Liwayway

Elijah Alejo, Halos Mapaiyak Sa Tuwa Sa Pagpasok Ng Magikland Sa MMFF 2020

halos mapaiyak sa tuwa sa pagpasok ng Magikland sa MMFF 2020

- Maricris Valdez

MASAYANG-MASAYA ang young actress na si Elijah Alejo nang nalamang nakapasok ang pelikula nilang Magikland sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong

December.

Ang naturang pelikula ay pinagbibid­ahan ng awardwinni­ng child actor na si Miggs Cuaderno.

Ang Magikland ay mula sa Brightligh­t Leisure Production­s, Inc/Gallaga Reyes Films at kabilang sa unang apat na pumasok sa festival base sa pag-submit ng script.

Bukod kina Miggs at Elijah, tampok sa Magikland sina Jun Urbano, Bibeth Orteza, Princess Rabarra, Joshua Eugenio, Hailey Mendez, Kenken Nuyad, Wilma Doesn’t, at marami pang iba, mula sa pamamahala ni Direk Christian Acuña.

Pahayag ni Elijah, “Halos maiyak po ako sa tuwa nang malaman ko pong pasok sa MMFF ang Magikland. Worth it po lahat ng pawis at pagod po namin noong time po na isinushoot namin ang pelikulang ito.”

Idinagdag pa ng Kapuso actress na nag-enjoy siya nang husto habang ginagawa nila ang pelikulang ito dahil unang pagkakatao­n pa lang niyang gumawa ng isang adventure

“Kaya po feeling ko noon ay avatar po ako sa isang game, dahil po sa costume ko po. Masaya rin po kaming lahat kasi nakapunta po kami sa iba’t ibang lugar para makapag-shoot and naging bonding po namin iyong biyahe,” esplika pa niya.

Ayon pa kay Eli (nickname ni Elijah), isang ang Magikland kaya lahat ay puwedeng manood nito. Sakto rin daw ito dahil Christmas ang theme ng naturang pelikula na magsisimul­ang mapanood sa December 25.

Si Elijah ay 16 years old at kasalukuya­ng nasa Grade 10. Siya ay nagsimula sa showbiz sa murang edad na years old. Ang pagiging commercial model ang nagbigay ng daan para makapasok siya sa mundo ng showbiz.

Siya ay nasa pangangala­ga ng Artist Center ng GMA-7. Kabilang ang kanyang Elijahnati­cs na itinatag noong July 22, 2011 at itinuturin­g niyang bahagi ng kanyang pamilya, ang pinasasala­matan ni Eli sa mga sumusuport­a sa kanya. Ang nito ay sina Justine Mendoza (president), Junny Balagbis, Angela Zenarosa, Sheilalyn dela Cruz, Gabriel de Ocampo, at Jenn Navarro.

Sa ngayon ay napapanood si Eli sa top rating TV series na Prima Donnas na tinatampuk­an nina Aiko Melendez,

Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie

$ % & & ' " * Gumaganap siya rito bilang si Brianna Almonte, anak ni Kendra (Aiko) na nagpanggap na isang Claveria dahil gusto niyang maging mayaman at magkaroon ng magandang buhay.

Kontrabida as in napakamald­ita ng papel niya bilang Brianna at aminado si Eli na kahit siya mismo ay naiinis sa sarili kapag binabasa na niya ang kanilang script. Pero nilinaw niyang hindi dapat ito gayahin ng young viewers nila dahil bad ito at trabaho lang ang kanyang ginagawa.

October nang nagsimula ulit silang mag-taping sa kanilang show, na ilang buwang nahinto dahil sa Covid19. Hindi naman daw siya natakot nang nagbalikta­ping na sila sa Prima Donnas dahil bago nito ay nagkaroon sila ng online meetings tungkol sa health and safety protocols.

“One week before the swab testing, nag-quarantine na po kami sa kanya-kanya pong bahay. Then noong swab testing po, may physical distancing po talaga and after po ng swab testing, diretso uwi na po kami and lalabas lang po kami if pupunta na po kami sa hotel kung saan po kami maglo-lock in,” esplika ni Eli.

Pahabol na paliwanag pa niya, hindi naman daw siya kinabahan noong nagte-taping na sila.

“Hindi naman po, kasi nai-implement po namin lahat ng safety-health protocols like wearing a mask, social distancing, and nag-a-alcohol po kami always. ‘Tsaka lahat naman po kami na-swab test before po nag-shoot. So, safe po kaming lahat,” sambit pa ng magandang dalagita.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines