Palawan News

DOH-Mimaropa, hinikayat ang LGUs na magtayo ng drug recovery clinic

- Ni Alexa Amparo

Pang pagsusulon­g ng Department of Health ( DOH) na magkaroon ng communityb­ased recovery clinic (CBRC) ang bawat lokal na pamahalaan sa buong rehiyong Mimaropa. Sa pasilidad gagawin ang programa ng pamalahaan sa pagsasaila­lim sa gamutan at pagpapanum­balik sa normal na pamumuhay ng mga indibiduwa­l na nalulong sa ilegal na droga matapos na sumuko ang mga ito sa mga awtoridad. Ayon kay Dr. Ma. Vilma Diez, assistant regional director ng DOH-Mimaropa, isinasaila­lim muna sa pagsusuri ang mga pasyente upang matukoy ang nararapat na gamutang gagawin sa mga ito. Aniya, ang 90 porsiyento­ng kabilang sa kategoryan­g bahagyang nalulong (mild) ay isasailali­m sa community-based recovery, at ipapasok naman sa recovery clinic ang katamtaman lamang ang pagkalulon­g na mayroong 6-11% sa rehiyon. “Importante ang pagkakaroo­n ng recovery clinic kasi nagiging sustainabl­e ang programa, ang recovery clinics kasi mga profession­al doctors ang nandyan, psychologi­st, psychiatri­st, social workers, nurses at tested na po ito, iyon namang community-based, mga volunteers lang po ang nandito, ”paliwanag ni Diez sa press conference noong Miyerkules. Ayon sa opisyal, mayroong sinusunod ang programa na matrix intensive outpatient program na binuo ang DOH kung saan sa unang bahagi ay biological ang pamamaraan, gagamutin ang sakit ng mga ito; psychologi­cal; social, kung saan titingnan kung mayroong problemang ligal ang pasyente; maging ang aspetong ispirituwa­l. Upang matiyak na magiging epektibo ang programa, kasama rin sa group counseling ang pamilya ng pasyente. Habang sumasailal­im sa gamutan ang pasyente na may katamtaman­g pagkalulon­g sa droga, maaari itong magpatuloy sa kaniyang karaniwang hanapbuhay. Sa rehabilita­tion center naman kinakailan­gang ipasok ang isang porsiyento ng may malala nang pagkalulon­g sa droga. Pagdating sa nasabing pasilidad, isang rehab center lamang ang kakailanga­ning maipatayo sa isang rehiyon, at sa plano ng DOH ay ilalagay ito sa bayan ng Bansul, Oriental Mindoro sapagkat may inialok nang lugar ang lokal na pamahalaan para sa proyekto. Sa Palawan, mayroon nang community enhancemen­t and livelihood project (CELP) ang provincial government na pasado sa DOH upang maging modelong programa. Sa Mimaropa, tanging ang Oriental Mindoro ang nakapagpat­ayo na ng recovery clinic na sinisimula­n nang pinatatakb­o sa kasalukuya­n ng lokal na pamahalaan. (AJA/ PDN)

 ?? Larawang kuha ni Sev Borda III/PDN ?? Humarap sa press conference sina Department of Health( DOH)- Mimaropa Assistant Regional Director, Dr. Vilma Diez (2nd from the left) at Dr. Ivanhoe Escartin(3rd from the right), National Program Manager ng DOH Developmen­t Academy ang Community- Based Drug Recovery Program ng kagawaran.
Larawang kuha ni Sev Borda III/PDN Humarap sa press conference sina Department of Health( DOH)- Mimaropa Assistant Regional Director, Dr. Vilma Diez (2nd from the left) at Dr. Ivanhoe Escartin(3rd from the right), National Program Manager ng DOH Developmen­t Academy ang Community- Based Drug Recovery Program ng kagawaran.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines