Liwayway

Kitkat, Naniniwala­ng ...

- Nonie Nicasio

ANG singer/comedienne na si Kitkat ay isa sa nakaranas nang matinding epekto sa kanilang kabuhayan ng dahil sa Covid19. Ayon kay Kitkat, dahil sa pangamba sa nasabing virus ay higit limang buwan siyang nagkulong sa kanilang tahanan at maraming offers ang kanyang pinalampas.

Aminado siyang maraming pinagdaana­n ng mga nakaraang buwan dahil sa pandemic. Naghihinay­ang man, kailangan niyang tanggihan ang malalaking commercial­s at projects dahil mas mahalaga kay Kitkat ang safety niya at ng kanyang pamilya.

Lahad niya, “Lahat po ng negosyo namin ay nagsara, parang bangungot po ang nangyari talaga at tuwing magbabayad ng bills at mga bayarin, super-nakakalung­kot na paubos na ang ipon namin.

“Siyempre mas mahalaga po ang health at buhay, kaysa, pera… pamilya ko lagi ang iniisip ko. Kasi, paano na ang pamilya ko ‘pag ako ang nagkasakit?”

Ano ang aral na natutuhan niya sa panahon ng Covid19? “Na lahat ng bagay walang halaga, mapamahal o mura. Ang mahalaga ngayon kalusugan, pamilya, at lalong-lalo na kung paano mag-survive,” esplika pa niya.

Matapos ang higit limang buwan ay napilitan siyang lumabas dahil kailangang pumirma ng kontrata para sa bagong show sa Net25 na pinamagata­ng Happy Time. Nagsimula ito last Sept. 14 at napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon to 2 pm. Kasama niya rito sina Anjo Yllana at

Janno Gibbs.

Thankful naman si Kitkat sa magandang feedback sa kanilang noontime show.

Sobrang nagugulat daw siya sa mga papuri ng mga nakakausap niya na hindi lang pala siya magaling na singer, aktres, at komedyante, kundi magaling din na TV host. Kaya tumataba ang puso niya sa mga komento ng mga tagasubayb­ay ng kanilang show.

Nagpahayag din si Kitkat ng kagalakan sa pagkakatao­ng ibinigay sa kanya ng Net25. “Thankful po ako, sa rami po ng walang trabaho, mapashowbi­z or hindi, kahit marami po akong projects na na-turned down sa takot sa virus, super thankful po ako and I know bigay talaga sa akin ni God ‘to.

“Naniniwala po ako na ang lahat ng bagay kapag para sa iyo ay para sa iyo po. Hindi ipipilit, hindi gagawan ng paraan… Divine interventi­on po kumbaga.”

Ibinahagi rin ni Kitkat ang paniwala niyang hindi malilimuta­n ng sinoman ang year 2020 dahil sa impact ng pandemic na ito sa buhay ng lahat.

Sambit niya “Ay jusko! I’m sure lahat tayo ‘di makakalimu­tan itong taon na ito!”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines