The Manila Times

Ang pagtatapos

- ANA LYCEUM OF THE PHILIPPINE­S UNIVERSITY

Sabi mo sa’kin mahal mo ako Pero bakit may katapusan? Mga salitang binitawan mo Mayroon palang hangganan

Sabi mo sa’kin ako’y iyong mahal Mahal na mahal mo ng sobra Na walang titibag ‘pagkat sintigas ng bakal Ngunit, nalimutan ko na ito’y nangangala­wang pala

Siguro nga sinabi mo lang ‘yun Naramdaman ko na totoo Kaso nalaman ko na may dulo pala ang lahat Kaya baka hanggang dito nalang ang ating relasyon

Papalayain na kita, kung saan ka mas liligaya Baka kasi hindi na ‘ko sapat sayo Hindi sapat na mahal kita Kaya sana sa paglaya mo, hanapin mo ang bubuo sayo

Kahit na alam kong baka hindi ako Nagbabakas­ali pa din na baka ako nga Kaso mukhang malabo Dahil iba ako, iba ka

Basta tandaan mo na mahal na mahal kita

Newspapers in English

Newspapers from Philippines