Palawan Daily News

PLASTIK AT BOTE HINDI NA MAGIGING PROBLEMA SA BROOKE’S POINT, PALAWAN

- Ni Orlan Jabagat / PIA

nabibigyan ng long lasting insecticid­e-net atsaka ang mga lugar na ito ay kasama sa mga may matataas na kaso ng dengue,” tinuran ni Racho.

Bilang bahagi ng programa nasagawa rin ng “puppet road show” ang Puppet Theater ng Philippine Informatio­n Agency (PIA) na naglalayon­g mapukaw ang kamalayan ng mga estudyante at mag-aaral sa mga inilalatag na estratehiy­a ng DOH.

Nakatuon ang kampanya sa estratehiy­ang 4S (search and destroy mosquito breeding places, secure self-protection, seek early consultati­on, and support misting/spraying only in hotspot areas where an increase in dengue cases is registered for two consecutiv­e weeks to prevent an impending outbreak).

Samantala, base sa talaan ng DOH, sa buong rehiyong Mimaropa, nangunguna ang Puerto Princesa sa may pinakamata­as na kaso ng dengue na pumalo sa 1,032. (LBD/PIAMIMAROP­APalawan)

Hindi na magiging problema ng bayan ng Brooke’s Point ang mga basurang plastik, bote at iba pang basura tulad ng papel, dahil maaari na nila itong ma-recycle sa ibang bagay.

Ayon kay Mayor Maryjean D. Feliciano, dumating na ang ilang mga makinarya o equipment na makatutulo­ng sa kanilang Green Park sa pag-recycle ng kanilang mga basura sa kapaki-pakinabang na bagay. Ang nasabing mga kagamitan ay ang Plastic Shredder, Glass Pulverizer, Mixer at Hollow Block Moulder.

Ang plastic shredder ay magagamit sa pagdurog ng mga plastic sa maliit na bahagi at ang glass pulverizer naman ang dudurog sa mga bote upang maging pino ito na maaaari nang ihalo sa buhangin at graba sa paggawa ng hollow blocks o kaya bricks.

Mayroon na ring cement mixer at hollow block moulder upang makompleto na ang produksiyo­n ng hollow blocks at bricks. Ang mga produktong ito ay planong ipagbili ng pamahalaan­g lokal sa mga residente na nangangail­angan nito sa pagtatayo ng mga bahay sa murang halaga.

Dagdag pa ni Mayor Feliciano, ang mga basurang papel naman at karton ay ginagawang charcoal bricks o uling na magagamit sa pagluto. Mas matipid aniya ito kumapara sa paggamit ng uling mula sa kahoy o bao ng niyog at gas.

Sa Green Park din ng munisipyo ginagawa ang charcoal bricks sa pamamagita­n ng pagbabad ng mga basurang papel at karton sa tubig at kapag malampot na ito ay ihuhulma ito sa kanilang hulmahan at patutuyuin ng ilang araw at kapag natuyo na ay maaari na itong gamitin.

Matatagpua­n din sa parke ang Material Recovery Facility (MRF) ng Brooke’s Point kung saan dito inilalagak ang mga basurang maaari pang pakinabang­an at i-recycle. Ani Mayor Felciano, malaki ang naitutulon­g nitong Green Park upang mabawasan ang mga basurang dinadala sa landfill.

Mayroon din itong composting facilities upang makapag-prodyus naman ng organic fertilizer na magagamit pampataba sa mga pananim.

Sinabi pa ni Mayor Feliciano na ilan lamang ito sa mga hakbang na ipinatutup­ad ng kanyang administra­syon bilang pagtalima sa Republic Act 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”. (OCJ/PIAMIMAROP­A, Palawan)

 ??  ??
 ??  ?? Ang plastic shredder ng Bayan ng Brooke’s Point ay ilan lamang sa mga kagamitang makakatulo­ng sa pagdurong ng mga plastic na basura upang magamit sa ibang bagay. (Larawan mula sa Brooke’s Point MIO Romeo Tan)
Ang plastic shredder ng Bayan ng Brooke’s Point ay ilan lamang sa mga kagamitang makakatulo­ng sa pagdurong ng mga plastic na basura upang magamit sa ibang bagay. (Larawan mula sa Brooke’s Point MIO Romeo Tan)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines