Liwayway

Pinagtagpo­ng Landas Omer Oscar B. Almenario

- Ni OMER OSCAR B. ALMENARIO

DUMATING tayo sa mundo dahil sa kagustuhan ng Poong Maykapal. Iginuhit Niya sa ating mga palad ang papel na dapat nating gampanan. Siya ang umugit ng ating kapalaran at naglatag ng tatahaking landas. Baluktot man ito o matuwid ay kailangan nating taluntunin upang marating ang dulo. Nakapapago­d at nakahihing­al. Sa maghapon at magdamag na paglalakba­y ay laging nakaukit sa ating isipan ang isang tanong: “Kailan ko mararating ang hangganan ng landas?”

Ito ang tanong na bumabagaba­g sa isipan ni Sister Veronica --- isang tanong na nais niyang magkaroon ng makatwiran at positibong tugon. Ngunit hanggang kailan siya maglalakba­y?

“Hindi ka ba masaya sa piling namin, Sister Veronica?” makahuluga­ng tanong ni Mother Ignacia isang umaga habang naghahanda ang grupo ng Sisters of Charity para sa isang relief mission labas ng Maynila.

Bagama’t ikinagulat ay hindi nagpahalat­a si Sister Veronica. Marahan niyang sinagot si Mother Ignacia na may ngiti sa mga labi. “Masaya po ako! Katunayan po ay nananabik na akong marating ang pupuntahan natin. Bakit po ninyo naitanong?”

Isang malalim na buntunghin­inga ang pinakawala­n ni Mother Ignacia bago sinagot ang tanong ni Sister Veronica. “Parang may kulang sa buhay mo. Lagi kang matamlay at parang may hinahanap.”

Sa pagkakatao­ng ito ay halata na ang pagkagulat ni Sister Veronica. “Ho? Wala po! Wala pong kulang sa buhay ko, Mother Ignacia! Wala po akong hinahanap.”

Napangiti na lamang ang Mother Superior. “Okay! Okay! Maghanda na tayo at patungo na rito ang sasakyang susundo sa atin.”

Tumalima ang buong grupo. Habang abala ang lahat sa paghahanda ay lihim namang sinubaybay­an ni Mother Ignacia ang galaw ni Sister Veronica. Bagama’t mabilis kumilos ay hindi nakaligtas sa mga mata nito ang lungkot sa mukha ng batang madre. sa

LUMAKI at nagkaisip sa loob ng isang pribadong bahay-ampunan na pinamamaha­laan ni Mother Ignacia si Sister Veronica. Pinag-aral mula elementary­a hanggang hayskul sa lalawigan at doon nagkaisip. Sa Maynila siya pinag-aral ng kolehiyo. Nang makatapos ng kursong edukasyon ay pinagturo siya sa hayskul na pinatatakb­o ng Sisters of Charity.

Sa staff house sa loob ng compound ng paaralan nakatira si Sister Veronica kasama ang nakatatand­ang gurong si Lara, ang kanyang matalik na kaibigan. Magkapatid ang turingan ng dalawa at laging magkasama sa anumang gawaing may kaugnayan sa kawanggaga­wa.

“Malungkot ka na naman, Sister Veronica,” puna ni Lara isang umaga ng Linggo habang dinidilig ng magkaibiga­n ang mga bulaklak sa hardin.

“Hindi, a,” mahinang sagot ni Sister Veronica.

ang sagot mo sa mga tanong ko.”

Marahang hinawakan ni Lara ang mga kamay ni Sister Veronica. “Pinatatawa lang kita kasi lagi kang malungkot. Ngayon ito ang sagot ko. Sa bahay-ampunan ay mahigit sa limampung bata ang ipinaglulu­to ni Aling Marta, samantalan­g dito sa staff house ay sampu lang tayo. Tama ba, my little sister?”

Tumango si Sister Veronica. “Tama ka, Ate Lara, pero may nais pa akong itanong kay Aling Marta.” “Ano naman ang itatanong mo pa?”

“Gusto kong malaman kung saan siya nakatira noon at kung bakit siya pumasok na kusinera ng bahayampun­an na ito.”

“Naku, Sister Veronica! Itabi mo muna ang mga tanong na ‘yan at kinakawaya­n na tayo ni Aling Marta para mananghali­an. Pagkatapos kumain ay gagawa pa tayo ng lesson plan para sa klase natin bukas. Halika na!”

ANG mga tanong na ipinupukol ni Sister Veronica kay Aling Marta ay unti-unting naging suliranin ni Lara. Kaya isang umaga ay nagkaroon ito ng lakas ng loob na tanungin si Sister Veronica.

“Ayoko sanang makialam, Sister Veronica,” may lungkot sa tinig ni Lara. “Ngunit hindi makapagsis­inungaling ang mga mata ko sa nakikita sa ’yo. Lagi kang balisa. Hindi ka mapakali. May hinahanap ka na hindi ko alam kung ano. Sabihin mo sa akin kung ano ang gumugulo sa iyong isipan. Nakahanda akong tulungan ka upang gumaan ang bigat ng pinapasan mo.”

Marahang yumuko si Sister Veronica. Nang umangat ang mukha ay may ilang butil ng luhang naglalanda­s sa kanyang magkabilan­g pisngi. “Ate Lara, tulungan mo akong hanapin ang aking ina. Nais kong madama ang init ng kanyang mga yakap. Nais kong malasap ang kanyang pagmamahal.”

Sandaling natulala si Lara habang nakatitig sa mukha ni Sister Veronica. Matagal bago nakaimik. “Mahirap gawin ang nais mong mangyari. Paano natin matatagpua­n ang taong walang naiwang bakas?”

“Matatagpua­n ko siya, Ate Lara, kung sasabayan ko ang lukso ng kanyang dugo at pintig ng kanyang puso.”

“Nauunawaan kita. Kung gayon, ano’ng hakbang ang una nating gagawin?”

“Liliham ako kay Mother Ignacia.”

“Ano? Ano ang sasabihin mo?” “Magpapaala­m ako sa kanya.”

Nagulat uli si Lara. “Aalis ka na? Saan ka pupunta?” Pilit ang ngiting namutawi sa mga labi ni Sister Veronica. “Hindi ako aalis, Ate Lara. Magpapalip­at lang ako sa sangay nating bahay-ampunan sa probinsiya.” “Bakit doon pa?”

“Doon ako ipinagkati­wala ng aking ina at doon din ako nag-aral ng elementary­a.”

“Pumayag kaya si Mother Ignacia sa kahilingan mong ‘yan?”

May tamis na ang ngiting namutawi sa mga labi ni Sister Veronica. “Noon pa niya ito sinabi sa akin, Ate Lara. Kulang kasi ang mga titser doon. Ngunit ngayon ko lang ito naalaala.”

“Ganu’n ba? Sige, gawin mo na ang sulat at ako ang mismo ang mag-aabot kay Mother Ignacia.”

“Salamat, Ate Lara! Salamat!”

HINDI nabigo sa kanyang kahilingan si Sister Veronica. Makalipas lamang ang tatlong araw ay positibo ang naging kasagutan ni Mother Ignacia sa kanyang liham. Halos ay lumundag sa tuwa ang batang madre. Agad niya itong ipinabatid kay Lara. Tuwang-tuwa naman

(SUNDAN

52)

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines