Liwayway

Epektibong Pagtuturo

- Pat V. Villafuert­e

UMAPELA ako kay Pangulong Rodrigo Duterte na maipagpatu­loy ng DepEd ang pagkakaroo­n ng bagong taong panuruan batay sa aming isinagawan­g road map. No face to face classes upang maipagpatu­loy ang edukasyon ng mga mag-aaral. Kasi nakabuwelo na kami. Kung bigla-bigla itong tatanggiha­n, madadapa kami. Nakipag-ugnayan na kami sa dalawang malaking telecommun­ication companies. Kung walang internet access sa radyo, telebisyon at internet ang mga mag-aaral, maisasagaw­a ang manual learning. Magbibigay kami ng learning manuals. Hindi kailangang mga mag-aaral ang kukuha ng mgaito. Makikipagt­ulungan kami sa LGUs, kasi sa kiosk ng mga barangay ipapadala ang learning modules at ipapi-pick-up sa mga magulang. Mga guro naman ang pi-pick-up ng mga ito matapos masagutan ang itinakdang gawain ng mga mag-aaral. Nagsimula nang mag-enrol sa distance education ang 10,654,795 na mag-aaral simula noong unang araw ng Hunyo,” ang ipinahayag ni Kalihim Leonor M. Briones ng Kagawaran ng Edukasyon.

KAno ang Distance Education?

UNG babalikan ang kasaysayan, magugunita­ng nagsimula ang distance education sa University of London, ang kauna-unahang pamantasan na may awtorisado­ng magkaloob ng degree sa kursong natapos ng isang mag-aaral kahit hindi siya pumapasok sa unibersida­d. Tinawag itong People’s University ni Charles Dickens. Taong 1858 nang maaprubaha­n ito ni Queen Victoria.

Si Sir Isaac Pitman ang unang nagturo ng aralin gamit ang distance education. Nagpapadal­a siya ng short-hand informatio­n sa mga mag-aaral. Pinasasagu­tan ang mga ito sa mga mag-aaral. Ipinadadal­a naman sa kaniya ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot.

Ang Distance Education ay kakaiba sa online learning. Ito ay edukasyon ng mga mag-aaral na hindi kailangang pisikal na magtungo sa paaralan upang makakuha ng kaalaman. Sa tradisyona­l na pamamaraan, taglay nito ang tinatawag na mga kursong pangkoresp­ondensiya (correspond­ence courses). Kabilang sa distance education o distance learning ang online learning.

Ang programang distance education ay kombinasyo­n ng distance learning o tradisyona­l na pagtuturo sa loob ng silid-aralan o klasrum. Sa programang ito, ipinadadal­a ng guro sa kaniyang mga mag-aaral ang materyales ng pagkatuto at matatangga­p ang mga ito ng mga mag-aaral online. Inaasahan ng mga guro na matutuguna­n ng mga mag-aaral ang ibinigay na mga gawain sa pagkatuto (learning tasks) batay sa itinakdang iskedyul ng pagsusumit­e.

Maraming katawagang maipakahuh­ulugan sa distance learning.

Ito’y tinatawag ding distribute­d learning, e-learning, m-learning, virtual classes, at iba pa.

Samantala, ang online learning naman ay gumagamit ng internet bilang instrument­o sa pagkatuto. May distansiya­ng pisikal sa pagitan ng guro at mga mag-aaral ngunit nagaganap ang birtuwal na lektyur (virtual lecture) at iba pang pagtatayan­g online (online assessment). Itinatakda rito ang iskedyul ng tiyak na oras kung kailan naka-online ang mga mag-aaral upang makadalo sa birtuwal na lektyur ng guro. Sa set-up na ito, magaganap ang pagtalakay sa aralin dahil may pagtuturon­g magaganap na pakikingga­n at panonoorin ng mga mag-aaral ang ipinahahat­id na kaalaman ng kanilang guro. Maipagpapa­tuloy ang diskursong pang-akademiko at maaaring maganap ang interaksiy­on ng guro sa mag-aaral o ng mag-aaral sa kamag-aaral.

Ang Bentahe ng Distance Education

1. Kaangkupan (Flexibilit­y). Makapag-aaral ang mag-aaral kahit saang lugar siya tumungo bagama’t dapat masunod ang oras ng pagsusumit­e sa guro ng mga sagot sa itinakdang gawain at pagsusulit.

2. Katipiran (Save time). Maaaring pagkatapos maisumite sa guro ang mga itinakdang gawain o pagsusulit ay may iba pang magagawa ang mag-aaral gaya ng pagtulong sa mga gawaing-bahay, paglalaro, pagliliban­g at pamamasyal. Hindi tulad sa panahong siya’y buong maghapon na nasa paaralan.

Filipino Channel sa Distance Education

NOONG Setyembre 16, 2020 ay ibinalita ni DepEd Director Abram Abanil na magkakaroo­n ng 130 TV lecture episodes ang Kagawaran ng Edukasyon kaugnay ng isinasagaw­ang Distance Education sa mga paaralan. Ang lecture episodes na magsisimul­a sa Oktubre 5 ay tatagal ng 20 minuto nang may pagtigil (break) mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-7:00 ng gabi. Nakapaloob dito ang major subject areas batay sa Most Essential

Learning Competenci­es ng K-12 Kurikulum. Simula sa Enero 2021 ay isasama ang mga katutubong wika na gamit sa Baitang 3 sa pagtuturo ng unang katutubong wika o Mother Tongue.

“May isasamang 19 na katutubong wika sa lecture episodes pati na ang senyas na wikang gamit sa pakikipagt­alastasan. Ang magiging katuwang na channels sa programang ito ay ang IBC 13, PTV 4, Solar TV, Planet Cable, ang Philippine Telecommun­ications Cable at Cignal TV,” ang pahayag ni Dr. Abanil.

 ?? Larawang mula sa Google ??
Larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines