Liwayway

BIRAY

- Ni PERRY C. MANGILAYA

AGAD na hinanap ni Nida ang kanyang asawa pagkauwi niya mula sa klinika sa bayan. Ngunit wala ito sa loob ng kanilang bahay. Pero nang marinig niyang kumakalamp­ag ang kanilang poso sa likod-bahay, lumabas siya at nakita niya ang asawa na abala sa pagbuhay ng kanilang poso. Matagal nang patay ang posong iyon dahil sa pagdaan ng mahabang tagtuyot sa kanilang lugar. Marahil, umaasa pa ang kanyang asawa na mabubuhay pa ito at may aakyat pang tubig.

“Ilang beses mo nang sinubukan ‘yan na walang umaakyat na tubig, pinipilit mo pa rin,” aniya nang lapitan niya ito.

“Nagbabakas­akali lang ako, baka mabuhay pa at me umakyat pang tubig kahit konti,” tila humihingal pang sagot nito.

“Sige, ako ang magbubuhos, at ikaw ang magbomba.” Kinuha niya ang tabo na hawak ng asawa, sumaok ng tubig sa timba, at dahan-dahan niyang ibinuhos iyon sa poso.

“Sige lang, buhos lang nang buhos, ‘wag mong tigilan,” utos pa ng kanyang asawa habang walang tigil naman ito sa pagbomba.

Ngunit naubos na ang tubig sa timba, hindi pa rin nabuhay ang poso.

At narinig niya ang paghugong ng pagsingaw ng poso nang tumigil sa pagbomba ang kanyang asawa.

“Wala talaga,” naiinis pang sabi ng kanyang asawa habang pinupunasa­n ng laylayan ng t-shirt ang pawisang noo nito. “Dapat pala, nilaliman natin ang pagbaon ng tubo nito.”

“Me umaakyat pa namang tubig sa poso ni Manong Sidro,” aniya.

“Pero naghihinga­lo na nga rin ‘yon. Hindi rin natin alam kung hanggang kailan pa ‘tong tagtuyot.”

Naghihinga­lo na nga ang poso ng kanilang kapitbahay na tanging pinagkukun­an nila ng maiinom at panluto sa kanilang purok. Parang ihi na lang ang lumalabas na tubig. Tiyagaan lang ang pag-iigib. Bigayan. At huwag kalimutang mag-iwan ng pambuhos pagkatapos makapag-igib lalo pa’t lahat ng kanilang ka-purok, dito umaasa. Halos lahat ng poso kasi sa ibang mga purok, natuyuan na rin. Iilan na lang ang buhay pa. At tulad ng poso ng kanilang kapitbahay, naghihinga­lo na rin. Nangangamb­a na nga ang mga may-ari niyon, na kung magtatagal pa ang tagtuyot, malamang na wala na silang mapagkukun­an ng maiinom at magamit sa panluto.

Ang ilan na malapit sa ilog, ang paggawa ng balon sa pampang ng ilog ang naisip na solusyon para may magamit sa pang-inom at panluto. Pero hindi nagtatagal, agad din namang natutuyuan iyon. Maghuhukay uli sila. Kung saan-saang bahagi ng pampang.

Mas malalalim. Nagkabutas-butas na ang malawak nang pampang ng ilog. Halos hindi na mabilang ang mga balon na kanilang ginawa ngunit natutuyo at natutuyo rin.

Bukod kasi sa pakitid na nang pakitid, panipis na rin nang panipis ang daloy ng tubig. Kailangan pang maghukay sa buhangin upang makapaglub­lob.

“Matindi naman kasi ‘tong tagtuyot na dumaan sa atin,” untag niya. “Tanda ko, nangyari rin ang ganitong tagtuyot, elementary pa ako no’n.”

“A, oo,” ayon ng kanyang asawa. “Pero mas matindi ‘ata ngayon. Tingnan mo nga ang bukirin,” baling nito sa nagkakabit­akbitak nang bukirin.

Mula sa kanilang likod-bahay, tanaw ang malawak na bukirin na humahangga sa kabilang barangay. Ang bukiring ito ang pangunahin­g pinagkukun­an ng ikinabubuh­ay ng karamihan sa mga taga-barangay Bagacay, kabilang silang mag-asawa, at maging ang ilang mga karatig na barangay. Katunayan, sa panahong ito, anihan na sana. Pero dahil sa pagdaan ng mahaba at matinding tag-init, hindi na tumutubo ang mga tanim dahil sa pagkatigan­g ng lupa. Kay lalaki na rin ang mga bitak sa lupa. Parang nakanganga ito at tila nagsusumam­o ng ulan sa langit. Tuyot na tuyot na ang mga nangaliran­g na mga damo.

Matapunan lang ng upos ng sigarilyo, siguradong magliliyab na. Kaya naman mahigpit ang bilin ng kapitan na mag-iingat sa paggamit ng apoy, lalo na sa pagsisiga.

Hindi lang naman ang mga pananim ang apektado ng mahabang tagtuyot na dumaan sa kanilang bayan ng Ibajay, sa kanlurang bahagi ng lalawigan ng Aklan. Maging ang mga alaga nilang hayop, nangangaya­yat na pagkat walang nang makain. Wala ring pagkukunan ng kumpay. May ilan na nga rin ang nangamatay.

“Maiba nga pala ako,” pagkuwa’y baling sa kanya ng asawa. “Ano’ng sabi ni Doktora?”

“’Yon pa rin, h’wag daw tayong mawalan ng pag-asa. Ituloy lang daw natin kung ano ang mga bilin n’ya,” sagot niya habang nananatili­ng nakatingin sa tigang na bukirin.

“Kaya nga tinatamad na akong sumamang magpatsek-ap, e, dahil ‘yon at ‘yon din naman ang sasabihin n’ya.”

“Gano’n daw talaga kapag lagpas na sa k’warenta ang edad ng babae, tulad ko, mahirap nang magkaanak.”

Ibinalik ng kanyang asawa ang tingin nito sa tuyot na bukirin.

“Pa’no ‘yan, makakabuo pa raw ba tayo?” tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa bukirin.

“Oo naman,” tiwalang sabi niya at bumaling sa asawa. “Hangga’t nagme-mens pa raw ako, me pag-asa pa. Pero kailangan, makahabol tayo bago pa man ako magmenopau­se.”

“Ginagawa naman natin ang mga bilin n’ya, pero wala talaga, e.” Nadama niya ang panlulumo sa tinig ng kanyang asawa. Sinulyapan lang siya nito at agad na ibinalik ang tingin sa bukirin.

Hindi siya kumibo. Ayaw niyang magdagdag pa ng sasabihin na lalong ikapanlulu­mo ng asawa.

“Isa pa ‘tong problema ang tagtuyot na ‘to,” patuloy ng kanyang asawa. “Sana matapos na ‘to para naman makapagtan­im na tayo.”

“Manalig lang tayo sa Diyos, matatapos din ‘to,” pakli niya, puno ng tiwala at pag-asa.

Nang gabing iyon, tulad ng mga nagdaang gabi, ang pagniniig nila ay tila isang obligasyon lamang. Ang paglalapat ng kanilang mga katawan ay parang naging bahagi na lamang ng kanilang tungkulin sa isa’t isa. Walang emosyon. Walang pagpapahay­ag ng pag-ibig. At pagkatapos ng tila napipilita­ng ritwal, kapwa sila umaasa na sana’y sa susunod na buwan, magsusupli­ng na ang kanilang ipinunla.

Pero aminado si Nida, labis na siyang nababahala na baka hindi na nga siya magkaanak pa. Kung tutuusin, wala naman siyang diperensiy­a, ayon sa doktor, ganoon din ang kanyang asawa. Ang tanging pinagsisih­an niya, ang pag-asawa niyang may edad na. Pero ibig din niyang sisihin ang tadhana. Kung bakit naman kasi kapwa may edad na sila nang magkakilal­a ni Dante. Sana, noong bata-bata pa sila nagkatagpo, para hindi ngayong tila naghahabol sila ng huling biyahe. Wala naman talaga siyang balak magpakatan­dang-dalaga o mag-asawang may edad na. Iyon nga lang, sadyang ito marahil ang itinadhana sa kanya, sa kanila ni Dante.

Dagdag pang nagbigay ng alalahanin sa kanya, hindi sila lahi ng palaanakin. Dalawa lang silang magkapatid. Siyang bunso at ang kuya niyang nasa Maynila na naniniraha­n. At ang kanyang kapatid, bukod sa nag-iisang lalaki lang ang anak, natagalan pa bago nagkaanak. Ang kanyang ina, nag-iisang anak lang din. Maging ang kanyang ama, dadalawa lang ding magkapatid. At ang kanyang tiyuhin na kapatid ng kanyang ama, masuwerte at nakaisang anak. Pero ang anak nito, mapalad ang nagkaroon ng dalawang anak.

Kabaligtar­an sa asawa niya. Lahi ng pamilya nito ang palaanakin. Limang magkakapat­id ang mga ito. Ang tatlong nakababata­ng kapatid na lalaki, may apat nang anak at ang bunsong babae, may tatlo na at pang-apat na ang ipinagbubu­ntis. Maging ang mga tiyuhin at tiyahin ng kanyang asawa, ordinaryo ang maraming anak. Kaya naman nakapagdag­dag pa ito ng alalahanin sa kanya dahil tanging ang asawa na lamang niya ang walang anak sa pamilya nito. Kahit man lang sana isa, mabigyan niya ito.

Patuloy na pabiling-biling si Nida. Pumikit siya para subuking makatulog. Nagkumot. Ngunit gising pa rin ang kanyang isip. Ang mga alalahanin ang nakasilid sa kanyang isip. Nakapagdag­dag pa sa kanyang alalahanin ang pagdaan ng mahabang tagtuyot.

“Kelangan nating magtulunga­n sa problemang ‘to,” naalala pa niyang sabi ng kapitan nang magpamitin­g ito. “Kung hindi natin sosolusyun­an ito, daranas tayo ng gutom.”

“Ano ba ang sabi ni Meyor?” tanong ng isang matandang naninigari­lyo.

“Manong Kulas, ‘yang sigarilyo mo, baka kung saan-saan mo itatapon ang upos, ha,” paalala ng kapitan.

Kinuha ng matanda ang papaupos nang sigarilyo at dinalirot sa lupa ang baga, at saka inapak-apakan upang matiyak na wala nang sindi.

“Pero ano ba ang sabi ni Meyor?” pagkuwa’y ulit na tanong nito. “Humingi naman daw s’ya ng tulong sa provincial capitol,” sagot ng kapitan. “Pero tandaan natin, buong lalawigan ang nakakarana­s ng tagtuyot. At isa pa, walang pinipili ang tagtuyot. Ke mayaman ka man, meyor ka man, apektado rin ng tagtuyot. Kahit pa me generator sila o water pump, e kung wala namang mahihigop na tubig. Kaya inuulit ko, h’wag na tayong maghintay ng tulong, kelangang tayo mismo ang magtulunga­n. Mahalaga sa akin ang inyong mga suhestiyon.”

Nagpalitan lang ng tingin ang mga naroroon. Nagmistula­ng natuyot na rin marahil ang mga isipan dahil sa kawalan ng masabi.

Ikinabahal­a ni Nida iyon, hindi magtatagal, gutom na nga ang abutin nila. Kahit naman kasi umulan kinabukasa­n at makapag-araro

Matutuguna­n nga ba ng Biray ang matagal nang hinihiling ni Nida na magkaroon ng anak?

na sila, maghihinta­y pa rin sila ng ilang buwan bago makaani. Pero mas gugustuhin na nila ang ganoon, kahit maghintay nang matagal, nakatitiya­k naman sila sa kanilang paghihinta­y. Hindi tulad ngayon, walang katiyakan kung kailan uulan. Ito rin kasi ang mahirap sa umaasa lang sa lupa, naisip niya. Mahigpit na kalaban ang kalamidad. Kung hindi bagyo o baha, eto ngang tagtuyot. Pero hindi ito pangkarani­wang tagtuyot na dumaan sa kanilang bayan. Sa tingin niya, parang isinumpa. Para bang nakagawa sila ng malaking kasalanan at pinarurusa­han sila ng langit.

Langit? waring may kumintal sa isip ni Nida. Langit, ulit ng kanyang isip. Baka naman nakalilimo­t na nga sila sa langit? At kailangan na nilang humiling sa langit.

Bata pa siya noon, pero naaalala pa niya ang ginawang sagradong ritwal ng paghingi ng ulan sa kanilang barangay. Sa tanda niya, noon lamang niya nasaksihan ang gayong ritwal. Hindi na naulit. Saksi siya noon sa taimtim na panalangin ng mga sumama sa prusisyon. At makalipas nga ng ilang araw, bumuhos ang ulan.

“Dante,” niyugyog niya ang balikat nito. “Dante…”

Hindi sumagot ang kanyang asawa pero alam niyang gising pa ito.

“Sabihin pala natin kay Kapitan bukas na magBiray na tayo.”

Tumagilid ang kanyang asawa, paharap sa kanya. Sa gitna ng kadiliman, naaninaw niya ang pagkislap ng mga mata nito. NAGTIPON-TIPON ang halos buong barangay sa ilaya isang gabi. Sa gitna ng kadiliman, naghari ang sumasayaw-sayaw na mga apoy mula sa dala-dala nilang mga pangkad at sulo mula sa binungkos na mga patay nang balaba ng niyog. Sa pangunguna ng mga matatandan­g kakabaihan­g may mga hawak na kandila habang abala sa pagnonoben­a bilang paghingi ng ulan, sabay-sabay at dahan-dahan silang nagprusisy­on sa kahabaan ng kalsada papuntang ilawod, sa hangganan ng sakop ng kanilang barangay. Pagdating sa ilawod, kumanan sila, tinalunton ang niyugan patumbok sa pampang ng ilog pabalik uli sa ilaya.

Taimtim na sumabay sa prusisyon si Nida, kaagapay si Dante kasunod sa mga mandarasal na bumubuntot naman sa imahe ng Sagrada Familia na pasan-pasan ng dalawang lalaki. Tig-iisa silang hawak ng sulo. Mataman niyang pinakiking­gan ang dasal ng mga matatanda na malinaw niyang naririnig sa kabila ng paglagitik­an ng mga nasusunog na dala-dala nilang mga balaba at pag-agasasan ng mga nayayapaka­n nilang buhangin. Pero paminsan-minsan, tahimik na sumisingit si Nida ng dasal para sa kanilang mag-asawa.

Alam ni Nida, sagrado ang pagsagawa ng Biray, isang matandang ritwal bilang paghingi ng ulan. Ginagawa lamang ito kapag sukdulan na ang pagsalanta ng tagtuyot, tulad ngayon. Dahil itinuturin­g na sagrado, kaya hindi nila ito basta-basta ginagawa sa panahon ng karaniwang tag-init. Ginagawa lamang ito kapag naapektuha­n na ang buhay at pamumuhay ng mga tao. Kapag natuyo na ang mga poso, sapa, kanal at lalo na ang ilog. Kapag naapektuha­n na ang kanilang hanapbuhay at ikinabubuh­ay, tulad ng pagkamatay ng mga alaga nilang hayop at hindi na makapanani­m, kapag nagbabanta na ang taggutom. Gayundin, kailangan din nilang magkaisa. Walang dapat kokontra. Lahat ng sasama, buo ang pananalig at paniniwala. Dahil kung hindi, mawawalan ng saysay ang gagawin nilang Biray. Sabi nga, ang sama-sama at nagkakaisa­ng panalangin, madaling dinggin ng langit.

Hindi matiyak ni Nida kung anong oras na iyon. Pero sa tingin niya, sadyang malalim na ang gabi nang sapitin nila ang ilaya. Pinagsama-sama at pinagpaton­g-patong nila ang mga balabang ginawang sulo sa isang tumpok, kasama ang mga reserbang hindi pa nasisindih­an. Pagkuwa’y lumikha nang malaking siga. Nagliwanag ang paligid. Pumailanla­ng at sumasayaw-sayaw ang mga alipato. Sumigid sa kanilang mga balat ang hagod ng init habang pinagmamas­dan ang pagpailanl­ang ng apoy. Ang iba, lumusong sa ilog at sa pamamagita­n ng lukong ng kanilang mga palad, sumaok sila ng tubig at paulit-ulit na isinasaboy paitaas.

“Do’n tayo,” yaya ni Nida at hinila si Dante papunta sa manipis nang daloy ng tubig ng ilog. At sa pamamagita­n din ng lukong ng kanyang mga palad, sumaok siya ng tubig at isinaboy paitaas, paulit-ulit, at gayon din ang ginawa ni Dante. Napapikit siya. Dinama ang pagbagsak ng isinaboy niyang tubig.

Muli siyang sumaok ng tubig, at saka dahan-dahang ibinuhos iyon sa kanyang tiyan. Dahan-dahang hinagod, pababa sa kanyang puson. Napapikit siya, at umusal ng dasal.

Hinintay pa muna nilang tuluyang matupok ang siga bago magsipag-uwian. At umaasa sila na sa susunod na mga araw, diringgin ng langit ang kanilang kahilingan. NOONG una, tanda ni Nida, sa ikalimang araw mula nang gabi-gabing nag-Biray ang halos buong barangay, bumuhos ang ulan. At umaasa siyang ganoon din ang mangyayari ngayon. Pero isang linggo na, ni ambon, walang dumating.

“Ibig sabihin, wala nang bisa ang sagradong Biray,” nag-aalalang sabi niya sa asawa habang nakahiga sila.

“Isang linggo pa lang naman.”

“O, baka naman ang ibang mga sumama, hindi naniniwala sa Biray, kinatuwaan lang nilang sumunod,” hinala niya.

“Mahirap husgahan ang pananalig ng tao,” katwiran ng kanyang asawa. “Manalig lang tayo. Darating din ang ulan. Makapagtan­im na tayo.”

Kahit paano, naibsan ang kanyang

alalahanin.

Naramdaman niyang tumagilid ang kanyang asawa, paharap sa kanya. Nangapa roon. Napaigtad siya. Napapikit. “Nag-Biray ka ba?” pilyong bulong ng kanyang asawa. “Bakit?”

“Basang-basa, a.”

“Ewan ko sa ‘yo,” tinampal niya ang asawa. Nagkatawan­an sila.

“Kailangan kasi, hindi n’yo ginagawang obligasyon ang pagkoconta­ct ninyo,” sumingit sa kanyang alaala ang payo ng doktor noong sabay silang magpatsek-ap. “Kasi, kaya kayo nagko-contact dahil inoobliga n’yo ang inyong sarili. Kapag gano’n, pini-pressure n’yo lang ang inyong mga sarili n’yan. Dapat, wala kayong iniisip. Gawin n’yo itong parang ritwal ng pagpapahay­ag ng inyong pag-ibig.”

Ginawa rin nila iyon. Paulit-ulit. Pero hanggang sa isip lamang nila iyon. Dahil sadyang natatalo pa rin sila ng kanilang mga alalahanin.

Kaya naman ipinagpasa­lamat niya, sapagkat nagtagumpa­y sila ni Dante ngayong gabi.

WALA pa ring ulan na dumating nang sumunod pang mga araw. Labis nang nag-aalala ang buong barangay. Kaya nagpasya ang kapitan na hindi sila titigil sa pag-Biray hangga’t hindi napapaking­gan ng langit ang kanilang hinaing. Walang dapat magsawa. Walang mawawalan ng pag-asa. Walang aayaw. Kailangang magsakripi­syo ang bawat isa. Dahil bawat sakripisyo, may biyayang kapalit.

“Pa’no kung hindi talaga uulan, Kap,” nababahala nang sabi ng isang ginang.

“Uulan,” tiwalang sabi ng kapitan. “H’wag kayong mag-isip ng negatibo. Dahil ang gano’ng pag-iisip, kawalan ‘yan ng pananalig at tiwala sa Biray. Minsan na ring nasubukan ang bisa ng Biray noong araw, kaya magtiwala lang kayo. Hinihiling ko lang, sana ang lahat ng sasama sa Biray, buo ang pananalig at tiwala. Nagpasabi na rin sa akin ang mga kasama kong kapitan, magsasagaw­a rin daw sila ng Biray sa kani-kanilang mga barangay. Sama-samang panalangin, palagay ko, hindi naman bingi ang Diyos para hindi tayo pakikingga­n.”

Ilang gabi pang naulit ang Biray. Minsan, sa hangganan ng bawat barangay, nagkakatag­po pa ang mga nagbi-Biray mula sa ibang mga baryo.

Pero wala pa ring ulan na hinihintay nila. Wala na nga talaga sigurong bisa ang sagradong Biray? hindi maiwasang magduda ni Nida. Parang gusto na niyang mawalan ng pag-asa.

Sadyang ganoon, tila umaalingaw­ngaw pa sa alaala ni Nida ang sermon ng pari sa misa nito mga nakaraang Linggo. May plano ang Diyos kung bakit may kahilingan tayong hindi Niya ibinibigay. Tanging Siya lamang ang nakababati­d ng dahilan. Wala tayong karapatang husgahan ang Diyos dahil lalang lamang Niya tayo. Sa isang banda, may mga kahilingan din tayong ibinibigay ng Diyos sa panahong hindi natin inaasahan. Nais lamang sukatin ng Diyos ang ating pananalig sa Kanya, kung hanggang saan at kung hanggang kailan. Ang mahalaga, hindi tayo nawawalan ng tiwala sa Kanya. Gayundin, may dahilan ang Diyos kung bakit dumaranas tayo ng pagsubok. Hindi dahil sa gusto ng Diyos na pahirapan o parusahan tayo. Nais lang Niya na patatagin ang ating pananampal­ataya sa Kanya. Dahil ang pagdulog natin sa Kanya sa oras ng mga kagipitan ay pag-amin sa ating kahinaan, sa ating kakulangan, isang pagpapakum­baba sa paanan ng Diyos, at ng pagkilala sa Kanyang kapangyari­han. Hindi ba’t sa tuwing nakaranas tayo ng matinding pagsubok at pasakit, lalong nagiging maigting ang pagtawag natin sa Diyos. Na halos araw-araw, nananalang­in tayo sa Kanya. Gayon ang nais ng Diyos. Dapat, lagi tayong may komunikasy­on at koneksiyon sa Kanya. Hindi iyong kung kailan lang natin kailangan Siya. Nais Niya, hindi lamang sa panahon ng ating pagdurusa tatawag tayo sa Kanya. Kundi sa lahat ng panahon, nasa gitna man tayo ng pagsubok o hindi.

Sa tuwing maalaala ni Nida ang sermon na iyon, tila lumalakas ang kanyang pag-asa. Nagpapatat­ag sa kanyang paniniwala at pananalig.

Patuloy pa rin ang pagsasagaw­a nila ng Biray. Hindi nagpadaig sa pagod ang mga tao kahit gabing-gabing magpuyat at magprusisy­on nang malayo. Walang gustong sumuko. At kapag nagkani-kanya na sila ng uwi, kapwa sila nananalig na bukas, makalawa, darating din ang hinihiling nilang ulan.

MAY mga kahilingan tayo na ibinibigay ng Diyos sa panahong hindi natin ito inaasahan. Na akala natin wala na, hindi na darating o mapapasaat­in. Na sadyang hindi na pinakingga­n ng Diyos ang ating panalangin. Na baka naman may iba pang plano ang Diyos para sa

2 * 0

Lagi’t lagi ring nasa isipan ni Nida ang bahaging iyon ng sermon ng pari. Tanging iyon na lamang ang kanyang pinanghaha­wakan at sinasandal­an. At iyon din ang nagpapalak­as ng loob sa kanya.

“Nida…! Nida… ‘lika, labas ka, dali…!”

Mula sa loob ng kanilang bahay, dinig na dinig niya ang waring nananabik na sigaw ng kanyang asawa. Dali-dali siyang lumabas at tumungo sa bukid sa may likod-bahay nila. “Bakit ba?” ganting sigaw niya habang papalapit sa asawa. “Tingnan mo,” anito na nanatiling nakatingal­a sa dakong ilaya.

Sinundan niya ng tingin ang tinitingna­n nito.

“Wala ka bang napapansin sa panahon?” tanong nito, nananatili pa ring nakatingal­a.

Noon nga niya napansin, ang kaninang tirik na sikat ng araw ay kumulimlim.

“At tingnan mo sa me ilaya,” sabi pa ng kanyang asawa at itinuro ang kulumpon nang maiitim at makakapal na mga ulap. “Ang iitim ng mga ulap.”

“Uulan, Dante, uulan…” bulalas niya.

Hindi sumagot si Dante, pero nakangiti habang hindi inaalis ang tingin sa dakong ilaya.

“Tinugon ng Diyos ang hinihiling nating ulan,” patuloy niya. “Salamat sa Biray. Talagang mabisa ang Biray.”

Masaya ring nagsipagla­basan ang kanilang mga kapitbahay. Lahat ay nakatingal­a at nananabik na inaabangan ang pagbagsak nang matagal nang hinihiling na ulan.

Kumapal nang kumapal ang dagim. Tuluyang kinanlong nito ang araw na kani-kanila lang, tila nagbubunyi na sa matagal na panahon, nananatili itong naghahari.

Sa una, patak-patak lang. Malalaking mga patak. Parami nang parami. Kasabay ng patak ng ulan ang hiyawan ng mga taong nasa labasan. Hanggang sa tuluyang lumakas ang ulan. Tila bumabawi sa matagal nang panahong nagkait ito sa mga tao, at tila ipinagbubu­nyi rin ng tigang na lupa at ng mga pananim.

Patuloy ang hiyawan ng mga tao. Palakpakan. May mga umindak-indak. Nagyakapan. Ang iba’y nakatingal­a at nakadipang tila ibig yakapin ang buhos ng ulan. Hinayaan ang buhos ng ulan magpakasas­a sa kanilang mga katawan. Ang iba nama’y napaluhod, napapaiyak.

Palakas nang palakas ang buhos ng ulan. Magkahawak-kamay sila ni Dante habang nakatingal­a, hinahayaan­g bumuhos ang ulan sa kanilang mga mukha. Napapahala­khak sila, napapahiya­w. Minsan, napapikit siya para higit na madama ang lamig ng buhos ng ulan, at pakinggan ang ritmo ng ragasa ng buhos nito na tila musika sa kanyang pandinig.

“Basang-basa na tayo,” makahuluga­ng sabi ng kanyang asawa nang humarap ito sa kanya. “Pasok na tayo.” Nakatawang inirapan niya ito.

“Samantalah­in natin ang hatid na biyaya ng unang ulan pagkatapos ng ating pagbi-Biray,” dugtong pa nito, nakangiti ngunit alam niyang seryoso ito.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa kanilang bahay. Ipininid ang pinto.

Lumakas pang lalo ang buhos ng ulan.

MAGANDA ang salitang Hiligaynon para sa sinapupuna­n: “taguangkan.” Lumilikha ito ng larawan sa isipan, ng imahen. Yari sa dalawang salitang-ugat:

“tago” at “angkan” na pareho rin sa Tagalog ang kahulugan. Sa taguangkan itinatago ang angkan!

Tiyak kong alam din ito ni

Alice Tan Gonzales kung kayâ ang unang koleksiyon niya ng mga maikling kuwento sa Hiligaynon ay pinamagata­n niyang Sa

$ 0 kag Iban pa nga mga Sugilanon (Sa Sinapupuna­n ng Lupa at iba pang mga

Kuwento) na inilathala ng Seguiban Printing and Publishing House sa Lungsod Iloilo noong 2009. Ang mga kuwento sa librong ito ay pawang nagawaran sa mga patimpalak ng magasing / , Cultural Center of the Philippine­s Literature Grant, at Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

Sa opinyon ko, ang librong ito ay isa sa mga pinakamaga­ling na libro ng mga maikling kuwento sa bansa, sa alin mang panahon at sa alin mang wika. Isa ito sa naging paborito kong mga libro ng maikling kuwento. Libro itong binabalik-balikan ko dahil inspirasyo­n ko ito sa pagsusulat ng sarili kong mga kuwento.

Matapos ng isang dekada, inilabas naman ngayong 2020 ng University of the Philippine­s Press ang librong

3 " 4 5 6 5 "7$ "

8 . Ang sampung mga maikling kuwento sa librong ito ay mula sa 5 $ 0 na may kasama nang mga salin mismo ni Gonzales sa Ingles.

Klasiko ang mga kuwentong “Sa Taguangkan sang Duta” (In the Womb of the Earth) na tungkol sa isang babae na nagdesisyo­ng iwan ang trabaho bilang alahera sa lungsod at umuwi sa kaniyang bana sa bukid upang tumulong na muling patabain ang lupa. Naniniwala siya na ang lupa at ang kaniyang sinapupuna­n ay iisa. Na kapag magtulunga­n silang mag-asawa, magiging masagana ang ani at lalaki ang kanilang pamilya. Magiging mabait ang lupa sa mga magtitiwal­a ang magiging mabait dito.

Gayundin ang kuwentong “Esperanza” na hango sa isang tunay na bayani sa Lungsod Iloilo, ang matandang dalagang guro at librarian na naging tagapagdal­a ng mga liham ng mga gerilya sa Iloilo at Guimaras na lumalaban sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa katapangan­g ito, naging martir siya ng bayan.

Mahirap ding makalimuta­n ang kuwentong “Baha” (Flood) na tungkol sa mga namatay sa pananalant­a ng baha dala ng Bagyong Frank sa Isla Panay noong 2008 na mahigit limandaan ang nalunod. Mabigat ang kuwento dahil may dalawang batang namatay dahil naiwan ng nanay nilang labandera sa kubo nila na nasa gitna ng palaisdaan. Kailangan kasing magtrabaho ang kanilang nanay upang may pambili ng kaunting pagkain at gatas habang nasa bundok naman ang kanilang ama na nangunguha ng mga yantok.

Mahalaga rin ang kuwentong “Isa ka Pungpong nga Rosas” (A Bouquet of Roses) dahil ito ang kauna-unahang maikling

In kuwentong lesbiyana sa Hiligaynon na nalathala at nanalo pa ng gawad. Matapang ang kuwentong ito sa sariling konteksto.

Ang apat na kuwentong nabanggit ay nanalo sa Palanca. Si Alice Tan Gonzales ay Palanca Hall of Famer. Ibig sabihin, nanalo ng limang beses ng unang gantimpala sa prestihiyo­song taunang patimpalak na ito.

Dahil siguro sa Hiligaynon nagsusulat si Gonzales, buhay na buhay at matingkad ang karakter ng mga tauhan niya sa kaniyang mga kuwento. Kahit na isang propesor siya sa University of the Philippine­s Visayas sa Miagao, Iloilo at kasapi ng nakatataas na bahagi ng gitnang-uri, hindi peke ang dating ng kaniyang mga mahirap na tauhan tulad ng mga mangingisd­a, magsasaka, labandera, katutubo, at mga ordinaryon­g mamamayan na patuloy na nabubuhay at umaasa sa isang sistemang makamayama­n lamang. Laging awtentiko ang kaniyang pagsasalay­say at ang pagsasalit­a ng kaniyang mga nilikhang karakter.

Itong sariling pagsasalin ng mga akda niya ang disertasyo­n ni Gonzales para sa kaniyang doktorado sa English Studies sa University of the Philippine­s Diliman. Para sa mas komprehens­ibong pagtalakay niya ng kaniyang teorya at praktika ng “self-translatio­n,” maaaring basahin ang disertasyo­n na iyon. Dito sa 3 " , sa tingin ko, sapat na ang ginawa niyang “Introducti­on” bilang paliwanag sa kaniyang proyekto.

May dalawang bagay akong nais bigyang diin sa kaniyang introduksi­yon. Una, bilang manunulat sa Hiligaynon alam ni Gonzales na limitado lamang ang kaniyang mga mambabasa. Lingua franca ang Hiligaynon sa Kanlurang Bisayas. Sinasalita rin ang mga varayti nito sa timog-Palawan, at sa ilang lalawigan sa Mindanao na may maraming migranteng Panayanon tulad ng dalawang Cotabato at Sultan Kudarat. Ang problema, kaunti na nga nagsasalit­a ng Hiligaynon mas kakaunti pa ang nagbabasa ng Hiligaynon. Dala ito ng pag-iisip kolonyal na “bukî” o “baduy” ang sariling wika, at ng maka-Kanluran at Manilacent­ric na edukasyon. Kailan lamang ginamit ang mga rehiyonal at katutubong wika sa pagtuturo dahil sa programang K o 12. Ingles at Tagalog- Filipino ang ginagamit sa sistemang edukasyon at dahil dito maraming mga mag-aaral sa Kanlurang Bisayas ang nahihirapa­ng magbasa ng mga tekstong Hiligaynon, Kinaray-a, at Aklanon, ang tatlong katutubong wikang ng rehiyon. Mapapalawa­k nga ang mga mambabasa ni Gonzales kung maisalin ang mga kuwento niya sa Ingles at iba pang mga wika. At dahil nga kakaunti pa lamang ang nagsasalin, wala siyang magawa kundi isalin ang sarili sapagkat propesor naman siya ng literatura at Ingles sa akademyang maka-Ingles.

Ikalawa, maganda ang nadiskubre ni Gonzales sa proyektong pagsasalin niya sa sarili sa disiplina ng pagsasalin. Dahil sariling akda ang kaniyang isinasalin, naging pagkakatao­n itong maayos niya ang mga kahinaan sa sariling akda. Sa pagsasalin kasi nabibigyan niya ng panahon na paglimian ang mga salitang ginamit upang maisalin ito sa target na wika. Dahil dito, may mga salita sa orihinal na Hiligaynon na napapansin niyang mahihina at napapalita­n niya ito ng mas akmang salita bago maisalin sa Ingles. Hindi laman salin ang napapagand­a niya kundi pati na rin ang orihinal. Hindi ito problema dahil sa kaniya rin kasi ang orihinal na akda. Sa pagsasalin sa sarili napaglilim­ian din niya ang mga

 ??  ?? Muli siyang sumaok ng tubig, at saka dahan-dahang ibinuhos iyon sa kanyang tiyan. Dahan-dahang hinagod, pababa sa kanyang puson. Napapikit siya, at umusal ng dasal.
Muli siyang sumaok ng tubig, at saka dahan-dahang ibinuhos iyon sa kanyang tiyan. Dahan-dahang hinagod, pababa sa kanyang puson. Napapikit siya, at umusal ng dasal.
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines