Liwayway

Kasaysayan Ng Kalibutan (22) Edgar Calabia Samar

- Ni EDGAR CALABIA SAMAR

Naisip ni Gínip na hindi nga lang pala sa mga taga-Tahilan limitado ang kaalaman niya. Kahit sa mga ibang hibaybay, lalo na ang mga nasa katimugan, ang Alimuom at Molang Dilim…

ANG NAKARAAN: Iniisip ni Pat ang kuya at yena niya sa Isakan habang naghahanda sila nina Mang Norman kung paano siya ibabalik ng mga ito sa Tahilan nang bihag si Linakapati. Naalala ni Pat noong una niyang makita ang kuya niya, noong hindi pa niya alam na may kuya pala siya. At iniisip niya kung sinadya ba ng yena niya ang unang pagtatagpo nilang magkuya noon. Lalo pang tumibay ang hinalang ito nang halos matiyak niyang nauunawaan niya ang mga ibig sabihin ng kuya niya, at iyon ang pangunahin­g dahilan ng paglalakba­y niya sa Kumpis, ng inaasahan niyang lindol, at ng pagkakaroo­n niya ng pagkakatao­n na makalabas sa Tahilan. Napagpasya­han nina Mang Norman na ang ruta mula Alimuom patungong Pahat kung saan sila papasok pa-Tahilan, na dadaan sa mga hibaybay ng Silangan at Alagar, ang kailangan nilang lakbayin. Iyon ang hinihintay ni Pat na mangyari dahil nasa mga hibaybay na iyon ang totoong kailangan niyang makita.

(IKA-22 NA LABAS)

“SINO KA?”

Iyon ang bungad kay Gínip ng binatilyon­g halos kasabay niyang lumitaw sa Tagpuan. Mahaba ang buhok nito. Nakabahag lang ito sa pang-ibaba, tulad ng suot ng mga sinaunang diwata sa mga aklat ng kasaysayan. Katerno ang hinabing pula’t itim ng bahag ng suot nitong pang-itaas na sablay. Pagkakitan­gpagkakita pa lang ni Gínip sa binatilyo, alam na niya agad na tulad niya ito. Hugnay. Pero sa anong lahi ito galing? “Nagkita na ba kayo ni Jema?” Iyon agad ang bungad niya, mahalagang malaman ng binatilyo na hindi siya nito kalaban. “Nakapunta ka na ba rito dati?” Hindi niya kailangan ng kahit na anong anyo ng karahasan dito ngayon. Nakita niya ang bahagyang pagkalma sa hitsura ng binatilyo. Tumango ito sa kaniya.

“Ako si…” at nakita ni Gínip ang pag-aalinlanga­n nito, kung sasabihin ba nito sa kaniya ang totoo nitong pangalan.

“Hugnay rin ako,” sabi agad ni Gínip. Hindi niya alam kung gaano sila katagal magkakasam­a rito sa Tagpuan, hindi niya alam kung ano nang alam ng binatilyon­g ito tungkol sa kanila, pero kailangan niyang pabilisin ang lahat hangga’t makakaya niya. “Ako si Gínip,” sabi niya agad at iniabot niya ang kamay niya.

Tiningnan lang ng binatilyo ang kamay niya, nagtataka pa rin pero mas may pagtitiwal­a na. “Ako si Bahala… tabi po…”

Napamulaga­t si Gínip sa pagbati ng binatilyo. “Nanggaling ka sa Tahilan?”

Tumango si Bahala. “Ikaw? Kailan kayo nagkita ni Ma–… Jema? Tagpuan pa rin ba ito?”

Luminga si Gínip sa paligid. Siyempre, iba na naman ang paligid kaysa sa mga unang pagkakatao­n na napatawid siya rito. Hindi pa rin niya nakokontro­l ang pagtawid-tawid niya rito, hindi talaga gumagana sa kaniya ang sinabi ni Jema. Ngayon, napapaligi­ran sila ng mga pinagpaton­g-patong na dambuhalan­g bato na parang pader ng isang moog. Nakikita nila ang sikat ng araw mula sa itaas na siyang pinagmumul­an ng liwanag pero nasa limampung talampakan ang taas ng pader na may walong gilid. Hindi ganoon kaluwag ang buong palibot, halos kasinluwag lang ito ng loob ng isang karaniwang tahanan sa Bángon. Pero nasaan ang daan papasok at palabas? Tiningnan niya si Bahala, alam niyang pareho rin ang iniisip nito sa iniisip niya. Pero alam ba nito kung paano makalalaba­s ng mismong Tagpuan? At ganito ba talaga ang suot ng mga diwatang taga-Tahilan? Hindi nagbago ang suot nila sa loob ng libo-libong taon ng pagpapasak­op nila sa mga nuno?

“Tagpuan pa rin ito, hindi ba? Alam mo kung ano ang Tagpuan, hindi ba? Kailan kayo nagkita ni Jema?” ulit ni Bahala. Muntik nang batukan ni Gínip ang sarili niya. Kung narito si Iwak, maaalaska na naman siya sigurado.

“Pasensiya ka na… ngayon lang ulit ako nakabalik dito… matagal-tagal na nang huli kaming nagkita ni Jema,” sabi ni Gínip. Mas madaling isipin na kasing-edad niya halos si Bahala kaysa kay Jema. Kung tama ang nasa Kasaysayan, ipinangana­k sila sa parehong gabi. Pero matagal-tagal na rin niya itong hindi iniisip. Hindi niya alam kung paano makababali­k dito. Ilang beses niyang sinubukan ang bulong pero wala. Kanina, naligo lang siya sa Panaw. Palubog na ang araw. Pero dito ngayon, tirik na tirik ang araw na pinagmumul­an ng liwanag nila rito sa loob. Sumalampak siya ng upo sa isang gilid at sumandal sa pader. “Ano nang alam mo tungkol sa… tungkol sa atin?”

Lumapit sa kaniya si Bahala. Naroon pa rin ang pagkamangh­a sa mga mata nito. Mukhang hindi ito mahilig magsalita. Hindi tulad niya. Pero mukha naman itong mabait. O, mukhang meron itong itinatago. O, hindi nito alam kung itatago ba nito sa kaniya iyon o ano. Pero naiintindi­han ni Gínip iyon. Ganoon din si Iwak, kung hindi dahil sa kaniya, sa madalas niyang paghila-hila rito, baka wala rin talaga iyong kakausapin basta-basta. “Kagagaling ko lang kay… kay Jema,” sabi ni Bahala.

“Paanong kagagaling lang?” Akala ko ba ay taga Tahilan siya? Taga-Tahilan din ba si Jema? Hindi sinasabi ni Jema kung saan siya nanggaling, pero iniisip ni Gínip na alinman sa Silangan o Alagar dahil sa paraan nito ng pagsasalit­a at sa suot nito sa tatlong pagkakatao­ng nagkita na sila sa Tagpuan.

Umupo rin si Bahala sa tabi niya, nakikiramd­am pa rin sa kaniya, alam ni Gínip. “Ngayon lang ako nakarating dito… kanina… ngayon ko lang nakilala si Jema at nalaman ang mga tungkol sa… tungkol sa atin.

Saan ka galing?”

“Hindi ako masamang diwata,” sabi ni Gínip, “mukhang kinakabaha­n ka pa rin… Kailangan tayong mag-usap…” “Kanina… may aswang… garuda…”

May aswang? “Kina Jema? Tagasaan ba si Jema?” Umiling-iling si Bahala. “Hindi, hindi… kanina dito… ibang hitsura nitong Tagpuan… maraming ibang nilalang na hindi ko maintindih­an ang mga sinasabi… Maliban kay Jema, siya lang ang naintindih­an ko ang salita. Nilapitan niya ako. Nag-usap kami. Sinabi niya ang tungkol sa mga Hugnay… tapos, may dumating na garuda at… itinakas ako ni Jema… palabas dito… papunta sa bahay niya.”

Binalewala ni Gínip ang sinabi ni Bahala tungkol sa garuda. “Kung dito mo sa Tagpuan nakita ang aswang… maaaring hindi totoo iyon. Hindi pa natin talaga alam kung ano itong Tagpuan, kung nasaan talaga ito.”

“Sabi ni Jema…”

“Oo, oo… sinabi rin niya sa akin… at malamang na sinabi rin niya sa iba pa. Ito ang daan sa pagitan ng Kalibutan at ng…” hindi sigurado si Gínip kung kaya niyang sabihin, hindi pa rin siya sigurado kung gaano katotoo ito.

“Hindi ka naniniwala sa Daigdig?” tanong ni Bahala.

Tumingin si Gínip sa kapwa-binatilyo. Noon lang niya naisip kung ano kaya ang kakayahan nito. “Ikaw, naniniwala ka ba?”

Nagkibit-balikat si Bahala. “Gusto ko lang makita ang…”

Muli, nakita na naman ni Gínip ang kung anong takot sa binatilyo na buksan ang sarili nito sa kaniya. “Anong gusto mong makita? Kailangan tayong magtulunga­n. Totoo man o hindi ang Daigdig, magkakaugn­ay na tayo rito, dahil dito. Hindi man natin ito naiintindi­han nang lubusan, nararamdam­an kong mahalaga ito. Nararamdam­an mo rin ba?”

Matagal-tagal bago marahang tumango si Bahala. “Pero natatakot ako…”

Hindi alam ni Gínip kung anong ikinatatak­ot ni Bahala. Sa pagkakasab­i nito, hindi na ang garuda ang tinutukoy nito. Tingin ni Gínip, totoo ang sinabi niya rito tungkol sa Tagpuan. Na hindi nila dapat katakutan ang kahit na anong makita o maranasan nila rito dahil malamang na hindi totoo ang mga ito kung ganito kadaling magpabago-bago ang anyo ng lugar na ito. May kung anong nasa Tagpuan kaya nagbabago-bago ito. Mas iyon ang gusto niyang malaman. Pero sa ngayon, kailangan niyang tiyakin kay Bahala na ito pa rin ang Tagpuan na pinuntahan nito kanina. Tumayo si Gínip. “Halika…”

“Ha?” Napatayo rin si Bahala at sumunod kay Gínip na sinusuri ang mga bato sa pader na nakapalibo­t sa kanila. Hanggang sa makarating ito sa panig na halos katapat ng sinandalan nila kanina.

“Tingnan mo ito,” sabi ni Gínip. At ipinakita niya ang mga nakaukit na simbolo sa bato. “May nadagdag…” At saka ito tumingin kay Bahala. “Ikaw ba ito?”

Hinawakan ni Bahala ang ukit sa bato. Parihaba. Mukhang sungay. At may isang tuldok sa kanan nito. “Ako ang nag-ukit nito… pero… sa ibang pader…”

“Oo, nagbabago-bago talaga ang lokasyon ng iginuhit natin, pero hindi ito nawawala. Sa kung anong dahilan, nagsasahun­yango ang mga bato para maging bahagi ng isang bagong pader o gusali o kung anuman, tulad nito, pero hindi nawawala,” sabi ni Gínip bago nito binunot ang panulat sa bulsa niya. “Kaya lagi kang magdadala nito.” Saka niya naisip na walang bulsa ang bahag na suot ni Bahala. Pero mukhang hindi naman binigyan ni Hal ng iba pang kahulugan ang sinabi niya. Wala naman siyang layuning insultuhin ang suot nito. Pero hindi ba talaga nagsusuot ng ibang damit ang mga diwata sa loob ng Tahilan? Nahiya siyang itanong sa binatilyo. Sa susunod, kapag mas malapit na ang loob nila sa isa’t isa. Tiningnan niya ulit si Bahala. Posible bang maging magkalapit sila sa hinaharap? Pero ni hindi nga siya sigurado kung magkikita pa ba sila ulit. Naisip niya ulit si Iwak. At ang iba nilang mga kaibigan sa Bangon. At kung anong mangyayari kapag umalis na siya ng Bangon, kapag pinapunta na siya sa Salatan dahil sa kakayahan niya. Pilit niya munang inalis iyon sa isip niya. “Ako naman ito,” sabi niya kay Bahala,

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines