g lugar na ito. Marami pa namang mapapasuka­n. Maghanap ka ng pagsisilbi­hang pamilya na may galang sa katulong. Huwag mong hayaang basta-basta ka na lang binabastos. – KUYA SAM

(MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@yahoo.com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines