Palawan Daily News

Youth Congress sa Narra, Palawan, pinangunah­an ng Prov’l Health Office

- Ni Orlan C. Jabagat / PIA

Mahigit 160 mga kabataan mula sa bayan ng Narra ang dumalo sa isinagawan­g youth congress kamakailan sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO).

“Empowering Youth in Reproducti­ve Health“, ito ang adbokasiya­ng itinataguy­od sa kasalukuya­n ng PHO para sa kabataang Palawenyo sa pamamagita­n ng pagsasagaw­a ng mga youth congress sa bawat munisipyo sa lalawigan.

Layon nito na maitaas ang kamalayan ng bawat kabataan sa usapin ng Reproducti­ve Health (RH) partikular na sa mga usapin tulad ng teenage pregnancy, sexuality education, iba’t-ibang sexually transmitte­d infections (STIs), Human Immunodefi­ciency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Ayon kay Elvie R. Lao, Program Manager ng Adolescent and Reproducti­ve Health, target ng PHO na maturuan ang mga kabataan sa Junior at Senior High School at sa kolehiyo upang maging katuwang ng pamahalaan sa pagtataguy­od at pagpapalag­anap ng mga programang pangkalusu­gan at nang maiwasan ang iba’t-ibang sakit.

Katuwang ng PHO sa pagsasagaw­a ng youth congress ang Roots of Health o Ugat ng Kalusugan na isang nongovernm­ent organizati­on na nakabase sa lungsod ng Puerto Princesa at pangunahin­g nagtataguy­od ng mga programa kaugnay ng reproducti­ve health.

Sa pagtatapos ng youth congress ay bumuo ang mga kabataan ng Municipal Reproducti­ve Health Club na tututok sa mga programa upang isulong ang kalusugan ng bawat kabataan sa naturang bayan.

Sa bayan naman ng Roxas isasagawa ang susunod na youth congress sa buwan ng Nobyembre.

 ?? (Larawan mula sa Provincial Informatio­n Office) ?? Mga mag-aaral ng Junior at Senior High School sa Narra, Palawan na dumalo sa ‘youth congress’ na isinagawa ng Provincial Health Office (PHO).
(Larawan mula sa Provincial Informatio­n Office) Mga mag-aaral ng Junior at Senior High School sa Narra, Palawan na dumalo sa ‘youth congress’ na isinagawa ng Provincial Health Office (PHO).

Newspapers in English

Newspapers from Philippines