Liwayway

Magluto Tayo Mareng Lena

-

(MULA 11)

nito ang pananahimi­k niya gayundin ang maitim na pasa sa kanyang braso. Nasalamin niya sa mata nito ang pakikisimp­atiya. Nakabuti iyon sa pakiramdam niya.

Maaga silang nagsara. Abala ang mga tao sa paghahanap ng masasakyan pauwi. Ipinirisin­ta ni Tony ang kotse nito. Atubili siya. Baka kasi maulit ang ginawang paghalik ni Tony gayundin ang pagsapo nito sa dibdib niya. Wala naman siyang magpilian. Mahirap talagang sumakay at parang ayaw pa niyang umuwi. Galit pa siya kay Del.

“P’wede tayong maglamyerd­a kung ayaw mo pang um’wi,” sabi ni Tony. “Say, disco tayo? ‘Tagal na kitang niyayaya, ngayon natin ituloy?” Umiling siya.

Hindi pa rin sumuko si Tony. “Sine?”

May mga hanay ng sinehan sa tapat ng bookstore; wala silang gagawin kundi tumawid ng kalsada. Maliwanag pa naman. Naghahangu­san sa Recto Avenue ang mga empleyadon­g naglalakad sa paghahanap ng masasakyan. Hindi hinintay ni Tony na siya’y sumagot; hinawakan siya sa kamay at sabay na tumawid sa kabilang kalsada. Pinasok nila ang isang pelikulang Hollywood. Sa isip niya, hindi siya dapat na sumama kay Tony. Ninakawan na nga siya nito ng halik nito, bakit bibigyan pa niya ang ikalawang pagkakatao­n? Pero gumigiit din sa utak niya na makaganti sa pambababae ni Del. Sabihin nang hapong iyon, bumigay ang kanyang pagtitimpi.

Sa balcony, naririnig niya ang tunog nang parepareha­ng naglalambi­ngan sa kanilang tabi at harapan; walang nanonood sa palabas.

Si Tony: “Wala na kami ni Pia. Nakakita na ‘ata s’ya nang mas madatung kesa sa ‘kin.” “Kelan pa?”

“This week lang. Pinagbasak­an pa nga ako ng phone nang tumawag ako.”

“Problema ba sa ‘yo ‘yon? Madali ka namang makakakuha ng kapalit.”

“Hindi naman ‘yung sex lang. Pa’no naman ‘yung dito...?” Tumuro ang isang daliri ni Tony sa tapat ng puso nito.

Kinurot niya si Tony. “Sira! Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin!”

Umigtad si Tony. Ang kanang braso ay inangat at pasimpleng iniakbay sa kanya. Pinagtakha­n niya ang kanyang sarili na hindi siya pumiksi.

Nasa dulong upuan sila. Nakita ni Vi na sinisiil ng halik ng lalaking nasa harapan nila ang kasamang babae. Gumaganti ng halik ang babae. Umuungol pa nga.

Parang napahiya si Vi. Naramdaman niya nang damputin ni Tony ang kamay niya at hagkan. Nilingon niya si Tony, balak sana niyang sawayin. Pero kumilos ito palapit, padikit ang mukha sa kanyang mukha.

Napapikit si Vi.

(ITUTULOY)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines