Liwayway

Sa Gitna Ng Krisis, Paano Babangon?

- Richard Faller

INILUGSO ang kalusugan ng mga tao. Pinilay ang mga negosyo. Ibinalda ang work force. Marami ang naantala ang pinagkakak­itaan. Habang marami rin ang tuluyang nawalan ng trabaho. Ibinagsak ang ekonomiya. Nilugmok ang Pilipinas. Dahil dito ay nagkandara­pa tuloy tayo at halos isubsob sa kapighatia­n – hindi alam kung kailan o paano pa makakaahon. Matinding dagok ang idinulot ng pandemya ng COVID-19 sa bansa. Sino nga ba ang mag-aakala noong una na darating at lalatiguhi­n tayo nito?

Nakapanlul­umo na hindi pa rin natatapos ang krisis na ito. Laging nakaantaba­y ang panganib. Kaya patuloy na binabalot ng pangamba at agam-agam ang bawat isa. Sa gitna ng kinakahara­p nating bangungot, paano nga ba tayo babangon?

Gaano man tayo naapektuha­n ng pandemya, hindi tayo dapat manatili sa pagkakadap­a. Nararapat tayong mangunyapi­t sa mga hibla ng pag-asa upang makabangon, makapagsim­ulang muli at makapagpat­uloy.

Kumatok. Maraming mga pinto ng oportunida­d ang nagsara. Pero sabi nga, kapag isinara ang pinto, may bintanang bubuksan. Hindi naman dahil nawalan ka ng trabaho ay magwawakas na ang mundo mo. Maghanap ng panibago. Baka ikaw lang ang hinihintay nila. Kung kinapos ka naman at kailangan mo ng tulong—maging pinansiyal man o pangkaloob­an—lumapit sa iba. Kung hindi man kamag-anak, siguradong may ibang taong makakatulo­ng sa iyo. Wala namang mawawala kung magbabakas­akali. Kung kailangan ng pondo sa negosyo, ang gobyerno naman ay naglalaan ng puhunan.

Maging positibo. Laging isiping may magandang mangyayari. Na malalagay ka rin sa maayos na sitwasyon. Na magbubunga rin ang pagtitiis at pagsisikap mo. Kung lagi mo na lang iisipin na hindi ka magtatagum­pay, hihilahin ka pababa ng paniniwala mo.

Maging matatag. Isipin na makakaya mo ang lahat. Tanggapin na ang lahat ng mga nangyayari ay may dahilan. At may naghihinta­y na magandang kahahantun­gan. Huwag pagigiba. Ituring ang sarili na parang isang sundalong habang nasusugata­n ay nag-iibayo ang tapang.

Huwag mawalan ng pag-asa. Ang pag-asa ang nagbibigay ng liwanag sa isang magandang bukas. Ito ang nag-uudyok sa atin upang isa-isantabi ang mga hilahil at magsikap na mapangibab­awan ang lahat. Kung mawawalan tayo ng pagasa, parang sinabi na rin nating huwag na tayong mabuhay. Ngunit kung magkakaroo­n tayo ng pag-asa, makapaglal­aan tayo ng pokus upang magtagumpa­y.

Magpatuloy o magsimulan­g muli. Anuman ang aktibidad

o trabahong naudlot, ipagpatulo­y. Ipursige rin ang mga naudlot na pasyon. Kung hinagupit ng kahirapan o bumagsak ang negosyo, magpundar ng panibago. Laging tumingin sa magandang direksiyon.

Manalig at umasam. Manalangin. Umasam na magkakaroo­n din ng wakas ang pagtitiis natin. Isinasaad sa 1 Juan 5:14-15, “Mayroon tayong katiyakan sa pagharap sa Kanya. Ito ang kapanataga­n na sa tuwing humihingi tayo ng anumang bagay na ayon sa Kanyang kalooban, dinirinig Niya ito. Yamang alam nating dinirinig Niya tayo sa anumang hingin natin, alam din nating natatamo natin ang mga kahilingan na hiningi sa Kanya.”

Magkaroon ng lakas ng loob. Ito ang makatutulo­ng sa atin upang makaagapay sa buhay at madaig ang lahat ng mga suliranin. Isipin na kayang-kaya natin ang mga ito. Ayon sa 1 Corinto 10:13, “Tiniyak din ng Diyos sa atin na hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok na higit sa ating makakayana­n. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagum­payan iyon” .

May magandang layon ang Diyos kaya dumadaan tayo sa mga pagsubok. Sinasabi sa Santiago 1:2-12, “Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatata­g ang ating pananampal­ataya sa pamamagita­n ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatat­ag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulan­g.”

Ipinapahay­ag naman ni Apostol Pedro sa 1 Pedro 1:6-7: “Ito’y dapat ninyong ikagalak, bagama’t maaaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman, ang inyong pananampal­ataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat.

 ??  ??
 ??  ?? Mga larawang kuha ni Wilson Fernandez
Mga larawang kuha ni Wilson Fernandez
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines