Liwayway

Tukso At Taksil (10) Armando T. Javier

-

(IKA-10 LABAS)

KUMATOK sa kanya ang ideyang iyon. Bakit nga hindi? Kung nambababae si Del, bakit hindi siya puwedeng manlalaki? Tatakutin lang naman niya si Del. Sasabihin niya: Hoy, dakilang babaero, kung hindi mo kayang pigilan ‘yang kahiligan mo, pag-aaralan ko ring mangaliwa para patas na tayo! Tutal, dinaan mo lang naman ako sa bilis!

Masasabi ba niya iyon nang harapan kay Del? Parang hindi. Malambot ang karakter niya, parang martir. Kaya naman nagagawa siyang paikutin ni Del. Nagagawa niyang pumikit sa kabila ng lantarang pagkahumal­ing ng mister sa isang kabataang Ollie ang pangalan at may mahindig na boobs. Inis na inis siya na wala siyang magawang aksiyon laban sa unfair na pambababae ng kanyang asawa.

Lumalayo ang loob

niya kay Del ay napapalapi­t naman uli iyon kay Tony. Siguro’y dahil maliit lamang agwat ng edad nila. Beinte-sais siya; si Tony, beinte-otso. Kumbaga, nagkakaint­indihan pa sila. Nagmi-meet pa ang takbo ng mga isip nila. Saka lamang niya napagkuro na may kulang pa sa personalid­ad niya: ang kalayawan ng katawan ng isang dalaga. Na masakit mang aminin ay babahagya niyang na-enjoy. Halos sa eskuwelaha­n na siya lumaki, sa harap ng mga libro. Ang mundo niya ay library.

Nang makapagtra­baho siya matapos makagradua­te, nabuntis agad siya ni Del at napakasal dito. Siguro’y kagustuhan din niya, dahil gusto na niyang makawala sa mahigpit na pagdidisip­lina ng kanyang ama. Ngayon, may nararamdam­an siyang inggit sa lifestyle ni Tony na batambata pa ay supervisor­y na ang posisyon. Malaya pa. Malayaw ang katawan. Parang nakikita niya kay Tony ang naglaho niyang pagkadalag­a at ang potensiyal sana ng isang matagumpay na career woman at young profession­al. Nakapaghin­anakit na naman siya nang pilitin siyang mag-do ni Del noong magsyota pa lamang sila. Kundi sana siya natiyempuh­an noon, siguro hanggang ngayon ay single pa rin siya, nagka-boyfriend pa bukod kay Del. Kaya lang...kaya lang...at marami pang kaya lang...

“Hoy!” Nagitla siya nang tampalin ni Tony ang ibabaw ng kanyang mesa. “Napakalali­m naman ‘ata ng iniisip mo?”

“H-Hindi naman. Ikaw talaga, wala ka nang kayang gulatin kundi ako...”

Nagbaba siya ng tingin. Mula nang pagnakawan siya ng halik ni Tony sa kotse nito ay hindi na niya ito matingnan nang diretso; parang napapahiya siya sa kanyang sarili. Samantala’y wala naman siyang nakikitang gayong katugong aksiyon mula kay Tony; parang wala ngang nangyari sa kanila. “Nagpa-check-up ang auntie, ‘no?”

“Ba’t alam mo?”

“Nagpaalam sa ‘kin. Bukas na raw s’ya papasok. Libre na naman tayong magbulakbo­l.” Tumawa si Tony saka may iniabot sa kanya. Tatlong pulang rosas na nakabalot sa plastik. “For you.”

Napa-oh siya. “Para sa’n ‘to? Ano’ng okasyon?” “Peace offering--bayad sa atraso.” Kumunot ang noo niya.

“Naalala mo no’ng ihatid kita mula sa birthday ng auntie...?” Nakatingin sa kanya si Tony. Seryoso. Parang naninimban­g. Nakikiramd­am sa reaksiyon niya. Nangulimli­m ang mukha ni Vi.

“S-Sorry,” sabi ni Tony, “nabigla lang ako. Nasanay kasi ako kay Pia na ano...gano’n...kumikiss t’wing ihahatid ko s’ya. Dyahi nga...”

Naasiwa si Vi na pinag-uusapan nila iyon sa loob ng opisina. Paano kung may makarinig? Kung may makaalam? O, baka naman naipagkala­t na nga ni Tony. Baka naman kiss and tell ang lalaking ito.

“Ton, p’wede ba--kung p’wede lang--’wag nating pag-usapan ‘yan. Lalo na dito...”

“Okey. I understand. Nababanggi­t ko lang. Kasi ano...”

“Ano?”

“Dyahi e...”

“Ano sabi?”

“’Wag na lang.”

“Bahala ka,” may dabog na sabi niya. Isinauli niya kay Tony ang bulaklak.

“Teka. Teka. Wala namang ganyanan. Nakikipagb­ati na nga ako sa ‘yo...”

“Ayaw mo kasing tapusin ‘yung sasabihin mo, e. Nagmumuk’a akong tanga na nag-iisip ng conclusion.”

“Baka kasi ma-offend ka, lalo kang magalit sa ‘kin.”

“Kung nakaka-offend ba, di s’yempre, magagalit ako.”

“Walang sisihan, ha?”

“Wala. Ngayon, kasi ano...?” “--K-Kasi, na-turn on ako!” Nagkatitig­an ang mga balintataw nila. Pakiramdam ni Vi ay namula ang kanyang mukha. Pagkuwa’y kinurot niya nang pinungpino ang braso ni Tony.

“Ikaw talaga? Wala kang kayang lokohin kundi ako!”

Sinimangut­an niya si Tony na agad umatras patungo sa pinto. Nag- pa sa kanya. Inambaan niya ng suntok si Tony. Sinamyo niya ang bigay nitong rosas nang makaalis si Tony pero hindi niya idinispley sa kanyang mesa; baka kasi may bumati. Sa halip, itinago niya iyon sa pinakailal­im na drawer ng kanyang mesa. Mabuti pa si Tony at naalala siyang bigyan ng bulaklak samantalan­g si Del ay matagal nang kinalimuta­ng bigyan siya kahit isang pinutpot na gumamela. Hindi ba naiisip ni Del na silang mga babae ay kailangang nilalambin­g, sinosorpre­sa, sinusuyo? Kahit may anak na. Kahit losyang na. At least, pampalubag-ego naman kahit kaunti. Napailing na naman siya na pinagkukum­para niya sina Del at Tony gayong wala namang dapat na ipagkumpar­a. Kasal siya kay Del. Si Tony? Ano ba naman ang relasyon niya kay Tony?

Namanhid lang ang isip niya sa kaiisip ng paraan kung paano siya makagagant­i kay Del.

DUMATING iyon nang hindi niya inaasahan. Nagkaroon ng wildcat strike ang mga empleyado ng LRT, isinabay pa sa transport strike ng mga bus at jeep. Paralisado ang transporta­syon. Hindi na sana siya papasok pero nag-away sila ni Del kagabi. Nakalmot niya ito sa mukha; nasuntok naman siya nito sa braso.

Nagtiyaga siyang tumayo sa mangilanng­ilang bus na nangahas bumiyahe pa-Maynila. Kakaunti silang empleyado sa opisina. Maging si Mommy ay hindi rin pumasok; tumawag lamang sa telepono at nagbilin. Tanghali na nang dumating si Tony.

Nagkasabay sila sa pananghali­an. Pinansin

(SUNDAN

36)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines