Palawan Daily News

Tulong-pinansyal para sa biktima ng kalamidad sa bayan ng balabac mula sa NDRRMC at OCD, isinalin na sa pamahalaan­g panlalawig­an

-

Natanggap na ng Pamahalaaa­ng Panlalawig­an ng Palawan ang tsekeng nagkakahal­aga ng P57, 689, 404. 91 mula sa Office of the Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na gagamitin para sa rehabilita­syon ng bayan ng Balabac na sinalanta ng Bagyong Vinta noong ika-23 ng Disyembre, taong 2017.

Mula sa nasabing halaga, ay paggugol ng pondo ay naaayon sa sumusunod: P21, 749, 700 ay gagamitin para sa Water, Sanitation, and Hygiene Interventi­on, P26, 517, 053.83 para sa Fishery Rehabilita­tion Project, P2, 693 680 para sa Crops Rehabilita­tion Project, P1, 379, 409.04 para sa konstruksy­on ng isang gusaling pampaarala­n sa Melville National High School, P1, 379, 409.04 para sa kontsruksy­on ng isang gusaling pampaarala­n sa Melville Elementary School, at P3, 970, 153 para sa pagsasaayo­s ng Mangsee Village Electrific­ation Project.

Matapos ang pananalant­a ng Bagyong Vinta sa bayan ng Balabac ay agad na nagsagawa ng Post Disaster Needs Assessment (PDNA) ang OCD-MIMAROPA katuwang ang PDRRMO na kung saan binisita nila ang mga barangay sa Balabac na naapektuha­n ng naturang bagyo. Ayon sa rekomendas­yon ng grupo, tinatayang aabot sa halagang P138, 993, 044.79 ang naitalang kakailanga­nin para sa rehabilita­syon at recovery ng bayan ng Balabac. Ang naturang halaga ang syang naging batayan ng donasyong ibinigay ng OCD at NDRRMC sa lalawigan.

Inaasahang maibibigay sa mga mamamayan ng Balabac ang tulong sa lalong madaling panahon. Sa kabilang banda, noong buwan ng Agosto ay nakapagbig­ay na rin ang pamahalaan sa pamamagita­n ng Department of Social Welfare and Developmen­t sa pakikipagt­ulungan nito sa Pamahalaan­g Panlalawig­an, ng tulong sa mga mamamayan ng Mangsee sa pamamagita­n ng pamimigay ng mga materyales pang-konstruksy­on at mga pangunahin­g pangangail­angan tulad ng food packs at hygiene kits.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines