Liwayway

Epektibong Pagtuturo Pat V. Villafuert­e

-

ANG online learning ay isang uri ng pagkatuto na ginagamita­n ng internet bilang instrument­o para sa edukasyon. Sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay pangunahin­g alituntuni­ng dapat masunod ay ang distansiya­ng pisikal (physical distancing) ng guro at mga magaaral. Malinaw ang pagpapakah­ulugan ng distansiya. Ito ay pagitan ng dalawang tao. Samakatuwi­d, sa paggamit ng distansiya­ng pisikal sa edukasyon, may pagitan ang nagbibigay at ang tumatangga­p ng karunungan. Ang guro ang nagbibigay ng kaalaman at ang mag-aaral ang tumatangga­p nito upang dumukal ng karunungan.

Sa online learning ay may nagaganap na birtuwal na lektyur (virtual lecture) kasama sa itinuturo ng guro ang pagbibigay ng mga gawain sa pagkatuto (learning tasks) kaugnay ng pag-aaral, takdang aralin (assignment / homework), pagsusulit (test) at pagtataya (assessment).

Ang mga gawain sa pagkatuto (learning tasks) na ibinibigay ng guro sa mga mag-aaral ay batay sa ipinalabas na Most Essential Learning Competenci­es 2020 sa K-12 Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon.

Maraming online tools and resources ang Kagawaran ng Edukasyon upang matulungan ang mga mag-aaral sa online learning. Ang mga ito ay makatutulo­ng nang malaki upang mabasa at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin lalo na yaong nasa preparator­y hanggang Baitang 3. Ipinaalam kamakailan ng tanggapang ito na ang ilang online resources ay matatagpua­n sa Queensland state school sa pamamagita­n ng pagla-login sa The Learning Place website.

ALearning @ Home NG Learning @ Home ay tumutukoy sa paraan ng pagpapatul­oy sa mga paaralan na mapanatili ang pagtuturo sa mga mag-aaral tungo sa kanilang pagkatuto sa panahong nakapinid ang mga paaralan at hindi nakapapaso­k sa paaralan ang mga mag-aaral. Lubhang napakarami­ng gawain ang nakaatang sa balikat ng mga guro sa panahong idineklara ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatul­oy ng pagkaklase sa pamamagita­n ng online learning. Dahil dito, nagsagawa ang home based-learning ang mga guro upang malinang ang programa sa pagkatuto. Nababatid ng mga guro na hindi guro ang mga magulang subalit makatutulo­ng sila sa pagkatuto ng kanilang mga anak.

USampung Tips sa Learning @ Home PANG lubusang matulungan ang mga magulang sa pagtuturo ng kanilang mga anak sa pamamagita­n ng online learning, sampung tips ang iminungkah­i ng Learning @ Home sa unang araw ng pagtuturo: 1. Kausapin ang anak at ipaliwanag kung ano ang homebased learning.

2. Gawing Treat Day o Orientatio­n Day ang magaganap.

3. Gawing maaliwalas ang lugar na gagamitin sa pagtuturo. Alisin ang maraming bagay na makasasaga­bal.

4. Gamitin ang talatakdaa­n (timetable) na itinakda ng paaralan.

5. Tiyaking kompleto ang materyales na gagamitin sa pagtuturo.

6. Tanungin ang anak kung ano ang maaari nilang matutuhan.

7. Iwasang mag-aalala kung hindi magagampan­an ang gawain.

8. Magkaroon ng ilang sandaling pagtigil sa pagtuturo (break).

9. Pagkatapos ng sesyon, tanungin ang anak kung ano ang kaniyang natutuhan at kung aling bahagi ng aralin siya nahirapan.

10. Tanungin ang paaralan o ang guro ng iyong anak kung may karagdagan­g katanungan.

AAng iDEP at HSOP ng DepEd NG Kagawaran ng Education ay lumikha ng Internet-Based Education Program (iDEP) at High School Open Program (HSOP) noong 2011. Naging matagumpay ang dalawang programang ito dahil posibleng nakapagtap­os ang mga mag-aaral nang hindi pisikal na pumapasok sa mga paaralan.

Ang programang Internet-Based Education Program (iDEP) ay ipinagkalo­ob sa mga sumusunod na paaralan:

Baguio City National High

School

Floreneilr­o Memorial Cebu National High School Davao National High School

Ang programang Open High School Program (OHSP) naman ay ipinagkalo­ob sa mga sumusunod na paaralan:

Bengno Aquino National High

School

Commonweal­th High School Gregorio Perfecto National High School

Lagro National High School Ramon Magsaysay High School (Cubao)

Rizal High School (Main) Tinajeros National High School (Malabon)

Ang Online Learning sa Kolehiyo

at Unibersida­d

A antas tersyarya, o ang edukasyon sa kolehiyo o unibersida­d pagkatapos ng edukasyong pansekonda­rya, makakakuha ng degree ang isang nagtapos ng kurso kahit hindi siya pisikal na pumapasok sa kolehiyo o unibersida­d kung nakumpleto niyang tapusin ang lahat ng sabdyek sa kursong kaniyang pinag-aralan. Ang ilang kolehiyo, unibersida­d at institusyo­n na nagbibigay ng ganitong pribilehiy­o o benepisyo sa mga mag-aaral ay ang mga sumusunod: AMA Online University Asian Institute for Distance Education

Benguet State University CAP College Foundation Inc. New Era University Philippine Women’s University

Polytechni­c University of the Philippine­s Open University System Southville School and Colleges University of the Philippine­s Open University

Visayas State University

S

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines