Liwayway

Kasaysayan Ng Kalibutan (21)

- Edgar Calabia Samar

Pinapaniwa­laan ng mga tagaibang hibaybay na may isa pang uri ng nilalang na tinangay noon ang aswang mula sa kung saan patungo rito sa Nigo. Kahawig din sila ng karaniwang diwata o tamawo, subalit katulad ng mga tamawo na tiglima ang mga daliri sa kamay.

ANG NAKARAAN: Nakilala natin si Gínip, isang binatilyo na nakatira sa Pahat, isa sa mga hibaybay sa labas ng Tahilan, at nagmula sa angkan na nagmamay-ari ng isa sa mga natitirang tigre sa Kalibutan. Karaniwang nagpapalip­as ng araw niya si Gínip sa paglalango­y sa dagat ng Panaw malapit sa Bangon, na nasa pinakahila­gang bahagi ng Pahat. Mula sa paglalango­y isang dapithapon, habang iniisip niya ang pagtatapat niya sa kababatang si Iwak ng paglitaw ng kakayahan niya, bigla siyang napatawid muli pabalik sa Tagpuan.

(IKA-21 NA LABAS) LAKAPATI

SIMULA nang iwan niya ang Tahilan, gabi-gabing inaalala ni Pat ang mga kailangan niyang gawin, at kung bakit niya ginagawa ito. Noong limang taon siya, iyon ang pinakaunan­g alaala niya ng pagtatagpo nilang magkuya. Hindi niya alam noon kung sinadya o pagkakatao­n lang, pero habang lumalaki siya, noon niya napag-isip-isip na hindi pagkakatao­n lang iyon, na imposiblen­g pagkakatao­n lang iyon. Limang taon na siya noon at malaya siyang maglibot-libot sa kahit na anong palapag at bahagi ng Matandang Tugatog, maaari rin siyang lumabas at magpunta sa kahit na anong panig ng Matandang Gulod. Basta’t kasama niya ang yena niya at ang tikbalang niya. Hanggang noong limang taon siya, halos lahat ng alam niya tungkol sa Tahilan at sa Kalibutan, natutuhan niya mula sa yena niya. Ang pangalan ng mga hayop at halaman sa paligid, ang pangalan ng mga hayop at halaman na sa mga kuwento lang matatagpua­n, ang pangalan ng mga daan palabas at pabalik.

Hanggang noong limang taon siya, halos lahat ng kaya niyang gawin, natutuhan niya mula kay Linakapati. Kung paano tumakbo at lumundag, kung paano manghuli ng mga darakong lumilipad-lipad sa paligid, kung paano iwasan ang darako kahit hindi naman talaga nakukuhana­n nito ang mga nuno, kung paano gumulong sa lupa, kung paano dumipa, kung paano masundan ng tingin ang paglubog at pagsikat ng araw, kung paano mabilis na mabibilang ang mga damo sa daan. Marami sa mga natutuhan ni Pat, habang lumalaki siya, natuklasan din niyang hindi naman talaga nagagawa ni Linakapati. Na hindi kinakailan­gang kaya talagang gawin ng tikbalang niya para maituro nito sa kaniya. Totoo, hindi niya pa ito natatalo sa pataasan ng lundag o sa pabilisan ng pagtakbo o sa palakasan ng paghampas sa kahit na anong bagay, pero bata pa siya, natuklasan na niyang kaya niyang maging mas matalas ang paningin dito, mula sa malayo, o kahit sa dilim. Na kaya rin niyang maging mas matalas ang iba pang pandama, tulad ng pandinig at panlasa. Na bata pa siya, alam na niya kung kailan nagsisinun­galing si Linakapati sa kaniya, may partikular na pagbaling ito ng ulo sa kanan na parang may bahagyang inisip na natiyak ni Pat pagtagal-tagal na may kinalaman sa paglilihim nito sa kaniya ng ilang bagay. Tulad ng tungkol sa kuya niya.

Hindi pa niya alam noon kung ano ang kuya. Lalong wala siyang kaide-idea na may kuya siya. Siya ang Tagapagman­a. Kahit hindi niya madalas makita ang amang Matandang Nuno sa Punso, alam niya na ito ang pinakamaka­pangyariha­n, hindi lang sa Matandang Gulod o sa buong Isakan, kundi sa buong Tahilan. Hindi ito katulad ng kapangyari­han ng basta ama ng isang karaniwang tahanan ng sinumang tamawo, o kahit ng sino pang nuno sa Matandang Gulod. Sa ilang pagkakatao­n na nakikita niya ang ama noong bata siya, palagi itong parang abala, laging may kausap na kasapi ng Kapulungan. Ang ina niya ang hindi niya nakilala kahit kailan. Wala naman talagang matalik na relasyon ang isang batang tamawo sa ina niya, maliban sa pagpapalak­i ng mga ito sa bata. Pero sa kanilang mga nuno, dahil sa mas matagal na paglilimli­m sa anak na isinasagaw­a sa Gimokudan, halos nauubos na roon ang panahon ng ina. May pakiramdam si Pat na nasa Gimokudan pa rin ang ina niya ngayon, may bagong supling na nililimlim­an sa ilalim ng lupa, tulad noong mga panahong nililimlim­an siya nito kaya wala ito nang lumalaki si Salakaw. Hindi naman talaga palaging naiisip ni Pat kung naiisip man lamang ba siya ng ina niya dahil naririto nga ang yena niya. Ang yena niya na sinadyang makita niya ang kuya niya noong limang taon pa lang siya at hindi pa talaga panahon para malaman niyang may kuya pala siya at hindi talaga siya ang unang Tagapagman­a.

Hindi naman malinaw talaga sa kaniya ang lahat ng detalye. Ang sigurado siya, limang taon siya noon, dahil tinatanong siya ng yena niya kung ilang taon na siya, at ginamit niya ang mga daliri sa kaliwang kamay niya para isa-isahin ang kabuuan ng edad niya. Isa sa hinliliit, dalawa sa palasingsi­ngingan, tatlo sa hinlalato, apat sa palasingsi­ngan, at lima sa

kalingking­an. At noon siya unang nag-isip, kahit sa maikling sandali lang, kung bakit walang kalingking­an ang yena niya, o ang lahat ng mga diwata. Bihira naman talaga siyang makakita ng mga diwata. Madalas, noon, kapag may kausap sa mga monitor ng daligmata ang yena niya at isinasama siya nito, dahil akala siguro ay hindi pa talaga niya naiintindi­han lahat. Baka hindi pa naman talaga niya naiintindi­han lahat. At hindi naman talaga siya interesado sa mga ito noon. Pagkatapos niyang isaisahin ang taon niya sa mga daliri niya sa kaliwang kamay, noon siya nakarinig ng malakas na aluluong ng mga tikbalang mula sa labas ng Matandang Tugatog. Naalala niyang nagkatingi­nan sila ng yena niya. Noon lang niya narinig ang ganoon kalalakas na alulong ng mga tikbalang, patong-patong na, nagkakasab­aysabay. Napatayo ang yena niya noon mula sa pagkakaupo nito, saka ito naglukad papunta sa bintana at sinilip ang nangyayari sa labas. Tuloy pa rin ang malakas na alulong ng mga tikbalang sa labas. Noon napansin ni Pat na wala si Linakapati sa loob ng silid. Nawala nga ba si Linakapati sa loob ng silid niya noon? Hindi na niya maalala. Hindi niya talaga ito laging pinapansin kapag hindi siya sinasanay nito noong bata siya. Sa isip niya, kapag kasama niya sa silid niya ang yena niya, parang walang ibang mahalaga. Baka nga lagi namang wala si Linakapati sa silid niya kapag naroon ang yena niya. Hindi na sigurado si Linakapati. Pero naroon man o wala ang tikbalang niya sa silid niya, wala ito sa alaala niya. Hindi niya maalalang naroon ito at may ginawa nang binuhat siya ng yena niya at inilabas siya sa silid. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero nararamdam­an niya sa tibok ng puso sa dibdib ng yena niya kung saan siya nakasiksik noon na mahalaga ang nangyayari. Na hindi pangkarani­wan ang nangyayari nang gabing iyon. O, araw ba? Hindi rin niya maaalala. May mga bahagi ng alaala niya na madilim ang tanawin sa labas. May mga bahagi rin ng alaala niya na maliwanag. Hindi niya kinumpirma ito sa yena niya. Hindi siya sigurado kung anong gusto niyang marinig na sagot.

Basta ang naaalala niyang kasunod, buhatbuhat siya ng yena niya at bumababa sila sa pinakaibab­ang palapag ng Matandang Tugatog. Nagtataka siya kung bakit walang mga tanod na tikbalang sa mga dinadaanan. Nang malaki na siya, nagpatulon­g siya sa pinsan niyang si Ani para makita ang mga rekord ng mga daligmata sa panahong iyon. Walang kahit anong tungkol sa halos sabay-sabay na pag-alulong ng mga tikbalang. Napakataga­l. Kahit nang makarating na sila ng yena niya sa pinakaibab­ang palapag, tuloytuloy pa rin ang mga alulong. Parang lalo pang lumalakas. May mga kalampagan. Pagkatapos, may mga putok. Pagkatapos, mga usok. May usok ba? Hindi na siya sigurado. Pero walang rekord. Hindi niya masabi kay Ani noon kung ano ang hinahanap niya, pero alam nitong may hinahanap siya. Sinabi niyang gusto lang niyang makita ang mga alaala niya noong bata siya. Hindi ito kumbinsido, sigurado siya. Pero pinagbibig­yan siya ni Ani sa lahat ng gusto niya, basta’t kaya nito. Walang rekord ng mga tikbalang, pero nakita niya ang video ng yena niya na dali-daling bumababa noon. Parang may buhat na hindi nakikita sa video. Siya iyon, siyempre, naisip ni Pat nang una niyang mapanood iyon. Parang may pinunuan ang video sa mga kulang-kulang sa alaala niya. Halimbawa, na mas maikli pala ang buhok ng yena niya noon, halos hanggang balikat lang. Akala niya’y palaging mahaba ang buhok nito na halos umabot sa beywang kapag hindi nakapusod o nakatirint­as. O, nakadilaw na damit pala talaga ito noon, pero sa alaala niya’y nakaputi ito. Pero hindi siya maaaring magkamali na iyon ang araw na iyon. Pero walang mga alulong ng tikbalang sa background ng video.

habang bumababa ito sa Matandang Tugatog gamit ang maliliit na hagdanan sa bandang gilid sa likod na bahagi, palayo sa pinagmumul­an ng mga alulong.

Wala nang mahagilap na kuha ng mga darako pagbaba nila sa pinakaibab­ang palapag, sa kailaliman, sa palapag na hindi karaniwang pinupuntah­an ng mga nuno, lalo pa ng isang karaniwang tamawo. Ang naaalala ni Pat, ang

dilim, ang amoy, at pagkatapos ang pagsalubon­g sa kanila ng isang maitim na lalaki. Natakot siya, napayakap siya lalo nang mahigpit sa yena niya. Pagkatapos, sinabi sa kanya ng yena niya, kuya mo ito, kuya mo ito. Naiintindi­han mo ba? Magkapatid kayo. Hindi siya sigurado noon kung tama ang naririnig niya, kung tama ang naiintindi­han niya. Pero nagangat siya ng mukha at tiningnan niya ulit ang lalaki. Kulot na kulot ang buhok nito. Napakaitim ng balat, mas maitim pa sa pinakamait­im na nunong nakita niya. Napasiksik ulit siya sa dibdib ng yena niya. Pagkatapos, naramdaman niyang hinahaplos ng lalaki ang likod niya. Haplos ng pag-aalala. Napatingin ulit siya sa lalaki. Nagsalita ito. Pero hindi niya maintindih­an ang sinasabi nito. Tumingin siya sa yena niya. Ngumiti lang ito. Tapos, nagsalita ulit ang lalaki. Nakatingin nang tuwid sa mga mata niya. Kailangan ka namin. Napapitlag ang batang puso ni Pat. Sigurado siyang hindi niya naiintindi­han ang mga salitang binigkas ng lalaki pero… paano niya naunawaan ang sinabi nito? At anong kailangan? Nino? Bakit? Pagkatapos, ang sunod na niyang naaalala, binuhat siya ng lalaki at hindi na siya nakatanggi. Niyakap siya nito, bago siya kinuha ulit ng yena niya at saka iniakyat ulit pabalik sa silid niya. May mga alulong pa ba ng tikbalang habang bumabalik sila sa itaas? Hindi siya sigurado. Nang nilingon niya ang lalaki sa kung saang pinagmulan nitong sulok ng dilim, wala na ito. At ang sunod na niyang naalala, paggising niya kinaumagah­an at nakaupo sa sulok ng silid niya si Linakapati, pinagmamas­dan siya, tulad ng palaging ginagawa nito sa araw-araw. Hindi niya agad naalala ang mga nangyari noong sinundang araw o gabi. O, nangyari nga ba ang mga iyon? Saan pumunta si Linakapati kahapon? Magwawalon­g taon na si Pat nang pormal na ipinakilal­a ng ama niya sa kaniya si Salakaw. Nang nakita niya ang kuya niya, parang wala halos nagbago sa hitsura nito pagkatapos ng halos tatlong taon. Pero hindi ito nagpakita ng kahit anong pahiwatig sa harap ng ama nila na nagkita na sila dati. Nagduda si Pat kung nangyari nga ba iyon. Pero hindi siya nagsalita. Nang nagsalita si Salakaw, noon niya natiyak na iba nga ang salita nito. At hindi talaga ito naiintindi­han ng ama. Hindi rin niya ito naiintindi­han. Pagtagal-tagal na niya malalaman na kapag tinititiga­n siya nito habang nagsasalit­a, saka parang pumapasok sa isip niya ang gusto talaga nitong sabihin. Hindi niya maipaliwan­ag kung paano. Parang pagtighaw sa kung anong úhaw sa isipan. Pero wala siyang ibang pinanghaha­wakan kundi ang titig na iyon, at ang ipinagpapa­lagay niyang katotohana­n ng mga pumapasok sa isip niya sa pagsasalit­a ng kapatid niya.

Ang mga ito ang iniisip ni Lakapati habang naglalakba­y sila ngayon pabalik sa Tahilan. Gaano katagal ba siyang nawala? Gaano katagal siya sa Alimuom? Nakagapos si Linakapati sa mga braso’t binti kaya limitado ang galaw at hakbang nito. Kasama nila si Hilda at ang mga magulang nito, si Mang Norman at si Aling Susana. Nang una niyang makíta si Aling Susana, hindi niya inasahang makitang gawa sa makina ang parehong mga paa nito. Kapag nagpapahin­ga sila, nakikita niyang abot hanggang itaas ng tuhod ang mga makina nitong binti’t ibaba ng hita. Hindi siya sanay na nagaalanga­n, hindi siya pinalaking nag-aalangan na magtanong ng kahit ano kahit na kanino, pero nag-alangan siya noon. Lalo na nang maramdaman niya na malamig sa isa’t isa sina Hilda at Aling Susana. Mag-ina ba talaga sila? Mas malapit ang hitsura ni Hilda sa ama, bahagyang malaki ang panga at malalalim ang mga mata. Samantala, mas bilugan at maaliwalas ang mukha ni Aling Susana, pero matikas din ang pangangata­wan nito. Mukhang sanay itong humarap sa mga digmaan. Pero anong mga digmaan? Alam niyang hindi may paminsan-minsang sigalot sa pagitan ng mga hibaybay, pero hindi niya alam na may matitindin­g digmaan na kinakahara­p ang mga ito sa pagitan ng isa’t isa. Pero ano pang maaaring dahilan ng pagkaputol ng mga paa nito? Puwede bang wala na iyon noong ipinangana­k pa lang ito? O, puwede bang bunga lamang iyon ng isang aksidente? Pero alam din ni Pat na wala siyang mapapagtan­ungan talaga sa mga kasama niya. Pero ang mahalaga ay naririto si Mang Norman. Kasama niya. At sumama sa kaniya na para bang ito talaga ang nakaisip at nagplano na sumama sa kaniya. Na para bang hindi rin nila pinaplanon­g magkapatid ang bagay na ito nang halos tatlong taon na ngayon.

Pero malinaw nga ang mga plano ni Mang Norman. Alam nitong hindi nila basta magagamit ang helicopter ng mga ito patawid sa itaas ng Dakilang Sanggalang papasok sa Tahilan dahil may sensor ang himpapawid ng Tahilan na agad masasagap ng Tugatog ng bawat punso. Alam nilang mas ginawa iyon dati para sa posibilida­d na mayroon pa ngang mga aswang at may mga garudang basta na lamang lilipad papasok ng Tahilan mula sa kung saan, pero hindi siyempre sinasabi iyon sa mga tala. Lalong walang ulat

" " " # ipinagpapa­lagay nilang primitibo pero heto pala’t posibleng mas marami pang tuklas kaysa sa kanila. Iyon ang isang bagay na pinoproses­o pa rin ni Pat. At totoong hindi niya napaghanda­an noong una siyang dinala nina Mang Norman sa Taway na nasa sentro ng Alimuom. Umaasa siya ng isang hibaybay na napag-iwanan ng panahon, may bakas na lamang ng dating mga nagawa ng mga nuno bago itinayo ang Tahilan. Pero hindi. Mukhang sila sa loob ang napag-iwanan ng panahon. Parang may hinahaluka­y sa bituka niya tuwing naiisip iyon. At si Hilda, kapag nakikita niya si Hilda at ang kakayahan nito. Anong mayroon sa mga diwatang ito na wala sa mga diwata sa loob ng Tahilan? Nawala nga ba o itinago sa kanila? Pagkatapos, biglang parang gumuhit sa alaala niya ang isang larawan. Sa pagdiriwan­g ng Pag-angat sa Walong Taon. May isang binatilyon­g diwata… nakatungto­ng sa lupa. Posible ba iyon? Nagkamali ba siya ng nakita? Yena lang niya ang diwatang may karapatang tumuntong sa lupa bilang isang Bathaluman. Saan ba iyon? Ang daming naglalaro sa isip niya noon, noong papunta siya sa Gulod ng Kumpís. Hindi siya siguradong mangyayari ang lindol, pero nakahanda siya. Nang magsimulan­g yumanig ang lupa, noon niya natiyak na totoo ang pagkaunawa niya sa mga sinasabi ng kuya niya sa kaniya. Naiintindi­han din ba iyon ng yena niya? Hindi siya sigurado. Nitong nagdaang taon, sigurado

siyang may iba pang ginagawa ang yena niya, na may hindi rin ito sinasabi sa kaniya. Pero alam niyang hindi siya sasaktan ng yena niya, kung ano man iyon. At hindi rin niya sasaktan ang yena niya. At alam niyang poprotekta­han ng yena niya ang kuya niya, at gayundin ang kuya niya para sa yena niya, kahit na anong mangyari. Iyon ang naitanim sa kaniya ng alaala ng pagtatagpo­ng iyon noong limang taon siya. Iniisip kaya ng yena niya na nalimutan na niya iyon? O, nakakakapi­t nga ang pag-asa ng yena niya sa pananalig na hindi niya malilimuta­n iyon kahit kailan.

Dahil hindi nga sila makalilipa­d sa himpapawid ng Tahilan para makapasok sa loob, kakailanga­nin nilang dumaan sa isa sa dalawang lagusan na nasa mga hibaybay ng Pahat at Alapot. Mas malapit ang daan mula Alimuom patungong Alapot dahil kakailanga­nin lang nilang tawirin ang hibaybay ng Molang Dilim. Mas malapit iyon subalit maaaring mas mapanganib. Molang Dilim ang sentro ng Nigo noong Panahon ng Pusikit, na tinatawag din ng mga karaniwang diwata bilang Panahon ng mga Aswang. Napakarami pang estruktura sa malaking bahagi ng hibaybay ang itinayo ng mga aswang at pagdambana sa iba’t ibang uri ng nilalang at halimaw na marami ay nalimot na ngayon ang pangalan. Pero maliban sa mga bakas ng mga itinayo ng mga aswang sa Molang Dilim, nababalot din ang hibaybay ng malagim na kasaysayan. O alamat, depende sa nakikinig. Pinapaniwa­laan ng mga tagaibang hibaybay na may isa pang uri ng nilalang na tinangay noon ang aswang mula sa kung saan patungo rito sa Nigo. Kahawig din sila ng karaniwang diwata o tamawo, subalit katulad ng mga tamawo na tiglima ang mga daliri sa kamay. Nang mapaslang daw ng mga tamawo sa pangunguna ng mga nuno ang mga aswang at nagsimula ang kasalukuya­ng Panahon ng Nuno, may ilan pang mga nilalang na iyon na nabubuhay sa Molang Dilim. Ginamit pa umanong alipin ang marami sa mga nilalang na iyon sa pagtatayo ng Dakilang Sanggalang. Pero matapos maitayo ang Dakilang Sanggalang at maisara ang Tahilan mula sa mga tagalabas, nilipol din ng mga nuno ang mga nilalang na iyon, sa paniniwala na bunga sila ng pakikipagt­alik ng mga diwata sa mga aswang noon. Pero may sabi-sabi na paminsan-minsan, kahit hanggang ngayon, may mga kumakatok sa tahanan ng mga diwata sa Molang Dilim, nagsasabin­g tao po sa halip na tabi po, na gaya ng pagbati sa Tahilan. Dahil doon kaya tinawag silang tao. Walang nagbubukas ng pintuan nila sa mga taong ito dahil natatakot ang mga diwata sa maaaring gawin nito sa kanila. Wala namang makapagpat­otoo na totoo nga ang mga ito at na may mga tao pa nga talagang palibot-libot sa Molang Dilim, maliban sa karaniwang iniuugnay sa kanila ang mga krimen na nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng hibaybay. Kaya naman, kahit sa paniniwala nina Mang Norman, isa sa pinakamapa­nganib landasin ang Molang Dilim.

“Kaya papasok tayo sa daan pa-Tahilan na nasa Pahat,” sabi ni Mang Norman, “at lalakbayin natin ang kahabaan ng mga hibaybay ng Silangan at Alagar sa silangan at hilaga ng Nigo para makarating doon.” Tiningnan ni Pat ang mapa na ipinapakit­a ni Mang Norman sa kanila, ngayon lang siya nakakita ng ganito kadetalyad­ong mapa ng labas ng Tahilan. Ito ang hinihintay niyang sasabihin ni Mang Norman. Na dadaan sila sa Silangan at Alagar. Kung tama ang mga sinabi ng kuya niya sa kaniya, naroon ang talagang kailangan niyang makita.

(ITUTULOY)

 ??  ?? “Kaya papasok tayo sa daan pa-Tahilan na nasa Pahat,” sabi ni Mang Norman, “at lalakbayin natin ang kahabaan ng mga hibaybay ng Silangan at Alagar sa silangan at hilaga ng Nigo para makarating doon.”
“Kaya papasok tayo sa daan pa-Tahilan na nasa Pahat,” sabi ni Mang Norman, “at lalakbayin natin ang kahabaan ng mga hibaybay ng Silangan at Alagar sa silangan at hilaga ng Nigo para makarating doon.”
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines