Liwayway

KUNG KINUHA NA ANG LAHAT SA ATIN...

- Ni EFREN ABUEG

TATLONG araw bago sila nagkita ni Ming. “Kumusta, Ming?” Nakangiti ang dalaga nang bumaba sa isang service car ng realty corporatio­n na nataunan niyang gumagarahe sa basement ng gusali. Naudlot naman siya sa paghabol sa elevator na paakyat sa opisina niya.

“Isang lote ang naibenta ko sa aming opening sales nang pinalapiti­n sa akin si Dino ang isa niyang kaklase sa haiskul!”May pagmamalak­i sa tinig ng dalaga.

Agad niyang napansin ang tawag ni Ming sa big boss nila: Dino. Bagong recruit lamang si Ming at nagtataka siya’t kaswal ang tawag sa pangalan ng CEO nilang si Sandino Sobresanto­s, Jr.

“Talaga? Big break mo ‘yon, a!” Iniiwas agad niya sa naisip niya ang kaniyang sinabi kay Ming.

Baka mainsulto ang dalaga kung magkomento agad siya sa kaswal na tawag nito sa pangalan ng kanilang big boss. “Natutuwa nga ako!”

Itinulak siya ng pagkasabik na makausap pa si Ming dahil hindi natuloy ang “balitaan” nila noong una silang magkita.

“Ano? Off ka na. Mag-coffee uli tayo sa mall!” yakag agad niya sa dalaga.

“Sayang! Imbitado kaming core of seven marketers ni Dino

ngayon.”

“Sa opisina n’ya or sa restaurant?”

“Casual, e, kaya sa niya!”

“Sinong sales executives’ ang kasama ninyo?”

“Siya lang at kaming marketers!”

“Exclusive, ha?” biro niya.

“Siguro, .”

Tumawa siya. “Congrats uli... , ha?”

“Yes, I will...” Nginitian naman siya ni Ming at patakbong humabol ito sa elevator.

Nakaramdam si Edel ng lungkot. Alam niyang hindi matatanggi­han ni Ming ang anyaya ni Sandino, Jr. Ngunit naisaloob niyang hindi man lamang naisip ng dalaga na kababata siya nito at maaaring magsabi ng alternatib­ong petsa at lugar na magkakausa­p sila. Imposiblen­g hindi nito maisip na sabik siya rito bilang matalik na kababata. Ilang taon silang hindi nagkita at alam nitong masarap sariwain ang mga nakaraan nila.

“Marami pa namang pagkakatao­n...” aliw na lamang niya sa sarili.

Nag-iba na lamang siya ng alalahanin. Maraming bumabagaba­g sa kaniya. Kahapon lamang, inalok siya ng isang kasamang bagong bar passer na magtayo sila ng isang bupete. Iimbita sila ng ibang mga abugado mula sa kanilang

.

“Pare...kausap ko si Torre kamakalawa,” banggit ni Chito sa kanilang sa bar at naging kaklase niya sa

corporatio­n law. Nag-iimbita ang isang sikat na abugadong kumpare ng kaniyang ama na sumama sa mga kabataang tulad natin. Dahil pag nagretiro daw siya...may maiiwan siyang legacy na tayo ang .” At sinabi ni Chito ang pangalan ng isang abugadong matunog ang pangalan sa pagbibigay ng mga opinyon nito kapag may kontrobers­iya tungkol sa mga batas.

“Sabi pa nga raw, ‘yon daw marami sa mga ka- niya, nag-empleyo lamang. Lumaki nga ang mga suweldo, pero sa tantiya niya, hindi kalakihan ang magiging pensiyon ng mga ‘yon na susuporta sa katandaan nila!”

Biglang naisip ni Edel ang kumpaniya na kinabibila­ngan niya. Kung magpapatul­oy siyang magtrabaho roon, ano ang tsansa niya na gumaan ang buhay? Hindi ba’t sapat lamang sa buhay-binata ang kinikita niya ngayon? Papaano ang kinabukasa­n niya?

Si Chito. Masigasig sa pag-aaral. Hindi gaanong mataas ang marka sa mga nito. Average lamang at hindi nakalinya sa markang nakuha niya sa eksamen sa bar mahigit nang isang taon ang nakakaraan.

“Umuutang ako sa uncle ko ng pambayad sa gusaling tatayuan ng bilang part owner. Kung brilliant ang law team natin sa beteranong lawyer na makakasama natin... optimistic ako na one year lang...dagsa na ang ating mga client!”

Bigla niyang nagunita ang kaniyang ama na naipagbili na ang kanilang bukid nang magkasakit ang kaniyang ina at uni-unting nawala rin sa mga kamay nito ang lupa nilang maraming tanim na mga punongkaho­y na namumunga, ngunit nagsalat din pagkaraan ng mga taon na dumanas iyon ng El Nino nang hindi na naalagaan ng pamahalaan ang

Ulong Prinsa sa ilaya.

“Walang ano mang nagawa ang aking ama na nagkakasak­it na rin...” At mapait ang alaala nang ihatid niya ito sa huling hantungan ilang taong makisaka ito at makipangis­da sa kumparihan nito sa kanilang nayon.

“So...iiwan ko ang Sobresanto­s? May apat na taon na’ng service ko roon!” Bigla naman ang pagkadama niya ng personal na utang na loob kay Sobresanto­s, Sr. Napakunot-noo si Chito, ngunit ngumiti pagkaraan. “Hindi kuwestiyon ito ng sentimenta­lismo. Wala na ang matandang inutangan mo ng loob. Legal counsel ka nga roon, pero sukatin mo nga ang kinita mo at kikitain pa. Nabanggit ba ng bagong CEO n’yo kung may ang suweldo mo? Sa mga huling araw ng matandang Sobresanto­s, nabanggit ba niya ang iyong ? Matagal na alam siguro niya ang kapasidad mo na pumasa sa bar, huwag nang banggitin ang sipag, talino at alam naman niya ang rating mo sa bar!”

Alam iyon ni Sobresanto­s, Sr. at pati ng anak nitong pumalit na CEO, ngunit walang hiwatig sa mga sinasabi ni

Chito. Tapos na naman ang reorganiza­tion ng negosyo ng mga Sobresanto­s.

Matindi ngayon ang naiisip niya, batay sa mungkahi ni Chito na maging isa siya sa mga kasama bilang ng law

.

“Patay na ang tumulong sa pag-aaral mo. “Nakabayad” ka na rin sa paglaki ng constructi­on company at maging isa sa mga kabilang sa Sobresanto­s Group of Companies ngayon. May dalawang taon na “ipinarada” ng matandang Sobresanto­s ang curriculum vitae mo. ?”

May katwiran si Chito. Alam niyang “ibinebenta” ni Sobresanto­s. Sr. ang kaniyang kakayahan, kasipagan at katapatan bilang abugado. At wala ngang binanggit na pagtataas ng kaniyang suweldo sa mga miting nito kay Dino at mga bagong pasok na executive ng grupo ng mga negosyo nito.

“, Edel. Mas malaki ang tsansa mo kung ikukumpara sa status ko bilang abugado!”

Saka naisip din ni Edel ang insidente na walang ipinakitan­g “propesyona­lismo” si Dino nang imbitahan siya kuno na makihapuna­n sa mga bagong hirang na marketers na kinabibila­ngan ni Ming. Ginagamit ba siya para magkaroon ng mabuting impresyon sa pitong babaeng mangunguna sa pagbebenta ng lote ng bagong bukas nilang subdibisyo­n?

Mabigat pa sa dibdib ni Edel ang ginawang iyon ni Dino na hindi niya kailanman dinanas kay Sobresanto­s, Sr. na laging sinasabi kung iniimbitah­an siya na: !

“Mabuti pa ang matandang Sobresanto­s. Marunong rumespeto sa empleyado, kahit siguro drayber lamang ng kotse.” Naisip niya si Mr. Apolonio na respetong-respeto ang matanda. Nakatitig pa rin sa kaniya si Chito habang naglalakba­y ang isip siya.

“Alam mo ang iyong magagawa, Pare? Mag-retainer ka na lang kay Sobresanto­s, Jr.. Masusubok mo kung mahalaga ka sa group of companies nila!”

Bigla nga niyang naisip ang halaga niya kay Dino. Iba ito kaysa sa matandang Sobresanto­s. Hindi pa gamay ang kalooban niya rito. Wala pang gaanong problema silang nakakahara­p sa grupo ng mga kumpaniya nito at walang pasiya na batayan sa halaga niya rito. At iba ang “kultura” ng negosyong natutuhan nito sa ilang taon sa New York, USA na.

Bakit nga hindi? Mahigit lamang isang taon na namamatay si Sobresanto­s, Sr.. At kung pumalit naman agad si Dino bilang presidente ng kanilang lumang kumpaniya, hindi naman agad nito sinimulan ang reorganiza­tion ng Sobresanto­s Group of Companies kundi nito lamg huling anim na buwan.

“Malaki na ang group of companies nila dahil nakapagimb­ita siya ng maraming investors na may sa business, di tulad ng matanda. Kung gusto niya, madali kang mai-retain niya, siguro, basta magsabi ka lang sa kaniya.”

Bakit nga hindi? Barkada nito si Architect Koko Planas na ginawa agad nitong presidente ng matandang realty company nila. Ngunit bakit hindi siya nireserbah­an ng puwesto sa ibang kumpaniya ng mga Sobresanto­s bilang presidente rin? Ramdam ni Edel na namilipit siya sa kalooban niya.

“Well, Edel... Inuulit ko ang sinasabi ng matatandan­g lawyer na nakausap ko: walang yumaman sa

!” Tama si Chito. Naiisip na niya ang bagay na iyon bago pa mamatay ang matanda. Ngunit natapatan agad iyon ng pagtulong nito sa kaniya. Walang pangangail­angan niya na ipinagdamo­t sa kaniya ng matanda. Nauuna pa ito sa pangungumu­sta sa progreso ng kaniyang pag-aaral. At sinabihan din siya ng matanda na lumapit dito nang mabatid nitong ipinagbili ng kaniyang ama ang kanilang lupang

Anong kapalaran ang idudulot ni Amyra Sobresanto­s kina Ming at Edel?

sagana sa ani ng mangga, sampalok, kasoy at iba pang mga tanim.

“Matapang ka rin, Edel. Hindi basta-basta ang pag-aaral ng law. Gastos, pagsisikap at determinas­yon ang kailangan. At ang humingi ng tulong sa iba kung kapos ka...may matapang na loob lamang ang makagagawa niyon.

Oo, matapang siya. At nakatapos siya dahil sa gayong hamon!

Matapang din ba siya sa pakikipags­apalaran na kasama si Chito?

Hindi nga siya duwag, alam ni Edel. Kung duwag siya, matagal na niyang isinuko ang kaniyang pag-aaral. Napanatili niya ang dati niyang mga katangian: kasipagan, pagkamatii­sin, pagmamalak­i at katapatan sa kalagayan niya sa nakaraan.

“Chito.. sa suggestion mo. You’re a

" . Pag-iisipan ko ang iyong sinabi!” Ngumiti si Chito, lumapit sa kaniya at tinapik siya sa balikat.

“Basta, hihintayin ko ang desisyon mo. Oo, Edel, kaibigan din kita ...paano kita matataliku­ran?”

Ngunit may bumabalisa sa kaniya. At nakababant­ulot iyon sa kaniya. Sa likod ng kamalayan niya, naroroon si Ming. Ayaw niyang mapalayong muli sa kababata. Isang masukal na gubat ang lungsod. Marami ngang panganib doon. Naisip niyang nakatapos man ng pag-aaral si Ming, kulang ito sa mga karanasan para protektaha­n ang sarili. Kailangan siya ni Ming. At kung kailangan siya, dapat siyang laging malapit dito.

NAMANGHA si Edel nang umaga ng Lunes na iyon pagkakita niya sa mga hanay ng mga silya sa bahaging iyon ng gusaling Sobresanto­s. May stage sa likod ng ilang silya na kinasusula­tan sa mga letrang yari sa bulak at mababasa ang Welcome 4 ! # 2

9 0 at sa ilalim naman ang malalaking pulang pangalang AMYRA M. SOBRESANTO­S.

“Dumating na ang kapatid ni Dino?” masabi ni Edel sa sarili.

Abala siya nitong nakaraang linggo sa pagnonotar­yo ng mga papeles ng mga kumpaniya ng Sobresanto­s Group of Companies at inaabot siya ng gabi sa bupete ng isang grupo ng mga abugado.

Nagtaka rin siya nang umagang iyon pagkakita kay Mr. Apolonio na pumasok sa gilid ng gusali patungo sa elevator. Alam niyang nagretiro na ito bilang drayber ng yumaong Sobresanto­s, Sr.

“May kukunin kayo sa opisina ng matanda?” bungad niya at hinawakan pa sa braso ang drayber.

“Hindi mo siguro alam, Edel. Bumalik na noong isang linggo mula sa Europe si Ms. Amyra. May welcome program para sa kaniya ngayong umaga. Nasa opisina siguro siya ni

Engr. Dino...nag-uusap siguro sila.”

“E, ba’t narito kayo?” tanong naman niya. “Ipinatawag ako ni Engineer...i- # ko raw muna si Ms. Amyra. Ako nga ang sumundo sa kaniya sa airport kasama ni Ms. Millar ng HRD!”

Nasulyapan niyang nasa likod ng stage ang nasabing 8 9 0 8 , abala sa pagmamando sa mga tauhang inaayos ang mga huling detalye sa palatuntun­an.

“Babalik ka siguro...at drayber ka naman ngayon ni Ms. Amyra...”

“’Yon nga ho ang gusto niya dahil kilala niya ako na taga-set ng # kung nakikipagu­sap siya kay Sir Sobresanto­s, Sr. Ilang beses na rin niyang ipinakausa­p sa akin si Ms. Amyra kapag tumawag ito habang may kausap si Sir sa

nito.”

“Ibabalik ka nga ni Dino!”

“Kung sakali ho...,” sabi ni Mr. Apolonio. Pumanhik si Edel sa palapag ng kaniyang opisina. Tumunog mayamaya ang telepono niya at narinig niya ang tinig ni Chang, ang sekretarya ni Sobresanto­s, Jr.

“Ako ho ang nakalimot na i- kayo. Kabilang ho kayo sa magwe-welcome kay Ms. Amyra ngayong umaga. Pasensiya na ho...”

“E, sino-sino ba ang dadalo sa morning program na ito?”

“All employees ho ng Sobresanto­s Group of Companies...except ho ‘yung nasa ' . May memo ho sa lahat ng empleyado si Mr. Sobresanto­s, Jr.. Nakalimuta­n ko kayong bigyan dahil abala kayo sa labas!”

Parang nilubos ang pagdidispe­nsa ni Chang. Kailangan siyang maghanda ng ilang pananalita. Nagmamadal­i siyang nagtungo sa kaniyang opisina at saglit na isinaayos ang mga prayoridad niyang gagawin bago iniisip kung ano ang sasabihin sa programa sa umagang iyon.

Nag-iisip na si Edel ng mga linyang sasabihin sa programa nang tumunog ang kaniyang

Si Ming!

“O, kumusta...di na tayo nagkausap nang matagal,” sabi niya.

“Ku...masyado akong busy sa pagkausap sa prospectiv­e clients ko. $ # " , marketers

# # "be necessary, sabi ni Dino!”

Iyon na namang kaswal na tawag ni Ming sa pangalan ng CEO nila.

“Saka ngayon, kaming core of marketers, baka ipakilala ni Dino kay Ms. Amyra. Ganda raw at

4 ba naman!” Mukhang binibildap si Ming at ang mga kasama nito.

Hindi na sila nagkausap ni Ming pagkaraang ihatid niya sa dormitoryo ang dalaga. Abala siya at super busy naman ito.

“: ..siguro, para maging malapit din kayo kay Ms. Amyla!”

“Exciting pala sa group of companies na ito.

Narito ba ang suwerte ko?”

Nagtawa lamang si Edel. Ngunit mapakla sa panlasa niya ang tawang iyon.

(ITUTULOY)

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines