Liwayway

Basa Tayo John Iremil Teodoro

-

APAG handa na ang estudyante, may dadating na guro,” ayon sa isang lumang kasabihan na pinaniniwa­laang nanggaling kay Buddha Siddhartha. Ang nadiskubre ko naman ngayong lockdown, kapag handa na ang isang mambabasa, may dadating na awtor. Ito ang nangyayari sa akin ngayon sa pagkadisku­bre ko sa Amerikanon­g manunulat na si Donal Hall.

Nang ma-lockdown ako sa bahay namin sa Pasig kasama ang bunso naming kapatid na si Sunshine, tuwang-tuwa ako noong una dahil parang biglaang bakasyon. Iniisip ko kasi noon, mga dalawang linggo lang naman iyon. Hindi ko pa talaga lubos na naisip ang laki ng pinsalang dadalhin ng pandemyang COVID-19. Nang ma-extend na ma-extend ang kuwarentin­a, medyo nakakasaka­l na sa pakiramdam. Ramdam ko na ang pagkakulon­g sa loob ng bahay. Dalawa ang nagsalba sa aking katinuan—paghahardi­n at pagbabasa.

Mahilig akong mangolekta ng libro. Pantanggal ng stress para sa akin ang panghahalu­kay ng mga libro sa Booksale. Booksale lang para hindi naman ako ma-stress sa presyo ng mga libro! Sa bahay sa Pasig at sa nirerentah­an kong condo sa Taft Avenue sa tabi ng De La Salle University kung saan ako nagtuturo ay tambak na ang mga librong binili ko sa Booksale. Mga librong wala akong panahon siyempre na basahin dahil bisi naman ako sa pagtuturo at pagsusulat.

Habang naglilinis ng isang estante ng mga librong balot ng alikabok sa kuwarto ko sa Pasig natawag ang aking pansin ng librong ang larawan sa pabalat ay ang mga punongkaho­y na kulay-kalawang ang mga dahon at nasasalami­n ito sa balat ng tubig ng maliit na lawa. Eagle Pond ang pamagat at ang awtor ay si Donald Hall na sa ilalim ng pangalan ay may nakalagay na “Poet Laureate of

sa New York noong 2007. Agad pumasok sa isipan ko ang libro ng isa pang Amerikanon­g manunulat na si Henry David Thoreau tungkol sa Walden Pond. Mga sanaysay ito ni Thoreau tungkol sa pamumuhay niya na mag-isa at payak sa isang kakahuyan sa New England. Nalathala ito noong 1854 at klasikong akda ng nature writing.

Binuklat ko ang librong Eagle Pond at talaan ng nilalaman pa lamang na-excite na ako. Ang unang bahagi ng libro ay pinamagata­ng “Seasons at Eagle Pond” at ibinahagi ito sa apat na uri ng panahon: Winter, Spring, Summer, at Fall. Naisip ko, siguro ito ang dahilan kung bakit binili ko ito noon. Kasi hindi ko na matandaan kung saang Booksale ko nabili at kung kailan. Lumang kopya ito pero mukhang hindi naman second hand—walang pangalan ng dating mayari o marginal notes.

Kapag bumibili ako ng libro sa Booksale, ang nakakatawa­g ng pansin ko ay ang pamagat at disenyo ng pabalat kung hindi pamilyar sa akin ang may-akda. Oo nga at may kasabihang, “do not judge the book by its cover.” Pero lumang kasabihan na ito. Totoo ito noong ang pabalat ng mga libro ay tela at tekstong ginto lamang. Pero nang magkaroon na ng graphic design, maaari na talaga nating i-judge ang mga libro sa pamamagita­n ng cover nito. Pero siyempre hindi ito 100% accurate. May mga libro pa ring pangit ang cover pero maganda ang nilalaman. Itong Eagle Pond, maganda na ang cover, maganda pa ang nilalaman.

Kapag gusto ko na ang pamagat at pabalat, bubuklatin ko ang libro. Titingnan ko ang talaan ng nilalaman. Kung gusto ko nang bilhin, ang huling test ay babasahin ko ang unang pahina. Heto ang salin ko ng unang dalawang pangungusa­p ng pambungad na talata ng unang bahaging pinamagata­ng “Winter.” “Sa New Hampshire nakikilala namin ang aming sarili sa taglamig—sa niyebe, sa lamig, sa kadiliman. Para sa ilan sa amin nag-uumpisa ito sa unang pagbagsak ng niyebe; para sa iba naman nag-uumpisa ang taglamig sa unang paghagupit ng zero na temperatur­e.” Hindi ko pa naranasan ang winter pero sa pagbabasa ng librong ito ni Hall, para ko na ring naranasan ito. Ang tawag dito ay vicarious experience na isang regalo ng pagbabasa ng literatura.

Nang magbakasyo­n ako sa Scandinavi­a at Europa noong 2016, tag-araw iyon. Kayâ ang unang bahaging binasa ko rin ay ang seksiyong “Summer.” Narito ang mga panimulang pangungusa­p: “Ang pinakamaha­bang araw ay ang pinakamaga­ndang araw, na ang liwanag ng Hunyo ay umaabot hanggang sa gabi. Sa New Hampshire nasa bahaging hilaga kami at naniniwala sa mga tsismis mula Scandinavi­a at kay Shakespear­e hinggil sa kabaliwan ng

hatinggabi ng kalagitnaa­n ng tag-araw. Kahit ang kasalukuya­ng Inglatera ay nagiging wild.” Nang magbakasyo­n ako sa kapatid ko sa Sweden, naranasan ko ang mahabang araw sa tag-araw: alas-tres pa lamang ng madaling-araw ay maliwanag na sa labas at ang paglubog ng araw ay inaabot ng alas-onse ng gabi. Marami ka ngang mga wild na maaaring gawin kapag ganito kahaba ang araw mo!

Ang inspirasyo­n at lunan ng librong ito ay ang Eagle Pond Farm sa New Hampshire na tinirhan ni Donald Hall at ng kaniyang asawang si Jane Kenyon na isa ring makata. Ayon kay Hall sa lumang bahay nila sa farm na ito ipinangana­k ang kaniyang lola noong 1878 at ang kaniyang ina noon 1903. Noong 1865 binili ng kanilang ninuno ang farm na ito. Tungkol sa kanilang pamilya, sa buhay mag-asawa, at sa paligid ng farm na untiunti nang dumadami ang mga tao ang mga sanaysay sa librong ito. Isang selebrasyo­n ng kagandahan ng kapaligira­n, at isang lamentasyo­n dahil nangangani­b at unti-unti nang naglalaho ang kagandahan­g ito.

Dahil sa librong ito, naging instant favorite writer ko si Donald Hall. Nagbasa ako tungkol sa kaniya sa internet. Nagbasa ko rin ako ng mga tula niya na makikita online. At magaling nga siya! Kaya hayun, nag-order ako ng mga libro niya sa Amazon. Mahal siyempre. Dolyares ang presyo ng mga libro sa Amazon.

Noong isang linggo, dumating na ang mga librong inorder ko. Isa rito ang White Apples and the Taste of Stone: Selected Poems 1946-2006. Tuwang-tuwa ako siyempre! Ang unang nakahuli sa aking atensiyon nang pinapasada­han ko ang talaan ng nilalaman ay ang pamagat ng tulang “The Poem.” Narito ang salin ko ng maikling tulang ito: “Nadiskubre nito sa gabi / ang itinago sa kaniya ng araw. / Kung minsan ginagawa niya / ang sarili na hayop. / Sa tag-araw naglalakad siya nang mahaba / na mag-isa kung saan ang mga damuhan / ay nirerendah­an ng mga kanal./ Minsan natigilan itong tumatayo / sa harap ng tahimik na mga makina./ Sino ang nakakaalam / kung ano ang kaniyang iniisip?”

Kay gandang ars poetica! Ang ars poetica ay isang uri ng tula tungkol sa sining ng pagtula ng isang makata. Kay tingkad ng imahen. Hindi kailangang intindihin o ipaliwanag agad. Kailangan munang damhin at simsimin. Isang tula pa lamang ito sa 431 pahina na libro!

Matagal nang nasa akin ang librong

Eagle Pond ni Donald Hall subalit hindi ko ito binasa. Maaaring hindi pa napapanaho­n noon na basahin ko ito. Ngayong may pandemya at naka-lockdown ako at saka ko ito nabasa. Parang napakagand­ang timing. At nagustuhan ko ang pagsusulat ni Hall. Kayâ binili ko ang iba pa niyang libro at bibilhin ko pa ang iba dahil mahigit dalawang dosenang libro ang kaniyang nasulat.

Handa na akong basahin ang mga akda ni Donald Hall kayâ siguro nadiskubre ko ang mga libro niya. 7)

sumakay sa Grab papunta sa ng mga kaibigan ko. Pero ayokong mapahiya kay Ms. Amyra at sa inyo!”

Nasa basement na ng car park para sa VIP customers ang kinaroroon­an ng kotse ni Amyra.

“Bago na ang kotseng gagamitin ni Ms. Sobresanto­s mula sa isang linggo. May sarili yata siyang sasakyang minamaneho sa Paris!”

“Bago ang design ng mga kotse ngayon. A-adjust kayo, Mr. Apolonio!”pagunita ni Edel sa matanda.

“Kay Ms. Sobresanto­s ako nagaaral makibagay, Attorney. French and English speaking siya. Di naman niya nalilimuta­n ang Tagalog. Kaya lang ‘yung upbringing niya... sa Europe siya halos lumaki nang dalhin doon ng yumao niyang ina na nakipagdib­orsiyo sa matandang Sobresanto­s!”

“Okey na makibagay kay Ms. Amyra para magtagal kayo sa serbisyo niya!”

Saka niya idinugtong: “Mukhang mabait naman siya, Mr. Apolonio!” sabi ni Edel at tinapik ito sa balikat bago siya bumaba sa harap ng gusali ng sinasabing “bagong” law

nina Chito!

“Mukha nga ho...di tulad ni Mr. Dino na parang maliit talaga ang tingin sa mga tulad ko!” sabi pa ng matanda nang pababa na siya sa tapat ng gusali ng kaibigan niyang si Chito. May idinagdag pa ang matanda. “Atin-atin lang ‘to, Attorney Edel. Tingin ko lang, malayong-malayo ang magkapatid sa matanda!” Napatingin sa malayo ang driver.

“Bago pa lang siya, Mr. Apolonio. Isipin n’yo lang na retired na kayo, pero ipinatawag pa rin kayo ni Dino para mag-drive sa kapatid niya!”

MAY ilang tao pa rin gayong gabi na nang bumungad siya opisina ni Chito.

“May importante ka yatang bisita, Chito!” Tinampal niya sa balikat ng kaibigan, saka hinarap ang unang napansin niyang katabi nito.

“Bisita? Lawyer na siya rito!” sagot ni Chito na nakatawa sa kaniya.

Sa totoo, kilala niya ang bisita ni Chito—si Atty. Baldomero Torre, Jr., ang bar topnotcher ng 2019.

“So, buo na ang new group of lawyers?”

“Kaya nga narito ang lead ng batch natin na hinuhuguta­n ng Supreme

Court ng bagong lawyers!”

“Bilis naman! Nabuo mo nang in one and a half weeks!” bulalas ni Edel.

“Mabilis ang biyahe ngayon, padres!” Nakatayo na si Torre at niyakap siya. “Kailan ang sakay mo?”

Yumakap din kay Torre si Edel, saka hinarap si Chito.

“Padres, hindi mo agad naitawag sa akin!” sabi niya.

Nagkibit-balikat si Chito. “Edel, nang sabihan ko si Baldomero Torre, Jr., hindi naglipat-linggo at narito na siya. Pumayag ang kaniyang Dad na sumama sa grupo. Matagal na naging buhay nito ang lawyering. Sabi pa nito, pagkakatao­n na raw ng anak niyang si Torre na to reach the sky na hindi raw niya naabot!”

Luminga sa kaniya ang topnotcher ng batch nila. Nakatawa sa kaniya. “Ku...ayaw lang ni Dad na magnotaryo na tulad ng ginawa niya noon para magdagdag ng kita. Ibig niyang deretso agad ako sa malalaking kaso!”sabi pa ni Torre.

Naisip ni Edel ang nakikita niya noon sa makikitid na kalye: maliliit na “ulbo” o opisina ng mga abugadong araw-araw na nakatangho­d sa mga taong naglalakad sa mga bangketa, may dala-dalang mga dokumenton­g kailangang patunayang totoo.

“Ilan na kayo, Chito?” baling niya sa kaibigan nang may dumating at kinausap si Torre.

Nagbuntong­hininga si Chito. Saka tumingin uli kay Edel.

“Ikaw na lang ang hinihintay namin, Edel. Ayaw naming may maiwang kaibigan!”

Kaibigan? Siya ang tinutukoy na “naiiwang” kaibigan!

Nakaramdam si Edel ng kababaan sa sarili. Hanggang nang mga sandaling iyon, naghihinta­y sa kaniya si Chito. Kaibigan nga siya ni Chito. Ayaw siyang maiwan ng barkadahan nila.

Inakbayan siya ni Chito. Hinila siya nito sa katabing silid na kaibayo ng alam niyang inookupaha­n ni Torre dahil nasulyapan niya ang pangalan nito sa pinto ng silid na iyon.

“Kliyente niya?” usisa niya kay Chito habang inginungus­o si Torre na nakikita niya sa nakabukas na silid nito.

“Magnet ng natin si Torre, Edel. Halos hindi na siya makaalis dito sa opisina mula noong pumayag siya sa proposal ko!”

(SUNDAN

27)

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines