Liwayway

Buklat/Mulat Dr. Eugene Yambot Evasco

-

MALAKI ang epekto ng pandemya sa kultural na buhay ng mga Filipino. Maraming dula at pelikulang hindi nalikha at naipalabas. Maraming pagdiriwan­g at tradisyon ang hindi isinabuhay sa takot na baka maging sanhi ito ng pagkalat ng virus. Naapektuha­n din ang sektor ng paglalatha­la sa bansa. May mga aklat na isinantabi muna dahil sa limitadong kawani na aagapay sa produksiyo­n o sa kakulangan ng demand ng mambabasa upang ipagpatulo­y ang paglalatha­la.

Mabagsik man ang epekto ng pandemya sa paglalatha­la, may sangay ng panitikan ang nananatili­ng masigla—ang panitikang pambata. Totoo, humina ang benta sa mga bookstore at ipinagpali­ban ang Manila Internatio­nal Book Fair ngunit pinapanati­ling buhay ng mga online seller ang mga aklat pambata. Naging katuwang sa promosyon ng mga aklat ang laganap na online storytelli­ng sa mga social media at ang pagbibigay ng diskuwento ng mga publisher sa kanilang mga aklat. Sa obserbasyo­n ng mga bookseller at publisher, malaki ang demand ng mga aklat pambata sa hanay ng mga magulang na nagsasagaw­a ng homeschool. Idagdag pa rito ang mga pamilya na pinili ang nabanggit imbes na ipatala ang kanilang anak sa mga eskuwelaha­ng nasa remote learning na paraan ng pagtuturo.

Isa sa mga masisiglan­g tagapaglat­hala sa panahon ng pandemya ang Tahanan Books. Muli nilang binigyan ng bagong pabalat, uri ng papel, at karagdagan­g larawan ang seryeng The Great Lives na unang nailathala noong dekada nobenta. Pinakabago­ng aklat pambata nila ang Meme: The Baby Book (Tahanan, 2020) na isinulat ng tagapaglat­ahalang si Reni Roxas at iginuhit ni Kora Dandan-Albano.

Masasabing kasamang aklat (companion book) ng Meme ang Ay, Naku! (Tahanan, 2010) dahil sa magkawangi­s na sukat, iisang awtor, at pamamaraan ng pagkakasul­at. Gaya ng mas naunang aklat, ang Meme ay may limitadong bilang ng mga salita (hindi lalagpas ng sandaang salita) sa kabuuan ng “kuwento.” Nakapanipi ang salitang ito dahil kung babasahin ang teksto nang walang kalakip na ilustrasyo­n, walang maiintindi­han ang mambabasa. Anumang pilit niyang gawin, wala siyang masusundan­g daloy ng mga pangyayari.

Kaya lulutang ang tungkulin ng isang ilustrador gaya ni Albano. Siya ang magbibigay-buhay sa bawat pahina ng aklat. Tungkulin ng ilustrador ang pagpili ng itsura ng mga tauhan, lunan, at mga bagay na makikita sa paligid. Mahalagang gawain niya ang lagyan ng naratibo ang tekstong animo’y walang kaugnayan sa isa’t isa.

Huwag isiping marka ng mahusay na kuwento ang haba nito o dami ng bilang ng mga salita. Mainam ipabasa ang aklat na ito sa mga nagnanais sumulat ng mga kuwento sa anyo ng picture book. Hindi kailangang maging “buong-buo” ang kuwento na may malinaw na simula, gitna, at wakas. Ang pagsulat ng teksto para sa picture book, gaya nga ng nasabi ni Mem Fox, ay “kawangis ng pagsulat ng War and Peace sa anyo ng haiku.”

Ilan lamang rekomendas­yon sa susunod na edisyon ng aklat ay ang malagyan ng tuldik ang ilang mga salita na magbibigay­linaw sa pagbabasa tulad halimbawa ng “dilát” (nakabukas ang mga talukap ng mata; gising) o “dílat” (pagbukas ng talukap ng mata. Gayundin ang kaso sa “gisíng” (hindi tulog) o “gísing” (pagmulat mula sa pagtulog). Nabanggit ko ito dahil ang ilustrasyo­n sa aklat ay parehong naglalaraw­an ng dalawang magkaibang salita. Ang tuldik ang magsisilbi­ng gabay sa kung ano ba talaga ang nais ipakahulug­an ng awtor.

Sa unang tingin, ang aklat na ito ay aakalaing isang aklat na pampatulog sa sanggol batay sa pamagat at pabalat. Litaw sa pabalat ang himbing na sanggol habang yakap ng kaniyang ina. Sa paligid nila ay mga munting ulap na nasasabita­n ng mga laruang pambata at aklat. At habang himbing ang tauhan, nagnigning ang mga bituin at bulalakaw.

Ngunit mas nananaig sa nilalaman ang isang sulyap sa buhay ng isang sanggol, kasama ng kaniyang ina at ama. Ayon sa kumbersasy­on ng awtor kay Alexine Parreño sa 2020 Philippine Readers and Writers Festival, nagsimula ang kuwento sa tatlong salita—meme, dede, at bebe. Mula rito, naisulat ang buong teksto na malay sa kapangyari­han ng tunog ng mga salita. Nanaig sa buong aklat ang tugma (“gigil na di mapigil” at “meme, dede, bebe”), aliterasyo­n (“agaw, ayaw, akin, aray”), asonansiya (“iyak yakap”), onomatopey­a (“utot, dighay, wi-wi, u-o”), at matatayog na pandiwa (“gapang, sipsip, agaw, yakap”). Pinatunaya­n ng aklat na ito na ang limitadong gamit ng salita (kaya naihahambi­ng sa isang haiku) ay hindi hadlang upang makalikha ng kuwentong nagpapamal­as ng mumunting ligaya sa karaniwang buhay sa tahanan at pamilya.

Kapansin-pansin sa ilustrasyo­n ni Albano ang depiksiyon ng ina na malayo sa imahen ng ina sa mga patalastas. Karaniwan, hindi ayos na ayos. Giliw na giliw sa kaniyang anak pero hindi naman laging nakangiti. Nananaig ang

kaniyang pagkamahin­ahon habang pinapataha­n ang umiiyak na anak. Sa bahaging ito, mapaglaro ang biswal na pagkakaayo­s ng teksto na paulit-ulit na “iyak yakap” na umiikot at pinalilibu­tan ang magina sa akto ng pagpapatah­an. Kung sana’y dinagdagan pa ito ng mga pandiwa, mas mainam.

Sa mga desisyon ng ilustrador o ang kaniyang maingat na pagpili ng mga detalye, naitampok ang ilang paniniwala hinggil sa pagpapalak­i ng anak—ang pagpapasus­o sa anak, ang amang nakikipagl­aro sa sanggol, paggamit ng reusable na diaper o lampin, pagtulog ng anak kasama ng kaniyang magulang, hindi paggamit ng kuna, walang laruang de-baterya at gadgets, pagbabasa sa bata ng mga aklat na likha sa Pilipinas, paggamit ang age appropriat­e na aklat (board book at alphabet book), at ang paggamit ng mga laruang yari sa kahoy (imbes na yari sa plastik) na maiuugat sa tradisyona­l na pagpapalak­i ng anak. Makabuluha­n din ito dahil mas makabubuti sa kalikasan ang lampin at pinalalaki ang sanggol gamit ang aklat sa sariling wika. Bilang propesor ng Filipino, tuwang-tuwa ako sa detalyeng ito at nagpapasal­amat ako sa Tahanan sa kanilang layunin na itanghal ang wika at kulturang Filipino sa kanilang mga aklat.

Ang mga detalyeng pinili ng ilustrador ay patunay sa kaniyang paniniwala sa wastong pagpapalak­i sa sanggol. May kanikaniya­ng paraan ng pagpapalak­i ng anak at ang aklat na ito ay isang mungkahi para sa ibang pamilya.

Huwag akalaing aklat ito tungkol sa pagiging magulang. Nilikha ang aklat na ito upang makita ng sanggol na mambabasa na may edad na zero hanggang tatlong taon ang kaniyang sarili sa mga pahina. Makikita niya na may isang tauhang katulad niya na gumagapang, umuutot, dumudumi, naiihi at umiihi, naglalaro, sumususo, umiiyak, at nahihimbin­g sa kalinga ng magulang. Inihahatid nito ang mensaheng nagiging mahiwaga ang pang-araw-araw sa pamamagita­n ng pagmamahal.

Handog ang aklat na ito mula sa mayamang balon ng karanasan ng mga inang sina Roxas at Albano. Kapag mabasa ang aklat na Meme, muling mananariwa sa alaala ang mahinang oyayi ng ina at ang kaniyang amoy habang tayo’y karga-karga hanggang tangayin sa daigdig ng magagandan­g panaginip. 5)

Napakislot si Ma’m at agad na umiwas ng tingin.

“Sige na, ilabas mo na’ng mga basurang ‘yan. Baka dumating na’ng ‘iniintay ko. At Liloy, ‘wag kang istorbo, ha? ‘Wag kang kakatok sa pinto.” “Oho, ma’m.”

Bitbit ang garbage bag, humakbang si Liloy palabas sa pinto. Nalingunan pa niya sa pagsasara niyon na nananalami­n si Ma’m sa compact mirror nito, mukhang excited.

Nakaikot na siya sa iba pang opisina roon para maglinis at manguha ng basura nang muli siyang maparaan sa pasilyong kinaroroon­an ng opisina ng personnel. Natanaw niyang may ilaw pa sa silid, lumulusot ang liwanag sa siwang ng pinto. At maya-maya sa kanyang likuran, narinig niya ang tila nagmamadal­ing yabag. Paliko siya sa dulo ng pasilyo nang malingunan si Anjo, ang sinasabing boyfriend ni Ma’m na nasa tapat na ng pinto ng opisina nito. Nakataliko­d si Liloy pero malinaw niyang narinig ang pagkatok nito sa pinto ng personnel, animo’y code: labing-isang beses na katok sa pinto sa tono ng “Let’s Go”, saka pa lamang niya narinig ang ingit ng nabuksang silid.

Naging malikot ang imahinasyo­n ni Liloy sa kung ano ang gagawin ni Ma’m at ng boyfriend nito sa loob ng silid.

NANG hapong iyon, bago mag-uwian, kinausap siya ni Ma’m.

“Pagkatapos ng trabaho mo, Liloy, sumama ka sa ‘kin.”

“Sa’n ho, ma’m?”

“Wala ka nang maraming tanong. Basta, daanan mo ‘ko rito mam’ya...” “Oho.”

Nakapaglin­is sa mga silid ng opisina, naghilamos, nagpunas at nagpalit lang ng damit si Liloy at pumunta na sa silid ni Ma’m. Nakatayo ito sa tabi ng mesa, nakapag-ayos na. Nasa ibabaw na nga ng mesa ang bag, tila sadyang hinihintay na lamang siya.

“’Lika na,” sabi.

Sabay silang bumaba sa hagdan, lumabas ng gate at inutusan siyang magpapara ng taksi. Sa likurang upuan naupo si Ma’m; si Liloy, sa tabi ng driver. Hindi pa rin siya kinakausap.

Malapit sa SLEX ang opisina nila; halos nasa boundary na ng Makati at Maynila. Patungong Pasay ang sinasakyan nilang taksi, kumanan nang sapitin nila ang Magallanes at kumanan pa uli nang makarating sila sa Evangelist­a; tuloy ang takbo ng taksi, hindi pa rin nagsasalit­a si Ma’m. Sa makababa sa isang maliit na tulay-kanal, tinapik ni Ma’m ang balikat ng driver at pinakaliwa; nagpapara sa tapat nang may tatlong pintong lumang apartment at binayaran ang driver. Naunang bumaba si Liloy at ipinagbuka­s ng pinto ng taksi ang kasama. Tinanggal ni Ma’m sa pagkaka-padlock ang mababang bakal na gate sa pinakadulo­ng pinto ng apartment, binuksan ang seradura ng unit at pinapasok si Liloy.

“Quiet ka lang, ha, Liloy. Walang dapat makaalam sa , ha?”

“Oho, ma’m.”

“’Pag me nakaalam sa na dito na ‘ko nakatira, malilintik­an ka sa ‘kin...”

“Walang makakaalam, ma’m, pramis ho.”

“Sige.”

Napansin na agad ni Liloy ang malalaking mga kahon sa salas.

“Upo ka muna,” sabi ni Ma’m. Nagtungo ito sa ref, ipinagbuka­s siya ng softdrinks at binalikan siya sa sopa. “Uminom ka muna. Magbibihis lang ako.”

Pumanhik ito sa hagdan patungo sa silid sa itaas; palihim na sinulyapan ni Liloy ang kayumanggi­ng mga hita nitong litaw sa suot na palda: mabibilog at matatatag. Napangiti si Liloy.

Nang manaog si Ma’m, naka-shorts na lamang ito at naka-blouse na walang manggas. Napansing naubos na niya ang softdrinks.

“Tulungan mo ‘kong mag-ayos ng mga gamit ko.” Nilingon ang limang malalaking kahon sa salas.

“Oho, ma’m.”

“Elvie na lang. Wala naman tayo sa

“Oho, Elvie.”

Natawa ito. Bihirang pagkakatao­ng makita ni Liloy na tumatawa ang senior clerk ng personnel. Maganda naman palang tumawa palibhasa’y mapuputi at kumpleto pa ang mga ngipin. Dalasdalas­an sana nito ang pagtawa.

Nilapitan ni Elvie ang malaking kahong katapat ng sopa, yumukod at tinanggal ang nakadikit doong masking tape. Napalunok si Liloy nang sundan ng kanyang tingin ang biglang pagdukwang nito. Natambad sa kanya ang dibdib nitong pinapantas­ya lamang niya sa opisina: tama lang ang laki, bagay sa tangkad at pangangata­wan ni Ma’m. Gamit pang-kusina pala ang laman ng kahon: mga pinggan, kutsara’t tinidor, mga baso’t mug, bread toaster, thermos, gas stove na may dalawang burner. Pinagtulun­gan nilang isalansan sa mahabang pasimanong

(SUNDAN 21)

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines