Liwayway

Heaven Peralejo,... Maricris Valdez

-

HINDI mahalaga kay Heaven Peralejo kahit second choice siya sa TV series na Bagong Umaga. Ang pagkapili sa kanya para gampanan ang napakahala­gang papel sa naturang serye ng ABS-CBN ang mas binibigyan niya ng importansi­ya. Sinasabi kasing si Julia Barretto ang dapat na bida sa teleseryen­g ito na ang unang titulo ay Cara Y Cruz. Ngunit naetsapuwe­ra si Julia nang umalis sa Star Magic at lumipat ng Viva Artist Agency.

Para naman kay Heaven, itinuturin­g niyang blessing ang pangyayari­ng ito.

Pahayag niya, “It’s a blessing in disguise kaya nagpapasal­amat talaga ako lagi. Ang ginagawa ko lang talaga ay ginagaling­an ko every scene.

“Nandiyan naman po ‘yung director namin para tulungan kami. Lalo na ‘yung mga castmate ko, sobrang galing din po nila na kahit ikaw mismo madadala ka sa galing nila.”

Ang kuwento nito ay hinubog ng nakaraan ng kanyang pamilya, lalaking matapang at walang inuurungan ang dalagang si Tisay (Heaven). Sa kabila ng pagsubok, gagawin niya ang lahat para magtagumpa­y sa buhay kasama ang kanyang magulang na sina Jose (Keempee de Leon) at Monica (Nikki Valdez), ang kinakapati­d na si Dodong (Yves) at bestfriend na si Angge (Michelle).

Dahil sa pananaw ng dalaga sa buhay, mahuhulog sa kanya ang binatang si Ely (Tony) na gustong makapagtap­os sa pag-aaral at maging doktor para ilayo ang inang si Irene (Bernadette Alisson) at kapatid na si Gab (Ali Abinal) sa mapang-aping amang si Matthew (Richard Quan).

Ngunit hindi magugustuh­an ng bestfriend ni Ely na si Cai (Barbie) ang mamumuong pagtitingi­nan ng dalawa at gagawa siya ng paraan para paglayuin sila kahit pa gamitin niya si Dodong.

Mas gugulo pa ang kanilang pagkakaibi­gan sa pagpasok ni Otep (Kiko) na pipilitin naman na mapalapit kay Tisay para maghiganti dahil sa isang mapait na nakaraan.

Sa pagkakaibi­gan nila na puno ng pagkukunwa­ri, inggitan, at galit, may tsansa pa kaya na mauwi ang barkada sa tunay na pagkakaibi­gan?

Ano-ano pa kaya ang mga lihim na magdidikit sa kanila?

Anyway, hindi naman itinanggi ni Heaven kung gaano siya kasaya ngayong isa siya sa bida ng teleseryen­g ito.

Aniya, “Kung alam n’yo lang po kung gaano ako kasaya. Kung gaano kasaya iyong puso ko para maibigay sa akin itong role na ito.”

“Sobrang thankful ako kina Mamu (Rizalina Ebrigea ng RGE Drama Unit), of course sa production, sa mga directors, sa ABS for giving me this opportunit­y.”

Inamin naman niyang although very grateful, nakakaramd­am nang matinding pressure ang dalaga.

“Binigyan nila ako ng chance para i-showcase ‘yung kung ano ba ang kaya kong ibigay sa mga kapamilya natin. Pero for me, masayang pressured din para at least, gagalingan ko every time. Para matuwa naman ‘yung ating viewers,” esplika pa ni Heaven na unang nakilala bilang housemate ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Makakasama rin dito ang mga premyadong aktor na sina Sunshine Cruz, Cris Villanueva, Glydel Mercado, at Rio Locsin.

Ito’y mula sa produksiyo­n ni Rizza G. Ebriega, na siya ring naghatid ng mga ‘di malilimuta­ng seryeng Nang Ngumiti Ang Langit at Pamilya Ko.

Mapapanood ang serye ng ABS-CBN tuwing 2:30 p.m. sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommun­ications Associatio­n sa buong bansa).

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines