Liwayway

Richard Quan, Proud... Nonie V. Nicasio

-

MATAPOS maging bahagi ng teleseryen­g A Soldier’s Heart, napapanood naman ngayon ang award-winning actor na si Richard Quan sa TV series na Bagong Umaga. Nagsimula na ito noong Oktubre 26 at napapanood tuwing 2:30 ng hapon sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.

Tinatampuk­an ito ng mga nakababata­ng Kapamilya stars na sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores, at Heaven Peralejo. Iikot ang serye sa anim na kabataan na magkakabit ang kuwento dahil sa kani-kanilang nakaraan.

Nabanggit ni Richard ang role niya sa Bagong Umaga. Gaganap siya rito bilang ama ng karakter ni Tony Labrusca. Ngunit may twist daw ito, isang dark at complex na katauhan.

Pinuri ng premyadong aktor ang mga kasama sa naturang serye.

Aniya, “It’s exciting to work with the cast from veterans to popular actors of this generation, nararamdam­an mo ‘yung energy sa set, everybody is doing his best.”

Pahabol pa ni Richard sa mga kabataang tampok dito, “Impressive lahat sila, may kani-kanya silang traits or something to be proud of.”

Idinagdag pa niya na ang magandang samahan at smooth ng trabaho ng lahat ay maaaring bunsod ng kasalukuya­ng sitwasyon, pati na ang nagiging normal na practice ngayon sa mga teleserye na lock-in taping.

Ipinahayag din ni Richard na magandang balita rin na umeere ang kanilang mga TV program sa .

“I’m hopeful sa online way of viewing ng TV shows,

‘yung future,” pakli pa niya.

Ang mga aabangang proyekto sa kanya ay sa Cinemalaya at isang iWant TV show.

Kasama sa casts ng Bagong Umaga sina Sunshine Cruz, Cris Villanueva, Glydel Mercado, Rio Locsin, Keempee de Leon, Nikki Valdez, Bernadette Alisson, at iba pa, sa pamamahala nina Direk Carlos Artillaga at Direk Paco Sta. Maria. kasi

I think eto

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines