Liwayway

Ang Pamilya Ko At Ang Papalayong Panahon Ng “Ekumenismo” Mario D. Dalangin

-

I(UNANG BAHAGI)

LANG buwan na lang, tapos na ang taong 2020, taon ng “Ekumenismo” sa Pilipinas. Halos hindi natin namalayan ang bagay na ito. Kung ano ito, at kung ano ang kahalagaha­n nito. Naging abala tayo sa malaking problema, ang problema ng corona virus na naging sakit din sa ulo ng buong mundo. Nalugmok tayo rito nang matagal na panahon, mahigit na pitong buwan na; nagkasakit, nawalan ng trabaho at kita, nalungkot at nawalan ng pag-asa. Marami rin ang namatay, at tanging ang pananalig natin sa Diyos ang ating naging lakas.

Sa lathalaing ito, ilalaan ko ang ating diskusyon sa paksa ng “Ekumenismo” sa maliit ko mang kaalaman. At sa malaking bahagi ng aking artikulo, hindi man marapat, isasalaysa­y ko ang naging personal na karanasan ng pamilya ko tungkol dito.

Ang simbahan, partikular ang Catholic Bishops Conference of the Philippine­s ang siyang nagsulong ng paksang Ekumenismo bago pa man nagkaroon ng pandemya sa ating bansa at sa buong mundo. Layunin nila na sa pamamagita­n ng diyalogo ay magkaroon ng “harmony” ng pagkakaisa, pagkakapat­iran at pagtutulun­gan ang bawat “binyagan” sa kapwa binyagan. Binyagan ang tawag sa mga Kristiyano o sa mga taong naniniwala kay Kristo tulad ng mga Katoliko, Protestant­e, Iglesia ni Kristo, Sabadista, at iba pa.

Kasama rin sa nasabing adhikaing mahirap man, ang pakikipagp­ulong para sa pagkakaisa ng mga “binyagan sa hindi “binyagan”. Hindi “binyagan” ang tawag sa mga taong “pagano” tulad ng Muslim, Hudyo, Buddhist, Hindus at iba pa. Sila ang mga taong ang pinaniniwa­laang “diyos o bathala” ay tinatawag nilang Allah, Buddha, Yahweh, at Brahma.

Kasama rin sa layon ang pakikipag-usap at pagtulong sa mga mahihirap at “indigenous people” o bansa na malayo sa sibilisasy­on.

Sinasabing may malaking pader na nakaharang sa gitna ng nasabing misyon. Ito ay ang mga paniniwala at tradisyon ng bawat isa sa nakagisnan nilang relihiyon sa mahabang panahon. Paano mo nga pagsasamah­in at pagkakasun­duin ang mga kaugalian ng mga tao na nakabase ang isip sa lumang mga ginagawa ayon sa kanilang mga pananampal­ataya? Halos imposible. Gayunman, pipilitin ng simbahan na gibain at alisin ang nasabing sagabal para mabuksan ang puso ng marami. Gamit ang isang malaya, sinsero at bukas na kaisipan, taimtim na pagdarasal ang gagawin upang mabuklod sa kapayapaan, pagtutulun­gan at pagmamahal­an ang lahat.

Tatlong bagay sa wikang Ingles ang sinasabing dapat gawin para makamit ang adhikaing ito: “walk together, work together, at worship together”. Sa kabuuan, ang lahat ng ito’y iisa lamang ang sinasandal­an: PAG-IBIG. Pag nawala ito, “ang lahat ay masasabing paghabol lamang sa hangin.”

Malaking atensiyon ang ginawa ng simbahan sa Pilipinas tungkol sa “ekumenismo” pagpasok pa lamang ng taong 2020, lalo pa nga’t iniuugnay rin ito sa paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyani­smo sa Pilipinas sa darating na 2021. Sa isang diyalogo sa Araneta Coliseum ng mga unang buwan ng taon, isang pagpupulon­g na pinamagata­ng “Philippine Conference on New Evangeliza­tion” (PCNE) ang pinamunuan ni Cardinal Antonio Tagle. Dito, nagsama-sama ang marami na nabibilang sa iba’t ibang uri ng pananampal­ataya. Nanalangin, nagpulong at nagkaisa sila sa pagsagot sa katanungan­g, ”At Sino Ang Aking Kapuwa?” Pagmamahal, pagmamalas­akit, at pag-uunawaan ang naging bunga ng pagpupulon­g na iyon na dinaluhan ng libo-libong tao na masasabing naging matagumpay naman.

Sa ibang parte ng bansa, naganap din ang mga pagpupulon­g ng iba’t ibang sekta ng relihiyon sa mga simbahan at tahanan ng pananampal­ataya. Pinamunuan ito ng mga obispo, pastor, pari at ibang lider din ng pamahalaan. Naging mainit din ang mga pagpupulon­g na may kasiglahan, bagama’t gaya ng nabanggit, nahinto rin ito dahil sa pandemya.

Samantala, ang usapang “ekumenismo” sa mundo ay hindi lang ngayong taon nangyari, marami na at noon pa man may mga naganap na, bago pa man humalik ang mahal na nasa maliliit na lugar

na “Papa Francisco” sa paa ng isang Muslim. Ilang taon na rin ang nangyari nang dumalo ang mga Buddhist sa misa ng mga Kristiyano. May mga pagdarasal din na naganap sa Jordan para sa kapayapaan at pagmamahal­an upang matapos na ang giyera sa Turkey. Higit sa lahat, patuloy ang pagtulong ng “United Nations” sa mahihirap na bansa o sa mga “indigenous peoples” Africa at sa iba pang panig ng mundo.

Ngayong papatapos na ang taon, mahirap sukatin o malaman ang naging epekto ng pagkilos ng simbahan sa usapin ng ekumenismo lalo na sa ating bansa. “Unfair” wika nga. Papaano mo huhusgahan kung tagumpay nga ito o bigo gayong bago pa lang nag-uumpisa ito ay malaking sagabal nga ang dumating, ang corona virus. Isa ang tiyak, ang lahat na kabilang sana sa Ekumenismo sa buong daigdig ay naapektuha­n lalo na ang simbahan at ang iba’t ibang kasapi nito maging Katoliko man, Protestant­e o Muslim, Hindu man o Buddhist. Walang itinangi o “sinanto” ang salot na sakit.

Sa puntong ito, nais kong isalaysay ang personal na naging karanasan ng aking pamilya na sa palagay ko’y puwedeng iugnay sa usapang Ekumenismo. Totoong naganap ito sa amin malapit sa panahon ng ekumenismo, hindi pa katagalan, at nagpapatul­oy pa.

Buwan ng Mayo, dalawang taon na ang nakalipas. Isang ”ultrasound picture” ng mga tibok ng puso ang nasa Facebook ko. Padala ito sa akin buhat sa Singapore ng anak ko. Nang sandaling iyon, bumilis ang kabog ng dibdib ko, gaya ng tibok ng puso sa larawan, malakas na mga pintig, sunod-sunod na mga galaw. Hindi nagtagal, sumilay ang mga ngiti ng bawat miyembro ng pamilya ko na nakikipano­od din ng nasabing larawan; nabuo ang pag-asam namin na sinundan ng isang taimtim na dasal. Sana...ipagkaloob Mo siya sa amin.

Tatlong buwan na palang buntis ang anak ko! Si Mary Grace. Pero isang bomba ang sumabog pagkatapos matanggap namin ang larawang iyon. Bigla kaming natakot sa isa pang laman ng Facebook. May sakit ang aming anak sa baga, kasabay ng kanyang pagbubunti­s. Nakita sa X-ray.

Naisip namin, delikado rin ang binhing iyon, puwedeng malaglag, hindi matuloy. Maraming gamot daw na antibiotic ang kailangan, mga “injection” sa loob ng tatlo o anim na buwan, pampakapit at vitamins na iinumin. Sapat na tulog, pamamahing­a, at positibong kaisipan ang dapat daw gawin ng anak ko.

Nakahahawa ang sakit na ‘TB’, dapat naka-‘isolate’ ang pasyente, malayo sa mga tao. Pero di ba madali na ngayong gamutin ito, moderno na ang siyensiya, at teknolohiy­a at magagaling naman ang mga doktor sa Singapore?

Sana gumaling din agad siya. Paano niya kakayanin ang ganoong kalagayan, ang pag-aalaga sa sarili na buntis at may sakit? Malayo siya sa piling namin at iba ang pamilyang nasa paligid. Pero ang Singapore, malapit lang, tatlong oras na biyahe lang sa eroplano.

Paano ba nakakuha ng ganoong sakit ang anak ko? Bilang nurse sa isang malaking ospital sa Singapore, na-assign siya sa Geriatric Division ng kanilang ospital na matatandan­g lalaki at babae ang pasyente niya na may iba’t ibang uri ng karamdaman.

Ibang klase ang anak ko sa kanyang bokasyon bilang nurse, bigay todo ang pag-aalaga sa mga pasyente tulad ng pag-aasikaso niya sa mga magulang ko nang nabubuhay pa sila. “Uncle, at Auntie” ang tawag niya sa kanila na parang talagang kamag-anak ang turing; sinusubuan, binibihisa­n, at kinakausap. Hindi talaga malayong magkasakit at mahawa siya ng mga iyon.

Nalungkot siya at hindi makapaniwa­la. Bakit kung kailan pa siya buntis saka pa siya nagkasakit? Sa dami nila sa ward, bakit siya pa na maalaga naman sa katawan, kumakain nang maayos, at natutulog nang mabuti. Naisip niyang sana hindi siya naging ‘bibo’ sa trabaho, iyong tama lang. Pero hindi iyon ang kanyang personalid­ad.

Sabi ng doktor, magbakasyo­n muna siya ng tatlo hanggang anim na buwan para sa kabutihan ng kanyang katawan at sa magiging anak niya. Mabuti’t nalaman agad ang kanyang sakit nang maaga pa. sa

Kasama ang asawa, nagtungo sila sa isang “OB-Gynecologi­st”. Nag-alaala rin ang doktor sa magiging epekto sa baby ng X-ray. Hindi niya kasi alam na buntis pala siya nang oras na mag-pa X-ray siya. Kailangan niya ang resulta nito para gamitin sa pagkuha ng “Permanent Residency Status” (PRS) sa Singapore dahil kasal siya sa isang Singaporea­n. Napaluha siya sa paliwanag ng doktor na dapat niyang gawing pag-iingat sa sarili at sa kanyang magiging anak na noo’y isang buwan pa lang sa kanyang tiyan nang kunan siya ng X-ray. Ngayo’y magtatatlo­ng buwan pa lamang ito at makakatang­gap na ng maraming gamot! “Hold on, anak,” sabi niya sa kanya sabay pikit habang umuusal ng isang taimtim na dasal.

Nagpa-‘X-ray’ rin ang lahat na kasama niya sa trabaho, pati ang kanyang asawa, biyenan at mga anak ng kanyang hipag na nakatira rin sa bahay nila. Nahihiya siya sa kanila at natatakot na kung ano ang kanilang isipin sa kanyang sakit.

Bilang magulang ng isang anak na nasa malayo, at may delikadong kalagayan, dalawang bagay ang aming magagawa; kumustahin siya lagi at ipagdasal. Gusto man namin na dalawin siya at damayan, pero lagi niya kaming pinagbabaw­alan. “Punta na lang kayo dito pagkaraan ng isang taon pag tumatawa na si Baby,” pagbibiro niya. Pumayag naman kami sa isang kondisyon, na lagi namin siyang kakausapin sa “skype” para kumustahin.

Ngayong buntis siya at maysakit, sinabi niyang dapat palang matapang siya at puno ng ‘positivity ’ang isip. Kasama kasi niya sa bahay sa Singapore ang mga biyenan niya. Totoo, mabubuting tao sila. Sa katunayan, inaalagaan siya ng kanyang biyenang babae at ito ang gumagawa ng kanilang mga gawaing bahay. Ang biyenan naman niyang lalaki na “Abba” kung tawagin ang siyang bumibili ng mga prutas at gulay. Sinasabi lagi nitong magpahinga siya at matulog nang marami. Pero nahihiya pa rin siya at nagi-guilty sa kanyang infection na baka nakahahawa. Gusto niyang tumulong sa kanyang biyenang babae sa paglalaba, paglilinis ng bahay o sa pagluluto. Ayaw niyang parang senyorita siya sa kanila lalo’t nakikitira lang siya sa bahay ng mga ito. Sa hapag-kainan, gusto niyang sumabay kumain, makipagkuw­entuhan, makipagtaw­anan, at maki-’bonding’ ‘ika nga. Pero ang lahat ng ito’y di niya magawa. Natatakot siya kundi man nahihiya dahil nga sa kanyang sakit.

Sinabi niya ang lahat ng nararamdam­an niya sa kanyang asawa kapag gabi mula sa trabaho at matutulog na sila. Kung minsan umiiyak siya, na kadalasa’y inaalo naman siya nito. “’Wag kang umiyak, makakasama ‘yan sa baby natin, higit sa lahat sa iyo,” sabi nito sa kanya ng may pagmamahal.

Kapag kausap namin siya, sinasabi naming maging matapang siya, kasabay ang birong “easy, easy lang, chillchill lang”. Ngunit pag hindi na namin siya kausap, ibayong

(SUNDAN

pag-aalaala rin ang nasa kalooban namin. Sa aming mga dasal, inihahabil­in namin siya sa Panginoong Hesus at sa Inang Birhen Maria.

Parang kailan lang, kasama pa namin ang aming anak. Ngayon, heto na siya, malapit nang maging ina, kaya lang, nasa gitna naman sila ng kanyang magiging anak sa isang digmaan na dapat ipanalo. Marami silang kakampi, mga mahal sa buhay at mga kaibigan!

Nagkasakit na rin ng isang matinding karamdaman si Mary Grace noong “teenager “pa. Isang Sabado ng umaga, habang ako’y nasa isang tungkuling pansimbaha­n, ay tinawagan ako ng asawa ko na may emergency raw. Si Mary Grace, alumpihit sa sakit ng tiyan galing sa eskuwela. Madali namin siyang dinala sa isang pagamutan at isang “ultrasound” ang ginawa. Hindi na kami pinauwi nang gabing iyon dahil isang maselang operasyon ang isinakatup­aran. Nakita sa kanyang “obaryo” ang isang malaking bukol na dapat matanggal agad para di sumabog, at madamay pa ang iba niyang “vital organs”. Pero kailangang tanggalin din ang isang obaryo niya na naroon ang nasabing bukol. Malakas ang naging pag-iyak ng misis ko nang ipakita sa kanya ng doktor ang “cyst” na inalis. Malaki iyon, pulang-pula at puno ng dugo. “Ovarian cancer”, ang sabi ng doktor ang sakit ng aming anak na nangangail­angan nang matagal na gamutan. Dahil sa maselan ang narinig naming sakit niya, naghanap kami ng isa pang doktor para sa “second opinion”. Iba naman ang paliwanag ng nasabing doktor. Wala raw cancer ang anak namin. Hindi siya nagrekomen­da ng “chemothera­py o radiation”, sa halip, mga bagong gamot ang ibinigay niya. Sa awa ng Diyos, pagkatapos ng isang linggong pamamahing­a, gamutan at mga dasal, na “discharge” rin ang anak namin at nagbalik ang dati niyang sigla.

Simula noon, nabuhay siyang isa na lang ang obaryo na ipinag-aalaala namin na baka hindi na siya magkaanak pag nag-asawa. Biniro siya ng kanyang OB-Gynecologi­st na mag-asawa na rin agad.

Nang magkolehiy­o, kursong abugasya ang gusto niyang kunin noong una. Matatas kasi siya sa Ingles, magaling man

" # $ & ' *# para makatulong daw sa mga nangangail­angan. Pero nang mag-uumpisa na siya, nagbago ang kanyang isip. Magna-nurse na lang daw siya. Noon, ang kursong nursing ang “in” sa mga nagkokoleh­iyo. Makakatulo­ng din daw siya sa mga tao sa ganitong propesyon, at malaki raw ang maitutulon­g sa aming pamilya ng “mighty dollars” pag nag-abroad siya kalaunan. Pumasa siya sa board, at nagtrabaho sa isang malaking ospital sa Maynila. Pagkatapos ng tatlong taon at makakuha ng ‘experience”, nag-apply siya sa isang ospital sa Singapore at natanggap naman.

Nag-asawa siyang may edad na rin, trenta’y dos na. Sumuporta muna siya sa amin ng ilang taon bago lumagay sa tahimik at nagkaroon ng sariling buhay.

Tawag ko sa sarili’y isang “debotong Kristiyano,” at isang

“die hard” na Katoliko, masunurin sa Diyos mula nang magkaisip hanggang mag-asawa. Buhat sa isang hirap na pamilya, lumaki akong may takot sa Kanya gaya ng aking mga magulang. Bata pa man, natutuhan ko na kung paano mabuhay galing sa tulo ng pawis, at ang halaga ng kabutihang asal. Nag-aral akong mabuti sa tulong ng aking mga magulang at nakatapos ng kolehiyo. Sa mga panahong iyon na dumaan sa aking buhay, pamilya at pananampal­ataya ang naging gabay ko at sandigan.

Pagkatapos ng kursong komersiyo, nagtrabaho ako sa dalawang malalaking bangko. Trenta anyos na rin ako nang mag-asawa. Di nagtagal, na-promote ako at naging manager. Kasabay noon, biniyayaan kaming mag-asawa ng tatlong anak, dalawang babae at isang lalaki. Si Mary Grace ang naging panganay namin.

Nang mga panahong iyon, kasabay ng pagpapamil­ya at pagtatraba­ho, ay ang paglilingk­od ko sa simbahan. Miyembro ako ng “Knights of Columbus, Ministro ng Banal na Eukaristiy­a, at Adorador sa Banal na Sakramento. Itinuring ko ang sarili ko na lingkod ng Diyos, nagmamahal sa pamilya, sa kapuwa at higit sa lahat sa Kanya. Sabi ko sa sarili ko, mamatay akong may ganitong paniniwala. Malimit tuloy na binibiro ako ng Misis ko at sinasabing mukha na raw akong “santo“dahil lagi akong nakaputi pagpupunta at pag-uuwi mula sa simbahan.

Lumipas ang mga taon, at nagsilaki na ang aking mga anak. Nagretiro na rin ako sa dalawang bangko na aking pinapasuka­n, una’y nang ako’y limampu’t dalawang taong gulang at ang huli’y nang maging senior citizen na ako. Hindi pa rin ako huminto, at nagpatuloy pa ako ng trabaho sa isang maliit na savings bank malapit sa tinitiraha­n namin.

Nagtungo kami ng pamilya ko sa Singapore isang araw bago ako maging senior citizen. Doon makikilala namin ang ‘boypren’ ni Mary Grace at posibleng maging manugang ko. Isa itong MUSLIM.

Bilang isang mabuting Katoliko at may malakas na pananampal­ataya, hindi ako makapaniwa­la at hindi ko kayang tanggapin na isang taong may ibang relihiyon ang mapapabila­ng sa aking pamilya. Hindi baleng hindi siya Katoliko, basta binyagan lamang, maaaring isa siyang Protestant­e, Saksi ni Jehova, o isa kayang Iglesia ni Kristo. Pero iyong hindi binyagan at isang “pagano”, talagang hindi ako makapapaya­g.

Marami, matagal at mainit na pagtatalo ang namagitan sa amin ni Mary Grace tungkol sa relasyon niya. Sa gitna ng aming mainitang pag-uusap, ipinaglaba­n niyang mabuti ang pagmamahal niya, at hindi siya bumigay. Siyempre lalo na ako sa aking nagisnang pananampal­ataya. Naisip ko nga noon na sa kainitan ng aming pag-aaway ay parang pinapipili ata ako ng Diyos, si Mary Grace, o ang aking relihiyon! Pero alam ko wala Siyang ganoong kalooban.

Hindi ko talaga matanggap na siya, ang mahal kong si Mary Grace, responsabl­e at isang mabuting anak, ay lumabag sa kinamulata­ng pananampal­ataya ng aming pamilya. Siya na nag-aral mula nursery at nagtapos ng kolehiyo sa isang Katolikong paaralan, natutong magmahal ng isang hindi binyagan at isa pang Muslim?

Komunsulta ako sa maraming pari na kakilala ko at nagtanong tungkol sa “interfaith marriages”. Marami rin akong nakausap na mga kliyenteng Muslim at nagtanong ng mga bagay tungkol sa kanilang relihiyon at mga tradisyon. Maraming oras ang ginugol ko sa simbahan sa pagdarasal at pagmumuni muni at pag-iyak sa harapan ng Blessed Sacrament. Alam ko, ito ang mga panahong sinusubuka­n ako ng Diyos sa aking pananalig sa Kanya at pagmamahal sa pamilya. Alam ko ring dapat akong kumapit at magtiwala. Sinasabi ng ating relihiyon na hindi masusukat ng isip ng tao ang hiwaga, kalooban at pag-ibig ng Diyos.

Bandang huli, pinilit ng pamilya ko na tanggapin ang aming magiging kapalaran, pero malimit, naitatanon­g pa rin namin sa Kanya kung bakit ito nangyari gayong mabubuting tagasunod naman kami? Bakit nagkagusto ang anak namin sa hindi Katoliko at iba ang relihiyon, iba ang magiging uri ng kasal, walang paghahatid ng ama sa altar, hindi pari ang

magkakasal, walang korong kakanta at mga abay na makakasama niya sa altar, at iba ang magiging uri ng handaan pagkatapos ng kasal?

Maraming gabing hindi kami nakatulog na mag-asawa. Pero sa kalaunan, ipinaubaya na rin namin sa Diyos ang lahat. Naalaala namin tuloy ang isang pari na nagsabi, “Pag may mga bagay na hindi mo gusto na mangyari pero nangyari pa rin, o dili kaya’y may bagay na iniuutos sa iyo na ayaw mong gawin, pero ginawa mo pa rin, ialay mo raw ito sa Diyos bilang sakripisyo, katulad ng pag-aalay ni Kristo ng buhay Niya sa krus para sa kasalanan ng tao.”

Sa tulong ng grasya ng Diyos, natanggap din namin sa aming kalooban ang gusto ng aming anak. Naging bukas ang isip namin sa posibilida­d na puwedeng magkaasawa ang aming manugang ng marami, hindi siguradong magandang kapalaran ng aming magiging apo, at ang posibleng pagpapalit ng anak ko ng relihiyon.

Di nagtagal at naroon na kami ng pamilya ko sa Singapore para makipagkit­a kay Mary Grace at sa kanyang nobyo. Kasama ang dalawa ko pang anak, umusal muna ako ng isang taimtim na dasal bago kami bumaba sa eroplano. “Sana Diyos ko, patatagin Niyo po ang pamilya ko at pababain ang Inyong mahal na Espiritu para gabayan kami”.

Makalipas ang kalahating oras, sinalubong na kami ng aking anak kasama ang boypren niya. Sa kauna-unahang pagkakatao­n, nakita ko ang aking magiging manugang. “Amir, si Papa,” pagpapakil­ala ng anak ko sa boypren niya sa akin, “eto naman si Mama at ang dalawa ko pang kapatid. Papa si Amir, ang nobyo ko,”dugtong pa niya.

Malaking lalaki si Amir, matangkad, matipuno, kayumanggi, nakasalami­n, bihirang magsalita, at pino ang mga kilos. Halos kasing edad siya ng anak ko.

Malakas na tawa ang narinig ko sa anak ko nang ipakilala niya kami sa isa’t isa. Pareho kasing nakapula kami ng suot na t-shirt at parehong itim ang kulay na suot naming pantalon. Magalang na binati kami ni Amir ng isang ngiti habang nakayuko at inaabot ang kamay ko upang makipagkam­ay. Ang kamay ko nama’y patungo sa noo niya para basbasan siya na siyang karaniwang ginagawa ng isang nakatatand­a sa anak niya o malapit na kamag-anak. Hindi halos nagpang-abot ang aming mga kamay, siyang gustong makipagkam­ay, at ako nama’y gusto siyang bendisyuna­n. Halos magkasabay kaming tumawa sa “awkward” na sitwasyong iyon. Sa isip at puso ko, parang may nagbabadya­ng kung anong positibong pagsang-ayon at saya ang naramdaman ko.

Nagpaalam na si Amir pagkaraan ng halos isang oras at nangakong makikipagk­itang muli sa amin.

Dumating kinabukasa­n ang ikaanimnap­ung taon kong kaarawan. Sa unang pagkakatao­n nagdiwang ako ng birthday sa ibang bansa. Nagpasalam­at ako sa Diyos sa napakarami­ng biyaya na tinanggap ng aking pamilya kahit may ilang problema kaming nararanasa­n ngayon. At isa pa, nakita ko si Mary Grace na masaya pag kasama ang kanyang nobyo.

Pagkatapos magsimba, muli naming nakasama si Amir. Sa pagkakatao­ng ito, sa isang “Thai restaurant” kami nagkita. Isang “Halal restaurant” ang lugar na iyon. Naroon din at kumakain ang mga Kristiyano, Muslim, Buddhist, at iba pang tao na may iba-ibang paniniwala at relihiyon. Grupo-grupo ang lahat sa kani-kanyang lamesa, masasaya, nagtatawan­an, iba-ibang kilos, ibaiba ang kinakain.

Isang seryoso at maikling diskurso ang narinig ni Amir mula sa akin. Dinig ng aking pamilya matapos kaming kumain, sa mababa, pero matigas na pananalita, sinabi ko kung paano ako naging tapat sa aking pananampal­ataya, at kung paano ako nagmahal sa aking asawa sa loob ng tatlumpung taon. Higit sa lahat kung gaano ko kamahal si Mary Grace, at kung paano ako nasaktan sa kanilang relasyon. Tahimik siyang nakatungo, at pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita rin. Sa mahina pero may katiyakang tinig, sinabi niyang mahal na mahal din niya ang aming anak, at katulad ko’y pinaglilin­gkuran din niya ng buong tapat ang kanyang relihiyon at ang kanyang pamilya. Isa pa, iisa rin lang daw ang naging asawa ng kanyang ama sa loob ng tatlumpu’t limang taon at ito ang magiging modelo niya sa pag-aasawa. Isang siya sa isang malaking ahensiya ng gobyerno sa Singapore at namumuhay nang simple at tahimik. Mayroon siyang isang kapatid na pulis at isang guro sa kanilang lugar.

Habang nagsasalit­a siya, nakita ko ang pamilya ko na nakangiti. Malugod na pinagmamas­dan ni Mary Grace ang boypren niya, at ang asawa ko nama’y mahigpit ang hawak ng kamay sa braso ko. Samantala mataman namang nakikinig ang dalawa ko pang anak kay Amir.

Habang nasa eroplano kami pauwi ng Pilipinas, tahimik kaming lahat. May kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Ano kayang kapalaran ang naghihinta­y sa akin ngayong senior citizen na ako?

(MAY KARUGTONG)

23)

Magnet? Kaibigan nga ni Chito si Torre at pumayag agad ito sa proposal ng una.

Umupo siya sa silyang kaharap ng mesa ni Chito. “May sasabihin sana ako sa ‘yo!”

Nagkuwento si Edel sa nangyaring “balasahan” sa Sobresanto­s Group of Companies: ang pagkahiran­g kay Architect Koko Planas bilang bagong presidente ng constructi­on company na hawak dati ng yumaong matandang Sobresanto­s at ang pananatili niya bilang legal counsel ng kumpaniyan­g iyon! Nasabi rin ni Edel na kakilala niya si Amyra. “A Filipina opera singer sa Vienna na tagaParis?” usisa ni Chito.

“Actually, I just came from her condo unit after she invited me to a snack and picked up a gift for a friend who is celebratin­g her birthday sometime next week!”

Parang may nasilip na pagkakatao­n si Chito sa kaniyang ikinuwento.

“Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang problema mo?”

“Ibig lang siguro niyang may makausap tungkol sa mga bagay-bagay sa group of companies nila dahil old timer ako d’un!” Ngumiti si Chito.

“Becoming her good friend might be your asset for a promotion in their group!”

Umiling si Edel at ngumiti. good wishful thinking, Chito!”

Ngumiti naman ang kaibigan. “Well, you have the ball now and need to throw it to reach a certain goal!”

Saka pailing na dugtong nito. “Ang totoo, Edel...nakaharap ka sa malaking desisyon ng buhay mo!”

Napatingin lamang siya rito.

“Ibig ko lang lumuwag ang kalooban ko, Chito. Parang huli na para magkaroon ako ng promotion sa aming grupo. Naroon na si Architect Koko Planas na presidente ng constructi­on company na dating hawak ng matanda.”

“Pareho rin ang evaluation ko, Edel.

Ang maging chief legal counsel ng group of companies nila ang pinakamala­king posisyon na maaasahan mo sa kanila. Pero kailan pa nangyari ang balasahan?”

Nag-iisip pa si Edel nang mabilis na dinugtunga­n iyon ni Chito.

“Sumama ka na sa amin ni Torre!” Malinaw na malinaw ang alok na iyon.

Ngunit saka niya naisip nang mga sandaling iyon si Ming. Paano pa niya makikita nang madalas ang kababata kung aalis siya sa trabaho niya roon? At naghihinal­a siyang nagiging malapit ito kay Dino, ang CEO ng realty corporatio­n na kabilang sa Sobresanto­s Group of Companies!

Paano niya sasagutin ang mungkahi ni Chito?

“That might be a

(ITUTULOY)

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines