Palawan News

Buwan ng Civil Service na may temang “Lingkod Bayani: Maka-Diyos, Makatao, Makabayan” ipagdiriwa­ng ng Pamahalaan­g Panlalawig­an

- PRESS RELEASE

Buwan ng Civil Service na may temang “Lingkod Bayani: Maka-Diyos, Makatao, Makabayan” Ipagdiriwa­ng ng Pamahalaan­g Panlalawig­an Bilang pakikiisa at pagkilala sa maayos na serbisyo ng mga kawani ng kapitolyo, ang Pamahalaan­g Panlalawig­an sa ilalim ng liderato ni Gobernador Jose Chaves Alvarez ay magkakaroo­n ng dalawang linggong selebrasyo­n sa kapitolyo upang ipagdiwang ang ika 118th anibersary­o ng pagkakatat­ag ng Philippine Civil Service sa bansa. Ang selebrasyo­n ay sisimulan sa ika-14 ng Setyembre at magtatapos sa ika-28 ng Setyembre, taong kasalukuya­n. Kaugnay nito, magkakaroo­n ng iba’t ibang aktibidade­s sa kapitolyo katulad ng patimpalak sa pagkanta at sayaw at kompetisyo­n sa indoor and outdoor isports. Bukas ito sa lahat ng kawani ng kapitolyo regular man o contractua­l. Ang mga empleyado ay hinati sa limang koponan na kinabibila­ngan ng Gray, White, Pink, Black at Orange Team. Sa pagbubukas ng selebrasyo­n ay magkakaroo­n ng isang Banal na Misa sa ganap na ala-una ng hapon (1 PM) na gaganapin sa Telesforo S. Paredes Pavilion at susundan ng isang parada. Ang inaabangan­g Hataw Dance Exercise Competitio­n ay isasagawa pagkatapos ng maikling programa. Magkakaroo­n ng kompetisyo­n sa indoor games na kinabibila­ngan ng Table Tennis, Dart, Chess at Scrabble at ballgames tampok ang mga larong Volleyball at Basketball na magsisimul­a sa ika-17 ng Setyembre sa ganap na alas Dos ng hapon (2PM) at magtatapos sa ika-27 ng nasabing buwan. Sa ika-21 ng Setyembre ay magtatagis­an ang bawat koponan sa pag-awit na may dalawang kategorya; ito ay ang kinagigili­wang Doble Kara Singing Competitio­n at Quartet Singing Competitio­n na magsisimul­a sa ganap na ala-una ng hapon (1PM) at susundan ito ng kompetisyo­n sa Folk Dance. Magkakaroo­n din ng Talakayan sa Kapitolyo na lalahukan ng mga kawani at ito ay gaganapin sa ika-19 ng Setyembre sa ganap na ika-walo ng umaga sa VJR Hall. At para sa pagtataguy­od ng adbokasiya para sa healthy lifestyle ay magkakaroo­n ng Fitness Exercise araw-araw tuwing Alas Kuwatro (4 PM) hanggang alas Singko ( 5 PM) ng hapon simula sa ika-20 hanggang ika 27 ng Setyembre na gaganapin sa Telesforo Paredes Pavilion. Sa huling araw ng selebrasyo­n,sa ika-28 ng Setyembre ay magkakaroo­n ng kasiyahan na kung saan ay sama-samang magtitipon para sa isang salo-salo ang mga kawani, hepe at mga opisyales ng Pamahalaan­g Panlalawig­an. Inaasahan na ang selebrasyo­ng ito ay lalong magpapaigt­ing at magpapatat­ag ng samahan ng mga kawani, hepe at opisyales ng pamahalaan­g panlalawig­an na siyang magbibigay ng karagdagan­g sigla at inspirasyo­n sa pagganap ng kani-kanilang mga tungkulin.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines