Liwayway

Kung Kinuha Na Ang Lahat Sa Atin... (5)

- Efren Abueg

May idudulot nga bang pagbabago sa buhay ni Edel ang tawag na iyon mula sa kotse?

(IKA-5 NA LABAS)

NAGMAMADAL­I si Edel. Alam niyang kahit hindi agad naipaalam sa kaniya ng sekretarya­ng si Chang ang programa ngayong umaga, hindi dahilan iyon para hindi siya makadalo o mahuli sa okasyong iyon.

Parang naririnig pa niya ang pagsasalit­a ni Sobresanto­s, Jr. o Dino sa presentasy­on nito bilang unang CEO ng Sobresanto­s Group of Companies mag-iisang taon na ang nakalipas.

“Ginintuan sa akin ang paglilingk­od ninyong lahat na empleyado, pero unang-unang hinihiling ko sa inyo bilang may-ari at CEO ang inyong taos-pusong katapatan sa ating negosyo!” pahayag nito sa wikang Ingles.

Kay Edel, kawalang-katapatan ang pagliban sa unang programa ni Amyra Sobresanto­s, ano man ang ipaalam na kapasidad nito bilang ehekutibo ng Sobresanto­s Group of Companies.

Nakatagpo na niya si Amyra Sobresanto­s noon. Biglaan ang paguwi nito mula sa Praque, Vienna nang mamatay ang matandang Sobresanto­s. Nasira ang iskedyul nito sa pagkanta bilang mezza soprano sa isang bahagi ng dulang klasikal na itinatangh­al sa teatro noon sa siyudad na iyon sa Europa. Kaya makalawa lamang niyang nakatagpo ito: sa libing ng ama nito sa sementeryo ng Taguig at sa airport nang maisama siyang ihatid ito ni Sobresanto­s, Jr. sa pagbalik sa Europa.

“Sorry, mga kasama,” ani Dino nang makarating sila sa opisina nito para magmiryend­a. “Sa pagbalik na niya pormal ko siyang ipakikilal­a sa isang programang ihahanda ko para sa kaniya.”

Walang ano mang katangi-tanging impresyong naiwan sa kaniya si Amyra Sobresanto­s. Alam niyang maganda ito sa larawan at sa harapan, ngunit waring may nakakublin­g hangarin ito na hindi agad mahahalata dahil sa mapanukson­g ngiti nito.

At nahubog ito noon sa isip ni Edel!

Mula sa opisina niya, patakbong tinungo ni Edel ang elevator. Bumukas iyon at nakahanda na siyang sumakay nang marinig niya ang taguktok ng mga sapatos. Tinuunan agad niya ang buton ng elevator para mapigil ang pagbaba nito. Sa bahagyang paglingon, namangha siya pagkakitan­g nagmamadal­i rin ang babaeng sumusunod sa kaniya, kasama ng isang babaeng assistant.

“Thank you!” nasabi ng babae at nakilala niya agad ito.

Si Amyra Sobresanto­s! Nakangiti ito sa kaniya (ang mapanukson­g ngiting iyon!) at agad sumakay sa elevator, kasunod ang isang babaeng assistant nito.

“Oh! I think I know you!” bulalas nitong nakangiti habang nakatitig sa kaniya.

“Yes, M’am...I am Edelmiro Lopez...Edel to your brother!” “So you are with Dino at the airport when I rushed back to Europe!”

“Yes, M’am...I knew you had an engagement in Vienna then

" # perform my part in La Traviata at Graz Opera House there!”

Isang klasikong musikal ang dulang iyong kinabilang­an ni Amyra bilang mang-aawit sa opera tulad ng Italyang tenor na si Pavarroti na nagparinig din ng mga awit nang dumalaw ito sa Pilipinas maraming dekada na ang nakalipas.

“And you regret abandoning your place in Paris to be with the operatic ensemble during several rehearsals in Vienna?”

Parang napuna ni Amyra na may interes siya sa opera kaya napatigil ito sa paghakbang at bahagyang hinarap siya.

“Opera singing is my life and I felt even if there was a heap of dusts in my apartment in Paris won’t matter to me!” Nagtawa pa ito. Natanaw agad ni Edel ang kangina’y ipinaayos pa lamang na tanghalan ng opisinang nasa ilalim ni Ms. Millares.

Nasa bandang kaliwa ng lobby ang tanghalang isinaayos para sa programang iyon. Nakapuwest­o iyon sa pinakaliko­d ng lobby sa dakong kanan ang mga upuang okupado ni Dino, katabi si Architect Koko Planas at ilan pang opisyal n bagong hirang ni Dino. Isang umeedad na lalaking katabi nito ang hindi niya kilala. May dalawang upuang nanatiling bakante roon at naisip ni Edel kung sino pa ang uupo roon bukod kay Ms. Amyra. “Naroon na silang lahat, M’am...,” sabi ng assistant. “Grand entrance tayo, di ba?” Nagtawa pa si Amyra na ngayon lamang niya narinig magsalita sa Tagalog.

Bahagyang pabilog sa paanan ng tanghalan nakapuwest­o sa gawing kanan at kaliwa ang mga upuang okupado ng mga kawani. At namangha siya pagkakitan­g nasa unahan sa kanan ng mga upuang iyon ang pitong marketers na pinangungu­nahan ni Ming.

Nagpauna na sa pag-akyat sa tanghalan si Amyra, at sumunod si Edel na parang konsorte nito. Bago kinamayan si Dino at iba pang mga naroroon, lumingon ito sa kaniya at tuminging iniaalok ang upuang tanging bakanteng natira sa tabi nito.

“What an interestin­g attendance do we have here,” sabi ni Amyra at bumaling sa kapatid. “I think you have more females’ attendees down below who are like movie stars.”

Alam ni Edel ang tinutukoy ni Amyra: si Ming at ang grupo nito.

Sumagot ang nakatayong si Dino at bahagyang yumukod kay Amyra na sinabayan ng pagbati ng mga opisyal na tulad nina Architect Koko at Ms. Millar, bukod pa sa lalaking hindi kilala ni Edel.

“Do you like the new look of our people? If the ladies are beautiful,

# # # $

Saka nagtapon si Dino ang tingin sa kaniya. “And how come that you are escorted here by Edel?”

“Well, I rushed to the elevator with my assistant and happened to meet him there as he held the elevator for us!”

At saka tumingin ang dalaga kay Edel, sinenyasan siyang umupo na rin na tulad ng ginawa ni Amyra. Ngunit tumingin muna siya kay Dino na parang hinihingi ang pahintulot kay Dino na umupo siyang katabi ng kapatid nito. Ngumiti lamang si Dino.

“Are all of us comfortabl­e in this makeshift stage?” tanong ni Amyra sa mga katabi, kabilang ang hindi kilalang lalaki.

“A, Amyra!” Tawag-pansin ni Dino sa kapatid. “I invited my best friend who assisted our late old man in his documentat­ion with the government, Atty. Nublas!”

Yumukod nang bahagya kay Amyra ang lalaking tumindig at tumango ito sa kapatid.

Hindi kilala nang personal ni Edel si Atty. Nublas dahil nabasa niyang bagong hirang itong opisyal ng National Land Registrati­on Authorit .

“Mabilis din si Dino,” naisaloob niya, ngunit kay Ming itinuon ang kaniyang atensiyon.

Nakatingin nga sa kaniya si Ming. Dalawang babaeng katabi nito ang sumiko sa dalaga. Parang nasabi ng kababata sa mga katabi na kilala siya nito.

Bago nagsimula ang palatuntun­an, hindi nakaila kay Edel na tumingin si Ming kay Dino. At nang matapos ang pambansang awit at ipakilala ng emcee ang kanilang CEO, nananatili­ng nakatingin dito ang dalaga.

At waring taimtim na nakikinig si Ming kay Dino sa sinasabi nito, tulad din ng anim na mga kasama nito na parang mga bulaklak na idinekoras­yon sa tanghalang iyon. “% & , Amyra is home. We are

# # companies. I say we warmly welcome her today...”

At ipinakilal­a si Amyra bilang pangalawa nito na hahawak sa opisina ni Ms. Millar at magiging “mukha” at

tesorera ng grupo ng kanilang mga kumpaniya.

Naisip ni Edel na baka tesorera lamang si Amyra sa pangalan. Maaaring dekorasyon lamang ang magiging titulo nito.

SABIK kay Ming, hindi nakausap ni Edel sa kanilang gusali ang dalaga. Parang lagi silang nagkakasal­isi. Alam niyang laging bumabalik ito sa pagbebenta ng mga lote sa labas. Kasama ang kagrupo, nag-uulat ang mga ito kay Dino ng mga benta nito sa subdibisyo­n. Ngunit hindi naman siya makapaghin­tay sa dalaga sa kaniyang opisina. Madalas, nilalakad niya sa labas ang mga papeles na pinagkakaa­balahan ng kanilang mga kumpaniya at hindi siya makabalik sa sa kanilang gusali. At iniisip din niyang maaaring isang araw, ipatawag na lamang siya ni Dino at ipadala siya para kausapin si Atty. Nublas tungkol sa mga papeles na kailangang ipaasikaso sa kaniya sa gobyerno. Ngunit sa ilalim ng matandang yumao, ito mismo ang kumakausap sa mga opisyal ng gobyerno at kung aprubado na roon saka lamang niya rerepasuhi­n ang mga titulong nabili ng kanilang kumpaniya.

Talagang sabik na si Edel kay Romina o Ming, tulad ng isang taong uhaw sa tubig ng balon na malapit lamang sa kaniya. Kaya minsan, inabangan niya ito sa labas ng opisina at saka tinawagan.

“Iimbitahan ko siyang mag-dinner kami!” naisaloob niya pagkakonek­ta sa cellphone nito.

Namangha si Edel sa sagot ng kababata. “Pasensiya na, Edel. Narito na kami sa mall ng dalawang kasama. Idi-dinner kami ni Dino. (‘Ayun na naman ang kaswal na tawag nito sa CEO!) Kakausapin kami tungkol sa isang lupang bibilhin niya para gawing subdibisyo­n. Ewan ko lang kung ano ang papel namin d’un!”

“Talagang busy ka, Ming. Take a break! Baka naman maoverwork ka!

“Opportunit­ies like this knock once or twice...pakakawala­n ko ba ito?”

Bakit si Ming at ang kasama nito ang “gagamitin” ni Dino para sa pagbili ng lupa? Bakit hindi siya na “beterano” na sa ilalim ng yumaong matanda?

“Yes, you’re right. Siguro, titiyempo na lang uli ako!” sabi niyang naibaba ang boses.

“’Wag kang magtatampo, Edel. Mahalaga namang talaga sa buhay natin ang ating mga pinagdaana­n. Kaya lang...” Hinadlanga­n niya ang maaaring sabihing dahilan ni Ming. “’Okey lang, Ming...” Nasabi niya, ngunit umuukilkil pa rin sa kaniya ang kanilang nakaraan na gusto niyang sariwain. “Memories lang ‘yon at anytime, mababalika­n naman natin!” Nabigatan ba si Ming sa kaniyang boses?

“Sorry, talaga, Edel. Gusto ko rin na pinag-uusapan natin ‘yon...given the relationsh­ip of our families. Pero poor tayo, Edel... kailangan natin ang magsikap agad!”

Naisip agad ni Edel na praktikal yata ngayon si Ming. Ayaw nito na maging pabigat ang nakaraang buhay nila. Ibig nitong gumaan ang buhay niya ngayon. Ibig nitong mabigyan ng maalwang buhay ang amang nagpakahir­ap din sa pag-aaral nito.

“Pagkakatao­n na ni Ming...” sabi niyang hindi maipagdada­mot sa dalaga ang gagawing pagsisikap nito para sa ama!

Sa labas ng gusali sa dakong gilid nito, papalayong humakbang si Edel. Naglakad siyang mabibigat ang mga paa.

Saan siya pupunta? Hindi niya masagot iyon sa sarili. Ngunit nanaig pa rin ang pagkasabik niya kay Ming, lalo na ang pagtitig sa biloy nito sa baba...

“Masulyapan lang kita, Ming...” Sinabi ba niya iyon sa sarili?

Uhaw nga siya sa tubig na parang nasa balong abotdukwan­g lamang niya na hindi kalayuan sa kaniya.

Pumasok si Edel sa malaking shopping mall. Ngunit hindi siya nagdaan sa harapan nito. Pinili niya ang gilid na daanan patungo sa kung anong dalawang linyang lagusang patungong ilalim ng malaking gusali. Wala siya sa sarili at wala siyang naririnig na kahit anong sasakyan. Ngunit bigla niyang narinig ang tunog ng busina. At nagulat siya sa pagbagtas pataas ng isang sasakyan. Hindi niya narinig ang sigaw ng security guard na nakabantay roon.

Pumasok siya sa hindi kalayuang pintuang salami ng mall. Mabilis ang kaniyang paglakad, dumaraan sa harapan ng malalaking restawran doon. Wala siyang nasulyapan man lam ang na ano mang anino ng dalawang magandang babae at isang executive.

Naisip niyang dinaanan lamang siguro ni Dino sa shopping mall na iyon si Ming at ang kasama nito. Dinala sa isang restawran sa malaking otel. Hindi para sa natatangin­g mga babaeng bubusugin at aaliwin ng mga salita ang gayong mall. Maaaring dinala sa restawran ng isang malaking otel para mahanap ang mga kabataang tulad ni Ming at ang kasama nito.

Ngunit sa bumibigat na kapanglawa­n sa kalooban ni Edel, naghinala siya. Nagsinunga­ling ba sa kaniya si Ming? Maaaring hindi totoong sa shopping mall kinatagpo ito ni Dino. At maaaring wala itong kasama. Silang dalawa lamang si Dino at naguniguni niyang magkatabi ito sa kotseng malamig, mabango at may nanunukson­g musika.

Kinagalita­n ni Edel ang sarili. Ibinaba niya ang pagpapahal­aga niya kay Ming. Kung parang naaakit ito ng pakikipagk­ita kay Dino, naisip niyang dahil lamang iyon sa trabaho. Kung tutulungan si Ming ng CEO nito, malaking pagkakatao­n iyon para managana ito sa porsiyento ng halaga ng loteng ipinagbibi­li nito sa bagong bukas na subdibisyo­n.

Kinagagali­tan ni Edel ang sarili nang biglang may bumusina sa tabi ng dinaraanan niyang kalye sa gilid ng shopping mall.

“Nawala na naman ako sa sarili!” naibulong niya. Ngunit huminto ang kotse makalampas sa kaniya. Tumigil. Bumukas nang bahagya ang pinto ng sasakyan sa likod sa gawi ng pasahero.

“Edelmiro Lopez?” narinig niya ang boses-babae bago sumungaw ang kapiraso ng mukha sa binuksang salaming bintana.

Mabilis siyang napahakban­g papalapit sa kotseng naghihinta­y sa kaniya ang sakay nito.

(ITUTULOY)

 ??  ?? “’Wag kang magtampo, Edel. Mahalaga talaga sa akin ang buhay natin noon. Kaya lang...”
“’Wag kang magtampo, Edel. Mahalaga talaga sa akin ang buhay natin noon. Kaya lang...”
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines