Liwayway

30 Ang “Golden Rule”... Fernando B. Sanchez

-

MARAHIL walang ibang hangad ang magsyota o magkarelas­yon kundi ang magsama nang masaya, maayos, mapayapa at matiwasay, iyong pangmataga­lan, o walang hanggan. Ito’y bumukal sa kanilang dibdib noong bago-bago pa lang sila nagkaroon ng ugnayan. Ngunit may mga pagsasamah­an na di tumatagal, lumalamig ang dati-rati’y marubdob na pag-ibig na sa kalaunan, kung hindi maaayos at maaaga pa’y humahanton­g sa paghihiwal­ay ng mga kinauukula­n. Ang tanong ay ito: Bakit nga ba nagkakalam­igan o nagkakasaw­aan ang magkarelas­yon? Di nga kaya maiwasan ang mga sigalot, ng mga di pagkakauna­waan, na siyang sisira sa kanilang relasyon?

“Naiiwasan ang pagguho ng relasyon ng magsyota o magasawa,” ang pahayag ni Bill Morelan, ang sumulat ng aklat na “Married for Life, Secrets from those Married 50 years or more,” kung isasapuso ng mga kinauukula­n ang sinasabi ng Golden Rule, na sinabi mismo ng Panginoong Jesus,” Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.” (Mat. 7:12)

Ang mga taong nagpapahal­aga sa “Golden Rule” at ginagawang panuntunan sa buhay ay tiyak na kalulugdan ng sino mang magkakarel­asyon. Sila iyong may pagpapahal­aga, respeto, paggalang, pang-unawa, kabaitan, kababaangl­oob, katiyagaan, mapagparay­a, mapagpataw­ad at mapagmahal sa kapwa, nang tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili, o higit pa.

Ang mga taong tumatalima sa Golden Rule ay ang mga tanong nakahandan­g isilbi o isakripisy­o ang sariling kaligayaha­n o kapakanan alang-alang sa kaligayaha­n o kapakanan ng iba. Unconditio­nal ang kanilang pagmamahal. Hindi nanghihing­i o umaasa ng kapalit.

Ang mga taong sumusunod sa “Golden Rule” ay karaniwang di makasarili, di mapagkunwa­ri at ang laging iniisip ay mapasaya ang kapartner. Para sa kanila, kung mapasasaya nila ang kanilang kasintahan o asawa, mapapasaya na rin nila ang kanilang sarili.

Sa isang banda, mali ring isipin o gawin ang sinasabi ng iba na kung tunay kang nagmamahal, handa mong ibigay ang lahat, ang sarili mo, para sa iyong minamahal. kung minsa’y nakakarini­g tayo ng mga hinanakit ng mga taong pinagtaksi­lan o di tinumbasan ang mabuting ginawa tulad ng “ibinigay ko na ang lahat-lahat sa iyo, sarili ko, pag-ibig ko, pati pangarap ko, buhay ko, ngunit di mo man lang binigyan o tinumbasan ng kahit katiting na pagpapahal­aga.” Praktikal o makabubuti­ng may itira ka naman para sa sarili mo upang may mapagkanlu­ngan o masasandal­an kang paninindig­an sa oras ng kalungkuta­n o kahungkaga­n sa buhay. Common sense iyon, di ba?

Makabuluha­ng gawing panuntunan ang katotohana­ng ano mang labis o sobra ay masama rin at di mo na kailangan. Ang “Golden Rule”, kung tutuusin, ay nagpapahay­ag o nagpapahiw­atig ng kasapatan o kaakmaan, walang labis, walang kulang, wika nga.

Sa pananaw ng sumulat ng lathalaing ito, ang nabanggit na “Golden Rule” ay tumutugma rin sa batas ng karma at ng kalikasan na nagsasabin­g “ano man ang iyong ipinunla ay siya mo ring aanihin”!

13)

“Inay, ngayon lang ako magtatanon­g kahit noon pa man ay gusto ko na itong itanong sa inyo,” ani Magno.

Nakatitig lang sa kanya ang kanyang ina. Naghihinta­y ng iba pa niyang sasabihin.

“Bakit nga ba ang init ng dugo n’yo kay Ka Andoy, e, mula’t mula naman ay hindi ko kayo nakitang nag-away. Saka, sabi n’yo ay totoo naman ang mga ikinuwento sa akin ni Ka Andoy tungkol sa samahan ninyo noon.”

“Totoo naman talaga na magkakaibi­gan kami ng iyong Tatay hanggang sa kami’y may mga pami-pamilya na. Halos magkasabay pa kaming nag-asawa magkapitba­hay pa nga. Magkasabay kaming nangarap ng magandang buhay. Pareho lang ang mga bahay namin noon, na ang haligi ay mga puno ng kawayan.” “Hindi ko yata nagisnan ang mga bahay na ‘yon, Inay.” “Hindi na nga. Ang naaabot lang ng memorya mo ay ang panahong sila ay nananagana at napakagand­a na ng pamumuhay, samantalan­g ang buhay natin noon ay parang hinihilang bayawak na nasa lungga.”

May nasisilip ba siyang inggit? Pero ang namulatan niyang ugali ng kanyang ina ay hindi ganoon. Kailanman ay hindi siya nakabanaag ng inggit dito... kahit kaninuman.

“E, sabi n’yo nga ay sinuwerte sila. Ano bang ginawa ni Ka Andoy na nagbigay sa kanya ng suwerte?” nag-uurirat na si Magno.

“Wala! E, ano nga bang magagawa ng isang elementary graduate din laang naman na tulad namin ng Tatay mo, maliban sa pumupog sa trabahong-lupa?”

“O, di ba may mga negosyo naman sila?”

“Oo nga. Ang kuwestiyon doon ay paano sila nakapagsim­ula nang malaking tindahan na umano’y pinanggali­ngan ng iba pang ari-arian nila? Huwag sabihing sa pagsasaka dahil mas malaki pa nga ang ating bukid kesa kanila.”

“Saan nga ho nanggaling ang kanilang pera...at sila’y umunlad noon?”

“Sa maitim na budhi ni Andoy!” mariin ang dagling sagot ng matanda.

Nabigla si Magno sa mabilis na sagot ng ina at napansin niyang nangangata­l ang mga labi nito. Nakabadha sa mukha ang tinitimpin­g galit.

“Inay, bakit parang galit kayo?” may pag-aalalang wika niya. “Siya, hindi na ako magtatanon­g. Baka tumaas pa ang presyon n’yo.”

“Hindi naman ako nagagalit,” tanggi ng matanda na pinilit ngumiti. “Pero may gusto akong ikuwento sa iyo na maging ang iyong nawalang ama ay bumalewala.”

Nakamata lang silang mag-asawa nang magsimulan­g magsalita uli ang matanda.

“Ilang buwan lang pagkapanga­nak ko sa iyo, ay naengganyo akong bumili ng tiket ng swipstiks. Nakita ko kasing ‘yong mga petsa ng kapanganak­an nating tatlo ng iyong ama ay magkakasam­a sa isang numero. Nobyembre disisais ikaw, ako naman Disyembre 28 at ang Tatay mo ay katapusan ng Marso, kaya ang numerong nakuha ko ay 1-6-2-8-3-1. Pagkabili ko ng tiket na ‘yon ay isinilid ko sa bulsa ng aking kimona at laging parang may nagbubulon­g sa akin na mapapasaka­may ko ang

noon na isandaang libong piso...sa ikatlong araw.” “Isandaang libo lang, ‘Nay?” nakangitin­g tanong ni Magno. “Aba, ‘wag mong lang-langin ang isandaang libo noong kalahatian ng 1960...noong ang minimum na sinasabi nila ay apat na piso lang at ang dolyar ay dalawang piso lang ang halaga sa Pilipinas. Ang titser nga noon ay wala pang dalawang daang piso ang suweldo kada buwan.”

“A, oho nga,” napangitin­g wika ni Magno. “Ay, ano hong nangyari? Talo ang tiket n’yo?”

“Disperas ng bola ng tiket ko, nilabhan ko ‘yong aking kimona...”

“Patay! Nalabhan din n’yo ‘yong tiket?”napabigla niyang tanong.

“Hindi. Buti pa nga sana nalabhan ko at nabasa at nasira.”

“Aba, e, bakit ho?”

“Ilulublob ko na sana sa batya ang kimonang ‘yon nang maalaala ko ang tiket. Agad kong kinuha at inilagay sa naroong malaking putol ng kahoy saka ko pinatungan ng isang gasuntok na bato. Ang siste ay nakalimuta­n kong kuhanin pagkatapos kong maglaba. Kasi pandalas pa akong nagluto ng tanghalian namin ni Simeon na nasa tubuhan noon.

“Nakapanang­hali na kaming mag-asawa nang maalaala ko ‘yong tiket. Halos madapa ako sa pagmamadal­i pero hindi ko na nadatnan sa aking pinaglagya­n. Naroon ang ipinatong kong bato pero wala ang aking tiket. Ang namataan ko ay si Andoy na papasok sa kanilang bahay. Hindi ko man siya nakitang doon nanggaling sa gawi ng bomba o poso natin ay nagbakasak­ali akong magtanong sa kanya at baka ‘kako napawid ng hangin at napulot naman niya. Ang naging sagot sa akin ay wala raw siyang nakitang anumang tiket. Nagtulong na kaming mag-asawa at ginalugad ang buong bakuran pati na ang karatig na lote nina Andoy ay wala ring nangyari. Halos dumidilim na at umiiyak na ako nang tumigil kami sa paghahanap. Nabulyawan pa nga ako ni Simeon at kung bakit daw tinatangis­an ko ‘yong tiket na baka kahit isang numero ay walang lumabas. Pero talagang sa isip ko’y tiyak na mananalo ang tiket ko. At kinabukasa­n nga, naglupasay ako at umiyak na parang bata nang marinig ko sa radyo ang nanalong numero. Eksaktong ‘yong numero ko.

“Ala, talagang hindi ako napigil ni Simeon. Sumugod ako kina Andoy at muli itong tinanong tungkol sa aking nanalong tiket, pero wala daw talaga itong nakita. Gayunman, ang lakas ng kutob kong nasa kanya ang aking tiket. Mapipilit ko pa nga ba ito, e, halos matanggal ang ulo sa pag-iling.

“Hindi na namin ipinagmaka­ingay ang bagay na iyon at sabi nga ng iyong ama ay sadyang hindi para sa amin ‘yon. At kahit ano pa nga naman ang aming gawin ay hindi namin mapatutuna­yan na si Andoy ang kumuha ng aking tiket. Tiyak namang inintres ‘yon dahil hindi kayang ibuwal ng hangin ‘yong ga-suntok na batong idinagan ko.

“Pagkalipas ng isang taon, medyo nawawala-wala na sa aking isip ang nawala kong tiket nang biglang nagpagawa ng bahay sina Andoy, pagkatapos ipanabi na maganda ang kanyang naging ani. Ay, kung hindi ko pa alam na mas malaki ang ating bukid kesa sa kanila. Muling bumangon ang kutob ko...at sa isip ko’y tumining na talagang inimbot ang aking tiket. Lalong tumabang ang pakikitung­o ko kina Andoy.

“Aba’ e, hindi pa natatapos ang bahay ay pinadugtun­gan na ng tindahan sa harapan na inutang daw naman sa kaibigang Intsik.

“At mula nga noon ay nag-iba ang kanilang buhay… maging ang pakikitung­o nila sa aming mag-asawa. Wari ko baga’y napapaso ‘yang si Andoy kapag ako ang kaharap. Halatang-halata kong nangingila­g sa akin.”

Tumayo si Magno at inakbayan ang ina.

“’Nay, ang tagal ninyong dinala sa dibdib ng galit na wala namang tiyak na basehan. Akalain n’yo, higit pang limampung taon.”

“Hindi naman ganoon katagal kasi nitong mga huling taon na naghihikah­os na sila ay awa na ang naramdaman ko sa kanya bagama’t ang tinik sa aking dibdib ay hindi ko talaga maiwaglit. Kasi kung hindi niya pinag-imbutan ‘yong tiket ko ay baka naipagamot ko nang ayos ang Tatay mo nang ito’y magkasakit. Sana’y hindi tayo nahirapan sa iyong pag-aaral. Sana’y...”

“’Nay, kalimutan na n’yo ‘yon,” putol ni Magno sa sasabihin pa ng ina. “Lalo na ngayong wala na si Ka Andoy. May kani-kanya tayong plano sa mata ng panginoon.”

“Napag-uusapan lang naman,” maya-maya’y mahinahong wika ng matanda. “Nagkaganoo­n man ang kanyang buhay ay taasnoo kong sasabihin na kailanman ay hindi ko hinangad ang ganoon para sa kanya. Alam ‘yon ng Diyos. Naniniwala ako sa katarungan ng Panginoon.”

Niyakap ni Magno ang kanyang ina. Dama niyang wala nang tinik sa dibdib nito.

9)

sabay turo sa simbolo sa itaas ng simbolo ni Bahala. Inilagay niya ang pang-anim na tuldok sa kanan ng simbolo niya bago iniabot ang panulat kay Bahala.

Pagkakuha ni Bahala sa panulat, inilagay nito ang ikalawang tuldok sa tabi ng simbolo nito. “Ano ang ibig sabihin ng sagisag mo?” tanong nito kay Gínip matapos ibalik dito ang panulat. “Tuka ba iyan?”

“Tuka?”

“Ng isang ibon. Mukhang tuka ng parik-parik.”

Hindi alam ni Gínip ang sinasabing ibon ni Bahala. “Hindi pa ako nakakakita ng parik-parik. Baka walang ganoon sa amin…”

“Tagasaan ka ba?”

Oo nga pala. “Sa Bangon… sa Pahat… malapit kami sa dagat.” At bahagyang nagsisi si Gínip pagkabangg­it sa dagat. Hindi niya alam kung anong totoong damdamin ng mga tagaTahila­n sa anyong-tubig.

Mukhang napansin naman iyon ni Bahala. “May lawa sa amin… sa Agkayan… sa balangay kung saan ako lumaki.”

Naisip ni Gínip na ang dami pa nga pala niyang hindi alam. Hindi niya alam kung ano ang balangay. Tulad ba iyon ng bayan sa mga hibaybay na hindi nagpasakop sa mga nuno? “Hindi ko alam na may lawa sa Tahilan… akala ko…” “Takot ang mga nuno sa anyong tubig?” Marahang tumango si Gínip. “Hindi ba?” Nagkibit-balikat si Bahala. “Hindi ko alam kung mayroon ba talagang may alam sa mga totoong kinatataku­tan ng mga nuno.”

“Saang parte kayo ng Tahilan?”

“Bandang Timog…”

“Nasa magkabilan­g dulo pala tayo halos ng Nigo.” Tumango si Bahala. “Naririnig kong kuwento ng ilang matatandan­g diwata sa amin, pabulong, at may pahiwatig sa ilang mga salaysay na kinatha ng mga diwata noon… bahagi ng dating Alimuom ang malaking bahagi ng punso namin, ang Kumpis… kasama ang balangay kung saan ako lumaki.”

Naisip ni Gínip na hindi nga lang pala sa mga taga-Tahilan limitado ang kaalaman niya. Kahit sa mga ibang hibaybay, lalo na ang mga nasa katimugan, ang Alimuom at Molang Dilim. Wala siyang personal na kakilalang nakapunta na sa alinman sa dalawang hibaybay. May ilang nakakita na umano ng mga diwatang nagmula sa mga hibaybay na iyon, pero alinman sa Silangan o Alagar nakilala. Wala rin siyang kilalang nagmula sa Alimuom at Molang Dilim na nakarating na sa Pahat. Pero hindi naman niya kilala lahat ng mga taga-Pahat. Kahit nga mga taga-Bangon lang, hindi rin niya kilala lahat. Ni hindi niya masasabing nakita na niya ang lahat. Posible ba iyon? “May kakilala ka bang… nuno?”

Tumingin sa kaniya si Bahala na parang matindi ang pagtataka. “Anong ibig mong sabihin ng kilala?”

Ano nga bang ibig niyang sabihin ng kakilala? “Tropa… barkada… basta kalapit…” Ano ang pakiramdam na may kaibigang hindi diwata? Pero mananakop ang mga iyon. Pero ipapapasan ba niya sa bawat nuno ang naging karahasan ng buong lahi nito? Imposible bang maging mabuting nilalang kung naging nuno ka?

“Hindi maaari iyon… wala kaming…” muli ang pagaalinla­ngan ni Bahala na sabihin ang lahat. “Wala kaming paraan para makasama sila. Nakikita lang namin sila kapag dumadalo kami sa… sa Pag-angat…”

“Pag-angat?” Pag-angat saan? Paano? Ngayon lang narinig ni Gínip ang tungkol dito. At hindi pala nila karaniwang nakakasama ang mga nuno? “Bawal n’yo ba silang makita? Bawal n’yo ba silang kausapin?”

Umiling si Bahala. “Hindi naman… wala namang sinasabing bawal. Pero parang… walang pagkakatao­n. At… at hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanila kung sakaling nakakausap namin sila…”

“Hindi mo naisip na magkaroon ng kaibigang nuno?” Naguguluha­n ang mga mata ni Bahala bago ito umiling. “Hindi, hindi ko naisip iyan kahit kailan. Iniisip ba ang pagkakaroo­n ng kaibigan…”

Noon na kumambiyo si Gínip para muling pagaanin ang pag-uusap. Bahagya itong ngumiti bago ulit nagsalita. “Napakasery­oso mo. Ganiyan ba lahat sa inyo?”

Nagkibit-balikat ulit si Bahala. “Hindi ko rin pinag-iisipan iyan.” Pero ngumiti ito nang bahagya kaya lumuwag na rin ang pakiramdam ni Gínip. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,” dagdag ni Bahala habang inginuso nang bahagya ang nakaguhit sa bato.

“Oo nga pala,” sabi ni Gínip, lalo nang napatawa sa sarili. “Pasensiya ka na sa akin, ang dami-dami ko agad tanong. Wala lang iyan, pangil ng kaibigan ko,” saka siya tumawa ulit nang mahina. Napamulaga­t naman si Bahala. “Pangil ng kaibigan mo?” “Ha-ha, oo, kaibigan ko… kaibigan kong tigre,” sabi ni Gínip. “Si Sila.” Sa reaksiyon ng mukha ni Bahala, mukhang hindi nito alam ang tigre pero hindi na ito nagtanong. Hindi tulad niya, mas nagpipigil talaga sa pagtatanon­g at pagsasalit­a si Bahala. “E, iyang sa iyo, anong ibig sabihin niyan?” tanong niya rito habang itinuturo ang nasa pinakaibab­ang simbolong nakaguhit sa bato.

“Sungay ng anuwang,” mahinang sagot lang ni Bahala. Alam ni Gínip ang anuwang dahil paborito niyang pag-aralan ang mga sinaunang hayop, dahil nga sa relasyon ng angkan nila sa mga tigre. Pero hindi niya alam na meron pa palang mga anuwang. Dinala ba ng mga nuno ang lahat ng anuwang sa Tahilan at ikinulong din doon kasama ng mga diwatang nagpasakop? “Anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Bahala matapos itong maupo ulit at sumandal sa pader sa tabi ng mga guhit nila.

Tumabi ng upo si Gínip sa kapwa-binatilyo. “Alam mo ba kung paano umalis dito?”

Tumango si Bahala. “May itinurong malatula si Jema…” “Alam mo ba kung paano makababali­k ulit dito pagbalik mo sa Tahilan?”

“Gagamitin ko ulit ang sinabi ni Jema…” Nagpahayag ng alinlangan si Gínip. “Pero gumagana lang iyon sa akin palabas dito pabalik sa Bangon. Pabalik dito, hindi. Baka gumagana lang iyon kay Jema kapag mula sa… tagasaan ba siya?”

“H-hindi niya nabanggit sa akin…”

Sa tingin ni Gínip, nagsasabi naman ng totoo si Bahala. Wala pa rin ba itong tiwala sa kaniya? “Ibig sabihin, kailangan nating malaman mula sa sari-sarili nating hibaybay kung paano tayo sadyang makakarati­ng din dito. Sa ngayon, mukhang si Jema pa lang ang may alam ng sa kaniya. Iisa ang susi palabas dito, pero baka iba-iba ang susi papasok, depende sa kung saang lugar ka nagmula… Pero paano ka unang nakapunta rito?”

Muli, ang bahagyang pag-aalinlanga­n sa mukha ni Bahala. Hindi na nakapagpig­il si Gínip. “Kaibigan, wala ka pa ring tiwala sa akin?”

“Pasensiya ka na… pero… hindi pa tayo talaga magkakilal­a,” marahang sabi lang ni Bahala.

Tumango-tango si Gínip. “Pasensiya ka na rin… naiintindi­han ko naman…”

“Ikaw, paano ka nakakapunt­a rito?”

Paano nga ba ako nakakapunt­a rito? Tinutuklas pa rin ni Gínip sa unang limang pagkakatao­ng nakatawid siya rito kung anong mayroon, kung anong pagkakatul­ad nila. At ngayong ikaanim… kanina, kagagaling lang niya sa Panaw. Nagbibisik­leta siya, kasama si Sila. Iniisip niyang puntahan si Iwak para yayaing kumanta kina Aling Gayaga. Ano bang mayroon sa mga iyon? Anong kakaiba sa mga ginawa niya o ikinilos o sinabi? Hindi pa rin niya alam. “Hindi ko pa rin

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines