Palawan Daily News

Padyak para sa Kalikasan, ikatlong beses nang isinagawa sa Palawan

- Ni Orlan C. Jabagat / PIA (OCJ/PIAMIMAROP­A, Palawan)

Muling isinagawa sa lungsod ang Padyak para sa Kalikasan kamakailan.

Layon nito na maipabatid sa mga tao ang malaking epekto ng pababago-bagong klima o climate change gayundin ang masamang dulot ng pagtatapon ng basura tulad ng mga plastik.

Ito na ang ikatlong pagkakatao­n na isinagawa sa lungsod ang Padyak para sa Kalikasan na inorganisa ng European Union Delegation to the Philippine­s katuwang ang Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Palawan, Palawan Tourism Council, Junior Chambers Internatio­nal (JCI) Oil at Junior Chambers Internatio­nal (JCI) Peacock o mas kilala sa Oil at Peacock Jaycees.

Umabot sa 215 siklista mula sa iba’t-ibang grupo at organisasy­on ng mga siklista ang lumahok sa padyak. Tinahak ng mga ito ang 74.8 km daan mula sa Robinsons Place-Palawan, Bgy. San Manuel hanggang sa Sheridan Beach Resort, Sitio Sabang, Bgy. Cabayugan, lungsod ng Puerto Princesa.

Upang mahikayat ang mga mamamayan sa lungsod at lalawigan ng Palawan na bawasan ang paggamit ng mga produkto na maaaaring makasama sa kalikasan, partikular na ang mga plastic na malaki ang ambag sa basura, ay gumamit ang mga siklista ng mga lagayan ng tubig na reusable bottles sa halip na plastic water containers.

Sa pamamagita­n din ng pagbibisik­leta ay nababawasa­n ang polusyon na dulot ng usok mula sa mga sasakyan.

Kabilang sa mga lumahok sa Padyak para sa Kalikasan ay ang Hungarian Ambassador na si Amb. Joszep Berzce at Thomas Wiersing, Charge d’ Affaires ng European Union Delegation to the Philippine­s.

 ??  ?? Umabot sa 215 siklista mula sa iba’t-ibang grupo at organisasy­on ng mga siklista ang lumahok sa Padyak para sa Kalikasan, may layunin na maipabatid sa mga tao ang malaking epekto ng pababagoba­gong klima o climate change, gayundin ang masamang dulot ng pagtatapon ng basura tulad ng mga plastik.
Umabot sa 215 siklista mula sa iba’t-ibang grupo at organisasy­on ng mga siklista ang lumahok sa Padyak para sa Kalikasan, may layunin na maipabatid sa mga tao ang malaking epekto ng pababagoba­gong klima o climate change, gayundin ang masamang dulot ng pagtatapon ng basura tulad ng mga plastik.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines