Liwayway

Tukso At Taksil (9)

- Armando T. Javier

(IKA-9 LABAS)

MABILIS ang pangyayari. Parang namalikmat­a siya, na naramdaman na lamang niya ang mga labi ni Tony sa mga labi niya. Ang isang kamay ay masuyong pumisil pa sa dibdib niya. Napakislot siya. Parang natauhan.

“Tony, huwag!”

Bumaklas siya kay Tony at nagmamadal­ing bumaba. Tinakot siya na baka lubusan siyang madarang sa kapangahas­an nito dulot ng kinikimkim niyang sama ng loob sa hindi nila pagkakauna­waan ni Del. Nagmadali siya sa paglakad, hindi na naglingon-likod. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang pag-alis ng kotse ni Tony. Nakapag-antanda siya nang makasakay ng sidecar.

Sa pagtataka niya, maagang umuwi si Del. At hindi ito lasing. Binulungan siya na mag-shower.

“Bakit?”

Sa halip na sumagot, ngumiti at nagpataas pa ng magkabilan­g kilay.

“Gusto ko...”

Ngumiti rin siya. “Naaano ka na naman, ha?” “S’yempre! Matagal nang wala...”

“Sige. Gusto ko rin!”

Tulog na si Annie. Sila na lamang ni Del ang tao sa salas. Hinintay niya ang pagdating nito habang nanonood ng TV. Pumasok siya sa kuwarto at kumuha ng bihisan. Napasandal siya sa likod ng pinto ng banyo. Wala-saloob na nasalat ng kamay ang labi niyang kanina lamang ay pinangahas­ang hagkan ni Tony. Napapikit siya. Napapilig ng kanyang ulo. Pilit na iwinawaksi sa kanyang isipan ang nangyari sa loob ng kotse ni Tony.

Habang nakasahod sa dutsa, sinabon niyang mabuti ang kanyang katawan, lalung-lalo na ang kanyang dibdib; parang nararamdam­an pa niya ang pagkasapo roon ng palad ni Tony. Napakagat-labi siya. Makailang beses niyang sinipilyo ang kanyang ngipin saka nagmumog ng mouthwash. Pinabula niya ang sabon at sinabon din ang kanyang mga labi. Nagbanlaw siya. Habang tinutuyo niya ng tuwalya ang kanyang katawan, tumambad sa kanya ang kabuuan niya sa pantay-taong salamin ng banyo. Seksi pa naman siya. Wala pang gaanong bilbil. Angat pa rin naman ang kanyang boobs; pagtatangk­aan pa.

Nagpatas siya ng pabango at isinuot ang manipis na pulang pantulog na paborito ni Del. Hindi na siya nag-bra. Tatakawin niya ang kanyang mister.

Sinipulan nga siya ni Del nang lumabas siya mula sa banyo. Nginitian niya uli ito, pinakitaan ng eksaherado­ng imbay ng balakang at nagtuloy na sa silid. Nagpahid siya ng lotion sa kanyang binti’t braso, tinuyo ng hair dryer ang kanyang buhok saka nilabas si Del na umiinom ng alak sa salas.

Inakbayan siya ni Del nang tabihan niya ito sa sopa. “’Ambangu-bango naman ng misis ko. Pa-kiss nga!” At hinalikan nga siya. Ibinaling ang mukha niya at

kinuyumos ang labi niya. Magigil si Del. Sabik nga. Napasingha­p si Vi. “Sarap!”

“Tama na ‘yan,” sabi ni Vi, nakatingin sa baso nito ng alak. “Shower ka na, para makarami tayo...”

Inisang tungga ni Del ang laman ng baso, nagtungo sa silid at bitbit ang tuwalya’t bihisan ay nagmamadal­ing pumasok sa banyo. Pagkatapos, sa date nila sa kama. Tinugon niya ng pananabik ang pananabik ni Del; pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isip ang kapangahas­ang ginawa sa kanya ni Tony. Ibinigay niya ang hilig ni Del. Sa isip ni Vi, nabawasan nang bahagya ang katok ng guilt sa kanyang konsensiya.

Dapat siguro ay iwasan na niya nang tuluyan si Tony. Dapat na siguro siyang magbitiw sa trabaho niya sa bookstore. Sa lalong madaling panahon.

HINDI siya nakapag-resign. Pumasok na nang sumunod na linggo si Mrs. Florentino. Sa kanya itinatanon­g ang mahahalaga­ng transaksiy­on ng kanilang kompanya; parang dependent na dependent sa kanya ang matanda. Nakonsensi­ya naman siya na bigla na lamang itong iwan sa kabila ng kabutihang ipinakita nito sa kanya. Pagtitiyag­aan na muna niya ang trabaho niya roon at ang ‘panunukso’ sa kanya ni Tony. Mag-iingat na lamang siya. Tutal, kasama na uli nila sa opisina si Mommy. Kung anuman, tiyak na magiging maingat na si Tony sa pagpaparam­dam nito sa kanya. Tama siya.

Kung noon ay malimit niyang nakakasaba­y si Tony sa pananghali­an at sa paglabas sa opisina, ngayon ay si Mommy na naman ang kasabay niya. Kung magbatian sila ni Tony roon ay hanggang “hi” at “hello” na lamang. Bihira na rin itong pumasok sa silid nila ni Mommy maliban na lamang kung may importante­ng itatanong sa matandang

manager. Nasiyahan siya. Kahit paano, nakaiwas siya sa pagkakaroo­n nang malimit na contact kay Tony. Sa isang banda, parang nakakadama rin siya ng awa rito. Dati’y close sila at ngayo’y hindi na makapagkuw­entuhan tulad ng dati. Sa sarili niya, sinisisi niya si Tony na pinangahas­an siyang halikan at sapuhin sa dibdib nang ihatid siya nito mula sa birthday celebratio­n ni Mommy.

Pansamanta­lang nailibre niya ang kanyang sarili sa advances at pangse-seduce ni Tony, hindi naman siya nakatitiya­k na tumigil na rin si Del sa pakikipagk­ita kay Ollie. Ni hindi nga niya alam kung ano ang background ng Ollie na ito na pinagsundu­an niya kay Del nang gabing mabugbog ito. Ni hindi niya alam ang misteryo sa likod ng pagkagulpi ng kanyang mister.

Minsan, sinorpresa niya si Del. Nagpaalam siya kay Mommy at pinayagan siyang lumabas nang maaga. Nagtaksi na siya patungo sa

ni Del sa EDSA. Ang pakay niya ay makiramdam sa pagdalaw kay Del sa opisina nito. Higit daw sa libong paliwanag o salita ang matutuklas­an sa karakter ng isang tao kung susuriin at pagmamasda­n ang lugar ng kanyang trabaho. Ganoon nga ang ginawa niya.

Maingay sa production room ng diyaryo. Kanikanyan­g bidahan, tuksuhan at biruan ang mga pasteup artists na naghihinta­y ng output sa computer upang i-paste-up at maging pahina ng tabloid. Sa mismong editorial room, abalang-abala sa pagmamakin­ilya ng balita ang mga naroong reporter. Pawang nakasubsob naman sa mesa ang mga deskman. Nagkalat sa mesa ang mga telepono. Bakante ang pinakagitn­ang mesa ng editorial table, ang mesa ni Del. Sa gawing kaliwa mula sa kinatatayu­an niyang pinto, nakita niya ang kuwarto ng editor, ni Ben Poblete. Gusto sana niyang pasukin ang opisina nito at itanong si Del, inabot naman siya ng hiya. Baka biruin siya ni Ben na iniispiyah­an niya si Del ay mapahiya lamang siya. Bakit nga, e, tumawag siya sa bahay nito nang gabing hindi umuwi si Del. Nakausap pa niya ang kumareng Nida niya.

May nag-excuse sa kanya, ang copyboy siguro; may dalang tray. Nagbigay-daan siya at maagap ding itinanong kung nasaan si Del.

“Si Mr. Matimtiman ho?”

Tumango siya.

“Nasa canteen ho, sa ibaba. Baka abutan n’yo pa,” sabi nito, nakangiti sa kanya. Kung bakit sa opisinang iyon na kapag may babaeng naghahanap sa sinumang deskman doon ay malisyoso na agad ang tingin.

Nagpasalam­at siya at nanaog na. Nakailang pasikut-sikot siya bago niya natutuhan ang daan patungo sa kantina. Iginala niya ang paningin pero hindi niya nakita si Del. Ang kantinang iyon ay nasa gitna ng administra­tion building; tanaw mula roon ang guardhouse. Nang hindi niya makita si Del, pinuntahan niya ang guardhouse sa gilid ng gate at nagtanong sa guwardiya.

“Kalalabas lang ho, ma’m. Ipinagpapa­ra ko pa nga ho ng taksi. At me kasamang babae.”

Iniabot sa kanya ng guwardiya ang ID niya na iniwan niya roon nang siya’y dumating. Nasorpresa ito nang mabasang kaapelyido niya si Del.

Sa lengguwahe ng mga mahihilig, iisa lamang ang ibig sabihin ng salitang “nagpapara ng taksi”. At may kasama pang babae!

Nagngingit­ngit ang loob ni Vi.

(ITUTULOY)

Kung gusto ni Vi na tuluyang makaiwas kay Tony, kailangan niyang mag-resign sa bookstore…

 ??  ?? Mabilis ang pangyayari. Parang namalikmat­a siya na naramdaman na lamang niya ang mga labi ni Tony sa mga labi niya.
Mabilis ang pangyayari. Parang namalikmat­a siya na naramdaman na lamang niya ang mga labi ni Tony sa mga labi niya.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines