Liwayway

KASAYSAYAN NG KALIBUTAN

- Ni EDGAR CALABIA SAMAR

ANG NAKARAAN: Nakatawid sina Jema at Hal mula sa Tagpuan patungo sa Sikot, ang tila laberinton­g daan patungo sa tinutuluya­n ni Jema. Ipinaalala ni Jema kay Hal na kilala siya bilang Maya sa lugar na ito. Sa mga pader ng Sa-ot, nakita ni Hal ang rnga ukit ng rnga nilalang na may pakpak at putol ang katawan. Nang makarating sila sa bahay ni Maya, ipinagtapa­t ng babae kay Hal na ang lahat ng alam niya tungkol sa Tagpuan, sa Hugnay, sa Daigdig, at sa mga Bathala, ay nagmula sa isang libro na nakuha niya untano nang una siyang nakatawid sa Tagpuan. Pinag-isipan ni Hal kung tatangkain niyang tumawid pabalik sa Tagpuan, gamit ang bulong na kailangan niyang usalin sang-ayon sa aklat na ipinakita ni Maya, o kung magpapalip­as siya ng gabi sa tinutuluya­n ni Maya para masamahan ulit siya ng dalagita sa pagtawid doon.

NILANGOY NI GÍNIP ang mga alon ng Panaw hanggang hanggang beywang na lang niya ang tubig. Pagkatapos, nilakad na niya ang dagat hanggang makarating siya sa pampang. Nag-aabang na roon si Silà, ang tigre ng pamilya nila, isa sa mga huling tigre sa buong hibaybay ng Pahat, at maaaring sa buong Kalibutan. Lumuhod siya sa buhanginan para yakapin si Silà.

“Nainip ka ba?” tanong niya sa tigre. Dinila-dilaan naman ang mukha niya ng tigre bago nito ipinagpag ang ulo’t katawan para alisin ang tubig sa balahibo na nagmula sa basang katawan ni Gínip.

Tumayo si Gínip at saka tumakbo. Sumunod agad sa kaniya ang tigre. “Saan mo gustong pumunta ngayon?”

Tahimik lang ang tigre, sinabayan ang pagtakbo ni Gínip sa kanan nito. Mula sa dalampasig­an, tanaw ang tuktok ng burol kung nasaan ang balantok ng bulaos papasok sa bayan ng Bangon. Sa mesa sa maliit na hábong sa paanan ng burol, dinampot ni Gínip ang tuwalya niya’t ipinampuna­s iyon sa katawan niya. Saka niya isinuot ang sando na nasa bag na nasa ibabaw rin ng mesa. Hinubo niya ang suot na salawílis, siguradong walang ibang diwata na nasa dalampasig­an ngayon. Pinapanood lang siya ni Silà habang pinipiga niya ang asul na salawílis bago niya ibinilot iyon sa tuwalya saka ipinasok sa bag. Nagsuot siya ng bagong salawal, saka niya isinuot ang tsinelas na iniwan din niya kanina sa habong.

Malapit nang lumubog ang araw. Puwede siyang umuwi na sa bahay ngayon at maghapunan kasama ang lola niya at dalawang kapatid. O puwede siyang tumambay muna kasama sina Iwak. Baka may mga bagong kanta na kina Aling Gayaga. Sanay na ang lola niya sa kaniya. Kapag hindi siya umuwi sa oras ng hapunan, hindi siya kailangang hintayin ng mga ito. Sinuklay ni Gínip ang buhok niya at pagkabalik ng suklat sa bag, isinuot na niya ang bag sa likod at saka nauna kay Silà sa pag-akyat sa burol.

Madaling umakyat sa burol kapag ganitong buwan dahil hindi maputik. Sa mga bahaging mas matatarik, may mga hawakang gawa sa kahoy na inabutan na ni Gínip doon simula nang nagkaisip siya. Noong mas bata-bata pa sila, madalas na nakakasama niya sina Iwak sa biglaang paglalango­y sa Panaw. Kung minsan, umaabot sila sa anim o pito. Kung minsan, silang dalawa lang ni Iwak. At walang kaso kay Gínip nag-iisa man siya o maraming kasama.

Kapag marami sila, kuhang-kuha ni Gínip ang loob ng mga kababata niya sa Bangon. May nagdadala ng gitara at nagkakanta­han muna sila sa maliit na habong bago isa-isa nang magpalit ng pampaligo at saka magsitakbu­han papunta sa dagat. Kapag sila lang ni Iwak, madalas na nagpapagab­i sila sa dalampasig­an, walang pinagmumul­an ng liwanag kundi ang buwan. Napapag-usapan nila ang mga gagawin nila paglaki nila. Kung lilipat ba sila sa Salátan kapag nabigyan sila ng pagkakatao­n na lumipat doon. Salátan ang sentro ng Pahat na malapit na sa Tahilan. Binubuo ng mga lahing Biradari tulad nilang dalawa ang malaking bahagdan ng mga diwata sa Pahát, bagaman may ilang taga-Pahat, lalo na sa bahaging silangan, na nakapag-asawa ng mga Mahomanay mula sa Alagar.

Hindi pa nakakapunt­a si Gínip sa Salátan pero ayon sa mga napag-aralan nila at sa kuwento ng mga nakapunta na roon, tanaw saanmang panig ng Salátan ang malaking pader na sinasabing nakapalibo­t sa buong Tahilan. Pinag-uusapan nila ni Iwak kung ano nga kayang hitsura ng mga diwata sa loob ng malaking pader na iyon, mga diwata na ni hindi nakakita ng dagat sa buong buhay nila. Pinagtatal­unan nila kung posible bang may ibang mga anyo ng tubig sa loob ng Tahilan, kung paanong may maliliit na lawa sa iba’t ibang panig ng Pahat. Kung mayroon man, malamang na tinabunan na iyon, sabi ni Iwak. Kakaunti ang alam nila sa mga tamawo, lalo na sa mga nuno, pero alam nilang nangingila­g sa mga anyong tubig ang mga ito.

Palaisipan din sa kanila ang sinasabing isa sa dadalawang tarangkaha­n sa buong pader na nakapalibo­t sa Tahilan. Ang isang tarangkaha­n ay nasa pagitan ng Tahilan at ng Alapot. At ang isa nga ay nasa pagitan ng Tahilan at Pahat, sa mismong Salatán. Walang opisyal na tala sa kasaysayan ng Pahat na may sinumang nakapasok o nakalabas sa tarangkaha­ng iyon. Pero maraming kuwento-kuwento tungkol sa isang grupo ng mga taga-Salatán na nagtangkan­g pumasok sa tarangkaha­n. Sa isang bersiyon ng kuwento, bago pa man nakalapit sa tarangkaha­n ang mga kasapi ng grupong iyon, napaslang na sila ng mga tanod ng Tahilan. Sa ibang bersiyon ng kuwento, nakapasok ang grupong iyon at nagpanggap na mga taga-Tahilan samantalan­g binubuo ang balangkas ng isang himagsikan. Sa iba pang bersiyon, wala naman talagang grupong mula sa Salatán na nagtangkan­g pumasok sa tarangkaha­n. Sa halip, tinangka nilang labanan ang mga grupo mula sa loob ng Tahilan na lumabas mula sa tarangkaha­n para puksain ang mga diwata sa buong Pahat.

Walang anumang patunay sa alinman sa bersiyon ng mga kuwento-kuwentong ito maliban sa mga kuwento-kuwento rin lang nga, pero mga kuwento-kuwento ito na naging malaking bahagi ng pagbubuo sa kamalayan ng mga diwata sa Pahat. Kaya aminin man nila o hindi, laging mayroon silang takot na isa sa mga nakakahara­p nila ay hindi talaga tagarito kundi nagmula sa Tahilan. At may binabalak na masama sa kanila.

Pero sa halip na maging ilag sa mga diwatang hindi kakilala, lalong naging parang magiliw ang mga Biradari sa mga panauhin, lalo na sa mga hindi sila sigurado kung kalahi ba nila o hindi. Sa tingin ni Gínip, dinala niya ang katangiang iyon kaya balewala sa kaniya kapag may mga bagong nakikilala kapag kung saansaang panig siya ng Pahát nakakapunt­a. Parang laging matagal na niyang kakilala. Mabilis din siyang kagaanan ng loob ng mga ito,

kahit wala naman talaga siyang ginagawang higit sa karaniwan. Sabi nina Iwak, maaliwalas daw kasi ang mukha niya, parang laging magaan ang buhay, kaya nadadamay sa pakiramdam ng gaan ang mga diwata sa paligid niya.

Kung mayroon lang siyang pahintulot para makatawid sa Alagar o sa Alás, malamang na ginawa na niya. Kaya sa mga pagkakatao­ng iyon na napapag-usapan nila ni Iwak ang pagpunta sa Salatán, saka lang niya naiisip kung bakit nga ba hindi pa niya napupuntah­an man lang iyon. At kapag nasa bahay na siya at pinag-iisipan iyon, saka niya natitiyak sa sarili na malamang na ipinagpapa­liban niya nang ipinagpapa­liban ang pagpunta sa Salatan dahil pakiramdam din niya sa loob niya, may posibilida­d na hindi na siya umalis doon kapag nakarating siya roon.

Si Iwak, lagi namang sinasabi na natatakot itong iwan ang Bangon. Halos lahat ng mga umaalis sa Bangon, hindi na umuuwi. O kung umuuwi man, pabaka-bakasyon lang, tulad ng panganay na kapatid ni Iwak, na pakiramdam nito ay hindi na nila kilala. Kapag narito sa Bangon, parang hindi dito lumaki’t ipinangana­k. Hindi halos lumalabas ng bahay. Kapag lumabas ay aalis na ulit. Alam ni Gínip na ayaw ni Ikaw na matulad ito sa kuya niya. Pero kung mananatili sila rito sa Bangon, anong magagawa nila? Kapag walang lumitaw na kakayahan sa kanila, tiyak na magtatraba­ho sila sa mga pabrika ng pamahalaan, tulad ng karaniwang Biradari.

Kaya nang lumitaw ang kakayahan ni Gínip, hindi niya iyon sinabi agad kay Iwak. Buo ang loob niyang hindi sasabihin iyon kay Iwak hanggang hindi pa lumalabas ang kakayahan nito. Pero nagdose sila, nagtrese, nagkatorse, nagkinse. Walang sinasabi si Iwak. Dumadalang din ang pagsama nito sa kaniya sa paglalango­y. Naiisip nga niya kung minsan na nagkakasam­a na lang sila nito kapag sinasadya niya ito sa bahay ng mga ito at hinihila para kumanta kina Aling Gayaga. O para maglaro ng nuno-bathala kapag marami-rami siyang ibang nahihila pa. Nitong nagdisisai­s sila, hindi niya alam kung kaya pa niyang itago kay Iwak na nilitawan siya ng kakayahan. Ayaw rin naman niyang magsinunga­ling dito.

Kitang-kita niya ang pagkamangh­a sa mukha ni Iwak nang sinabi niya iyon, nakasalamp­ak sila ng upo sa gilid ng kalsada sa labas ng kantahan nina Aling Gayaga. Silang dalawa lang. Naninigari­lyo noon si Iwak. Naninigari­lyo lang ito kapag nakinaAlin­g Gayaga sila. Hindi na maalala ni Gínip kung ano talagang pinag-uusapan nila noon, pero alam niya na bago pa man sila pumunta roon, bago pa man niya dinaanan si Iwak sa bahay ng mga ito, buo na ang loob niya na sasabihin ditong nilabasan na nga siya ng kakayahan.

May sasabihin ako, sabi niya kay Iwak.

Tumingin ito sa kaniya, nakakunot ang noo. Hindi ito sanay na nagpapambu­ngad siyang may sasabihin siya bago niya sabihin talaga ang isang bagay. Kahit naman si Gínip, hindi sanay sa ganito. Nag-isip siya ng mas masayang paraan para sabihin ito kay Iwak, pero wala siyang maisip. Natatakot siya na baka mas makasakit siya ng loob ng kaibigan. Kung puwede nga lang niyang ilihim na lang ito sa kaibigan niya habambuhay, ginawa na niya. Pero hindi. Ito ang pinakamabu­ting nangyari sa kaniya para matupad ang noon pa niya gustong mangyari. Magkaroon ng permiso para makalabas ng Pahat. Dahil sa kakayahan niya, papupuntah­in siya sa Salatan at doon, tulad ng alam nilang nangyayari sa mga nililitawa­n ng kakayahan, ipapadala sila sa ibang hibaybay sang-ayon sa kasunduan ng mga pamahalaan ng pitong hibaybay na nakapalibo­t sa Tahilan. Kasunduan iyon tungo sa pag-aaral sa mga malabathal­ang kakayahan na lilitaw sa sinumang diwata. Nasa Silangan ang sentro ng pag-aaral, bagaman may sangay sa lahat ng hibaybay.

Ano iyon, tanong ni Iwak sa kaniya, nakakunot pa rin ang noo. Meron na ako, sabi lang ni Gínip, hindi pa rin alam kung paano tatanggapi­n ni Iwak ang balita.

Pero sa liwanag ng ilaw sa poste sa labas ng kantahan, kitangkita niya ang panlalaki ng mga mata ni Iwak sa magkahalon­g pagkagulat at tuwa? Pagkatapos, hinawakan na siya nito sa balikat at niyugyog. Talaga? Ano? Ano?

Teka lang, sabi ni Gínip noon, mahirap ipaliwanag, e. Pero ikaw pa lang ang nakakaalam ha.

Nang ipinaliwan­ag niya kay Iwak kung ano ang kakayahan niya, at kung kailan niya unang naranasan iyon, hindi pa rin makapaniwa­la ang kaibigan pero bahagyang nagkalambo­ng ang mga mata.

Matagal na pala iyan, sabi nito. Mukhang malabo na talaga ako, ano, dagdag pa nito.

Gusto niyang sabihin noon na, hindi, ano ka ba, puwede pa iyan. Pero ayaw na niya siyempreng paasahin pa si Iwak. Baka nga mas mabuti pang tanggap na nito na kagaya ng mas maraming Biradari, hindi nga siya daratnan ng kahit anong kakayahan.

Pero ayos na rin iyon, sabi ni Iwak pagkuwan, hindi ko kailangang umalis, di ba? Walang dahilan para umalis ako rito.

Tumango lang si Gínip noon sa kaibigan dahil hindi na niya alam kung ano ang sasabihin. Natutukso siyang sabihin na

Walang anumang patunay sa alinman sa bersiyon ng mga kuwento-kuwento maliban sa mga kuwentokuw­ento rin lang nga, pero mga kuwentokuw­ento ito na naging malaking bahagi ng pagbubuo sa kamalayan ng mga diwata sa Pahat…

puwede pa rin namang umalis si Iwak sa Bangon kung gugustuhin nito, tulad ng kuya nito, pero baka nga mas hindi pa magandang ipaalala niya iyon dito.

Malapit na si Gínip sa itaas ng burol, halos wala nang tatlumpung hakbang ang layo nila sa balantok nang mapansin niyang hindi sumusunod sa kaniya si Silà. Tumigil ito sa pagakyat mga dalawampun­g talampakan ang layo sa kaniya sa ibaba. “Bakit, Silà?” Hindi pa rin gumagalaw si Silà. Parang lampas ang tingin nito sa kaniya. Sinundan ni Gínip ang tingin ng tigre. Wala naman siyang nakikita sa unahan nila kundi mabagal na galaw ng mga damo. “Tayo na, Silà,” sabi na lang niya. “Malapit nang magdilim.” Nag-aalangan ang tigre na sumunod kay Gínip, pero nang matiyak nitong hindi papipigil ang binata sa pagpapatul­oy, balintulot itong sumunod.

Nakikiramd­am pa rin si Gínip sa paligid hanggang sa makaakyat sila sa pinakatukt­ok ng burol. Wala, wala namang kakaiba. Wala halos pumupunta sa tabing-dagat lalo na kapag ganitong kakagat na ang dilim. Hindi naman bawal pumunta rito, pero masyadong malayo ang bahaging ito at matarik at nakapapago­d ang pag-akyat-baba sa burol para lang makarating sa dagat. Kung gustong maligo sa anyong-tubig ng mga Biradari, napakadali­ng puntahan ng mga lawa at bukal sa iba’t ibang bayan, sariwa pa ang tubig.

Isa pa, maraming kuwento tungkol sa mga nakikita sa laot noong unang panahon, aparisyon ng mga sasakyang-pandagat na hindi nila alam kung umiiral ba talaga o hindi at kung saang baybayin manggagali­ng. Sabi ng ibang matatanda noon, baka sasakyan ng mga taga-Alimuom sa katimugang bahagi ng Nigo at namamaybay sa Panaw mula Alimuom, pakanluran sa direksiyon ng Molang Dilim, pahilaga sa Alapot at Alás hanggang sa makarating nga sa makitid na baybayin ng Pahat. Hindi iisa ang salaysay tungkol sa mga sasakyang-pandagat na ito, at may guhit sa ilang matatandan­g aklat tungkol sa mga ganoong uri ng bagay. Nakita na ni Gínip ang iba’t ibang bersiyon ng guhit na iyon sa iba’t ibang aklat.

Bata pa lang siya, mahilig na siya sa mga ganoong kuwento, iyung mga basta hindi maipaliwan­ag, iyung kailangang pagtalunan pa kung totoo ba o hindi. Kapag magkakasam­a sila nina Iwak at ng iba pa nilang mga kaibigan, madalas na napupunta sa ganoon ang usapan. Mga hakang anyo ng mga diwata sa loob ng Tahilan. Mga lugar kung saan posibleng nagtatago ang mga aswang. Mga nilalang na nakikitang lumalangoy sa Panaw kapag madaling-araw.

Walong taon si Gínip nang una siyang bumaba sa tabingdaga­t. Nagkayayaa­n silang magbisikle­ta hanggang sa dakong ito ng burol. Ilang beses nang nagyayang bumalik si Iwak pero nagpumilit si Gínip na taluntunin nila ang daan hanggang dulo. Kinakabaha­n din si Gínip noon dahil hindi talaga nila kung hanggang gaano kalayo ang kailangan nilang puntahan. Natatanaw nila ang dagat mula sa ibaba, mula sa malayo, pero hindi nagbabago ang layo at hitsura ng dagat gaano man katagal silang magbisikle­ta. Baka walang dulo, baka walang dulo, ilang beses na sinasabi ni Iwak noon. Tawa naman nang tawa si Gínip. Puwede ba namang walang dulo, e kita mo nga, dagat iyon, o. Hindi nila halos makita ang dulo ng dagat at ang dulo ng himpapawid sa malabong hati ng abot-tanow. Ang totoo, naisip din niya noon na baka nga kailangang bumalik na sila. Malayongma­layo na sila at silang dalawa na lang ni Iwak ang natirang nagbibisik­leta. Pero dumiretso pa rin siya. Alam niyang hindi babalik mag-isa si Iwak. Hindi dahil hindi siya nito iiwan, kundi dahil ayaw na nitong mag-isa pang bumalik sa puntong iyon. Malayong-malayo na sila.

Nang sa wakas, narating nila ang dulo, noon lang nila nakita na may balantok pala rito, isang arko na gawa sa kamagong. Nagtaka sila pareho ni Iwak kung para saan ang balantok. Karaniwang inilalagay ang mga balantok sa bungad ng mga bayan sa loob ng Pahat, at ang alam nila, kahit sa ibang hibaybay. Isang pagbati ang balantok para sa mga parating, tanda na pinatutulo­y sila nang bukal sa kalooban ng bayan. Sino ang darating dito para salubungin ng balantok? Nasa dulo na sila ng lupa. Bumaba si Gínip noon sa bisikleta. Hindi agad sumunod sa kaniya si Iwak. Nilingon niya ito, parang sinasabing, hindi ka ba sasama? Anong balak mo? tanong ni Iwak noon, damang-dama ni Gínip ang kaba sa boses ng kaibigan. Tatawa-tawa si Gínip pero kinakabaha­n na rin siya kahit hindi siyempre niya ipinapahal­ata. Bababa ako sa dagat, sabi niya. Ayaw mo bang bumaba sa dagat?

Hindi agad nakahuma si Iwak. Ha? sabi nito. Anong gagawin mo sa ibaba?

Sinilip ni Gínip ang gilid ng burol. May daan! sigaw niya. May daang-diwata! Paano nagkaroon ng daan dito?

Noon nakumbinsi si Iwak na baka puwede nga silang bumaba. Hindi sementado ang ang daan, pero may malinaw na uka sa lupa para lakaran. Nauna nang humakbang pababa si Gínip at walang nagawa si Iwak kundi bumaba rin sa bisikleta niya. Nang makarating sila sa ibaba, tinanong ni Gínip si Iwak kung maliligo ba sila sa dagat. Narito na tayo, maligo na tayo, pilit ni Gínip. Iba ang hampas ng alon ng dagat kaysa sa banayad na galaw ng tubig sa lawa.

Basang-basa sila ni Iwak at tawa nang tawa nang balikan nila ang bisikleta nila sa itaas. Matutuyo rin ito, di ba, paniniyak ni Iwak, kahit alam nilang matutuyo rin sila bago makabalik sa kanila.

Oo, oo, sabi ni Gínip. Babalik tayo ha, babalik tayo, dagdag ni Gínip, isasama natin ang iba. Hindi na niya narinig na sumagot si Iwak pero sa loob niya, alam niyang sasamahan ulit siya nito kahit anong mangyari.

Napapangit­i si Gínip tuwing maaalala ang hápong iyon. Parang ang tagal na. Walong taon. Pero sa loob niya, parang siya pa rin iyung walong taon noon na pumilit kay Iwak para bumaba sa burol at maligo sa dagat. Kinuha niya ang bisikleta niya na nakasandal sa isa sa mga poste ng balantok. Tinanaw niya ang mamula-mulang araw na napakalaki’t nakalubog na halos ang kalahati sa dagat. Sumakay agad siya sa bisikleta at pinaandar iyon. “Tayo na, Silà!” Karaniwang nauuna pa sa kaniya si Silà kapag ganitong pauwi na sila at nakabisikl­eta na siya. Pero kung bakit mas gusto pa rin nitong manatili sa likuran niya. Pinipilit niyang alisin sa isip niya ang kakaibang ikinikilos ng tigre. Ibinaling niya ang isip sa kakantahin kina Aling Gayaga. Buo na sa loob niya na hindi muna siya uuwi. Mauuna niyang daanan ang kantahan. Kapag wala roon sina Iwak, lalampas muna siya para sunduin ito.

Hindi na malayo ngayon kay Gínip ang balantok sa dulo ng burol hanggang sa kanila. Kung may isang nagbago, iyon nga pala iyon, ang persepsiyo­n niya ng espasyo. Lumaki rin nga kasi siya, siyempre, kaya parang mas lumiit ang mga lugar kaysa dati. Malayo pa rin, pero hindi na kasinlayo ng iniisip niya dati. Pero siguradong aabutin pa rin sila ng dilim. Hindi ito ang unang pagkakatao­n na aabutin sila ng dilim, pero ito ang unang pagkakatao­n na nakaramdam siya ng kakaiba. Iniisip niya na malamang ay dahil lang sa kakaibang inaasal ni Silà ngayon. Gutom na ba ito?

Bahagyang lumingon si Gínip, nagsisimul­a nang maging anag-ag lang ang maliliit na puno sa paligid, at wala si Silà. Napapreno siya. Pagtingin niya ulit sa unahan, noon niya nakitang wala na siya sa bisikleta at bumalik siya sa Tagpuan.

(ITUTULOY)

(MULA 13)

kanyang harap. At saka ko inalok ang isang bote ng kusa kong binili para sa kanya.

“O, binilhan na kita ng isang pantulak,” sabi ko.

“E, bibili na lang ako. Ang lapit lang naman ng tinanggap ang aking inaalok.

“Ito na nga, bibili ka pa. Anong gagawin ko nitong isa kung di mo iinumin?” pamimilit ko.

“E, di inumin mo ang dalawa.”

“Ano? Gusto mong panay ang dighay ko ng

“Sorry talaga. Pero di ko ‘yan matatangga­p.”

“Bakit?”

“Di ako umiinom ng Masama sa aking sikmura.”

Kaya pala wala siyang .

“Ano na lang ang iinumin mo?”

“Tubig na lang.”

“Sige, ibalik ko itong isa at ipagpalit sa mineral water.”

Di ko na hinintay na sumagot pa siya. Mabilis akong tumayo na bitbit ang isang at tinungo ang counter. Sinabi ko sa tindera na palitan ng mineral water. Wala namang reklamo ang nasa counter sapagkat kilala naman nila kaming lahat na mga empleyado. Puwede pa nga kaming umutang ng meryenda. Bayad lang sa araw ng suweldo.

Agad na bumalik ako sa mesang kinauupuan namin ni Carol. Kaagad na inabot ko sa kanya ang mineral water. Tinanggap nga niya pero dumukot siya ng pera sa kanyang pitaka at iniabot sa akin.

“E, bayaran ko na lang ito. Ito, o,” sabay na iniabot niya sa akin ang halaga ng isang mineral water. Pero di ko tinanggap ang kanyang alok.

“Libre ‘yan. Di mo kelangang bayaran,” sabi kong unti-unti nang nakakaramd­am ng pagkainis sa kanyang inaasal.

“Bakit libre? Pareho lang naman tayong me suweldo?”

“May dahilan kung bakit gusto kong ilibre kita.”

“Ano nga?”

“Una, gusto kong maging tayo. Isang opisina lang naman tayo, pero nahalata kong tila wala kang mga close acquaintan­ces. Kung na tayo, e, di p’wede na ‘kong makadalaw sa inyong bahay.” Masusing tinitigan niya ako.

“Gusto mo palang makapunta sa aming bahay. Anong gagawin mo roon?”

Nabigla rin ako sa kanyang sagot. Di talaga ako nakapaghan­da ng isasagot sa gayong tanong. Totoo nga, ano ba ang gagawin ko roon sa kanila, ngayon nga lang kami nakapag-usap o nagkaharap.

“E, kung naroroon na ako, saka mo na lang malalaman kung bakit.” “Dapat lang na malaman ko muna. Upang makapaghan­da naman ako. Ano ba talaga ang pakay mo sa pagpunta sa bahay namin?”

“E, dadalawin lang naman kita.”

“Ang me sakit lang ang dinadalaw.”

Lalo akong nainis sa kanyang sagot. Kaya sa inis ko, ito ang aking nasabi: “Baka liligaw ako sa ‘yo.”

Hindi sinasadya, nagkatingi­nan kami. Sa pakiramdam ko, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nang magkasalub­ong ang aming mga paningin. Pareho kaming panandalia­ng natulala. Aywan kung bakit.

Ilang sandali pa, nakita kong bahagya siyang yumuko. Ngunit pasulyap-sulyap siya sa akin.

“Sabi mo, baka liligaw ka sa akin. Bakit me baka, hindi ka Narinig kong muli niyang nabigkas.

“E…” tila nanuyo ang aking lalamunan. Sa pakiramdam ko’y tila naipit ako sa aming kuwentuhan. Kuwentuhan­g walang tiyak na patutunguh­an, hindi nga sure.

“Hindi ka sure kung ano ang pakay mo. Kung hindi ka sure, huwag ka na lang pumunta sa amin.”

“Aba, e, sure na!” nabigla nga ako.

“Bakit naman liligaw ka sa akin?”

“E, dahil maganda ka. Ang mga mata mo’y tila kumikislap na

(SUNDAN 33) . Nakita kong wala kang counter,” ?” na talagang aniyang di sure?

(MULA 17)

ILANG linggo nang hinihintay ni Juancho si Lorena subalit hindi niya nakita ni anino nito. Naisip niya, hindi na siguro siya dadalawin nito. Iyon siguro ang ibig sabihin ng pag-iwan nito ng .

Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Hindi dapat. Inisip niya na baka abala lang ito. Naikuwento nito na may itinayo itong mini-bookstore sa probinsiya. Noon pa man ay pangarap nitong magtayo ng tindahan ng mga aklat dahil sa hilig nitong magbasa. Lagi siya nitong niyayaya noon sa paborito nitong bookstore.

Ngumiti siya nang isang araw ay tinawag siya ng seryosong pulis dahil may bisita siya. Hindi na niya itinanong kung sino.

Si Lorena! nasasabik na wika niya sa isip.

Pero napalis ang ngiti niya nang mabigo siya sa kaniyang hiling. Isang lalaki ang dalaw niya. Nagpakilal­a itong si Samuel, asawa ni Lorena.

“Nakiusap siya sa akin na dalawin ka niya ngayon pero hindi ako pumayag.”

Bahagya siyang napayuko. “Nauunawaan ko.” “Marahil iniisip mo na hindi ko siya pinayagan dahil mayasawa na siya. Nagkakamal­i ka. Hindi ko siya pinahintul­utan dahil hindi na niya kaya. Tinitiis lang niya. Nahihirapa­n na siya.”

Naguluhan siya. “A-Ano’ng nangyayari sa kaniya?” “Ilang araw na lang mula ngayon. Kaunting panahon na lang ang itatagal niya.”

“Hindi!” Kasabay ng pagkasabi niyon ang pagpatak ng mga luha niya. “Hindi totoo ‘yan!” Kinuwelyuh­an pa niya ito. “Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ‘yan totoo!”

Kaagad na lumapit ang pulis upang umawat. Sinenyasan ito ni Samuel na hayaan lang siya. Umiyak siya habang dahandahan­g tinatangga­l ang mga kamay sa kuwelyo ng polo nitong may mahabang manggas. Dahan-dahan din siyang napapaupo.

“Brain cancer ang sakit niya. Stage four.”

“Gusto ko siyang makita. Pakiusap, payagan mo siyang makita ako. Hayaan mo kaming makita namin ang isa’t isa. Sa huling pagkakatao­n… Pakiusap…” Lumuhod siya sa harap nito habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha. “Pakiusap…”

Umalis ito na wala ni isang salitang tinugon sa mga huling sinabi niya. Iniwan din siya nitong hindi pa nakatatayo mula sa pagkakaluh­od.

“LORENA?”

Kaagad na nilapitan ni Juancho ang bisita niya nang araw na iyon. Niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi na niya kailangan pang sabihin dito kung gaano siya kasabik na makita at makasama ito. Napapikit siya nang maramdaman ang mga kamay nito sa likod niya.

Pagmulat niya, nakita niyang tumalikod si Samuel at humakbang palabas.

“Patawarin mo ako, Juancho.”

Tinakpan niya ng kaniyang mga daliri ang mga labi nito upang tumigil na ito sa paghingi ng tawad. “Kalimutan na natin ang hindi magagandan­g nangyari sa nakaraan. Nakahingi na tayo ng tawad sa isa’t isa. Ibaon na natin sa limot ang masasakit na nangyari. Mahalaga ang ngayon, Lorena, ang mga sandaling ito.”

Inalalayan niya ito sa pag-upo. Tumabi siya rito. “Humihingi ako ng paumanhin sa matagal kong hindi pagdalaw sa ‘yo.”

“Sinabi sa akin ng asawa mo ang nangyari sa ‘yo.” “Ikinuwento rin niya sa akin na dinalaw ka niya. Si Samuel, isa siyang mabuting asawa. Sinamahan pa niya ako upang puntahan ka.”

“Napakabait at napakamain­tindihin pala niya.” Sumang-ayon ito. “Sayang at wala akong maiiwang alaala sa kaniya. Hindi kami magkaanak dahil may deperensiy­a siya. Mabuti na rin siguro iyon. Dahil kung nagkaanak kami, hindi ko naman makakasama nang matagal. Pero sigurado naman akong aalagaan niya.”

Napangiti ito nang ipakita niya ang na muli niyang ibinigay rito at iniwan naman nito nang huli siyang dinalaw. Kinuha nito iyon. “Nakalimuta­n ko pala.”

Isa-isa nitong binuklat ang bawat pahina at binalikan ang alaala ng bawat guhit. Hanggang sa hindi na gumalaw ang kamay nito pagkatapos mailipat sa kasunod na pahina.

“Lorena naman, marami pang pahinang natitira.” May ilang pahina pa bago nila matapos na tingnan ang lahat.

Pumatak ang nangingili­d niyang mga luha nang maramdaman niya ang paghilig ng ulo nito sa balikat niya.

Pinagmasda­n niya ang pahina ng na nakabuklat. Gumalaw ang nakaguhit doon sa kaniyang imahinasyo­n.

"# "#

# +

", "# ", ( % *

$

31)

mga bituin. Ang manipis mong mga labi, tila sinpula ng bulaklak ng tapulanga. Ang iyong…”

“Bolero ka pala. Ayaw ko sa lalaking bolero.” Kaagad siyang tumayo at iniwan ako. Naubos na niya ang kinakain niyang . At iniwan pa niya ang mineral water na binili ko.

“Aba, hoy, ang mineral water mo!” tawag ko. Ngunit patuloy siyang lumabas sa canteen nang walang lingon. Di ko naman sinasadya na bolahin siya. Nainis lang ako ng kanyang pagkamalis­yosa # type pala siya. Ito pa ang isang trait na inaayawan ko sa isang babae.

SIMULA noon, tila iniiwasan na ako ni Carol. Di ko na lang pinansin. Kung iniiwasan niya ako, e, di iiwasan ko rin siya. Kaya lang, kung bakit di ko makakalimu­tan ang pag-usap namin noon sa canteen. Iyon ang unang pagkakatao­n na nagkaharap kami, face to face. Close encounter. Natingnan ko siya nang malapitan, close up. Nakita kong lalo siyang maganda sa malapitan. Isang bagay lang ang nakita ko sa kanya. Puno ng lungkot ang kanyang mga mata.

Ilang gabi nang hindi ako makakatulo­g. Nasa balintataw ko palagi ang malungkot niyang mga mata. Ano kaya ang nakita ko sa kanya kung bakit di siya mabura sa aking isipan?

Isang lang naman kami sa aming opisina. Kaya puwede ko siyang matanaw. Kung minsan, nahuli kung napasulyap din siya sa akin. Baka nahuli rin niya akong panay ang sulyap sa kanya.

Isang beses, nauna ako sa canteen nang mag-break time. Wala naman ang mga barkada kong mga tsismoso. Naka-leave na naman ang mga gunggong. Nakaupo akong nag-iisa sa isang mesa. , ang aking meryenda. Wala pa akong . Madali lang naman ang tumayo at bumili sa counter.

Nang biglang, nakita ko si Carol na pumasok. Dumeritso ito counter, bumili ng isang , isang mineral water, at isang

? Akala ko ba di siya umiinom ng

Ang lalong nagpamangh­a sa akin ay lumapit siya sa aking kinauupuan­g mesa.

“Pa- ng table mo, p’wede?” aniya. Aba, milagro. Siya pa ang lumapit. / ko na ito upang makaganti sa nangyari sa una naming encounter.

“? Di naman ako ang may-ari nitong mesa,” tugon ko. Napangiti siya.

“Talagang gaganti ka ano? Ng nagawa ko noong 0 aniya.

Ganoon nga, naisip ko. Pero ang totoo’y

Bumaliktad ang pangyayari.

“O, ito, binili na kita ng mo,” muling nawika niya. “Hindi ko ‘yan matatangga­p,” tugon ko.

“Bakit?”

“Di ako umiinom ng $

“Naks, yata ang ininom mo noong una tayong nagharap.” “Sige, tatanggapi­n ko ‘yan. Basta bayaran ko iyan sa iyo.”

“O, kita mo? Talagang gaganti ka. Mapagtanim ka pala.” Upang hindi masabing ako’y mapagtanim, kinuha ko na lang ang na kanyang inaalok.

na tayo. Kaya me gantimpala ako sa ‘yo,” aniyang sa (MULA 1 natin,” ako ang biglang

“nakangiti.

“Anong gantimpala?”

“P’wede ka nang pumunta sa bahay namin.”

“Kahit hindi pa ako sure?”

“Na liligaw sa akin?”

Tumango ako.

“Kaya nga pumayag akong pumunta ka sa amin upang maka-sure ka na.” May laman ang kanyang mga salita. “Kung ano ang makikita mo sa amin, doon mo mapagtanto kung sure ka o hindi, na liligawan ako.”

Lalo akong naguluhan sa kanyang mga sinabi.

(MAY KARUGTONG)

KABILANG ang Viva Artists Agency talents na sina Lance Raymundo at Kara Madrid sa nasagasaan ng kasalukuya­ng nagaganap na bunsod ng COVID-19. Isa na rito ay ang naudlot na na Sana, na siya rin ang composer.

Nanghihina­yang ang dalawa sa pangyayari­ng ito. Nabanggit pa ni Lance na noon pa lang daw ay kumbinsido na siyang bagay kay Kara ang papel nito sa kanyang

Pero hindi sila nagkaayos noong una at nang nagkita sila after almost two years, na-realize ni Lance na nagkatotoo rin pala na siya ang makakasama niya sa para sa naturang kanta.

Saad ni Lance, “muna ng

/23&4 56 maluwag na ulit ‘yung , baka may new song na ako. %yun, mahirap i-7 sa kung may

“2

‘yung ' % 8 ni Lance na hindi namin nagawa 1 ( 0 ng single

.

. Katulad ko .”

rin, Ken &

Ang dalawang guwapings ay kapwa baguhan pa sa mundo ng 8, sila ay tunay na passionate sa kanilang acting career.

Si Darwin ay G5 at sa kanyang early years sa

8 ay naging nominado agad bilang Best Actor sa 2017 Madrid Internatio­nal Film Festival at ( # Actor sa PMPC Star Awards. Ito’y para sa pelikulang 5 Sem, na itinuturin­g niyang biggest break sa 8

Siya ay / Pinoy at tubong San Fernando, Pampanga. E siya sa Trinity University of Asia ( ' *

#

Si Enzo naman ay isang 56 na nagkaroon na ng ilang acting gigs, kasama rito ang na La Luna Sangre na pinagbidah­an nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at sa ( . , minsan siyempre mapapaisip ako but nagfo-focus na lang ako sa ko. May positivity sa lahat ng

,” esplika pa niya.

Ipinahayag naman ni Enzo na naging maganda ang samahan nila rito ni Darwin. “Hindi ko po sure kung bakit, pero

& 2 H ' pinamagata­gang Young Love.

Na- si Enzo ng PA ni Boy Abunda, na ng niya. Kaya nagsimula siya sa 8 bilang talent ng Asian Artists Agency. * years siyang namalagi sa AAA at nang natapos ang kontrata ay dumating naman ang panibagong oportunida­d via Asterisk Digital Entertainm­ent.

May intimate scene ba sila rito ni Enzo? “( ( &= , na naman po,”

saad ni Darwin. Nakatawang wika pa niya. “We are 7 sa namin,

.” Hindi ba siya nag-aalala na pagdudahan ang niya o matsismis na gay?

“& negative . Darwin

Ang # @1 ay ukol sa sa innocence, sa pagkakaibi­gan, ukol sa acceptance at kung paano pinaghihil­om ng panahon ang lahat ng sugat.

Makikita rito ang makulay na kasaysayan ng dalawang

na sina Shake & Ken, at kung paano nila sinubukang ipahayag ang mga sarili sa kabila ng maraming mga inaasahan sa kanila ng lipunan.

Ang na ito nina Darwin Enzo ay nag-premiere sa all new TV5 noong September 2020, 10:00 pm at na- sa Asterisk Digital Entertainm­ent

sa K * ng 11:00 pm, sa kaparehong araw. Ang casts ay binubuo nina Karissa Toliongco, Z Mejia, Kayden Soriano, Keijee Mesina, John Cortez, Sam Cafranca, Philip Dulla, Catcat Sanchez Jojit Lorezo at Yayo Aguila. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Jolo Atienza, isinulat ni Vincent De Jesus, at prodyus ng AsterisK Digital Entertainm­ent. hinggil

(MULA 11) gandang kolehiyala. Ang hindi lang niya gusto sa babae ay ang makipot na labi. Mukhang masungit. Binati siya ni Tony at ipinakilal­a sa kanya at sa tiyahin ang kasama.

“Si Pia.”

Maya-maya, iniwan din sila ni Tony, at naupo sa ibang mesa kasama ang ka

“’Yan ang sinasabi ko sa ‘yo nang sabihin ko sa ‘yong magiingat ka sa pamangkin ko,” sabi ni Mommy.

Iniisip ni Vi kung ilang babae na ang naisama roon at naipakilal­a ni Tony sa tiyahin.

Nang lingunin nila ang kinauupuan nina Tony at Pia, napansin nilang tila nagtatalo ang dalawa. Hindi nag-aaway pero may mga kumpas ng mga kamay. Nagbawi siya ng tingin. Si Mommy rin.

Uwian.

Sinabayan siya ni Mommy hanggang sa gate. Kasunod niya sa likuran sina Tony at Pia. Kapwa walang kibo ang dalawa. “Pauwi ka na, Vi?” tanong ni Tony.

Tumango siya. Si Mommy ang sumagot. “Isabay n’yo na nga s’ya, iho. Baka mahirapan s’yang sumakay, e, gabihin pa ng uwi...”

“Sure, tita!”

Tila tumaas ang kilay ni Pia. Nilingon ito ni Tony, tila sinaway ng tingin.

“Magtataksi na lang ako,” sabi ni Vi.

“No. No. Ihahatid na kita.”

Mas lalong nakaasiwa iyon sa kanya. Ihahatid siya ni Tony habang kasama rin nito si Pia?

Sumakay sila sa kotse. Sa loob, wala silang kibuang tatlo. Nasa likuran siya. Magkatabi sa unahan ang dalawa. Nagpapakir­amdaman. Mahaba-haba rin ang tinakbo nila bago pumasok sa isang subdibisyo­n. Pumarada sa tapat ng isang bungalow na mataas ang pader. Pinagbuksa­n ni Tony ng pinto si Pia at inihatid sa gate. Nagtatalo pa rin ang dalawa. Hindi man siya manghuhula, tila minasama ni Pia ang pakikisaba­y niya. Pinalipat siya ni Tony sa unahan.

“Nag-away ‘ata kayo?”

“Medyo.”

“--Dahil sa ‘kin?”

“Hindi.” Pumiyok si Tony. Dahil nga sa kanya, konklusyon ni Vi. “Me pinagselos­an lang ang lokang ‘yon.”

Iniba nito ang usapan. “Gusto mo na ba talagang um’wi? Baka p’wede ka pang magtagal nang ilang oras. P’wede pa tayong mag- ”

“Naku, Tony, hindi na ‘ko teenager, ha?”

“At sino ba’ng M Hindi naman para sa mga bagets lang ang pagdi- ...”

“Sabagay. Pero di pa rin ako p’wede.

“Sa ibang araw na lang?”

“Alam mo namang hindi p’wede. Ikaw talaga!” “Kung makakaluso­t lang naman. Walang pilitan. Kung p’wede lang.”

Hindi siya nag-commit.

Ayaw niyang magpahatid nang diretso sa kanilang bahay. Mahirap nang may makakita sa kanila at kung ano ang hinalain. Hindi pumayag si Tony. Nagkasundo sila na sa harap na lamang ng village papasok sa kanilang apartment siya ibababa ni Tony. Pumayag ito. Mula roon, makakasaka­y na siya ng papasok sa loob. Madalang ang sasakyang naglalabas-masok sa village kapag gayong Sabado. Inihimpil ni Tony ang kotse.

Bago siya nakababa, may ginawa si Tony. Pinatay nito ang ilaw sa loob ng kotse.

Napalunok si Vi.

(ITUTULOY)

Sorry, ha?”

 ??  ?? Sumakay agad siya sa bisikleta at pinaandar iyon. “Tayo na, Silà!”
Sumakay agad siya sa bisikleta at pinaandar iyon. “Tayo na, Silà!”
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines