Liwayway

George Deoso

-

TATLUMPUNG minuto na silang naka-checkin at nasa banyo pa rin si Fred. Nakahiga sa kama si Ricardo, bihis na bihis pa rin, ni hindi pa tinatangga­l ang sapatos, pinakiking­gan ang bidet, ang , ang bidet muli. Flush muli. Gusto niyang naghihinta­y. Nakatitig siya sa patay na bumbilya sa kisame. Patay rin ang TV, walang bintana sa kuwarto. Sa siwang ng pinto ng banyo nagmumula ang tanging liwanag.

Iniisip niya kung paano na naman siya babalik sa bahay, kung saan naroroon na naman ang kanyang magulang. Day-off nila. Pang-araw-araw na tanong: Sasabihin ko na ba? Alam na ng mga kaklase niya sa kolehiyo noon, alam na rin ng mga katrabaho niya ngayon.

Gusto niyang naghihinta­y dahil humahaba ang oras. Oras para makumbinsi ang sarili, makasiguro. Kahit papaano. Kinutkot niya ang mga kuko, inamoy ang hininga sa palad, maayos naman. Tumayo siya at hinarap ang salamin. Hindi nawawalan ng salamin sa mga nirerentah­an nilang kuwarto. Sa loob ng kuwarto’y kumakanta ng isang aria si Fred.

“Dis Bildnis sind bezaubernd sch̉n…”

Sinabayan ni Ricardo ang kanta, nakatitig sa sarili. Inangat niya ang isang braso, pinaumbok ang masel, ang bicep. Hinawakan niya ito at nakaramdam kahit papaano ng seguridad. Ibinaba niya ang braso at tumayo nang tuwid, pinaumbok ang dibdib sa ilalim ng t-shirt.

Nang iniangat niya ang isa pang braso, bumukas ang pinto ng banyo. Nakita siya ni Fred sa harap ng salamin. Tinanong siya nito: “Ano’ng ginagawa mo?”

Saglit silang nagkatingi­nan bago ibinalik ni Ricardo ang atensiyon sa sariling braso. “Hindi ko alam,” pagtatapat niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines