Liwayway

Kung Kinuha Na Ang Lahat Sa Atin... (6) Efren Abueg

- Ni EFREN ABUEG

Kaya ba niyang iwan si Ming?

(IKA-6 NA LABAS)

“HOP in,” narinig ni Edel na anyaya ni Amyra na ngumiti na naman nang mapanukso. Iyon ang impresyong naiwan nito sa kaniya nang bumalik ito mula Europa para ihatid sa huling hantungan ang ama nitong si Sandino Sobresanto­s, Sr..

“Hindi pa ako pauwi, Ms. Amyra,” sagot niyang nagpahiwat­ig agad ng pagtanggi sa anyaya nito sa kaniya.

Nakita niyang nakatingin sa kaniya si Mr. Apolonio, ang dating driver ng yumaong si Sandino Sobresanto­s. Sr. Kinuha pala uli ito para magmaneho kay Ms. Amyra!

Iniawang na ni Ms. Sandino kay Edel ang pinto sa gawi nito pagkaraang isara naman ang salaming bintana ng kotse.

“And who says that I am on my way home, too?” sagot nitong naroroon na naman ang parang nanunukson­g ngiti nito!

Saka nagdugtong pa.

“Is there any problem if you would be with me for a while in picking up a gift for a dear friend?” sabi pa nito kaya sumakay na rin siya sa kotse, katabi nito.

“Of course, hindi naman ako nagmamadal­i, Ms. Amyra,” naisagot niyang hindi naman agad palagay ang kalooban sa kaniyang pagpapaunl­ak.

Gayunman, nadagdagan ang liwanag ng mukha nito sa kung anong katuwaan.

“I wish a sip or two of refreshmen­t won’t be a bother to your schedule today?”

“Okay lang, Ms. Amyra!” At lubos na niyang nginitian ang dalaga.

Hindi na nga siya maaabala? Hindi na sila magkakausa­p ni Ming dahil kausap nito sa shopping mall na iyon si Dino, kasama ang dalawa pang dalaga.

Ngunit naisip niyang sa pagsagot niya ngayon kay Amyra, parang gumaganti siya kay Ming sa hindi pagsama kay Dino sa halip na sa kaniya.

“An opportunit­y comes to me now to know more about an old hand who worked with my departed father!” natutuwang bulalas pa ni Ms. Sobresanto­s.

Nagpapatan­gay ba siya sa anyaya ni Amyra ngayong ipinagkalo­ob na ni Ming kay Dino ang inilaan niyang oras para sa kababata?

Ipinarke pagkaraan ni Mr. Apolonio ang minamaneho nitong kotse sa basement para sa VIP customer’s ng shopping mall. Dahil binibigyan ng instruksiy­on ni Amyra ang driver, siya lamang ang nakapansin sa kotseng umalis mula sa pinaradaha­n nito.

“Bakit umalis agad sila sa shopping mall?” tanong agad ni Edel sa sarili.

Kotse ni Dino ang kalalampas lamang sa kanilang pinaradaha­n. Katabi si Ming sa driver’s seat at nasa likod naman ng sasakyan ang dalawang kasama nitong dalaga.

Saglit na natigagal, napabilis ang pagbaba ni Edel sa hulihang upuan ng kotse nang mabilis na buksan ni Mr. Apolonio ang pinto ng sasakyan sa may upuan ni Amyra.

“Sorry, Ms. Amyra,” hingi niya nang paumanhin dahil hindi siya ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan sa gawi nito.

“That’s alright, Edel. Mr. Apolonio will do as you are my companion!” Tumawa lamang ito.

Nag-init nang bahagya ang pisngi ni Edel, kaya maliksi naman siyang lumibot ng sasakyan at inunahan si Amyra sa pagbubukas ng pintuang salamin na papasok sa shopping mall!

“!” lingos pa sa kaniya ni Amyra.

Tumango lamang si Edel at sinabayan si Amyra sa pagpasok sa isang cafe parlor. Iniatras agad niya ang isang upuan para sa dalaga, saka hinintay itong makaupo at mabigyan ng menu card bago siya kumuha ng sariling upuan.

Pagkaraan ng may kalahating oras sa cafe parlor, sinamahan ni Edel si Amyra sa pagbili nito ng regalo para sa isang kaibigang babae. Isang brooch na hugis-kalasag o panangga sa sibat ang pinili nito.

Pinanood ni Edel ang pagtiyak ni Amyra na bagay sa damit na isusuot ng kaibigan ang pagkakabit sa brooch. Nagpalabas si Amyra sa sales girl ng isang ss na may habang hanggang bukong-bukong.

“How about trying this on a mannequin. Bagay kaya sa kung anong dress color ang brooch na ito!”

Nagsalita na ngayon sa Tagalog si Amyra habang kausap ang sales girl. Naisip ni Edel na “bumabagay” ito sa wikang ginagamit ng marami sa lugar na iyon. Naisip niyang Ingles o Pranses ang wika nitong ginagamit kung nasa Paris ito o nasa Vienna man ito.

Isinuot ng sales girl sa mannequin ang kinuha nitong isang berdeng bestida. Sinipat iyon ni Amyra ang damit sa tapat ng nakabuyang­yang na dibdib. Saka kinuha nito sa sales girl ang brooch at ipinansara sa ibaba ng dibdib ng bestida. Kadalasan, sapat nang gamitin ang zipper o hook n eye sa mga pangkarani­wang damit.

At nang mukhang nasiyahan, nakangitin­g bumaling si Amyra kay Edel. “See how beautiful is this brooch against the

!”

Kumikinang sa tingin ni Edel ang berdeng brooch na may dalawang ga-hinliliit na tanim na brilyante!

“Even if the color of the dress is velvet, the brooch will be a brilliant focus of attention!” papuri naman ni Edel.

Habang nakangitin­g bumaling kay Edel ang dalaga, parang nanunukson­g nakatingin sa kaniya ang mga mata nito!

“I will take it!” sabi ni Amyra at sumunod si Edel sa paghakbang nito pagawi sa cashier.

Hindi nagpahalat­ang nagulat si Edel nang makita ang halaga ng brooch sa tumunog na cash register pagkaraang isubo roon ang credit card ni Amyra. Nagkakahal­aga ang nasabing pansara sa dibdib ng bestida nang beinte mil!

“I should have bought this kind of brooch in any jeweler’s shop in Paris!” nasabi pa ni Amyra nang isinisilid na nito sa handbag ang nakabalot na biniling regalo, saka ang credit card nito! “Hope my friend will keep my gift as valuable as my friendship with her!”

Isinama pa ni Amyra si Edel sa condo unit nito na malapit sa malaking park sa Bonifacio Global City. Bago ang unit na iyon at nagtaka siya sa sinabi nito.

“Sorry, Edel. Dino brought me here immediatel­y after he fetched me from the airport. I will redesign this unit soon so it will look like my apartment in Paris!”

Bago nga ang condo unit, naisip ni Edel. Sa tingin niya, si Amyra lamang ang unang umukupa ng unit na iyon.

AYAW pumayag si Amyra na tumawag lamang siya ng Grab nang paalis na siya sa condo. Iginiit nito na magpahatid siya kay Mr. Apolonio sa pupuntahan niya.

“Sir, inyo pa rin ang serbisyo ko kahit si Ms. Sobresanto­s ang sine-service ko ngayon!” sabi ni Mr. Apolonio.

“Thanks naman, Mr. Apolonio. Madali lang namang

 ??  ?? "Sorry, Edel. Dino brought me here immendiate­ly after he fetched me from the airport. I will redesign this unit soon so it will look like my apartment in Paris!"
"Sorry, Edel. Dino brought me here immendiate­ly after he fetched me from the airport. I will redesign this unit soon so it will look like my apartment in Paris!"

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines