Liwayway

Maling Akala (Huling Labas)

- Neri Jedeliz

(HULING LABAS)

HINDI ko naman tiniyak kay Carol kung kailan ako dadalaw sa kanila. Ang sa akin lang naman ay hinuhuli ko lamang siya kung talagang payagan niya akong dalawin siya sa kanilang bahay. Hindi komo na pinayagan na niya ako na dumalaw sa kanila’y agad na dadaluhong ako papunta sa kanilang bahay. Dapat lang na ipakita ko sa kanyang isa akong maginoo, o kaya’y di naman ako talagang masyadong interesado sa kanya. Pakipot muna.

Ang ipinagtata­ka ko lang, ang aking mga barkada na mga tsismoso ay biglang nagsitahim­ik sa pagtsika ng tungkol kay Carol, lalo na sina Richard at Diego na pareho ko ring mga binata pa. Kung noon ay pinupuluta­n nila si Carol kapag magkakasam­asama kami o nag-iinuman sa labas, ngayon ay tila di na nila binabanggi­t ang tungkol kay Carol.

Kaya ako na mismo ang nagparinig upang buksan naming ang paksa tungkol kay Carol.

“Baka sa Linggo’y papasyal ako kina Carol. Pumayag na siya na dalawin ko,” sabi ko nang muli kaming magkasama-sama sa labas at nag-iinuman.

Napangiwi si Diego sa sinabi ko.

“Nagbabalak ka rin pala na pasyalan siya. Naunahan ka na namin. Nakapunta na kami ni Richard sa kanila,” ani Diego.

“Ano?” Laking gulat ko sa aking narinig. Di ko talaga inaasahan na maunahan ako nina Diego at Richard.

“Nang nakaraang linggo’y napasyal ako sa kanila,” pagkukuwen­to ni Diego. “At bago ako pumunta roon, sinabi ko muna sa kanya, at pumayag naman siya. Kaya dinalaw ko, bumili pa nga ako ng isang kahong chocolate para pasalubong.”

“O, ano’ng nangyari?” talagang interesado ako.

“E, maganda naman ang pagtanggap sa akin. Pinameryen­da pa ako ng sandwich at softdrinks.”

“O, ang chocolate, ibinigay mo?”

“Siyempre naman. Tinanggap naman.”

“Kinain niya?”

“Kinain ang chocolate, pero hindi siya ang kumain.” “Hindi siya? E, sino ang kumain?”

“Ang kanyang anak na batang babae. Mga limang taon na yata ang gulang.”

“Anak?” Lalo akong nagulat.

“Me anak na siya, Mar!”

“I-ibig sabihin, me asawa na siya?”

“Wala siyang asawa.”

“Paano siya nagkaanak kong walang asawa?” Lalo akong namangha.

“Isa pala siyang single mother. Me anak, pero walang asawa.” Napanganga ako sa aking narinig. Di ko mawari kong bakit nanamlay ang buo kong katawan. Tila nakaramdam ako ng pagkasipha­yo tungkol sa isang bagay. Ang totoo’y napasali si Carol sa aking pangarap na makapagpun­dar din ng isang pamilya. Maaaring may balak talaga akong liligawan siya, at kung magiging maganda ang kinalabasa­n, baka mapapangas­awa ko siya. Maaaring umiibig na ako kay Carol. Ewan… Pero sa sinabi ni Diego na isa palang single mother si Carol, tila gumuho ang aking binubuong mga pangarap para kay Carol. Nakaramdam ako ng kabiguan at pagkaunsiy­ami.

“Ako, napunta na rin kina Carol,” narinig kong wika rin ni Richard.

“O, anong nangyari?” matamlay kong tanong.

“Totoo ang sabi ni Diego. Isa pala siyang single mother.” Masusing tinitigan ko si Ricard.

“E, di ka nagtanong kung nasaan ang lalaking ama ng kanyang anak? Ang lalaking nakabuntis sa kanya?” nawika ko.

“Mar, ang gayong bagay ay di na dapat bulatlatin. Pinababaya­an na lang. Kapag mag-usisa pa ako, baka sabihin niyang talagang mga tsismoso kami ni Diego. Isa pa, bakit pa ako magtatanon­g? Nang malaman kong me anak na siya, tapos na ang usapan.”

“Mar, isa pala siyang disgrasyad­a. Ang akala natin noong una’y isa siyang matinong babae.”

“Bakit, kung ang isang babaeng nabuntis na walang asawa, di na ba siyang matawag na matino?” nawika ko.

“Nasa sa ‘yo lang ‘yan. Kung ano ang hatol o pananaw mo. Pero para sa akin, ang isang babaeng me anak na walang matatawag na asawa, di ko matawag na matino,” pagdidiin ni Diego.

“Ikaw, Richard, ano ang ma-comment mo?”

“The same as Diego, ano pa ba?”

Di na ako umimik. Ano pa ba ang maaari kong sabihin?”

HINDI ko na ngayon matiyak kong itutuloy ko pa ang sinabi ko kay Carol na dalawin siya. Buti nga’t di ako nagpadala kaagad sa simbuyo ng aking damdamin nang pumayag na siyang dalawin ko. Pero naisip ko ring baka isipin niyang wala akong isang salita, di marunong tumupad sa pangako. At naisip ko ring magiging unfair para sa kanya kung bibitiw ako sa pangako sa kanya, dahil lamang sa mga isiniwalat nina Diego at Richard. Baka isipin ni Carol na para akong di lalaki. Na kaagad maniniwala sa tsismis. Isa pa, nais kong marinig mula mismo sa mga labi ni Carol ang katotohana­n ng mga isiniwalat nila Diego at Richard, na may anak na siya. Na totoo ngang isa siyang single mother.

Subalit nagtataka rin ako sapagkat mula noong huli kaming mag-usap ni Carol, di ko na siya nakita, o nakasalubo­ng sa pagmeryend­a sa canteen. At wala na siya sa kanyang puwesto sa opisina. Anong nangyari?

Kaya napilitan akong magtanong sa kaibigan kong assistant personnel manager ng aming opisina.

“Nag-resign na ba si Carol? Di ko na siya nakita,” tanong ko. “Hindi nag-resign. Inilipat lang siya sa ating sa Makati.”

“Inilipat? Sa tanda ko, halos six month pa lang ang itinagal niya rito sa ating

“Nag-umpisa siyang magtrabaho sa ating rito sa Quezon City, bilang probationa­ry period niya. Ngayon ay regular na siya, at dinig ko, isa na siyang assistant accounting manager doon sa ating Maganda kasi ang academic record niya. Biro mo naman, isa siyang summa cum laude nang makatapos.”

“A,” naunawaan ko kaagad ang takbo ng pangyayari. Kung gayo’y malabo na yatang magkikita pa kami ni Carol, kung di sasadyain. Lalo akong nakaramdam ng panghihina­yang. Bakit ba pinanghihi­nayangan ko ang pagkalayo namin ni Carol. Gaano ba ang layo ng Quezon City sa Makati. Halos magkapitba­hay lang naman. Ang talagang gusto kong mangyari, ay magkausap kaming muli. May mga pag-aalinlanga­n akong

nararamdam­an tungkol sa katayuan niya sa buhay. Na gusto kong malutas once and for all. Gusto ko talagang marinig mula kay Carol mismo ang tungkol sa isinawalat nina Diego at Richard.

Sino kaya ang ama ng kanyang anak?

MULA nang di ko na nakita si Carol, tila nawalan na ako ng sigla. Maaaring nagiging inspirasyo­n ko rin talaga siya. Hindi ko lang masabi kung talagang na-in love ako sa kanya. Ngunit inaamin ko, naging pantasya ko siya. Baka… baka kung natuloy na napasyal ako sa kanila, maaaring lalong madebelop ang damdamin ko sa kanya. Maaaring naligawan ko nga siya. Ang totoo, maganda talaga si Carol at para sa akin, isa siyang matinong babae. Kung nagkataon nga na “dalaga” pa siya, malamang na siya na nga ang babaeng hinahanap kong pakasalan. Subalit… matawag pa bang dalaga ang isang babaeng may anak na kahit walang maituturon­g ama ng kanyang anak? A, it’s complicate­d. Ngayon, tila matutuluya­n na nga akong mabigyan

ng matandang binata.

Isang araw ng Linggo na nasa mall ako sa Edsa at nagwi-window shopping, pumasok ako sa food court upang magmeryend­a. Mauubos na ang spaghetti na aking kinakain nang makarinig ako ng boses ng isang babae.

“Could I share your table?” ang aking narinig kaya napatingal­a ako upang sinuhin ang nagsalita. At namangha ako nang makilala ito.

“Carol!” halos napasigaw ako sa pagkabigla. Ngunit agad naman nakontrol ko ang aking excitement. “Sure naman. Hindi naman ako ang may-ari nitong mesa.”

“The same old story,” nakangitin­g sambit ni Carol at umupo sa aking harap. May bitbit siyang tray na may lamang hamburger at isang mineral water.

“A, e, long time no see,” nasambit ko habang malugod na tinititiga­n siya.

“Ikaw, e, sabi mo, mamasyal ka sa bahay,” aniyang nagsimula nang kainin ang kanyang meryenda.

“A, e, di ka na kasi nagrerepor­t sa opisina kaya naisip kong baka nalipat ka na rin ng tirahan.”

“Lumipat lang ako ng pero naroroon pa rin ang aming bahay sa adres na ibinigay ko sa ‘yo.

“Gano’n ba?” “Oo. E, paano?”

“Anong paano?” tanong ko sapagkat nasakyan kong tila may tinutumbok ang kanyang tanong.

“Sabi mo noon, pasyalan mo ko. Every Sunday, nasa bahay ako. Ngayong Sunday lumabas na ako at magpalamig muna dito sa mall at alam kung malabo ka nang sumipot sa bahay. Buti’t naispatan kita ngayon.”

“A, e,” tila di ko alam kung ano ang aking sasabihin. “Mukhang alanganin ka, ‘no? Baka naman naikuwento na sa ‘yo nina Diego at Richard na napunta na sila sa bahay, at…”

At…natuklasan nina Diego at Richard na may anak na pala siya, na isa siyang unwed mother, ang nais ko sanang idugtong. Pero naisip kong isa itong di kanais-nais na dahilan upang di ko tuparin ang pangako ko sa kanya noon na bibisitahi­n siya. Isa pa, nagmula lang ito kina Diego at Richard at di nagmula sa kanya. Kaya mabilang ito na isa lamang tsismis. How cruel naman para sa kanya kung magkagayon. Kaya naisip kong ngayon na ang aking pagkakatao­n na malaman ang katotohana­n mula mismo sa kanyang mga labi. Kaya…

“Sige, pupunta ako sa inyo,” nawika ko.

“Now na? Bukas me pasok na naman tayo.”

“Sige, sabay na tayong umuwi,” napilitan akong sumangayon. Napangiti siya.

“Buti’t nakameryen­da na tayo rito. Di na ako mamroblema

Kung bumitiw ako sa aking hangarin kay Carol dahil lang sa maling akala, disin sana’y nakahulagp­os pa sa aking mga palad ang pangarap kong makatagpo ng isang ulirang maybahay.

kung ano ang ipameryend­a ko sa ‘yo sa bahay.”

Napangiti na rin ako sa kanyang joke. Natitigan ko siya nang masinsinan. Naririyan pa rin ang angkin niyang ganda na hinahangaa­n ko, lalo na sa malapitan. Mapipinong kutis at manipis at mapupulang mga labi. Sayang. Sayang na ano? Na hindi na siya dalaga?

“Me itatanong lang ako sa ‘yo,” aniya. This time, pareho na kaming tapos nang kumain.

“Ano ‘yon?”

“Curious lang ako. I know, hindi pare-pareho ang mga lalaki. Me mga lalaki na ang ibig nilang magiging kasama sa buhay ay isang babaeng nakilala nilang isang dalaga, o isa pang virgin. Meron namang nagsasabi na kapag mahal niya ang isang babae, kahit anong klase itong babae, kahit me anak na, handa pa rin niyang pakakasala­n. Walang problema. Ang mahalaga’y mahal niya ang babae.”

Tinitigan ako ni Carol nang masinsinan.

“Saan ka bang uri ng lalaki, sa una kong binanggit o sa pangalawa?” prangka niya.

“A, e, sa pangalawa,” hindi sinasadya bigla kong naitugon. Ewan, kung bakit ito ang aking nasagot sa kanyang katanungan­g talagang mahirap sagutin ng isang lalaki sa harap ng babaeng kanyang hinahangaa­n.

“Wow!” Kung magkagayon, basta mahal mo ang isang babae’y balewala sa ‘yo kung ano siya, basta mahal mo, handa kang pakasalan siya?”

“A, e, gano’n nga… malamang. Sapagkat mahirap din makatagpo ng isang babaeng talagang mamahalin mo. Sumisipot lang ito sa hindi mo mahuhulaan na pagkakatao­n. Baka, once in a blue moon lang ito kung dumating sa buhay mo, kaya kapag dumating, huwag mo nang pakawalan.”

Lalong tumamis ang ngiti ni Carol. Ilang saglit pa, tumayo na ito.

“O, ano pa ang hinihintay natin? Tayo na sa bahay.” Tumayo rin ako. Ano pa ba ang magagawa ko? Lumabas kami sa mall, at sumakay sa isang naghihinta­y na taksi. Si Carol na ang nagsabi sa driver kung saan kami tutungo. Ilang saglit pa, pumasok ang taksi sa isang subdivisio­n sa Quezon City at huminto sa isang bahay na masasabing ang nakatira rito’y maykaya rin sa buhay. Hinila ako ni Carol papasok sa bahay. Isang mukhang katulong na babae ang sumalubong sa amin.

“Wala sina Mama at Papa mo, Ate, nasa church,” anang katulong.

Tumuloy kami sa maluwag na sala. Nang biglang, patakbong sumalubong sa amin ang isang batang babae na sa tantiya ko’y limang taon gulang lamang. Ito na siguro ang batang ikinuwento nina Diego at Richard na anak daw ni Carol.

“Mommy!” anang batang yumakap sa laylayan ng palda ni Carol. Yumuko naman si Carol at hinalikan sa pisngi ang bata. Tinitigan ako ng bata na tila sinisino ako.

“Ito si Lilibeth, my daughter,” ani Carol na tumingin sa akin. Tila binabanaag sa aking mukha kung ano ang aking naging reaksiyon. Iniabot ni Carol ang isang chocolate sa bata.

“Sige, Sweetheart, doon ka muna. Me bisita tayo,” ani Carol. Tumalikod naman ang batang palukso-lukso.

Umupo kami ni Carol sa isang sopa na magkaharap. Mula pa kanginang pumasok kami, di yata ako nakapagsal­ita. Nakangitin­g tinitigan ako ni Carol.

“Mukhang di ka nabigla nang makita mo si Lilibeth. Marahil, naikuwento na sa ‘yo nina Diego at Richard ang tungkol kay Lilibeth.”

Tumango lang ako.

“’Yan ba ang dahilan kung bakit di natuloy ang sinabi mo noon na dalawin ako, dahil natuklasan mong me anak na ako?”

Muli akong tumango. Ano pa ba ang magagawa ko? Ayaw ko namang magsinunga­ling kay Carol.

“Mario, tutal naririto na tayo, tell me, ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit gusto mo noon na dalawin ako? This is the moment of truth. Prangkahan na ito, once and for all. Right?” Narinig kong nawika ni Carol.

“Well, I’ll be frank with you,” tugon ko. “Sabi mo, prangkahan na ito. The truth is, noong una kitang makita, you caught my fantasy. Nagaanan ka ng aking loob. At…at sabi ko nga sa sarili ko, di ka mahirap mahalin. Ang totoo, at that time, unti-unting nadebelop ang feeling ko sa ‘yo. And later on, I think I’m falling in love with you.” Napangiti si Carol.

“Me nalaman din ako about you. Humahabol ka raw sa biyahe. Nais mo raw na makatagpo naman ng babaeng pakakasala­n upang huwag kang matuluyang matawag na matandang binata,” ani Carol.

“How do you know?”

“Alam mo namang mahilig sa tsismis ang mga kasamahan mo sa opisina.”

“E, totoo. Tao lang ako upang mangarap namang makapagpun­dar ng isang pamilya. At mamuhay nang maligaya.”

“Pero, tila nabigo ang iyong minimithi, nang malaman mong me anak na ako.”

Di ako nakaimik.

“Mar, di lang ikaw, o sina Diego at Richard ang nakadalaw rito sa aming bahay. Na ang pakay ay ang lumigaw sa akin. Pero, ang lahat ay umatras, nang malaman nilang I am a single mother. Nakita naman nila si Lilibeth.”

Di pa rin ako umimik.

“Sa ngayong panahon, mahirap nang makatagpo ng isang lalaking tapat, na mahalin ang isang babae kahit ano pa ito. Ang bagay na iyan ang nagdulot ng hinagpis sa aking kapatid na babae, na siyang dahilan ng kanyang pagkasipha­yo, at kalauna’y nagkasakit at yumao.”

“Me kapatid ka palang babae?” naitanong ko na namangha. “Meron, Mar. Itong aking kapatid, me kasintahan noon na talagang mahal niya nang lubos. At nagtiwala naman siya rito, hanggang sa nabuntis siya kahit di pa sila kasal. Nang malaman ng hudas na lalaki na buntis siya’y bigla na lang ito naglaho at di na nagpakita. Balita namin ay tumungo ng Amerika. Iniwan ang aking kapatid na labis na naghihinag­pis, at kalaunan nga’y yumao. Pero bago ito namatay, nagsilang ito ng isang batang babae. Nagusap kami sa huling sandali ng kanyang pamamaalam. Sabi niya, huwag ko raw siyang gayahin. Na bago ako tumanggap ng isang lalaki na iibigin at pagkakatiw­alaan, dapat daw na kilalanin ko nang husto, at tiyakin na totoo ang pag-ibig nito sa akin. Hindi pareho sa nangyari sa kanya na pinaasa lamang.”

Di ako nakaimik. May pagkahabag na napatitig ako kay Carol. “Tumatak sa aking utak ang habilin ng aking kapatid. Nangako akong susundin siya. Na kelangan tiyakin ko muna at subukin ang katapatan ng isang lalaki bago ako lubusang magtiwala. Naisip kong ang may gustong lumigaw sa akin ay idaan ko muna sa isang

pagsubok. Sinabi ko sa kanila na isa akong single mother. At sinabi ko sa kanila na si Lilibeth na anak ng aking namayapang kapatid ay aking anak. Paraan ko ito upang masubukan ang kanilang katapatan. Ang nangyari, kapag malaman nilang ako’y me “anak” na, si Lilibeth nga, lahat sila’y umatras.”

May gumapang na galak sa aking dibdib dahil sa ipinagtapa­t ni Carol. Anak pala ng kanyang kapatid si Lilibeth, na inako niyang kanyang anak.

“E, naikuwento mo rin ba kina Diego at Richard itong nangyari sa iyong kapatid?” tanong ko.

“Hindi. Di ko naikuwento ito sa mga nanligaw sa akin, pati na kina Diego at Richard. Bakit pa? Wala naman akong gusto sa kanila.”

“E, bakit ikinuwento mo ngayon ito sa akin?”

“A, e, kasi… ramdam ko’y iba ka sa kanila. At mula nang makilala kita, nagaanan ka na ng aking loob. Na di ka mahirap mahalin. Ikaw rin ang nagsabi na kapag mahal mo ang isang babae, walang kuwenta sa ‘yo kung ano pa siya.”

Napangiti ako.

“Sa iyong pananalita, mukhang tinatangga­p mo na ang aking pagibig.”

“Bakit, nanliligaw ka na ba?” “Kangina pa, nang sabihin ko sa ‘yo na di ka mahirap mahalin. Di ba panliligaw na iyan?”

“A, e, wala na palang problema sa ating dalawa. Nagkakauna­waan na tayo.”

Siya namang paglapit ng batang si Lilibeth.

“Mommy, sino siya?” tanong ng bata na tinitigan ako.

“Siya, si Tito mo Mar,” tugon ni Carol na nakangitin­g sumulyap sa akin. “Itong si Lilibeth, itinuturin­g niya akong tunay niyang mommy, at itinuturin­g ko rin siyang tunay kong anak.”

Napangiti ako. Nauunawaan ko kaagad ang lahat. Hindi naman ako gago.

“Well, pasado pala ako sa iyong pagsubok,” nasambit ko na lang at hawakan ang palad ni Carol at pinisil. Di naman siya pumalag.

Ngayon ay panatag na ang aking loob. Kung nagkataon na bumitiw ako sa hangarin ko kay Carol dahil lang sa maling akala, disin sana’y nakahulagp­os pa sa aking mga kamay ang katuparan ng aking mga pangarap na makatagpo ng isang ulirang maybahay. Ngayon ay may instant family ako, asawa at isang anak. Babay na lang sa inaasahan ng aking mga kaibigan na makatatang­gap na raw ako ng matandang binata.

 ??  ?? “Mommy, sino siya?” tanong ng bata na tinitigan ako.
“Mommy, sino siya?” tanong ng bata na tinitigan ako.
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines