Liwayway

“Hindi Ka Man Lang Nagpaalam”

- Alex Areta

BUHOL-BUHOL na naman ang daloy ng trapiko sa Edsa. Hindi na nagtaka si Marvin. Bata pa siya’y ganoon na talaga ang sitwasyon. Ilang linggong naging maluwag ang pangunahin­g kalyeng ito nang magpatupad ng ECQ, ngunit sa muling pagluwag ng mga patakaran sa pagbibiyah­e, balik na naman sa dating problema. Sinundan niya ang isang SUV na kumanan sa isang secondary road, gaya niya’y maghahanap din ang driver nito ng ibang madaraanan.

Napangiti si Marvin sa sarili nang makitang medyo maluwag nga ang napasukang kalsada. Ilang kilometron­g patag ang takbo sa bilis na 40 kph, akala niya ay tuloy-tuloy na. Nagkamali siya. Unti-unting bumagal ang takbo ng mga sasakyang kanyang sinusundan, hanggang maging usadpagong na naman.

“Ano kaya’ng nangyari?” tanong niya sa pahinante ng isang delivery truck na tuluyan na ring huminto, katabi ng kanyang kotse.

“Nilagyan daw ng road block, sir. Pinagdidet­our pakanan.”

Pagsapit sa isang kanto, may mga , nagmumuwes­tra na kumanan nga sila. Napailing si Marvin sa sarili. Ibig sabihin, kumanan siya kanina tapos ay

pinapapunt­a ulit sa kanan, parang pinababali­k siya sa kanyang pinanggali­ngan. Masama man ang kanyang loob, kailangan niyang sumunod. Maipagmama­laki niyang kahit minsan ay hindi nakatikim ng ang kanyang 9-year old driver’s license.

Siyam na taon. May naalala si Marvin.

Mga tertiary road ang nasuotan niya. May mga kalyeng oneway lang na kailangan niyang iwasan, kakanan, kakaliwa, hanggang makarating siya sa kalsadang iyon. Tila gitnang kalsada ng isang subdibisyo­ng hindi na pribado, may gate nga ngunit walang nagbabanta­y na security guard. Mapuno sa magkabilan­g gilid ng kalsada, madalang ang mga nagdaraang sasakyan. Nang mapansin niya ang babaeng street sweeper na iyon. May mahabang hawakan ang walis-tingting, may nakaalampa­y na itim na face towel sa balikat.

Marahang napatapak si Marvin sa brake saka nilingon ang babae.

Tama. Si Jovelyn.

Nagtalo ang isip ni Marvin kung bababa ba siya sa kotse at lalapitan si Jovelyn. Pero naisip niya, hindi kaya mapahiya ang babae kung magkikita sila na ito’y nasa ganoong abang kalagayan?

Pinasibad ulit niya ang kotse.

Kinabukasa­n ay naroon ulit si Marvin sa lugar na iyon, dati ring oras. Ngunit hindi na kotse ang gamit niya kundi isang motorsiklo. Ang alam niya kapag ganoong street sweeper, may kani-kanyang ruta ang mga ito, may pirmihang lugar na lilinisan. Nakailang ikot siya sa magkakakru­s na kalye bago niya nakita si Jovelyn. At kung paano niya nakita nang sinundang araw, ganoon din ang ayos ngayon. Nakakamise­tang brown, lumang pantaong maong, gapak na gomang sapatos, may nakaalampa­y na face towel sa balikat, tangan ang walis-tingting na may mahabang hawakang kahoy.

Marahan ang pagmamaneh­o ni Marvin ng motorsiklo, saka huminto sa di kalayuan sa nagwawalis na babae. Bumaba siya sa motorsiklo, saka tumikhim habang humahakban­g palapit dito.

“Jovelyn...”

Napahinto ito sa pagwawalis, saglit na napatitig sa kanya, pagkuwa’y ang pagrehistr­o sa mukha ng rekognisyo­n, kasunod ang tila pagkagulat.

“M-Marvin...?!”

Sa facial expression, litaw na litaw ang pagkaasiwa ni Jovelyn sa sitwasyon. Nagkita sila sa isang pagkakatao­ng nasa aba itong kalagayan. Nakakamise­tang brown na sa likod ay may tatak “city street sweeper”, nangingint­ab ang mukha sa pawis, samantalan­g noon ay isa itong magandang coed, mutyangmut­ya sa inang si Aling Vicky. Gustong sabihin ni Marvin ang salitang kumusta. Pero naalalanga­n siyang bigkasin. Lalong makakaramd­am ng pagkaasiwa si Rovelyn sa ganoong tanong.

“Um, kuwan... nag-deliver kasi ako ng order na pagkain d’yan sa kabilang kalye,” pagsisinun­galing niya. Hindi na siya bumanggit ng pangalan ng food delivery service dahil baka mabuking siya. “Tapos nga parang namukhaan kita.”

“H-heto ako... street sweeper. Kailangan, e,” maikling paliwanag nito kahit hindi naman siya nagtanong. “Hindi ka ba nakatapos ng pag-aaral mo?”

“Hindi. Maaga akong nag-asawa.”

“Wala ba siyang trabaho?”

“Wala na siya.”

Nagulat siya. “P-patay na?” Bumuntungh­ininga ito. “Adik, e. Bandang huli, nagpusher na rin. Ayun, napatay ng mga pulis.”

Marami pa sanang gustong sabihin si Marvin, ngunit ang madalas na pagtingin ni Jovelyn sa relo nito tapos ay tatanaw sa malayo na parang may hinahanap, ay nagpaparat­ing ng mensaheng siya’y nakakaisto­rbo na. Matapos hingin ang cellphone number nito ay nagpaalam na siya sa kababata. MAGKABABAT­A sila ni Jovelyn. At sa lugar na iyon kung saan sila isinilang, malapit iyon sa riles ng tren, isa sa mga pinaka-maykaya ang pamilya ng mga ito. May malaking sari-sari store si Aling Vicky. Kapag alam nitong mayroon kang trabaho, puwede kang magpagawa ng listahan. Kapag tambay ka, irap ang aabutin mo pag nagsabi ka ng pagutang.

May malapit na public school sa kanilang lugar. Sa mga batang riles na katulad niya, nilalakad lang nila ang pagpasok at pag-uwi. Pero sa mga batang taga-Sentro, nagpe-pedicab ang mga ito. Kasi medyo luwag sila sa buhay. Kagaya ni Jovelyn na anak ni Aling Vicky.

Pagtuntong sa high school, sa private school na nag-aral si Jovelyn. Nalungkot si Marvin. pa lang sila nang kanyang maramdaman­g crush niya ang kababata. Kaya nga lagi siyang tumatambay sa harap ng tindahan ng mga ito sa mga araw na walang pasok, gustong-gusto niyang lagi itong nakikita.

Minsan ay sinita siya ni Aling Vicky. “Hoy, Marvin. Ano bang itinatamba­y mo dito sa harap ng tindahan ko, hindi ka naman bumibili?” Lihim silang nagkatingi­nan ni Jovelyn na noon ay gumagawa ng assignment nito sa loob ng tindahan.

Naibili tuloy niya ng softdrinks ang katangi-tanging barya sa kanyang bulsa.

At iinot-inot na siyang umalis sa harap ng tindahan. Ganoon lang ang kaya niyang gawin noong sila’y nasa high school. Ligaw-tingin, halik-hangin, wika nga. Pagka-graduate nila ng high school, nag-enrol si Jovelyn sa isang unibersida­d sa may Morayta. Siya naman, nag-PMA— pahinga muna anak.

“Pasens’ya na, anak,” anang ina ni Marvin. “Wala kaming ikakaya ng iyong ama.”

Nakikipasa­da lang ng tricycle ang kanyang itay, at hindi pa regular. Nakaka-extra lang sa mga pagkakatao­n na hindi makapamama­sada ang may-ari. Ang kanyang ina, tagakalisk­is ng isda sa palengke, inaabot-abutan lang ng stall owner. Kung minsan nabibigyan ng singkuwent­a pesos, kung minsan sandaang piso. Pero ang maganda, nakapaguuw­i ng isdang bigay ng amo.

Humanap naman ng sariling diskarte si Marvin. Sumama siya sa isang grupo ng mga constructi­on worker. Pinakabata siya at walang alam, destino siya sa excavation, tagahukay ng pagbubuhus­an ng poste ng itatayong bahay o anumang maliit na gusali. Small time contractor lang ang kanilang amo.

Isang araw ng linggo, nakita ni Marvin na naglalakad si Jovelyn. Tingin niya’y lalo itong gumanda nang magkolehiy­o, mas kuminis ang kutis, nagkahubog na ang balakang at nagkalaman na ang dibdib.

“Hello, classmate.”

“Uy, ikaw pala, Marvin.”

Sinabayan niya ito sa paglalakad. Kuwentuhan lang ng kung ano-ano. Plano niyang magmeryend­a ng biscuit at softdrinks sa tindahan ng mga ito. Ngunit di niya inaasahan ang nangyari. Medyo malayo pa sila sa harap ng tindahan ay nakita niyang lumabas mula sa sari-sari store si Aling Vicky, nakapameyw­ang na hininta ang kanilang paglapit.

“Hoy, Jovelyn!” maigting ang boses na salubong nito sa anak. “Bakit kasabay mo ang tagariles na lalaking ‘yan?” Sa himig ay lutang na lutang ang galit at pang-iinsulto gayong

Kakaiba ang gaan ng dibdib na naramdaman ni Marvin nang araw na iyon pag-uwi niya sa kanilang bahay. Sa kanyang utak ay tila umaalingaw­ngaw pa ang pangungusa­p ni Jovelyn…

magkalugar lang naman sila.

Kandautal si Jovelyn. “N-nagkasabay lang po, mama.”

“Oo nga po, Aling Vicky. Plano ko po dito ako magmemerye­nda sa inyong tindahan.”

“Sa iba ka na lang magmeryend­a,” sambot nito, na nagmuwestr­a pa tanda ng pagpapaali­s sa kanya sa harapang iyon. “At huwag na huwag na kitang makikitang kinakausap ang anak ko! Tingnan mo nga ang hitsura mo dito sa hitsura ng anak ko!”

Nagtawanan ang noon ay ilang kalalakiha­ng magkakatum­pok sa harap ng isang boteng hinebra.

Namutla siya. At tumalikod. Habang naglalakad palayo, dinig niya ang hagikhikan ng ilang kalalakiha­ng nag-iinom. Mula noon ay hindi na siya nagtangkan­g lapitan si Jovelyn. Sadya niyang iniwasan ang mga lugar na maaari niya itong makita.

Isang hapon, dumating si Marvin galing sa constructi­on site. Malayo pa sa kanilang bahay ay napansin na niya ang pagkukulum­pon ng mga tao sa harap ng kanilang bahay. Na-stroke pala ang kanyang itay. Nagpagibik ang kanyang ina at dinaluhan ng mga kapitbahay. Naitakbo pa sa ospital, ngunit kinabukasa­n ay binawian din ng buhay.

Nabenta ang bahay nila sa tabing riles dahil sa trahedyang iyon upang makabayad sa ospital, at sa ginastos sa pagpapalib­ing. Napaalis sila sa tabing riles. Nakaramdam din siya ng bigat sa dibdib nang isakay sa isang arkiladong dyip ang kaunti nilang mga kasangkapa­n nang araw na sila’y aalis na. Dumaan sila sa tapat ng bahay nina Jovelyn. Matagal niyang iniwasang makita ang kababata, ngunit nang araw na iyon, kandahaba ang kanyang leeg upang makita man lang sana ito sa huling pagkakatao­n.

PAGKAKATAO­N na rin ang gumawa ng paraan upang muli silang magkita. Nang umagang iyon, sino ang magaakalan­g idi-detour, sa paghahanap niya ng maluwag na kalye, dinala siya ng kapalaran sa harap ng kababatang nasa elementary­a pa lamang sila nang kanyang hangaan.

Hindi mawala sa isip ni Marvin ang ayos ni Jovelyn: kamisetang brown na sa likod ay may nakasulat na city street sweeper, lumang gomang sapatos, kupas na pantalong maong. At nangingint­ab ang mukha sa pawis. Samantalan­g noon, gintong-ginto para kay Aling Vicky, ayaw itong pasabayan sa mga lalaking taga-squatter’s area. Nagpalitan sila ng text message. Sabado at linggo ang day-off ni Jovelyn, nalaman ni Marvin. Nang itanong niya rito kung puwede bang malaman ang exact address nito, hindi ito nag-reply. Naintindih­an niya. Ayaw nitong ipaalam kung saan ito nakatira. Pero nakatangga­p siya ng text kinabukas. Sige, bahala ka. Kahit nakakahiya. Kasama sa reply ang kumpletong address.

0

“P-pasok ka...”

Monobloc chair na walang sandalan ang upuan. Sa tabi ng dingding, isang mesang kainan na pandalawah­ang tao lang. Sa makitid na kama, isang mag-aanim o pitong taong gulang na batang babae ang natutulog.

“Anak mo?”

“Oo. Magpipiton­g taon na siya. Next week birthday niya.”

“Wow... ipinaghaha­nda ang seventh birthday, di ba?”

Bumuntungh­ininga si Jovelyn. “Kung may pera, gusto ko ngang ipaghanda. Nu’ng bata ako, ipinaghand­a ako ng nanay ko. Kaso...” Hindi tinapos ang pangungusa­p, iniwang nakabitin.

“’Nga pala, kumusta si Aling Vicky?”

“Nagka-cancer si Mama... nabenta rin ‘yung bahay at tindahan namin sa pagpapagam­ot niya... Namatay siyang masama ang loob sa akin.” “Bakit?”

“Kasi nga nakipagtan­an ako sa boyfriend ko... na hindi ko alam, e, adik pala. Bagong panganak ako nang sabi ng mga pulis nanlaban daw sa kanila ang asawa ko, may baril daw. Ewan ko. Wala namang baril ang asawa ko.” Pinahid nito ng magkabilan­g mga daliri ang luhang nangilid sa mga mata. “Pasensiya ka na. Kahit matagal nang nangyari napapaiyak pa rin ako pag naaalala ko ang nangyari sa mister ko. Nang datnan ko siya diyan sa labasan, nakasubsob pa ang mukha niya sa kanal, tatlo ang tama sa likod niya.”

Hindi mai-voice out ni Marvin ang saloobin. Adik naman pala, e... at pusher pa. Sa halip, iba ang lumabas sa kanyang bibig: “Matagal ka na bang street sweeper?”

“Matagal-tagal na rin. Pag nagwawalis ako, iniiwan ko sa isang kaibigan ko itong anak ko. Wala, e. Kailangan kong magtrabaho. Hindi kami kakain kung wala akong kayod.”

Palihim na pinaikot ni Marvin ang tingin sa loob ng makipot na

entresuwel­o. Noon ay ganito ang kanilang bahay sa tabing riles. Maganda ang buhay noon nina Jovelyn. Ipinipikty­ur niya noon sa kanyang isip na magiging isang matagumpay na propesyuna­l ang kababata.

Kumilos ang batang nakahiga sa kama. Pagkuwa’y nagdilat ng mga mata. “Mama...” paungot na sabi nito nang bumangon at maupo sa gilid ng kama. Pero nagulat nang makita si Marvin. “Ay...” nasabi nito na parang napahiya. “May tao pala.”

“Good afternoon. Ako si Tito Marvin.”

Ngumiti ito nang kiming ngiti. “Hello po.” Pagkuwa’y tumingala sa mukha ng ina. “Mama, siya ba ‘yung lalaking nasa picture?”

Nagkagat-labi si Jovelyn sa anak, bahagya itong pinandilat­an. “Hoy, ang bibig mo.”

Pero sadyang matabil ang bata, ibig talagang ibuking ang ina. “Sabi mo po di ba... crush mo siya nu’ng nag-aaral pa kayo.”

Mas umigting ang boses ni Jovelyn, mas lumaki ang pandidilat ng mga mata. “Marvina... isa...!”

“Hindi na po,” mahinang sabi ng bata. “Sorry po.”

Hinuli ni Marvin ang tingin ni Jovelyn. “A-ano nga ulit ang pangalan ng anak mo?” “M-Marvina...” “S-sunod ba siya sa pangalan ng kanyang ama?”

“Hindi. Malayo. Ariel ang pangalan ng namatay kong asawa.”

Napaisip si Marvin. Maraming alaala ang sunod-sunod na nagsalimba­yan pabalik sa kanyang memorya. Bakit isinunod ni Jovelyn sa kanya ang pangalan ng anak nito? Ibig bang sabihin...?

Kumawala si Marvina sa yakap ng ina. “Teka lang po, mama... narinig ko naglalaro na ang mga kaibigan ko.” At tumakbo na ito palabas ng paupahang kuwarto.

“Magkatukay­o pala kami ng anak mo...” pagbasag niya sa mahaba-haba ring katahimika­ng namagitan sa kanila nang makaalis ang bata.

Huminga nang malalim si Jovelyn, at tila ibig nitong ibahin ang paksa. “Siyanga pala, hindi na ako nakapag-sorry sa iyo sa ginawa sa iyo noon ng nanay ko. Hayaan mong ihingi ko siya sa iyo ngayon ng patawad.”

“Wala na ‘yun. Ang tagal na nu’n,” sagot niya.

“Alam mo ba... siguro nagrebelde rin ako sa nanay ko

kaya maaga akong nag-asawa. Kasi nagalit ako sa kanya sa ginawa niya noon sa iyo.”

“’Wag na nating pag-usapan ‘yun. Kalimutan na natin.” “Hindi ko nakalimuta­n.” Patlang.

“Tapos, nabalitaan ko namatay pala ang tatay mo... huli na nang malaman ko... dalawang linggo na raw nakalibing sabi ng isa nating dating kaklase. At ang sunod na nabalitaan ko, wala na kayo sa tabing-riles. Alam mo, umiyak ako noon. Ang sama ng loob ko sa iyo. Hindi ka man lang nagpaalam.”

May humahaplos sa puso ni Marvin habang pinakiking­gan ang confession na iyon ng kababata. Malaking konsolasyo­n sa noon ay kanyang sinapit na kahihiyan sa kamay ng nanay nito.

Lumagabog ang pinto ng kuwarto sa biglang pagdating ni Marvina. Umiiyak ito.

“O, bakit?” tanong ni Jovelyn. “Inaway ako ng mga kalaro ko,” pagsusumbo­ng nito.

Masuyong hinaplos ni Marvin sa buhok ang bata. “Tahan na. Away-bata lang ‘yun, mamaya bati na rin kayo,” sabi niya. “Siyanga pala, birthday mo raw next week?”

“Opo... Seven na po ako. Pero wala po akong party. Kasi nagwawalis lang si Mama...”

Kinuha ni Marvin ang kanyang wallet sa panlikod na bulsa ng kanyang pantalon. Tatlong one thousand bill ang iniabot niya kay Marvina. “Heto, kunin mo. Pa-birthday ko sa iyo.”

Namilog at nangislap ang mga mata ng bata. “Tenkyu po, tito.”

Parang napahiya si Jovelyn. “Ang laki naman ng ibinigay mo sa anak ko?”

“Hayaan mo na... birthday niya naman.”

Kakaiba ang gaan ng dibdib na naramdaman ni Marvin nang araw na iyon pag-uwi niya sa kanilang bahay. Sa kanyang utak ay tila umaalingaw­ngaw pa ang pangungusa­p ni Jovelyn na pumawi sa lahat niyang mga hinanakit. Hindi ka man lang nagpaalam.

Ngunit sa kanyang isip ay ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling makikipagk­ita sa kababata. Ang patuloy na pakikipagk­ita rito’y magtutulak sa kanya para magkasala. Hindi niya kayang pagtaksila­n ang asawang nagtatraba­ho sa Italya.

 ??  ?? Nagtalo ang isip ni Marvin kung bababa ba siya sa kotse at lalapitan si Jovelyn. Pero naisip niya, hindi kaya mapahiya ang babae kung magkikita sila na ito’y nasa ganoong bang kalagayan?
Nagtalo ang isip ni Marvin kung bababa ba siya sa kotse at lalapitan si Jovelyn. Pero naisip niya, hindi kaya mapahiya ang babae kung magkikita sila na ito’y nasa ganoong bang kalagayan?
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines