Liwayway

Pag-Usapan Natin! Kuya Sam

-

DEAR KUYA SAM: Magandang araw sa inyo at sa mga tagasubayb­ay ng magasing Liwayway. Ako nga pala si Anabelle, 22, dalaga, isang entreprene­ur na taga-Lucena City. Hindi ko matanggap ang nangyari sa amin ng aking boyfriend, Kuya Sam. Masakit ang nangyari sa amin. Hayaan mong ikuwento ko ang lahat.

Noon kasing nakaraang Marso, hindi nakauwi sa amin ang aking boyfriend dahil inabot siya ng lockdown sa Maynila. Lingguhan kasi ang

Pero naintindih­an ko naman dahil walang public transport papunta at pabalik ng Maynila.

Ang sabi ko sa kanya, huwag na niyang piliting umuwi dahil wala ngang masakyan. Ang sabi kasi niya sa akin ay puwede naman daw paputol-putol ang biyahe at marami naman daw sila. Ang sabi ko naman, kung safe naman sa barracks ng kanilang pinagtraba­huan ay doon lang muna siya manatili hanggang lumuwag ang quarantine level.

Hanggang sa lumipas ang ilang linggo at nag-message siya sa akin na naubusan na raw sila ng pagkain dahil hindi na nagpakita sa kanila ang engineer nila. At ‘yung kaunti niyang pera ay naipautang na rin niya sa kasamahan. Kaya ang ginawa ko, nagpadala ako sa kanya ng pera mula sa naipon kong kaunti. Ayaw ko kasing maranasan niya ang hirap gaya ng laging napapabali­ta sa TV doon sa ibang mga na-stranded sa Maynila. Siyempre, nag-alala ako.

Ngunit nang lumaon, padalang nang padalang ang komunikasy­on namin. Ang akala ko kasi, abala sila sa paghahanap ng paraan paano mairaos ang buhay. Ngunit sumambulat sa akin ang isang post sa facebook ng isang common friend namin na nasa Maynila na rin nakatira. Nag-post ito na pumunta sila sa kalapit na siyudad at kasa-kasama nila ang ex ng aking boyfriend.

Nanlumo ako, Kuya Sam. Tiwang-tiwala ako sa kanya, ‘yun pala gumagawa ng kalokohan. Ang akala kong naghihirap na boyfriend dahil sa lockdown ay nagpapakas­arap pala sa kanyang dating siyota.

Noong nakontak ko siya gamit ang cellphone number ng kanyang kasama sa trabaho, todo tanggi siya sa isinumbat ko sa kanya. Ang katwiran niya, throwback picture raw ‘yung nakita kong post. Ngunit hindi na siya umimik nang sinabi ko na ‘yung T-shirt na suot niya roon sa picture ay bigay ko pa noong nakaraang birthday niya. So how come na throwback picture ‘yun?

Bigla niya akong binabaan ng phone. Alam ko, nahuli ko na siya at hindi na niya mapasinung­alingan ang ginawa niya. Halatado kasi ang kanyang pagsisinun­galing. Sa lahat ng ayaw ko, ‘yung sinungalin­g na tao ang hindi ko matanggap.

Ngunit simula noon, nangunguli­la talaga ako nang husto, Kuya Sam. Kung sakali hihingi siya ng kapatawara­n, igagawad ko ba ito sa kanya? – ANABELLE

DEAR ANABELLE: Tama rin naman ang ginawa mong sumbatan siya. Kahit sino naman siguro, ganu’n din ang gagawin. At kung totoong wala siyang kasalanan, ilalaban niya iyon. Ngunit sa ganang binabaan ka ng telepono, ito’y isang aksiyon na indirektan­g pag-amin sa isang kasalanan.

Pero gaya ng matagal na nating narinig na kasabihan, kung tayo’y nagmahal, lahat ay hahamakin masunod lang ang ninanais ng ating puso. Anabelle, suriin mong mabuti ang puso mo. Hindi ko sinasabi na kakampihan ko ang boyfriend mo. Pero sa isang pagkadulas, siguro maaaring pagbigyan mo siya.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na tanggapin mo siya kagaya dati. Hindi iyan ang ibig sabihin ng pagpapataw­ad. Your boyfriend must make an effort to prove his worth. At hindi lang simpleng effort kundi doble.

Una sa lahat, kailangan niyang humingi ng kapatawara­n na mula sa puso. Iyong siya mismo ang lalapit sa iyo at magkusa na humingi ng kapatawara­n sa kanyang kasalanan. Dahil sino ba tayo na hindi makapagpat­awad, di ba?

Ngunit magkaganu’n pa man, huwag kang paloloko uli. Kasi kapag naulit pa ito at pinatawad mo uli siya sa kaparehong kasalanan, lalabas na katangahan na iyan sa parte mo, Anabelle. – KUYA SAM (MULA 15)

ang kanyang matalik na kaibigan.

“Totoo, Sister Veronica? Totoo?”

“Totoo, Ate Lara! Totoo!” Iniabot ni Sister Veronica kay Lara ang liham. “Ito…basahin mo ang sagot ni Mother Ignacia.”

Binasa ni Lara ang liham ni Mother Ignacia. “Totoo nga! Ngayon pa lang ay binabati na kita ng good luck!”

“Kaya lang ay may note sa ibaba ng liham si Mother Ignacia. Basahin mo, Ate Lara.”

Muling tinunghaya­n ni Lara ang liham ng Mother Superior. “Sus! Dapat lang na dito ka mag-celebrate ng birthday mo! Tutal iiwan mo na kami! Kinabukasa­n ay bibiyahe ka na! Tiyak na maraming regalo ang tatanggapi­n mo sa iyong kaarawan!”

Napahalakh­ak si Sister Veronica. “Ate Lara, naman! Mukha ba akong regalo?”

“Hindi, a! Pinatatawa lang kita, my little sister! Minsan lang kita makitang masaya, e! Kung masaya ka ay masaya na rin ako. Kung wala ka na rito ay wala na rin akong mabibiro.”

Napangiti si Sister Veronica. “Babalik naman ako dito, Ate Lara, kung natagpuan ko na ang aking hinahanap. Ngayon pa lang ay nararamdam­an ko nang darating siya sa buhay ko. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Lagi akong nananalang­in at alam kong hindi ako mabibigo.” “Kasama mo ako sa panalangin, Sister Veronica.““Salamat, Ate Lara. Salamat sa malasakit at pagmamahal na ipinadama mo sa ‘kin.”

“Nakita ko kasi at nadama ang malasakit at pagmamahal sa ‘kin ng nakatatand­a kong mga kapatid kaya ibinabahag­i ko sa ’yo.”

“Maiba tayo, Ate Lara. Ano’ng pinag-usapan ninyo ni Mother Ignacia?”

Nabigla si Lara, napilitang magsinunga­ling. “A… hindi agad ako pinaalis ni Mother Ignacia nang iabot ko sa kanya ang liham mo.”

Napangiti si Sister Veronica. “Bakit?” “Tinanong n’ya ako kung gusto kong sumama sa paglilipat­an sa ’yo.”

“Ano naman ang sagot mo?”

Muling nang-apuhap ng maisasagot si Lara. “Ang sabi ko ay pag-iisipan kong mabuti kasi hindi maganda ang padalos-dalos.”

Muling napangiti si Sister Veronica. “Hindi ka n’ya tinanong kung bakit ako lilipat?”

Sa halip na sumagot ay biglang tumayo sa inuupuan si Lara at hinawakan siya sa isang kamay. “Halika na nga, my little sister! Tutulungan kitang mag-empake ng mga gamit mo. Kailangang handa ang lahat sa araw ng biyahe mo.” “Bukas na lang, Ate Lara.”

“Bukas? Hindi puwede!”

“Bakit?”

“Bukas na ang kaarawan mo at bukas din ang huling araw mo dito.”

Napakamot sa ulo si Sister Veronica. “Oo nga pala! Sorry, Ate Lara.”

“Okay! Okay! Halika na! Mag-empake na tayo.” Pumanhik sa kanilang kuwarto sa itaas ng staff house ang magkaibiga­n.

MAAGANG gumising kinabukasa­n si Sister Veronica at inihanda ang isusuot para sa kanyang kaarawan. Nang sumilip sa bintana ay nagulat ang batang madre sa kanyang nakita. Hindi niya inaasahan ang magarbong selebrasyo­n.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines